Huwag Palampasin ang Pagkakataon na Makilala ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Lumikha

Abril 21, 2018

Ang anim na sugpungan na inilarawan sa itaas ay mahahalagang yugto na isinaayos ng Lumikha na dapat pagdaanan ng bawat normal na tao sa kanyang buhay. Sa pananaw ng isang tao, ang bawat isa sa mga sugpungang ito ay tunay, wala ni isa man dito ang maaaring matakasan, at lahat ay nauugnay sa paunang pagtatadhana at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kaya para sa isang tao, bawat isa sa mga sugpungang ito ay isang mahalagang checkpoint, at kung paano matagumpay na dumaan sa bawat isa sa mga ito ang seryosong katanungan na kinakaharap ninyong lahat ngayon.

Ang ilang dekadang bumubuo sa buhay ng tao ay hindi mahaba at hindi rin maikli. Ang humigit-kumulang na dalawampung taon sa pagitan ng kapanganakan at pagkahinog ng gulang ay lumilipas sa isang kisapmata, at bagaman sa puntong ito ng buhay ang tao ay itinuturing nang isang may hustong gulang, ang mga tao sa grupo ng edad na ito ay walang alam tungkol sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. Habang nagkakaroon sila ng mas maraming karanasan, sila ay unti-unting dumarating sa kalagitnaang edad. Ang mga tao sa edad na tatlumpu at apatnapu ay nagtatamo ng umuusbong na karanasan sa buhay at kapalaran, subalit ang kanilang mga ideya tungkol sa mga bagay na ito ay masyado pa ring malabo. Pagsapit sa edad na apatnapu pa lamang nagsisimulang maunawaan ng ilang tao ang sangkatauhan at ang sansinukob, na nilikha ng Diyos, at maintindihan ang layunin ng buhay ng tao, ang layunin ng kapalaran ng tao. May ilang tao na, bagaman matagal nang mga tagasunod ng Diyos at ngayon ay nasa kalagitnaang gulang na, ay hindi pa rin nag-aangkin ng tamang kaalaman at kahulugan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at lalong walang tunay na pagpapasakop. May ilang tao na walang pakialam maliban sa paghahangad na makatanggap ng mga pagpapala, at bagaman maraming taon na silang nabubuhay, hindi nila alam o nauunawaan ni katiting ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha sa kapalaran ng tao, at hindi pa humahakbang nang kahit bahagya man lamang tungo sa praktikal na aral ng pagpapasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Ang mga taong tulad nito ay hangal na hangal, at sila ay nabubuhay nang walang kabuluhan.

Kung ang mga panahon sa buhay ng tao ay hinati-hati ayon sa antas ng karanasan sa buhay ng mga tao at kaalaman nila sa kapalaran ng tao, ang mga ito ay humigit-kumulang na mahahati sa tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang kabataan, ang mga taon sa pagitan ng kapanganakan at kalagitnaang edad, o mula kapanganakan hanggang tatlumpung taon. Ang ikalawang bahagi ay ang panahon ng kahustuhan ng pag-iisip, mula kalagitnaang edad hanggang katandaan, o simula sa tatlumpu hanggang animnapung taon. At ang ikatlong bahagi ay ang panahon ng katandaan ng isang tao, na nag-uumpisa sa edad ng katandaan, simula sa animnapung taon, hanggang sa lisanin niya ang mundo. Sa ibang mga salita, mula kapanganakan hanggang kalagitnaang edad, karamihan sa kaalaman ng mga tao sa kapalaran at sa buhay ay limitado sa paggaya sa mga ideya ng iba at halos walang tunay at praktikal na diwa. Sa panahong ito, ang pagtingin sa buhay ng isang tao at ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan niya sa ibang tao ay talagang mababaw at walang muwang. Ito ang panahon ng kabataan. Kapag natikman na ng isang tao ang lahat ng galak at pighati sa buhay ay saka pa lamang niya matatamo ang isang tunay na pagkaunawa sa kapalaran, at—nang hindi namamalayan at sa kaibuturan ng kanyang puso—ay unti-unti niyang mapapahalagahan na hindi maaaring mabaliktad ang kapalaran, at dahan-dahan niyang matatanto na ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha sa kapalaran ng tao ay tunay na umiiral. Ito ang panahon ng kahustuhan ng pag-iisip. Pumapasok ang isang tao sa panahon ng kahustuhan ng pag-iisip kapag ang isang tao ay huminto na sa pakikibaka laban sa kapalaran, at kapag siya ay hindi na handang mapasali sa mga pag-aaway, at sa halip ay alam na ang sariling kapalaran sa buhay, nagpapasakop sa kalooban ng Langit, binubuod ang sariling mga nagawa at mga pagkakamali sa buhay, at naghihintay sa paghatol ng Lumikha sa kanyang buhay. Kung isasaalang-alang ang iba’t ibang karanasan at mga natamo ng mga tao na nakamtan sa tatlong kapanahunang ito, sa normal na mga kalagayan, kakaunti lamang ang mga pagkakataon ng isang tao na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung mabubuhay ang isang tao hanggang animnapung taon, siya ay may tatlumpung taon lamang o mahigit pa upang malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos; kung nais niya ng mas mahabang panahon, posible lamang iyon kung ang buhay ng isang tao ay sapat ang haba, kung siya ay mabubuhay sa loob ng isang siglo. Kaya sinasabi Ko, ayon sa normal na mga batas ng pag-iral ng tao, bagaman ito ay isang napakahabang proseso mula nang unang makatagpo ng tao ang paksa tungkol sa pag-alam sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha hanggang sa makilala niya ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihang iyon, at mula roon hanggang sa punto na kaya na niyang magpasakop dito, kung talagang bibilangin niya ang mga taon, wala pang higit na tatlumpu o apatnapung taon ang panahon kung kailan may pagkakataon siyang matamo ang mga gantimpalang ito. At kadalasan, ang mga tao ay nadadala ng kanilang mga pagnanais at ng kanilang mga ambisyon na makatanggap ng mga pagpapala na hindi na nila mabatid kung saan naroon ang diwa ng buhay ng tao at hindi nila naiintindihan ang kahalagahan ng pag-alam sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Hindi itinatangi ng mga taong tulad nito ang ganitong kahalagang pagkakataon na pumasok sa mundo ng tao upang maranasan ang buhay ng tao at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, at hindi nila natatanto kung gaano kahalaga para sa isang nilikhang tao na makatanggap ng personal na paggabay ng Lumikha. Kaya sinasabi Ko, sa mga taong nagnanais na agad na matapos ang gawain ng Diyos, sa mga nagnanais na sana ay isaayos na agad ng Diyos ang katapusan ng tao sa lalong madaling panahon upang makita na nila kaagad ang Kanyang persona at agad silang pagpalain sa lalong madaling panahon—ginagawa nila ang pinakamalubhang uri ng pagsuway at sukdulan ang kanilang kahangalan. Samantala, ang mga nagnanais, sa panahon ng kanilang limitadong oras, na maintindihan ang natatanging pagkakataong ito na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, ay ang marurunong sa mga tao at nagtataglay ng pinakamataas na talino. Ang dalawang magkaibang pagnanais na ito ay naglalantad ng dalawang lubhang magkaibang pananaw at pinagsisikapan: Ang mga naghahanap ng mga pagpapala ay makasarili at napakasama at wala silang ipinakikitang pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, hindi nila kailanman hinahangad na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi sila kailanman naghahangad na magpasakop dito, ngunit nais lamang nilang mabuhay ayon sa kanilang kagustuhan. Sila ay masasamang taong walang pakialam at sila ang kategorya ng mga tao na mawawasak. Ang mga naghahangad na makilala ang Diyos ay nagagawang isantabi ang kanilang mga pagnanais, handang magpasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at mga pagsasaayos ng Diyos, at sinusubukan nilang maging mga uri ng tao na nagpapasakop sa awtoridad ng Diyos at isinasakatuparan ang hangarin ng Diyos. Ang ganoong mga tao ay nabubuhay sa liwanag at sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos, at tiyak na papupurihan sila ng Diyos. Ano man ang mangyari, ang pagpili ng tao ay walang silbi at ang mga tao ay walang masasabi kung gaano katagal ang gawain ng Diyos. Mas mabuti para sa mga tao na magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Kung hindi ka magpapasakop sa Kanyang pagsasaayos, ano ang magagawa mo? Mawawalan ba ng kahit ano ang Diyos? Kung hindi ka magpapasakop sa Kanyang pagsasaayos, at sa halip ay sinusubukan mong maging tagapamuno, kung gayon ay gumagawa ka ng kahangalan, at sa huli ay tanging ikaw lamang ang mawawalan. Kung makikipagtulungan lamang ang mga tao sa Diyos sa lalong madaling panahon, kung magmamadali lamang silang tanggapin ang Kanyang mga pangangasiwa, alamin ang Kanyang awtoridad, at unawain ang lahat ng ginawa Niya para sa kanila, doon lamang sila magkakaroon ng pag-asa. Ito lamang ang paraan upang hindi sila mamuhay nang walang saysay at makamit nila ang kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply