Ako ay Dinala sa Harap ng Diyos

Nobyembre 9, 2020

Ni Zhang Yue, Indonesia

Binautismuhan ako at lumapit sa Panginoong Jesus nung 20 ako. Pinagsigla ang puso ko ng mga sermon ng pastor tungkol sa pagmamahal, at matulungin sa isa’t isa ang lahat ng mga kapatid ko sa iglesia, kaya natuwa ako sa pagdalo run. Madalas kong naririnig na sinasabi ng pastor, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin tayo, Nabuhay siyang muli at umakyat sa langit para sa’tin. Pag kumpleto na ang paghahanda Niya, daratiing Siya para dalhin tayo sa langit. Dahil ipinangako ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). At ganundin sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman.’” Madalas na sinasabi ng pastor sa amin: “Hangga’t ang tiwala nati’y nasa Panginoon, kapag dumating Siya, dadalhin Niya tayo paakyat ng langit at makakasama Siya magpakailanman. Sa langit ay walang kalungkutan, walang karamdaman, at walang luha. Meron lang galak at kapayapaan …” Nakakita ako ng pag-asa at suporta sa mga bersong ito. Hangga’t sinusundan ko ang Panginoon at magtitiis hanggang dulo, tiyak na dadalhin ako sa langit at tatamasahin ko ang pagpapala Niya. Lagi akong umaasang darating na ang Panginoon para dalhin ako patungong langit.

Hanggang nung Setyembre 2017, nakilala ko si Brother Wang dun sa Facebook. Sinabi niya sa’kin: “Nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos para ihayag ang katotohanan, gawin ang paghatol at pagdadalisay.” Nung narinig ko ang balitang ito, talagang nabigla ako: Nagbalik na ang Panginoong Jesus? Pero paano nangyari iyon? Hindi pa nangyayari ang pangako Niya, kaya paanong nagbalik na Siya? Bago pa matapos si Brother Wang, sumabad ako at sinabing: “Pag bumalik ang Panginoong Jesus, dadalhin tayo patungo sa mga ulap para makatagpo ang Panginoon. Pero narito pa rin tayong lahat sa lupa, walang dinala sa atin, kaya pa’nong nagbalik na’ng Panginoong Jesus?” Pinayuhan ako ni Brother Wang na hanapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi niya ring magbabahagi siya sa’kin kung may mga tanong ako. Pero dahil iba ang sinabi niya sa pagkaunawa ko, at dahil abala rin ako sa trabaho, di ko na ulit nakausap si Brother Wang.

Nung Nobyembre, pinagpahinga ako nang isang buwan habang may mga isinasaayos sa kompanya ko, kaya nagkaro’n ako ng libreng oras. Madalas akong nagbubukas ng Facebook at nakikipag-chat sa mga kaibigan. Napansin kong marami sa kanilang nagpo-post ng mga pelikula, video, at artikulo ng testimonya, at awitin mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naalala ko kung pa’no sinabi ni Brother Wang sa’kin na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya nag-usisa ako: Anong klaseng iglesia ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Bakit ang bilis nitong lumago? Naalala ko ang isang pamilyar na kasabihan: “Ang nagmumula sa Diyos ay dapat yumabong!” Ang Makapangyarihang Diyos kaya ang nagbalik na Panginoong Jesus? Pero hindi pa tayo dinadala at hindi pa natutupad ang pangako ng Diyos. Ano ba ang nangyayari? Litong-lito ako. Pero isang araw, habang nakikipag-chat ako kay Sister Li sa Facebook, tinanong ko siya nito, “Narinig mo na ba ang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Alam daw niya ito, at iyon lang ang iglesia na hayagang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoong Jesus at kakatanggap pa lang ng pinsan niya sa Makapangyarihang Diyos at sinama siya nito para makinig sa mga sermon. Sinabi niyang ang mga sermon na narinig niya sa Iglesia’y lubos na sariwa’t nagbibigay-liwanag, at nakatulong na sagutin ang mga tanong niya. Kaya nagdesisyon siyang siyasatin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Nung narinig kong malapit nang siyasatin ni Sister Li ang Iglesia, medyo nabahala ako, at nagmadaling sumagot sa kanya: “Sa 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17, sinasabing: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.’ Pero narito pa rin tayo sa lupa, hindi pa tayo naidala, kaya paanong nagbalik na ang Panginoon? Hindi ka dapat masilaw at maligaw sa mga ganyang turo.” Sinabi ni Sister Li, “Hindi tayo dapat masilaw, pero mali ring tanggihan ito nang hindi muna ito sinisiyasat. Hindi yun kalooban ng Panginoon! Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at nilalampasan natin Siya dahil ayaw nating magsiyasat, pagsisisihan natin ito. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:8). Hangga’t naghahanap tayo, tiyak na gagantimpalaan tayo.” Naisip kong may katuturan ang sinabi ni Sister Li. Ang pagsalubong sa Panginoon ay may kaugnayan sa’ting pagpasok sa kaharian ng langit at hindi ‘to dapat ipagwalang-bahala.

