Ano ang tunay na madala, at paano maitataas ang tao sa harap ng trono ng Diyos

Enero 21, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkahugis na ang iglesia ng Philadelphia, dahil lamang sa biyaya at awa ng Diyos. Nagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ang puso ng napakaraming banal, na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos, na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay: Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan! Hindi ito magbabago kailanman!

O, Makapangyarihang Diyos! Ngayon ay Ikaw ang nagbukas sa aming mga espirituwal na mata, na tinutulutang makakita ang bulag, makalakad ang pilay, at mapagaling ang mga ketongin. Ikaw ang nagbukas sa durungawan sa langit, na tinutulutan kaming mahiwatigan ang mga hiwaga ng espirituwal na dako. Naturuan ng Iyong mga banal na salita at naligtas mula sa aming pagiging tao, na ginawang tiwali ni Satanas—ganyan ang Iyong di-masukat na dakilang gawain at Iyong di-masukat na matinding awa. Kami ay Iyong mga saksi!

Matagal Kang nanatiling nakatago, nang mapakumbaba at tahimik. Napasailalim Ka sa pagkabuhay na mag-uli mula sa kamatayan, sa pagdurusa ng pagpapako sa krus, sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay ng tao, at sa pag-uusig at kahirapan; naranasan at nalasap Mo ang pasakit ng mundo ng tao, at tinalikdan Ka ng kapanahunan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Diyos Mismo. Alang-alang sa kalooban ng Diyos, nailigtas Mo kami mula sa tumpok ng dumi, at inalalayan Mo kami gamit ang Iyong kanang kamay, at malayang ibinigay sa amin ang Iyong biyaya. Ginawa Mo ang lahat, ihinubog Mo ang Iyong buhay sa amin; ang halagang binayaran Mo gamit ang Iyong dugo, pawis at luha ay nagpatatag sa mga banal. Kami ang produkto ng[a] Iyong napakaingat na pagsisikap; kami ang halagang binayaran Mo.

O, Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong kabutihang-loob at awa, sa Iyong katuwiran at kamahalan, sa Iyong kabanalan at pagpapakumbaba kaya yuyukod sa Iyong harapan ang lahat ng bayan at sasambahin Ka nang walang-hanggan.

Ngayon ay nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—ang iglesia ng Philadelphia—at sa gayon ay natupad ang Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala. Maaaring mapagpakumbabang magpasakop ang mga banal sa Iyong harapan, na nakaugnay sa espiritu at sumusunod nang may pagmamahal, nakaugnay sa pinagmumulan ng bukal. Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay, at hinuhugasan at nililinis ang lahat ng putik at maruming tubig sa iglesia, muling dinadalisay ang Iyong templo. Nakilala na namin ang praktikal na tunay na Diyos, naipamuhay ang Kanyang mga salita, nakilala ang aming sariling mga gawain at tungkulin, at nagawa ang lahat ng makakaya namin upang gugulin ang aming sarili para sa iglesia. Laging tahimik sa Iyong harapan, kailangan naming sundin ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi ay mahahadlangan namin ang kalooban Mo. Nagmamahalan ang mga banal, at mapupunan ng mga kalakasan ng ilan ang mga pagkukulang ng iba. Kaya nilang lumakad sa espiritu sa lahat ng oras, na naliliwanagan at pinagliliwanag ng Banal na Espiritu. Isinasagawa nila kaagad ang katotohanan pagkatapos na maunawaan ito. Sumasabay sila sa bagong liwanag at sumusunod sa mga yapak ng Diyos.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos; ang pagpapaubaya na Siya ang kumontrol ay paglakad na kasama Niya. Lahat ng ating sariling ideya, kuru-kuro, opinyon, at sekular na gawain ay nawawalang parang bula gaya ng usok. Hinahayaan nating maghari nang kataas-taasan ang Diyos sa ating espiritu, lumalakad na kasama Niya at sa gayon ay nangingibabaw, nadaraig ang mundo, at malayang lumilipad at lumalaya ang ating espiritu: Ito ang kinalalabasan kapag naging Hari ang Makapangyarihang Diyos. Paano tayong hindi sasayaw at aawit ng mga papuri, mag-aalay ng ating mga papuri, mag-aalay ng mga bagong himno?

