Sinasabi mo na sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol upang mapangkat ang bawat isa ayon sa kanyang uri, upang gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama, upang wakasan ang lumang kapanahunan, at na, sa huli, ang kaharian ni Cristo ay maisasakatuparan sa lupa. Paano lilitaw ang kaharian ni Cristo sa lupa? At ano ang magiging hitsura ng kagandahan ng kaharian?

Enero 21, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila: At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:2–4).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa mga tao Ko na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi tao sa lahat ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag ibinalita sa maraming tao ang Aking bagong panimula, paano tutugon ang sangkatauhan? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng sangkatauhan; sigurado bang hindi na kayo umaasa pang magtiis sa mundong ito magpakailanman? Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay nakumpleto na, dadalhin ang tao sa isang magandang mundo. Siyempre, ang buhay na ito ay magiging nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig na, magiging bagong simula ito para sa tao sa lupa, at ang pagkakaroon ng sangkatauhan ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubhang kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Papasok lamang ang tao sa hantungan sa hinaharap sa sandaling natapos na ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling ganap nang natalo si Satanas. Matapos mapino ang tao, mawawalan na siya ng makasalanang kalikasan pagkatapos, dahil nagapi na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga puwersa ng kalaban, at wala nang mga puwersa ng kalaban na makakasalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya at banal ang tao—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan. Kapag ang mga palabang puwersa ng kadiliman ay naigapos na, saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at wala na siyang magiging paghihimagsik o pagsalungat. Kailangan lamang maigapos si Satanas para maging maayos ang tao; ganito ang kasalukuyang sitwasyon dahil naghahasik pa rin si Satanas ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat hindi pa umaabot sa katapusan ang buong gawain ng pamamahala ng Diyos. Sa sandaling natalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo na ng tao ang Diyos at nakalabas na mula sa sakop ni Satanas, kanyang mapagmamasdan ang Araw ng katuwiran.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding galit, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna dahil dito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa itaas sa langit, makikita na sa lupa, lahat ng uri ng kalamidad ay dumarating sa buong sangkatauhan, papalapit bawat araw. Habang nakatingin sa ibaba mula sa itaas, nagpapakita ang daigdig ng sari-saring mga tagpo na gaya noong bago dumating ang isang lindol. Hindi mapigil ang pagkalat ng likidong apoy, dumadaloy nang malaya ang kumukulong putik, nagbabago ang mga bundok, at kumikislap ang malamig na liwanag sa lahat. Nasadlak na sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang galit, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng mayroong laman at dugo ay hindi makakatakas. Sa gayon, ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo; sa halip, ang mundo ay “sadyang masisiyahan sa sarili nito” sa loob ng duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang makakatakas; bawat tao ay kailangang magdaan sa pagsubok na ito, nang isa-isa. Pagkatapos niyon, ang buong sansinukob ay muling kikislap sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay muling magsisimula ng isang bagong buhay. At mamamahinga ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 18

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kaligayahan, at lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ng mga tao sa isa’t isa. Kumikilos Ako sa buong mundo, Nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking luklukan, at naninirahan Ako sa piling ng mga bituin. Inaalayan Ako ng mga anghel ng mga bagong awit at mga bagong sayaw. Hindi na nagiging sanhi ng pagtulo ng luha sa kanilang mukha ang sarili nilang kahinaan. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng mga anghel na umiiyak, at hindi na rin nagrereklamo ng paghihirap ang sinuman sa Akin. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa Aking harapan; bukas, mananatili kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa tao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20

Ang pamumuhay sa pahinga ay nangangahulugan ng isang buhay na walang digmaan, walang dumi, at nang walang namamalaging kawalan ng katuwiran. Ibig sabihin, isa itong buhay na walang mga paggambala ni Satanas (ang salitang “Satanas” dito ay tumutukoy sa mga kaaway na puwersa) at katiwalian ni Satanas, at ni hindi rin ito madalas salakayin ng anumang puwersang sumasalungat sa Diyos. Isa itong buhay kung saan ang lahat ay sinusundan kung ano ang kauri nito at maaaring sumamba sa Panginoon ng sangnilikha, at kung saan ang langit at lupa ay ganap na payapa—ito ang ibig sabihin ng mga salitang “tahimik na buhay ng mga tao.” Kapag namahinga ang Diyos, hindi na magpapatuloy ang kawalan ng katuwiran sa mundo, ni hindi magkakaroon ng anumang karagdagang pagsalakay mula sa mga kaaway na puwersa, at papasok ang sangkatauhan sa isang bagong kinasasaklawan—hindi na isang sangkatauhang ginawang tiwali ni Satanas kundi isang sangkatauhang nailigtas matapos gawing tiwali ni Satanas. Ang araw ng pahinga ng sangkatauhan ay magiging araw din ng pahinga ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang pahinga dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa pahinga, hindi dahil sa hindi Niya nagawang magpahinga sa simula. Ang pagpasok sa pahinga ay hindi nangangahulugang ang lahat ay humihinto sa paggalaw o tumitigil sa pag-unlad, at hindi rin ito nangangahulugang humihinto sa paggawa ang Diyos o na humihintong mabuhay ang mga tao. Ang tanda ng pagpasok sa pahinga ay kapag nawasak na si Satanas, kapag naparusahan at napawi na ang mga masasamang taong nakiisa sa masasamang gawain nito, at kapag tumigil sa pag-iral ang lahat ng puwersang laban sa Diyos. Ang pagpasok ng Diyos sa pahinga ay nangangahulugang hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang ginagawang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa pahinga ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala, walang katiwalian ni Satanas, at walang magaganap na kawalan ng katuwiran. Sa ilalim ng pag-aaruga ng Diyos, mamumuhay nang normal ang sangkatauhan sa lupa. Kapag pumasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan nang magkasama, nangangahulugan itong nailigtas na ang sangkatauhan at nawasak na si Satanas, at ganap nang natapos ang gawain ng Diyos sa tao. Hindi na magpapatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain sa mga tao, at sila ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Samakatuwid, hindi na magiging abala ang Diyos, at ang mga tao ay hindi na palaging aligaga. Ang Diyos at ang sangkatauhan ay magkasabay na papasok sa pahinga. Babalik ang Diyos sa Kanyang orihinal na lugar, at babalik ang bawat tao sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga hantungan kung saan maninirahan ang Diyos at ang mga tao sa sandaling matapos ang buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may patutunguhang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may patutunguhang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. Hindi na mamumuhay ang Diyos kasama ng sangkatauhan, at hindi rin magagawang mamuhay ng mga tao kasama ng Diyos sa Kanyang patutunguhan. Hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong lugar ang Diyos at ang mga tao. Sa halip, kapwa sila may kanya-kanyang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, at ang lahat ng sangkatauhan ay ang pagkikristal, o pagkakaroon ng tiyak na anyo ng pamamahala ng Diyos. Ang inaakay ay ang mga tao, at ang kanilang diwa ay hindi natutulad sa diwa ng Diyos. Ang “magpahinga” ay nangangahulugan ng pagbalik sa orihinal na lugar ng isang tao. Samakatuwid, kapag pumasok sa pahinga ang Diyos, nangangahulugan itong bumalik na Siya sa Kanyang orihinal na lugar. Hindi na Siya mamumuhay sa mundo o makakasama ng sangkatauhan upang makibahagi sa kanilang kagalakan at pagdurusa. Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga bagay ng sangnilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na magiging masuwayin sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba. Ito ang magiging kani-kanilang buhay at hantungan ng Diyos at ng mga tao pagkatapos nilang pumasok sa pahinga. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan ng digmaan sa pagitan nito at ng Diyos. Tulad nito, ang pagpasok ng Diyos sa pahinga pagkatapos ng Kanyang gawaing pamamahala at ang ganap na kaligtasan at pagpasok sa pahinga ng sangkatauhan ay mga hindi na rin maiiwasang kahihinatnan. Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Bagama’t sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at bagama’t inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga, pamumunuan Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay mananatiling Espiritu, habang mananatiling laman ang mga tao. Namamahinga ang Diyos at ang mga tao sa magkaibang paraan. Habang nagpapahinga ang Diyos, darating Siya at magpapakita sa gitna ng mga tao. Habang nagpapahinga ang mga tao, aakayin sila ng Diyos upang dumalaw sa langit, pati na rin upang ikasiya ang buhay doon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Kapag nakakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa at ang buong mga puwersa ni Satanas ay naigapos, ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay-bagay ay hindi na magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong panlipunan, masalimuot na relasyong pampamilya—nagdadala ang mga iyon ng napakaraming gulo, napakalubhang sakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa sandaling nalupig ang tao, ang kanyang puso at isipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang at nagmamahal sa Diyos. Sa sandaling ang lahat niyaong nasa loob ng sansinukob na naghahanap na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa sandaling natalo na si Satanas, at sa sandaling si Satanas—lahat ng puwersa ng kadiliman—ay naigapos na, kung gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi-maligalig, at makakapamuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at mga kasalimuotan ng laman, sa gayon ito ay magiging lalong napakadali. Ang mga kaugnayan ng laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napapalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat isa sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat miyembro ng iyong pamilya, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa kaninuman. Wala nang magiging mas mabuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang pagdurusa ng tao. Namumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng mga anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay magiging tulad na tulad ng isang anghel. Ito ang panghuling pangako, ang huling pangakong ipinagkakaloob sa tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Kapag pumasok na ang tao sa walang-hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, kailangan niyang mag-alala na siya ay lulusubin ni Satanas. Sa panahong ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi siya kinakastigo o hinahatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanyang tungkulin. Sa panahong iyon, ang tao ay magiging isang nilikha kapwa sa pagkakakilanlan at sa katayuan. Wala nang magiging pagkakaiba ng mataas at mababa; ang bawat tao ay gaganap na lamang ng iba-ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mamumuhay pa rin sa isang maayos at angkop na hantungan ng sangkatauhan; gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang sangkatauhang ito ang magiging sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa panahong iyon, nagtamo na ang tao ng isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng isang normal na buhay sa lupa, at ang lahat ng tao ay papasok sa tamang landas. Lubos nang nagapi ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y nabawi na ng Diyos ang orihinal na larawan ng tao noong siya ay likhain, at sa gayon, ang orihinal na layunin ng Diyos ay natupad na.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, natamo na ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Magkakaroon Siya ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at ang lahat ng yaong mga sumasalungat sa Kanya ay mapapahamak sa lahat ng kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang una Niyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan; ipanunumbalik nito ang layunin Niya sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ipanunumbalik din nito ang awtoridad Niya sa lupa, sa gitna ng lahat ng mga bagay, at sa gitna ng mga kaaway Niya. Ang mga ito ang magiging mga sagisag ng ganap Niyang tagumpay. Mula roon, papasok ang sangkatauhan sa pamamahinga at sisimulan ang buhay na nasa tamang landas. Papasok din sa walang-hanggang pamamahinga ang Diyos kasama ang sangkatauhan, at magsisimula ng isang walang-hanggang buhay na kapwa pagsasaluhan Niya at ng mga tao. Naglaho na ang dungis at pagsuway sa lupa, at humupa na ang lahat ng pagtangis, at tumigil na sa pag-iral ang lahat-lahat ng nasa daigdig na sumasalungat sa Diyos. Tanging ang Diyos at yaong mga taong dinalhan Niya ng kaligtasan ang mananatili; tanging ang nilikha Niya ang mananatili.