Paglusot sa Mahigpit na Pagkakubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)

Mayo 8, 2018

Ni Zhao Gang, Tsina

Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang nasabi ng Kapatid na Guan nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa panghihina na aking naramdaman at tungkol sa pagkaunawa na kaaabot ko lamang. Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: “Salamat sa Diyos! Ito ay gayong kadalisay na pagkaunawa, at ito ay ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos!” Nalilitong nagtanong ang aking asawa, “Yamang hindi kami naliligaw, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon? Siya ay isang pangunahing pinuno na naniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon!” Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: “Gusto lang niya tayong bumalik sa ating dating iglesia!” Ngumiti si Kapatid na Zhang at sinabing, “Ngayon mismo, ang tanging nakikita natin ay ang kanilang panlabas na anyo, nguni’t hindi pa tayo tumitingin sa diwa ng kanilang kalikasan! Minsan ay sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal(Mateo 23:27). Kung titingnan ang kanilang panlabas na anyo, ang mga Fariseo ay napakatapat sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Sa isip ng mga tao, ang mga Fariseo ay mga taos-pusong mga lingkod ng Diyos, at sila ang mga pinaka-mapagkakatiwalaan sa mga relihiyosong pinuno. Nguni’t nang dumating ang Panginoong Jesus upang isakatuparan ang Kanyang gawain, ang likas na kalikasan ng Fariseo na paglaban sa Diyos ay nahayag. Ang mga Fariseong ito ang galit na galit na lumaban at humusga sa gawain ng Panginoong Jesus. Sila’y naghabi ng lahat ng uri ng mga sabí-sábí at nagbintang upang linlangin ang mga karaniwang tao. Sinabi nila na ang Panginoong Jesus ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, ang prinsipe ng mga demonyo. At nang muling nabuhay ang Panginoong Jesus tatlong araw pagkatapos Niyang maipako sa krus, sinuhulan nila ang mga sundalo upang magkalat ng mga bali-balita tungkol sa pagnanakaw ng mga disipulo sa katawan ng Panginoong Jesus, at marami pang iba. Naglubid ang mga Fariseo ng lahat ng uri ng mga kasinungalingan at ginamit ang lahat ng mga pandaraya na mayroon sila upang harangan ang mga tao mula sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang kanilang mithiin ay ang ipagbawal ang gawain ng Diyos upang makapangibabaw sila sa mga piniling tao ng Diyos magpakailanman. Kahit na mukha silang tapat sa panlabas, sa esensya sila ay mga anticristo na namumuhi sa katotohanan at tumatayong mga kaaway ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus nang inilantad at hinatulan Niya ang mga ito: ‘Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawala kayo sa kahatulan sa impiyerno?(Mateo 23:33). Kaya ngayon pag-isipan natin ang tungkol dito: Naiiba ba ang mga relihiyosong pinuno ng kasalukuyan mula sa mga Fariseo?” Pagkatapos ay ipinabasa sa akin ng mga kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Binigyan kami ng mga kapatid ng detalyadong pagbabahagi ayon sa mga salitang ito ng Diyos, hinihimay ang lahat ng mga kilos ng mga relihiyosong pinuno kasama ang diwa ng kanilang kalikasan, hanggang sa wakas ay aking napagtanto na paulit-ulit nilang ginagambala at hinahadlangan kami mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, at binabantaan pa at tinatakot kami, hindi upang protektahan kami, sa halip, ginawa nila ito upang sila ay makapangibabaw sa mga napiling tao ng Diyos, nang sa gayon ay sambahin at idambana namin sila na parang sila ay Diyos. Kaya sa katunayan, katulad din sila ng mga Fariseo. Silang lahat ay mga anticristo na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Dumating ang Diyos upang tayo ay iligtas, ngunit nag-iisip sila ng bawa’t posibleng paraan upang pigilan tayo mula sa pagtanggap sa gawain ng Diyos at pigilan tayo mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Hindi ba’t hinihila nila tayo pababa sa impiyerno sa paggawa nila nito? Tunay na masasama ang kanilang hangarin! Kung hindi dahil sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbubunyag ng diwa ng kung paano nilalabanan ng mga taong ito ang Diyos at nakikipag-away sa Diyos para sa tao, muntik na akong maniwala sa kanilang mga pandaraya, sinisira ang sarili kong pagkakataon na makamit ang tunay na kaligtasan. Basta na lamang, gulát na sinabi ng aking asawa: “Lumilitaw na narito sila upang tayo ay pinsalain! Talagang hindi titigil ang mga taong ito hanggang sa mahila nila tayo pababa sa impiyerno! Hindi na ako maniniwala pa sa kanilang mga sinasabi.”

Binasa naman sa amin ni Kapatid na Mu ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Pagkatapos ay nagsimulang magbahagi si Kapatid na Zhang: “Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos nakikita natin na, kahit na anong mangyari sa atin, bagaman sa panlabas ay tila gawa ito ng tao, sa katunayan si Satanas ito na nakikipagpustahan sa Diyos sa likod ng mga tagpo. Ito ay katulad lamang nang tinukso ni Satanas si Job. Sinabihan siya ng kanyang asawa na talikuran si Jehova, nguni’t nagawa ni Job na maaninag ang mga pandaraya ni Satanas. Siya ay umasa sa kanyang pananampalataya sa Diyos at siya ay tumayong patotoo para sa Diyos, at pinagsabihan ni Job ang kanyang asawa sa pagiging mangmang at babaeng matigas ang ulo. Ipinaaalam sa atin ng mga karanasan ni Job na, para sa lahat ng mga nais iligtas ng Diyos, laging nagmamadaling tutuksuhin at gagambalain sila ni Satanas at ilalabas ang lahat ng mga pandaraya na mayroon ito upang sila ay salakayin nang sa gayon ay kanilang talikdan at ipagkanulo ang Diyos, at sa kahuli-hulihan ay tuluyang mawala ang kanilang pagkakataon na makamit ang tunay na kaligtasan. Dahil nais ni Satanas na magpakailanmang kontrolin at lamunin ang tao, talagang hindi nito nais na makamit ng tao ang pagliligtas ng Diyos!” Ibinahagi rin ni Kapatid na Mu: “Ito ay totoo. Paulit-ulit na gumagamit si Satanas ng mga pinuno upang tayo ay salakayin at takutin, na may mithiing pilitin tayong itanggi ang Diyos, ipagkanulo ang Diyos, at talikuran ang tunay na daan. Ito ang pandaraya ng Satanas. Dapat nating malinaw na makita ang labanang ito na nangyayari sa espirituwal na mundo.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng dalawang kapatid na ito, pinag-isipan ko ang mga bagay-bagay sa ilang sandali, at sinabing: “Nakikipagpustahan pala si Satanas sa Diyos, at ito ay sa pamamagitan ng mga bagay-bagay na sinasabi ng mga pinuno na sinasalakay tayo ni Satanas kung saan tayo mahihina, at nais nitong talikuran natin ang tunay na daan at iwan ang Diyos dahil sa ating kaduwagan! Si Satanas ay tunay na taksil!” At sinabi rin ng aking asawa: “Tunay na kasuklam-suklam si Satanas! Kung hindi kami nakinig sa mga salita ng Diyos at sa inyong pagbabahagi, paano naman naming malalaman na ito ay isa sa mga pakánâ ni Satanas?” Sinabi ko na nagagalak: “Ngayon na ating nauunawaan ang mga bagay na ito, kailangan nating umasa sa Diyos upang lusutan ang mahigpit na pagkakubkob ni Satanas, tumayong saksi para sa Diyos, at ipahiya si Satanas sa pamamagitan ng ating praktikal na mga pagkilos!” Masaya namang sinabi ni Kapatid na Zhang: “Mga kapatid, mula ngayon tayo ay magsama-sama nang mas malimit upang magbahaginan tungkol sa salita ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan natin masasangkapan ang ating mga sarili ng mas marami ng katotohanan upang bukas-makalawa tayo ay magiging tiyak tungkol sa mga gawain ng Diyos sa mga huling araw at maglatag ng pundasyon sa tunay na daan, at hindi na tayo malilinlang ng lahat ng uri ng mga sabí-sábí at tahasang mga kasinungalingan ni Satanas.” Sinabi ko: “Mainam iyan! Mainam kung ikaw ay mas madalas na makakarating at makapagbabahagi sa amin.” Ngumiti si Kapatid na Mu at sinabi: “Kung gayon, iyan ang ating gagawin.”

Makalipas ang ilang araw maaga akong bumangon at tumingin sa labas ng aking bintana at nakita na may malaking pagbagsak ng niyebe, at hindi ko namalayan na pinagkikiskis ko na ang aking dalawang kamay. Pagkatapos, nagsuot ako ng sombrerong lana at mga guwantes na gawa sa bulak at nagpunta sa patyo upang walisin ang niyebe. Nang natapos ako ay bumalik ako sa loob at binuksan ang ibabaw ng kalan upang gatungan ang apoy habang ang aking asawa ay naglilinis ng bahay. Nang oras na iyon ay dumating ang nakatatandang kapatid na lalaki ng aking asawa at ang asawa nito, sa sandaling nakapasok na ang aking hipag, sinabi niya sa nababalisang tinig: “Pumunta rito si Pinunong Wang at ang Kamanggagawang Guan at nagsabi sa inyo ng napakaraming mga bagay. Paano ninyo nagawang hindi makinig sa kanila? Partikular nilang sinabi sa amin na magpunta rito ngayon at muli kayong hikayatin. Huwag na kayong maniniwala sa Kidlat ng Silanganan. Ang ating mga pinuno ang may pananagutan sa ating mga buhay!” Matapos marinig na sinasabi niya ito, matatag kong sinabi, “Kung talagang kinukuha nila ang pananagutan para sa ating mga buhay, dapat nilang pangunahan tayo na pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon!” Pagkatapos ay pabáláng na sinabi ng aking asawa: “Hindi nila ginagawa ito para sa ating kapakanan. Natatakot sila na kapag tayong lahat ay naniwala sa Makapangyarihang Diyos, wala nang matitira na makikinig sa kanila.” Tila nainis ang aking hipag dahil sa kanyang narinig at sinabi: “Paano ninyo nasasabi ang mga bagay na ito? Hindi nila kayo pinagawa ng anumang iba pang bagay. Hindi ba’t nais lang nila na bumalik kayo sa iglesia? Makinig kayo sa akin. Palagay ba ninyo mapag-iisipan ko na pinsalain kayo gayong ang ating dalawang pamilya ay malapit sa isa’t isa?” Nagpatuloy ang kapatid ng aking asawa. “Isipin ninyo kung paano ko kayo pinakisamahan sa loob ng ilang taon. Alam ninyo ba kung gaano kalaki ang nagawa namin para sa inyo? Mayroon ba talaga kayong lakas ng loob na ihiwalay ang inyong mga sarili mula sa amin? Hindi ba kayo nakakaramdam ng pagkabagabag?” Pagkatapos kong marinig ang dalawang ito na nagsasalita ng ganitong mga bagay, ako ay lubos na nalungkot, at naisip sa aking sarili: “Tunay nga na lubos nila kaming natulungan, at ngayon ay kanilang nakikita na ipinipilit namin ang pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Tiyak na masyado silang nasasaktan, nguni’t ano ang magagawa? Maaari nilang hingin na talikuran ko ang tunay na daan at ipagkanulo ang Diyos, nguni’t hindi ko magagawa iyan, dahil alam ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nguni’t kung ipinipilit ko ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ano kaya ang iisipin nila tungkol sa akin? Sasabihin ba nila na wala akong utang-na-loob?” Sa sandaling ito, nakaramdam ako ng kalungkutan, na para bang ang aking puso ay hinihila sa dalawang magkaibang patutunguhan. Tahimik akong nanalangin sa Diyos, humihingi sa Kanya na bigyan ako ng daan palabas. Biglang naisip ko ang mga salita ng Diyos na ito: “Ang lahat ng bagay na nangyayari sa mga tao ay nangyayari kapag kailangan sila ng Diyos na manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Pagkatapos