Anong gantimpala ang ipinagkakaloob sa matatalinong dalaga? Mapapahamak ba sa kalamidad ang mga mangmang na dalaga?

Abril 21, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang sumunod at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, nguni’t makakaya ring malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ring malaman ang mga pagkaintindi at pagsuway ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. Ang mga taong inaalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundin ang pinakahuling gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakahuling gawain ng Diyos. Na ang gayong mga tao ay hayagang kinakalaban ang Diyos sapagkat ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, at sapagkat ang larawan ng Diyos ay hindi kagaya ng sa kanilang mga pagkaintindi—bilang resulta nito hayagan nilang kinakalaban ang Diyos at hinahatulan ang Diyos, na humahantong na sila ay kasuklaman at itakwil ng Diyos. Ang pagtataglay ng kaalaman ukol sa pinakahuling gawain ng Diyos ay hindi magaan na bagay, ngunit kung pinipili ng mga tao na sumunod sa gawain ng Diyos at hangarin ang gawain ng Diyos, magkakaroon sila ng pagkakataon na makita ang Diyos, at magkakaroon ng pagkakataon na kamtin ang pinakabagong paggabay ng Banal na Espiritu. Yaong mga sinasadyang kalabanin ang gawain ng Diyos ay hindi makakatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu o ng paggabay ng Diyos. Kaya, matatanggap man o hindi ng mga tao ang pinakahuling gawain ng Diyos ay nakasalalay sa biyaya ng Diyos, nakasalalay ito sa kanilang paghahangad, at nakasalalay ito sa kanilang mga layunin.

Lahat niyaong nakakasunod sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit na sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi nakakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong nakakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupo ng mga taong ito, na tumatanggap ng pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang anyo ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupo ng mga taong ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Kapag naranasan mo na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; ngayon mo lamang natitigan ang mukha ng Diyos, narinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos, at tunay na nadama kung gaano katotoo at kamakapangyarihan sa lahat ng Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong malalaman kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang maging kaayon ng puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at tatanggihan o hindi tatanggapin ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gayon ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa kahuli-hulihan ay magkakasala ng pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos ay mapapasailalim sa pangalan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat. Makakatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi kailanman nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12–16). Ang pangitaing ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay naging katawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagkastigo at mga paghatol, ang Anak ng tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng tao na nakita ni Juan. (Siyempre, ang lahat ng ito ay hindi makikita niyaong mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng tao, sapagka’t ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Sa sandaling naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, sa gayon malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga ilawan: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nakabigkas ng napakaraming salita ay tunay na ang ikalawang nagkatawang-taong Diyos. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ang pinakamapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Sinasabi Ko sa inyo, tiyak na yaong mga naniniwala sa Diyos nang dahil sa mga palatandaan ay tiyak na nasa kategorya ng mga daranas ng pagkawasak. Yaong mga hindi kayang tumanggap sa mga salita ni Jesus na nagbalik na sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategorya na sasailalim sa walang-katapusang pagkawasak. Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ay ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan na ng Diyos na gumawa sa Kanyang gawain sa lupa. At sa gayon ay sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ng Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat pagdusahan ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu ay maliwanag sa lahat. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag lumaban ka sa Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, walang sinuman kung gayon ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagka’t ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa mga huling araw, ang Diyos ay magkakatawang-tao at bababa nang palihim sa mga tao upang bumigkas at magsalita, gagawin ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, dadalisayin at gagawing perpekto ang lahat ng nakakarinig sa Kanyang tinig at babalik sa harap ng Kanyang luklukan at gagawin silang isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos ay magpapadala ang Diyos ng malaking kalamidad, na magpipino at kakastigo sa lahat ng hindi tatanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, bababa ang Diyos na sakay ng mga ulap upang hayagang magpakita sa lahat ng tao. Ganap na tutuparin niyon ang propesiya sa Pahayag 1:7: “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya.” Kapag bumaba ang Panginoon na sakay ng mga ulap, makikita pa rin ba Siya ng mga sumaksak sa Kanya? Sino ba ang mga taong sumaksak sa