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Ang buong lupain ay napuno ng tawanan, saanmang dako sa mundo ay puno ng papuri, at walang lugar na wala ang Aking kaluwalhatian. Ang Aking karunungan ay nasa lahat ng dako sa mundo, at sa buong sansinukob. Sa lahat ng bagay ay naroon ang mga bunga ng Aking karunungan, lahat ng tao ay sagana sa mga obra maestra ng Aking karunungan; lahat ng bagay ay katulad ng lahat ng bagay sa Aking kaharian, at lahat ng tao ay namamahinga sa ilalim ng Aking kalangitan na tulad ng mga tupa sa Aking mga pastulan. Gumagalaw Ako sa ibabaw ng lahat ng tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang anumang mukhang luma kailanman, at walang taong katulad ng dati. Namamahinga Ako sa trono, nakasandig Ako sa ibabaw ng buong sansinukob, at lubos Akong nasisiyahan, sapagkat nabawi na ng lahat ng bagay ang kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang payapa sa loob ng Sion, at ang mga tao sa lupa ay maaaring mamuhay nang mapayapa at kuntento sa ilalim ng Aking patnubay. Lahat ng tao ay pinangangasiwaan ang lahat ng bagay sa Aking kamay, lahat ng tao ay nabawi na ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, kundi, sa Aking kaharian, sila ay banal na tulad ng jade, bawat isa ay may mukhang gaya ng sa banal na nasa puso ng tao, sapagkat ang Aking kaharian ay naitatag na sa mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 16

“Gumagalaw Ako sa ibabaw ng lahat ng tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang anumang mukhang luma kailanman, at walang taong katulad ng dati. Namamahinga Ako sa trono, nakasandig Ako sa ibabaw ng buong sansinukob….” Ito ang kinahinatnan ng kasalukuyang gawain ng Diyos. Lahat ng taong hinirang ng Diyos ay bumabalik sa kanilang orihinal na anyo, na siyang dahilan kung bakit ang mga anghel, na nagdusa nang napakaraming taon, ay pinalaya, tulad ng sinasabi ng Diyos na “ang kanilang mukha ay katulad ng sa banal na nasa puso ng tao.” Dahil gumagawa ang mga anghel sa lupa at naglilingkod sa Diyos sa lupa, at lumalaganap ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo, dinadala ang langit sa lupa, at itinataas ang lupa sa langit. Samakatuwid, ang tao ang kawing na nag-uugnay sa langit at lupa; ang langit at lupa ay hindi na magkabukod, hindi na magkahiwalay, kundi magkaugnay bilang isa. Sa buong mundo, ang Diyos at ang tao lamang ang umiiral. Walang alikabok o dumi, at lahat ng bagay ay napanibago, gaya ng isang batang corderong nakahiga sa isang luntiang damuhan sa silong ng langit, nagtatamasa ng lahat ng biyaya ng Diyos. At dahil sa pagdating ng kaluntiang ito kaya sumisikat ang hininga ng buhay, sapagkat dumarating ang Diyos sa mundo upang mamuhay sa tabi ng tao sa buong kawalang-hanggan, tulad ng sinabi mula sa bibig ng Diyos na “muli Akong maninirahan nang payapa sa loob ng Sion.” Ito ang simbolo ng pagkatalo ni Satanas, ito ang araw ng kapahingahan ng Diyos, at ang araw na ito ay pupurihin at ipapahayag ng lahat ng tao, at gugunitain ng lahat ng tao. Kapag nagpapahinga ang Diyos sa trono, iyon din ang panahon na tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, at iyon ang mismong sandali na lahat ng hiwaga ng Diyos ay ipinapakita sa tao; ang Diyos at ang tao ay magkakasundo magpakailanman, hindi kailanman magkakabukod—gayon ang magagandang mga tagpo sa kaharian!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 16

Sa isang paghaginit ng kidlat, nabubunyag ang tunay na anyo ng bawat hayop. Gayundin naman, natatanglawan ng Aking liwanag, nabawi na ng tao ang kabanalang minsan niyang tinaglay. Ah, tiwaling mundo noong araw! Sa wakas, nabuwal na ito tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! Ah, buong sangkatauhan, na sarili Kong likha! Sa wakas ay muli silang nabuhay sa liwanag, natagpuan nila ang pundasyon para sa pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! Ah, ang napakaraming bagay na nilikha na hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan, sa liwanag, ang kanilang mga tungkulin? Hindi na tahimik at walang ingay na parang libingan ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Ang langit at lupa, na wala nang puwang sa pagitan, ay nagkaisa na, at hindi na kailanman muling paghihiwalayin pa. Sa masayang pagkakataong ito, sa sandaling ito ng malaking katuwaan, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot na sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Nagtatawanan sa galak ang mga lungsod ng langit, at nagsasayawan sa galak ang mga kaharian ng lupa. Sa pagkakataong ito, sino ang hindi nagagalak, at sino ang hindi nananangis? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay pag-aari ng langit, at ang langit ay kaugnay ng lupa. Ang tao ang tali na nag-uugnay sa langit at lupa, at dahil sa kabanalan ng tao, dahil sa pagpapanibago ng tao, hindi na nakatago ang langit mula sa lupa, at hindi na tahimik ang lupa ukol sa langit. Ang mukha ng sangkatauhan ay puno ng mga ngiti ng kasiyahan, at may nakatago sa lahat ng puso nila na isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa tao, ni hindi sinasaktan ng mga tao ang isa’t isa. Mayroon ba, sa Aking liwanag, na hindi namumuhay nang matiwasay sa piling ng iba? Mayroon ba, sa Aking panahon, na nagbibigay ng kahihiyan sa Aking pangalan? Mapitagang nakatingin sa Akin ang lahat ng tao, at sa puso nila, lihim silang nananawagan sa Akin. Nasiyasat Ko na ang bawat kilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis na, walang sumusuway sa Akin, walang humuhusga sa Akin. Buong sangkatauhan ay puno ng Aking disposisyon. Lahat ng tao ay nakikilala na Ako, mas lumalapit sa Akin, at sinasamba Ako. Naninindigan Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa pinakamataas na tugatog sa mga mata ng tao, at dumadaloy sa dugo sa mga ugat ng tao. Ang masayang pagbubunyi sa puso ng tao ay pinupuno ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatakluban ng makakapal na hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 18

Sa Aking liwanag, muling nakikita ng mga tao ang liwanag. Sa Aking salita, natatagpuan ng mga tao ang mga bagay na tinatamasa nila. Nagmula ako sa Silangan, nanggaling ako sa Silangan. Kapag nagliliwanag ang Aking kaluwalhatian, lahat ng bansa ay naliliwanagan, lahat ay nadadala sa liwanag, wala ni isa mang bagay ang nananatili sa kadiliman. Sa kaharian, ang buhay na ipinamumuhay ng bayan ng Diyos sa Kanyang piling ay lubhang masaya. Sumasayaw sa tuwa ang mga tubig sa pinagpalang buhay ng mga tao, nagagalak ang mga kabundukan sa Aking kasaganaan kasama ng mga tao. Lahat ng tao ay nagpupunyagi, nagsusumikap, nagpapakita ng kanilang katapatan sa Aking kaharian. Sa kaharian, wala nang paghihimagsik, wala nang paglaban; umaasa ang kalangitan at ang lupa sa isa’t isa, nagkakalapit Ako at ang sangkatauhan na may malalim na damdamin, sa pamamagitan ng matatamis na kagalakan ng buhay, na nakasandig sa isa’t isa…. Sa panahong ito, pormal Kong sinisimulan ang Aking buhay sa langit. Wala na ang panliligalig ni Satanas, at pumapasok sa kapahingahan ang mga tao. Sa buong sansinukob, ang bayang Aking hinirang ay nabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian, pinagpapala nang walang katulad, hindi bilang mga taong nabubuhay sa piling ng mga tao, kundi bilang mga taong nabubuhay sa piling ng Diyos. Napagdaanan na ng buong sangkatauhan ang katiwalian ni Satanas, at natikman ang pait at tamis ng buhay hanggang latak. Ngayon, habang nabubuhay sa Aking liwanag, paanong hindi magagalak ang isang tao? Paanong basta na lamang babalewalain ng isang tao ang magandang sandaling ito at palalagpasin ito? Kayong mga Tao! Kantahin ang awit sa inyong puso at sumayaw nang buong kagalakan para sa Akin! Itaas ang inyong pusong tapat at ialay ang mga ito sa Akin! Paluin ang inyong mga tambol at masayang tumugtog para sa Akin! Pinagniningning Ko ang Aking kasiyahan sa buong sansinukob! Inihahayag Ko sa mga tao ang Aking maluwalhating mukha! Mananawagan Ako sa malakas na tinig! Lalagpasan Ko ang sansinukob! Naghahari na Ako sa gitna ng mga tao! Dinadakila Ako ng mga tao! Tinatangay Ako sa bughaw na kalangitan sa itaas at lumalakad ang mga tao na kasama Ko. Naglalakad Ako kasama ang mga tao at nakapaligid sa Akin ang Aking bayan! Masayang-masaya ang puso ng mga tao, niyayanig ng kanilang mga awit ang sansinukob, binibitak ang kaitaasan! Hindi na nalalambungan ng ulap ang sansinukob; wala nang naiipong putik at dumi sa imburnal. Mga banal na tao ng sansinukob! Sa ilalim ng Aking pagsusuri ipinapakita ninyo ang inyong tunay na mukha. Hindi kayo mga taong natatakpan ng dumi, kundi mga banal na kasing-puro ng jade, kayong lahat ay Aking pinakamamahal, kayong lahat ay Aking kasiyahan! Lahat ng bagay ay muling nabubuhay! Lahat ng banal ay nangagbalikan upang paglingkuran Ako sa langit, na pumapasok sa Aking mainit na yakap, hindi na luhaan, hindi na balisa, inaalay ang kanilang sarili sa Akin, bumabalik sa Aking tahanan, at sa kanilang bayang-tinubuan mamahalin nila Ako nang walang humpay! Hindi nagbabago sa buong kawalang-hanggan! Nasaan ang kalungkutan! Nasaan ang mga luha! Nasaan ang laman! Lumilipas ang mundo, ngunit ang mga kalangitan ay magpakailanman. Nagpapakita Ako sa lahat ng tao, at lahat ng tao ay pinupuri Ako. Ang buhay na ito, ang kagandahang ito, noon pa mang unang panahon hanggang sa katapusan ng panahon ay hindi magbabago. Ito ang buhay ng kaharian.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Magalak Kayong Lahat na mga Tao!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.