Talagang maraming paraan para purihin ang Diyos: pagtawag sa Kanyang pangalan, paglapit sa Kanya, pag-iisip sa Kanya, pagbabasa nang padalangin, pagbabahaginan, pagmumuni-muni at pagbubulay-bulay, pagdarasal, at pag-awit ng mga papuri. Sa ganitong mga uri ng papuri ay mayroong kagalakan, at mayroong pagpapahid ng langis; mayroong kapangyarihan sa papuri, at mayroon ding pasanin. Mayroong pananampalataya sa papuri, at mayroong bagong kabatiran.

Aktibong makipagtulungan sa Diyos, makipag-ugnayan sa paglilingkod at maging isa, tuparin ang mga layon ng Makapangyarihang Diyos, magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan, tapakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran nito. Ang iglesia ng Philadelphia ay nadala na sa presensya ng Diyos at naipakita sa Kanyang kaluwalhatian.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 2

Nagpakita na ang Diyos sa lahat ng iglesia. Ang Espiritu ang nagsasalita; Siya ay isang naglalagablab na apoy, may kamahalan, at humahatol. Siya ang Anak ng tao, na may suot na damit na hanggang paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. Ang Kanyang ulo at Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng puting balahibo ng tupa, at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; ang Kanyang mga paa ay katulad ng pinong tanso, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim, at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi!

Nasaksihan na ang Anak ng tao, at lantaran nang nahayag ang Diyos Mismo. Lumabas na ang kaluwalhatian ng Diyos, sumisikat nang matindi gaya ng mainit na araw! Ang Kanyang maluwalhating mukha ay nagliliyab sa nakakasilaw na liwanag; kaninong mga mata ang nangangahas na tratuhin Siya nang may paglaban? Ang paglaban ay humahantong sa kamatayan! Wala ni katiting na awang ipinapakita sa anumang iniisip ninyo sa inyong puso, anumang salitang binibitawan ninyo, o anumang inyong ginagawa. Mauunawaan at makikita ninyong lahat kung ano na ang inyong nakamtan—wala maliban sa Aking paghatol! Mapapanatili Ko ba ito kapag hindi kayo nagsisikap na kumain at uminom ng Aking mga salita, at sa halip ay walang-pakundangan ninyong inaabala at winawasak ang Aking pagtatayo? Hindi Ako magdadahan-dahan sa pagtrato sa ganitong uri ng tao! Kapag mas lumala ang ugali mo, matutupok ka sa apoy! Nagpapakita ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa isang espirituwal na katawan, nang wala ni katiting na laman o dugo na nagdurugtong mula ulo hanggang paa. Higit pa Siya sa mundong sansinukob, nakaupo sa maluwalhating luklukan sa ikatlong langit, nangangasiwa sa lahat ng bagay! Nasa Aking mga kamay ang sansinukob at lahat ng bagay. Kapag sinabi Ko, mangyayari iyon. Kapag itinalaga Ko, iyon ang mangyayari. Nasa ilalim ng Aking mga paa si Satanas; nasa walang-hanggang kalaliman ito! Kapag lumalabas ang Aking tinig, lilipas ang langit at lupa at mauuwi sa wala! Paninibaguhin ang lahat ng bagay; ito ay isang di-mababagong katotohanan na talagang tama. Nadaig Ko na ang mundo, maging ang lahat ng masama. Nakaupo Ako rito at nakikipag-usap sa inyo, at lahat ng may pandinig ay dapat makinig at lahat ng nabubuhay ay dapat itong tanggapin.