Kanya? Sabi ng ilan, iyon daw mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus. Sila nga ba? Hindi ba matagal nang isinumpa at pinuksa ng Diyos ang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Ang totoo, yaong mga sumaksak sa Kanya ay yaong mga tao, noong panahon na bumaba nang palihim ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gumawa, hindi naghahanap sa tinig ng Diyos at tumutuligsa at lumalaban sa Makapangyarihang Diyos. Sa panahong iyon, makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos na kanilang nilabanan at tinuligsa ay walang iba kundi ang Tagapagligtas na si Jesus na matagal na nilang hinihintay sa haba ng panahon. Kakabugin nila ang kanilang dibdib, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Matatalinong dalaga lamang na nakakarinig sa tinig ng Diyos ang maaaring magkaroon ng pagkakataong sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon, madala sa harap ng luklukan ng Diyos upang dumalo sa piging ng kasal ng Cordero, at magawang perpekto ng Diyos bilang isang mananagumpay. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag 14:4, “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Patungkol sa mga nananangan lamang sa paniwala na bababa ang Panginoon na sakay ng mga ulap ngunit hindi hinahanap at sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, itinuturing silang mga mangmang na dalaga. Lalo na yaong mga galit na lumalaban at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos, sila ang mga Fariseo at anticristong inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang lahat ng taong muling nagpako sa Diyos sa krus. Lahat ng taong ito ay mahuhulog sa malalaking kalamidad at tatanggap ng parusa.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Ang salita ng Diyos sa kasalukuyan ay napapalaganap at nagpapatotoo, at kayo ang unang grupo ng mga tao mula sa lahat ng bansa, mula sa lahat ng rehiyon na tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Kayo ang pinakapinagpala … Una, natatanggap ninyo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw sapagka’t nakikita ninyo na ang Panginoong Jesus ay nagbabalik, na Siya ay nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao, nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya ang inyong pagtanggap ay nangangahulugan na kayo ay nadadala sa langit, kayo ay nadadala sa langit sa harap ng Diyos. Kayo ay iniaangat sa himpapawid upang makipagkita sa Panginoon. Ano ang ibig sabihin ng “himpapawid” na ito? Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo upang makamit ang mga tao at pagsasalita sa online, hindi ba’t iyan ay “sa himpapawid”? Nasaan ang “himpapawid”? Ang “himpapawid” ay isang talinghaga, at kinakatawan nito ang tanong kung tayo ay nasa langit o nasa lupa. Sa pinakaliteral na pananalita, tayo ay nasa lupa, nguni’t tinatamasa natin ang isang buhay kasama ng Diyos at kinakain at iniinom natin ang salita ng Diyos, na siyang tubig ng bukal ng buhay na umaagos mula sa luklukan, kaya nabubuhay tayo na parang tayo ay nasa ikatlong langit. Ayon sa aktwal nitong kabuluhan, nasaan tayo? Nasa langit ba tayo o nasa lupa? Mahirap sabihin, kaya ginagamit natin ang “nasa himpapawid” upang ilarawan ito. Sa araw na ito, ikaw ay nadadala sa langit sa harap ng luklukan ng Diyos upang makipagdiwang kasama ng Kordero, na pakikipagdiwang sa Diyos. Ikalawa, nakakamit mo ang pagkakataon na magawang perpekto ng Diyos sa mga huling araw. Kung ikaw ay dinadalisay at ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa harap ng luklukan ni Cristo, magiging karapat-dapat kang kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos. Napakalaking pagpapala! Natamo natin kung ano ang pinakaaasam ng mga banal sa lahat ng panahon nguni’t karamihan sa kanila ay nabigong makamit. Hindi ba tayo ang pinakamapalad? Ikatlo, tayo ay sumasailalim sa pagkastigo at paghatol ng Diyos, tinatabasan at pinakikitunguhan, at tinutuwid at dinidisiplina. Kahit na nagdurusa tayo nang kaunti sa ating mga puso at maaaring nahihiya tayo sa una, sa katapusan magkakamit tayo ng isang bagay. Iyon ay, matatamo natin ang kinalabasan ng pagiging dinadalisay, ng pagkaunawa sa katotohanan at pagkakilala sa Diyos. Kahit na isinasantabi natin ang ating dangal at ang ating kahihiyan kapag tayo ay tinutuwid, nagpapatirapa at tumatangis nang husto, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi, gayunman pagkatapos ng pagsailalim sa isang panahon ng gayong pagpipino, sinisimulan nating isabuhay ang kawangis ng isang totoong tao. Tayo ay nagiging lalong mas makatuwiran, nagigising ang ating konsensya, ang ating mga espiritu ay nagniningning, at nakikita natin ang Diyos. Nagiging ganap tayong tiyak sa landas na ito, at ang ating daan ay nagiging paningning nang paningning hanggang sa wakas ay itinatalaga natin ang ating mga sarili sa landas ng pagiging ginagawang perpekto at tayo ay nagiging mga mananagumpay. Ano ang ibig sabihin ng maging mga mananagumpay? Nangangahulugan ito na hindi na sasailalim sa pagdanas ng malaking sakuna; kapag ito ay dumating, “Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni’t hindi lalapit sa iyo” (Awit 91:7). Hindi ba ito isang napakalaking biyaya? Ang mga hindi-mananampalataya at ang mga taong relihiyoso ay mahuhulog sa sakuna, at samantalang tayo mismo ay maaaring magmukhang nasa gitna ng sakuna, ang Diyos ay kasama natin, kaya ang sakuna ay hindi sasapit sa atin. Kung totoong nakakamit mo ang katotohanan, sinasabi Ko sa iyo, hindi mo mararanasan ang kamatayan. Totoo ang mga salitang ito. Ang pangako ng Diyos sa mga huling araw, ang pinakadakilang mga biyaya, ay sasapit sa atin.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman