Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katunayan na Taglay ng Diyos ang Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Tao

Abril 21, 2018

Matapos mapakinggan ang lahat ng Aking nasabi, nagbago ba ang inyong ideya tungkol sa kapalaran? Ano ang inyong pagkakaunawa sa katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao? Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, aktibo o pasibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at ang Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay ang tao, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa huli ay babalik siya sa landas ng kapalaran na iginuhit ng Lumikha para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha at ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala ang may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, ang nagpapahintulot sa mga taong isilang muli’t muli nang walang panghihimasok, ang regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katunayang ito at nauunawaan ang mga ito, sa mababaw man o malalim na paraan, at ang lalim ng inyong pagkaunawa ay nakabatay sa inyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at sa inyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang katotohanang realidad, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nalalaman ang diwa at disposisyon ng Diyos—ang lahat ng ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa pagpapasakop ng mga tao sa mga ito? Ang katunayan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay tinutukoy ng pagpapasakop ng sangkatauhan dito? Umiiral ang awtoridad ng Diyos kahit ano pa ang mga kalagayan. Sa lahat ng sitwasyon, idinidikta at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao at ng lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga iniisip at sa Kanyang mga ninanais. Hindi ito magbabago dahil nagbabago ang mga tao; ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao at hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Nalalaman at tinatanggap man ng tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos o hindi, nagpapasakop man ang tao rito o hindi—hindi nito binabago nang kahit kaunti ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Ibig sabihin, kahit ano pa man ang saloobin ng tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta na lang baguhin ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, Siya pa rin ang may hawak sa iyong kapalaran; kahit na hindi mo nalalaman ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, umiiral pa rin ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Diyos at ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, at hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, sa bawat sandali. Ang Langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman lilipas, sapagkat Siya ay ang Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi nalalagyan ng hangganan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawain ng pamamahala; sa lahat ng panahon ay pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay—gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay totoo; ito ang hindi nagbabagong katotohanan mula pa noong unang panahon!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Ikalawang Sugpungan: Paglaki

Depende sa uri ng pamilya kung saan sila ipinanganak, lumalaki ang mga tao sa iba’t ibang pantahanang kapaligiran at natututo ng iba’t...

Ang Ikalimang Sugpungan: Supling

Pagkatapos mag-asawa, nagsisimula ang isang tao na alagaan ang susunod na henerasyon. Walang kontrol ang tao sa bilang at uri ng mga anak...