Magwawakas ang mga araw; mauuwi sa wala ang lahat ng bagay sa mundong ito, at isisilang na muli ang lahat ng bagay. Tandaan ito! Huwag itong kalimutan! Hindi maaaring magkaroon ng kalabuan! Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas! Hayaang muli Ko kayong payuhan: Huwag tumakbo nang walang kabuluhan! Gising! Magsisi at malapit na ang pagliligtas! Nagpakita na Ako sa gitna ninyo, at pumailanlang na ang Aking tinig. Pumailanlang na ang Aking tinig sa inyong harapan; araw-araw ay hinahamon kayo nito, nang harapan, at sariwa at bago ito araw-araw. Nakikita mo Ako at nakikita kita; palagi kitang kinakausap, at magkaharap tayo. Magkagayunman, tinatanggihan mo Ako at hindi mo Ako kilala. Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, subalit nag-aatubili pa rin kayo! Nag-aatubili ka! Kumapal ang puso mo, nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata, at hindi mo makita ang Aking maluwalhating mukha—nakakaawa ka! Nakakaawa!

Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng Aking luklukan sa lahat ng sulok ng daigdig at ipadadala Ko ang Aking Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Matuwid Ako at tapat; Ako ang Diyos na sumusuri sa pinakamalalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, at mga salita Ko ang lumalabas mula sa kalooban ng Aking Anak; lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang mga ito, at huwag magduda. Tatanggap ng malalaking pagpapala ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Aking mga salita! Tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan, at mga bagong kabatiran ang lahat ng taimtim na naghahanap sa Aking mukha; magiging sariwa at bago ang lahat. Lilitaw ang Aking mga salita sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na dako at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya at pagpapala; hindi ka magagalaw ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Sasama ka sa Akin, lalakad kang kasama Ko, at papasok tayo sa kaluwalhatian!

Makapangyarihang Diyos! Hayagang nagpapakita ang Kanyang maluwalhating katawan, lumilitaw ang banal na espirituwal na katawan at Siya ang ganap na Diyos Mismo! Parehong nagbago ang mundo at ang katawang-tao, at ang Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok ay ang persona ng Diyos. Suot Niya ang gintong korona sa Kanyang ulo, ang Kanyang kasuotan ay puting-puti, may bigkis ang dibdib ng isang pamigkis na ginto at ang mundo at ang lahat ng bagay ay tuntungan ng Kanyang paa. Ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy, sa loob ng Kanyang bibig ay may isang matalas na tabak na tigkabila’y talim at sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin. Ang daan patungo sa kaharian ay walang hangganan ang ningning at lumilitaw at kumikinang ang Kanyang kaluwalhatian; masaya ang mga bundok at nagtatawanan ang katubigan, at ang araw, buwan, at mga bituin ay umiinog na lahat sa mahusay na pagkakaayos ng mga ito, sinasalubong ang natatangi at totoong Diyos na ang matagumpay na pagbabalik ay ihinahayag ang pagtatapos ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala. Lahat ay naglulundagan at nagsasayawan sa galak! Magbunyi! Nakaupo ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa Kanyang maluwalhating luklukan! Umawit! Ang matagumpay na bandila ng Makapangyarihan ay itinataas sa maringal at kahanga-hangang Bundok ng Sion! Nagbubunyi ang lahat ng bansa, nag-aawitan ang lahat ng tao, masayang tumatawa ang Bundok ng Sion, at lumitaw na ang kaluwalhatian ng Diyos! Ni hindi ko kailanman pinangarap na makikita ko ang mukha ng Diyos, subalit ngayon nakita ko na ito. Kaharap Siya araw-araw, binubuksan ko sa Kanya ang aking puso. Sagana ang ibinibigay Niyang pagkain at inumin. Buhay, mga salita, mga pagkilos, mga kaisipan, mga ideya—pinagliliwanag ng Kanyang maluwalhating liwanag ang lahat ng ito. Nangunguna Siya sa bawat hakbang ng daan, at sumasapit kaagad ang Kanyang paghatol sa anumang pusong naghihimagsik.

Kumakain, naninirahan, at nabubuhay na kasama ng Diyos, ang makasama Siya, magkasamang naglalakad, magkasamang nasisiyahan, magkasamang nagkakamit ng kaluwalhatian at mga pagpapala, kabahagi sa Kanyang paghahari, at magkasamang nabubuhay sa kaharian—ah, napakasaya! Ah, napakatamis! Kaharap natin Siya araw-araw, kausap Siya araw-araw at palaging nag-uusap, at pinagkakalooban ng bagong kaliwanagan at mga bagong kabatiran araw-araw. Nabuksan ang ating espirituwal na mga mata at nakikita natin ang lahat; ibinubunyag sa atin ang lahat ng hiwaga ng espiritu. Talagang masayang mabuhay nang banal; tumakbo nang mabilis at huwag tumigil, patuloy na sumulong—mayroon pang mas kamangha-manghang buhay sa hinaharap. Huwag masiyahan sa tamis lamang; patuloy na hangaring makapasok sa Diyos. Siya ay sumasaklaw sa lahat at masagana, at mayroon Siya ng lahat ng klaseng bagay na wala tayo. Aktibong makipagtulungan at pumasok sa Kanya, at wala nang magiging katulad ng dati kailanman. Magiging dakila ang ating buhay, at walang tao, pangyayari, o bagay ang makagagambala sa atin.

Kadakilaan! Kadakilaan! Tunay na kadakilaan! Nasa kalooban ang dakilang buhay ng Diyos, at talagang nakapahinga na ang lahat ng bagay! Nalalagpasan natin ang mundo at ang mga makamundong bagay, na walang nadaramang pagkatali sa mga asawa o mga anak. Nalalagpasan natin ang pagkontrol ng sakit at mga kapaligiran. Hindi nangangahas si Satanas na gambalain tayo. Ganap na nalalagpasan natin ang lahat ng kalamidad. Tinutulutan nito ang Diyos na maghari! Tinatapakan natin si Satanas, sumasaksi tayo para sa iglesia, at lubos nating inilalantad ang pangit na mukha ni Satanas. Ang pagtatayo ng iglesia ay na kay Cristo, at lumitaw na ang maluwalhating katawan—ganito ang mabuhay sa pagdadala!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Nagbabago ang mga bundok at mga ilog, umaagos ang mga batis sa daanan ng mga ito, at hindi nagtatagal ang buhay ng tao gaya ng daigdig at himpapawid. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang walang-hanggang buhay at nabuhay na mag-uli, na nagpapatuloy sa pagdaan ng mga henerasyon, nang walang hanggan! Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay, at si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang paa.

Ngayon, sa pamamagitan ng itinadhanang pagpili ng Diyos, na inililigtas Niya tayo mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Satanas. Talagang Siya ang ating Manunubos. Ang walang-hanggang muling pagkabuhay ni Cristo ay ginawa na sa loob natin, kaya natatadhana tayong maugnay sa buhay ng Diyos, upang tayo’y tunay na makaharap sa Kanya, kainin Siya, inumin Siya, at tamasahin Siya. Ito ang di-makasariling handog na ginawa ng Diyos sa halaga ng dugo ng Kanyang puso.

Dumarating at lumilipas ang mga panahon, dumaraan sa hangin at nagyelong hamog, sinasalubong ang napakaraming pasakit, pag-uusig, at kapighatian sa buhay, napakaraming pagtanggi at paninirang-puri ng mundo, napakaraming huwad na paratang ng pamahalaan, ngunit hindi nababawasan ni katiting ang pananampalataya ng Diyos ni ang paninindigan Niya. Buong-pusong nakatalaga sa kalooban ng Diyos, at sa pamamahala at plano ng Diyos, upang maisakatuparan ang mga ito, isinasantabi Niya ang Kanyang sariling buhay. Para sa buong karamihan ng Kanyang bayan, wala Siyang iniiwasang sakit, maingat silang pinapakain at dinidiligan. Gaano man tayo kamangmang, o gaano man kasutil, kailangan lamang nating magpasakop sa harapan Niya, at babaguhin ang ating dating kalikasan ng muling pagkabuhay ni Cristo…. Para sa mga panganay na anak na ito, walang kapaguran Siyang gumagawa, ipinagpapaliban ang pagkain at pahinga. Ilang araw at gabi, sa gitna ng gaano katinding nakapapasong init at nagyeyelong lamig, buong-puso Siyang nagbabantay sa Sion.

Ang mundo, tahanan, gawain at lahat na, na lubusang tinalikdan, nang may kasiyahan, nang kusang-loob, at ang mga makamundong kasiyahan ay walang kinalaman sa Kanya…. Ang mga salita mula sa Kanyang bibig ay humahagupit sa atin, inilalantad ang mga bagay na nakatago nang malalim sa ating mga puso. Paano tayong hindi makukumbinsi? Ang bawat pangungusap na lumalabas sa Kanyang bibig ay maaaring magkatotoo sa atin anumang oras. Anumang ating gawin, sa Kanya mang presensya o tago sa Kanya, walang hindi Niya nalalaman, walang hindi Niya nauunawaan. Ang lahat ay tunay na mahahayag sa harapan Niya, sa kabila ng ating mga sariling plano at pagsasaayos.

Nakaupo sa harapan Niya, nasisiyahan ang ating espiritu, panatag at mahinahon, ngunit laging nakakaramdam ng kahungkagan at malaking pagkakautang sa Diyos: Isa itong kababalaghang di-malirip at imposibleng makamit. Ang Banal na Espiritu ay sapat na upang patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos! Ito’y katunayan na di-mapagdududahan! Tayo sa pangkat na ito ay pinagpala sa paraang hindi mailalarawan! Kung hindi dahil sa biyaya at awa ng Diyos, mapupunta lamang tayo sa kapahamakan at susunod kay Satanas. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin!

Ah! Ang Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw itong nagmulat sa aming espirituwal na mga mata, na nagtutulot sa aming mamasdan ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Walang hangganan ang tanawin ng kaharian. Maging mapagbantay tayo habang naghihintay. Hindi na masyadong malayo pa ang araw na iyon.

Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at maaari lamang mamatay ang mga tao, na walang pag-asa na manatiling buhay.

Ah! Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na muog. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng sakuna. Ganito ang Iyong maka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga.

Itinataas naming lahat ang aming mga tinig sa awitin; umaawit kami sa pagpuri, at ang tunog ng aming papuri ay umaalingawngaw sa buong Sion! Inihanda na para sa atin ng Makapangyarihang Diyos, ng praktikal na Diyos, ang maluwalhating hantungang iyon. Maging mapagbantay—oh, magbantay! Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa labis na huli ang oras.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 5

Ang Makapangyarihang tunay na Diyos, ang Haring nakaluklok sa trono, ang namumuno sa buong sansinukob, humaharap sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat nang may kaluwalhatian ng Diyos. Makikita iyon ng lahat ng may buhay sa sansinukob at hanggang sa mga kadulu-duluhan ng lupa. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagbukas na ng kanilang mga pantabing sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos, at sila’y muling nabuhay, na parang gumigising mula sa isang panaginip, na parang sila’y mga usbong na sumisibol sa lupa!

Ah! Ang nag-iisang tunay na Diyos ay nagpapakita sa harap ng sanlibutan. Sinong mangangahas na lumapit sa Kanya nang may pagtutol? Ang lahat ay nanginginig sa takot. Ang lahat ay lubusang naniniwala, at ang lahat ay paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran. Ang lahat ng tao’y lumuluhod sa harap Niya, at ang lahat ng bibig ay sumasamba sa Kanya! Ang mga kontinente at mga karagatan, ang mga bundok, ang mga ilog—lahat ng bagay ay nagpupuri sa Kanya nang walang katapusan! Dumarating ang tagsibol kasama ang maiinit na simoy ng hangin, na nagdadala ng pinong ulan ng tagsibol. Tulad ng lahat ng tao, ang agos ng mga batis ay dumadaloy nang may dalamhati at galak, lumuluha dahil sa utang na loob at paninisi sa sarili. Ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga alon at mga daluhong, lahat ay umaawit, pinupuri ang banal na pangalan ng tunay na Diyos! Ang tunog ng papuri ay umaalingawngaw nang napakalinaw! Ang mga dating bagay na minsang ginawang tiwali ni Satanas—bawat isa ay muling gagawing bago at iibahin at papasok sa isang bagung-bagong kaharian …

Ito ang banal na trumpeta, at nagsimula na itong tumunog! Pakinggan mo ito. Yaong tunog na napakatamis ay ang pagbigkas ng trono, na ibinabalita sa bawat bansa at bayan na sumapit na ang panahon, na sumapit na ang kawakasan ng lahat. Tapos na ang Aking plano ng pamamahala. Ang Aking kaharian ay lantaran nang nagpakita sa lupa. Ang mga kaharian sa mundo ay naging Aking kaharian, Ako na siyang Diyos. Ang Aking pitong trumpeta ay tumutunog mula sa trono, at anong mga kababalaghan ang magaganap! Ang mga tao mula sa mga wakas ng lupa ay magmamadaling magsama-sama mula sa bawat direksyon nang may lakas ng isang daluyong at kapangyarihan ng mga kidlat at kulog, ang ilan ay maglalayag sa karagatan, ang ilan ay mag-eeroplano, ang ilan ay lulan ng mga sasakyan na may iba’t ibang hugis at laki, ang ilan ay nakakabayo. Tingnan mong mabuti. Makinig kang maigi. Itong mga nakasakay sa mga kabayong may iba’t ibang kulay, may masisiglang espiritu, makapangyarihan at maringal, na tila sumusuong sa larangan ng digmaan, ay walang-pakundangan sa kamatayan. Sa gitna ng mga kabayong humahalinghing at mga taong nagsisigawan para sa tunay na Diyos, napakaraming lalaki, babae, at bata ang matatapakan ng mga paa ng mga kabayo sa isang saglit. Ang ilan ay mamamatay, ang ilan ay maghihingalo, ang ilan ay maluluray-luray, na walang sinumang mag-aasikaso sa kanila, sumisigaw nang nagkukumahog, pumapalahaw sa sakit. Mga anak ng paghihimagsik! Hindi ba’t ito ang inyong huling kalalabasan?

Tinitingnan Ko nang may galak ang Aking bayan, na nakikinig sa Aking tinig at nagtitipon mula sa bawat bansa at lupain. Lahat ng tao, na laging pinananatili ang tunay na Diyos sa kanilang mga bibig, ay nagpupuri at lumulukso sa tuwa nang walang katapusan! Nagpapatotoo sila sa sanlibutan, at ang tunog ng kanilang patotoo sa tunay na Diyos ay gaya ng dumadagundong na tunog ng maraming katubigan. Lahat ng tao ay magsisiksikan sa Aking kaharian.

Tumutunog ang Aking pitong trumpeta, na gumigising sa mga natutulog! Bumangon ka agad, hindi pa huli ang lahat. Tingnan mo ang iyong buhay! Buksan mo ang iyong mga mata at tingnan kung anong oras na ngayon. Ano pa ang dapat hanapin? Ano pa ang dapat pag-isipan? At ano pa ang dapat kapitan? Hindi mo ba kailanman naisaalang-alang ang kaibahan ng halaga ng pagkakamit ng Aking buhay at pagkakamit ng lahat ng bagay na minamahal at kinakapitan mo? Tigilan mo na ang katigasan ng ulo at paglalaro. Huwag mong palampasin ang pagkakataong ito. Ang sandaling ito ay hindi na muling darating! Agad kang tumayo, sanayin mo ang pagpapagana sa iyong espiritu, gumamit ka ng sari-saring kasangkapan para mahalata at mahadlangan ang bawat pakana at panlilinlang ni Satanas, at magtagumpay ka laban kay Satanas, upang mas lumalim ang iyong karanasan sa buhay at maisabuhay mo ang Aking disposisyon, upang gumulang at magkaroon ng maraming karanasan ang iyong buhay, at palagi kang makasunod sa Aking mga yapak. Hindi pinanghihinaan ng loob, hindi mahina, laging sumusulong, paisa-isang hakbang, tuluy-tuloy hanggang sa dulo ng daan!