ay muli kong inisip ang mga salita na naibahagi nina Kapatid na Zhang at Kapatid na Mu sa akin noong nakaraang ilang araw: Ang lahat ng nangyayari sa iyo ay may kinalaman sa labanan na nagaganap sa espirituwal na mundo, at ito ay si Satanas na nakikipagpustahan sa Diyos. Iniisip ko, “Ngayon ang aking bayaw at hipag ay sumubok na gamitin ang aming pagiging magkamag-anak upang hikayatin kami na ipagkanulo ang Diyos at bumalik sa relihiyon, nguni’t ito ay isa sa mga pandaraya ni Satanas. Kung ipagkanulo ko ang Diyos upang protektahan and aking pansariling damdamin, iyan ay tunay na kawalan ng utang-na-loob at magpapakita na wala akong konsensya. Kung hindi ko nais na biguin ang aking bayaw, dapat kong ibahagi sa kanya ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw nang sa gayon ay magkaroon din sila ng pagkakataon na makamit ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang tanging paraan upang ipakita ang habag na dapat kong taglayin.” Habang ito ay aking iniisip ay napuno ng liwanag ang aking puso, at sinabi ko: “Bayaw, hipag, alam ko na naging mabuti kayong dalawa sa akin, at ito ang dahilan kung bakit kailangan kong sabihin sa inyo na ang Makapangyarihang Diyos talaga ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tanging sa pamamagitan lang ng pagsunod sa mga gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw natin matatamo ang pagliligtas ng Diyos! Kung hindi, ang ating pananampalataya sa Panginoon sa loob ng lahat ng mga taong ito ay magiging walang kabuluhan, at hindi tayo magkakamit ng anuman! Narito, hayaan ninyo akong basahin sa inyo ang isang sipi ng salita ng Diyos, at pagkatapos marinig ito ay inyong malalaman kung ang mga salitang ito ay ang katotohanan, at kung ang mga ito ay mga pagbigkas ng Diyos o hindi.” Kinuha ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos at magsisimula na sanang basahin ito nang tumayo ang aking hipag at hindi-nasisiyahang sinabi: “Pumunta kami rito ngayon upang subukan na kayo ay hikayatin, nguni’t sa halip na baguhin ang inyong mga isip, sinusubukan ninyong ipalaganap ang ebanghelyo na ito sa amin, nguni’t hindi kami makikinig sa inyo.” Pagkatapos sabihin ito hinila niya ang kanyang asawa at galit na umalis.

Sinundan ko sila papunta sa patyo hanggang makarating ako sa pasukan, nguni’t nakita ko na medyo malayo na sila. Pakiramdam ko ay wala akong nagawa, tumayo ako roon na umiiling. Sa sandaling ito aking nakita na umaliwalas na ang panahon, at may mainit na liwanag na sumisikat sa isang puno ng pino sa labas ng bakuran. Ang niyebe na naipon sa puno ng pino ay nagsimulang matunaw, na para bang sa mismong sandaling iyon ay sumailalim sa bautismo ang puno. Salungat sa lupa na natatakpan ng niyebe, ang tuwid at matayog na puno ay lumitaw na luntiang-luntian. Ako ay masayang-masaya, na parang tulad ng puno ng pino, nakaranas din ako ng bautismo ng hangin at niyebe, at nakálágô mula sa pagpapalusog ng sikat ng araw. Alam ko na ang mga salita ng Diyos ang siyang nanguna sa akin upang lumusot dito sa mahigpit na pagkakubkob at tumayong patotoo para sa Kanya. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...