Kapag tumunog muli ang pitong trumpeta, ito ang magiging panawagan para sa paghatol, paghatol sa mga anak ng paghihimagsik, paghatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at bawat bansa ay susuko sa harap ng Diyos. Ang maluwalhating mukha ng Diyos ay tiyak na magpapakita sa harap ng lahat ng bansa at lahat ng lahi. Bawat isa’y lubos na mapapaniwala, at sisigaw sa tunay na Diyos nang walang katapusan. Ang makapangyarihang Diyos ay lalo pang magiging maluwalhati, at Ako at ang Aking mga anak ay magsasalo sa kaluwalhatian at magsasalo sa paghahari, hinahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng lahi, pinarurusahan ang masama, inililigtas at kinahahabagan ang mga taong nabibilang sa Akin, at ginagawang matibay at matatag ang kaharian. Sa pamamagitan ng tunog ng pitong trumpeta, napakaraming tao ang maliligtas, na babalik sa harap Ko upang lumuhod at sumamba na may patuloy na pagpupuri!

Kapag muli pang tumunog ang pitong trumpeta, ito ang magiging pagtatapos ng kapanahunan, ang pagtunog ng trumpeta ng tagumpay laban sa diyablong si Satanas, ang pagpupugay na nagbabalita ng pagsisimula ng hayagang pamumuhay sa kaharian sa lupa! Sadyang napakatayog na tunog, itong tunog na umaalingawngaw sa palibot ng trono, itong pagtunog ng trumpetang yumayanig sa langit at lupa, na siyang tanda ng tagumpay ng Aking plano ng pamamahala, na siyang paghatol kay Satanas; hinahatulan nito ang matandang mundong ito ng ganap na kamatayan, na bumalik sa walang-hanggang kalaliman! Ang pagtunog na ito ng trumpeta ay nagbabadya na magsasara na ang tarangkahan ng biyaya, na ang buhay ng kaharian ay magsisimula na sa lupa, na tama at marapat. Inililigtas ng Diyos yaong mga nagmamahal sa Kanya. Sa sandaling bumalik sila sa Kanyang kaharian, ang mga tao sa lupa ay haharap sa taggutom at salot, at ang pitong mangkok at pitong salot ng Diyos ay magaganap nang sunud-sunod. Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit hindi lilipas ang Aking salita!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 36

Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Cordero saan man Siya pumaroon.” Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng tunay na daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga titik at mga doktrina ay yaong mga naalis na ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na “si Jehova ang Diyos” at “si Jesus ang Cristo,” na mga katotohanan na nailalapat lamang sa mga naaayong kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang mabuti. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging abala, at hindi kailanman tumitigil.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, na hindi limitado sa anumang anyo o bansa, ay ang matapos Niya ang Kanyang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea: ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang pagkondena at paglaban sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t kasabay nito ay kinokondena nila ang Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong sa pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumulalas sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pagkondena at paglapastangan ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa presensya ng katotohanan, lalong hindi ninyo taglay ang saloobing naghahangad. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Inaakala ba ninyong tatanggap kayo ng personal na patnubay mula sa Diyos? Kung hindi mo mahiwatigan ang mga pagpapahayag ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro! Tumahimik ka at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang diwa ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagpapahayag, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang produkto ng.”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.