Kaya chineck ko ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kasama si Sister Li para siyasatin pa ito. Pinanood namin ang pelikulang Nanganganib na Pagdala, at tumatak sa’kin ang isang pag-uusap sa pagitan ng tatlong tao. Sa eksenang iyon nagbasa si Brother Guo mula sa Pahayag: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao(Pahayag 1:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2, 3). Sabi niya, “Ipinapakita ng mga bersong ito na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magkakatawang-tao Siya bilang ang Anak ng tao para magpahayag sa simbahan. Sinabi rin ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). Maging mga matalinong birhen tayo at hanapin natin ang tinig ng Diyos. Sa’nman magsalita ang Banal na Espiritu sa mga simbahan, mapaparoon ang tinig ng Diyos, pati ang pagpapakita at gawain Niya. Kapag marinig lang natin ang tinig Niya, tanggapin ang Kanyang gawain, at bumalik sa harap ng trono ng Diyos saka tayo madadala. Nauunawaan kong kabilang sa ‘pagdala’ ang pagkarinig sa pagkarinig sa tinig ng Diyos, pagtanggap sa nagkatawang-taong Anak ng tao, at paglapit sa Diyos. Ito ang totoong kahulugan ng pagdala. Di tayo dadalhin kung di natin tinatanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Tatalikuran tayo ng Diyos.” At nagbahagi si Brother Zhou, “Naging tao ang Panginoon bilang ang Anak ng tao para gawin ang gawain Niya sa lupa. Dinadala tayo sa pagtanggap sa nagkatawang-taong Anak ng tao. Maging mga matalinong birhen tayo at hanapin natin ang tinig ng Diyos. Sa paghanap sa pahayag ng Banal na Espiritu at pagtanggap sa Diyos ay tunay tayong dinadala!” Tapos, sinabi ni Brother Zheng, “Alam na natin ngayon ang tunay na kahulugan ng pagdala. Ito’y kapag dumating ang Panginoon sa lupa para matagpuan tayo, kapag naririnig natin ang tinig Niya at bumabalik sa harap Niya. Wala ‘tong kinalaman sa pagdadala mula sa mababa patungong mataas na lugar. Ang Panginoon ay nasa langit at dadalhin Niya tayo patungo sa langit, pero ito’y kathang-isip lang ng imahinasyon natin. Walang kabuluhan ito!”

Pagdating sa puntong ‘yon ng pelikula, medyo nalito ako, kaya tinanong ko si Sister Li: “Kaiba ito mula sa pagkaunawa ko ng pagdala. Mali ba ang pagkaunawa ko sa ideya ng pagdala? Laging ganito inilalarawan ng pastor ko ang pagdala. Ito’y ang pag-akyat sa’tin ng Panginoong Jesus sa himpapawid para makasama Niya sa pagbabalik. Mali ba talaga ang pagkaunawang ito?”

Sumagot si Sister Li: “Nagbibigay-liwanag ang sinasabi nila. Sa Biblia, ang mga banal lang daw ang makakakita sa Panginoon. Ngayong nagkakasala at nangungumpisal pa rin tayo, angkop ba tayong makita ang Panginoon? Hindi ba’t malabo ang ideya natin ng pagdadala para makatagpo ang Panginoon? Narinig kong sinasabi ng mga taga-Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na ginawa lang ng Panginoong Jesus ang pagtutubos na nagpatawad sa tao pero hindi pa rin nalulutas ang tiwaling disposisyon at likas na pagka-makasalanan ng tao. Sila’y nagkakasala pa rin kaya hindi sila makakapasok sa kaharian Niya. Upang iligtas ang sangkatauhan, dumating ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw. Matapos ang gawain ng Panginoong Jesus, inihahayag Niya ang katotohanan, hinahatulan at nililinis ang tao para puksain ang sanhi ng mga kasalanan ng tao, para mailigtas tayo at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya sa palagay ko, ang pagdala’y hindi kasingsimple ng iniisip natin.”

Nang marinig kong magsalita si Sister Li, parang may ilang misteryo sa’kin sa ideya ng pagdala at gusto ko ring malaman ito. Kaya lumapit kami kay Brother Wang ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi sa kanya ang tungkol dito. Sabi ko, “Isinasaad ng 1 Mga Taga-Tesalonica 4:17 na: ‘Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.’ Nakita natin sa pelikulang Nanganganib na Pagdala na ang pagdala ay pakikinig sa tinig ng Diyos dito sa lupa, at pagtanggap sa mga salita’t gawain Niya pag bumalik Siya. Hindi ito ang sinasabi ng Biblia na pagdala sa hangin para makatagpo ang Panginoon. Hindi ba’t taliwas ito sa salita ng Biblia?”

Ganito ang sinabi niya: “Tungkol sa misteryo ng pagdala, walang tao ang ganap na makakaunawa nito. Diyos lang ang nakakaalam. Hanapin natin ang katotohanan batay sa mga salita ng Panginoon at mga propesiya sa Pahayag. Ito lang ang tama. Ano nga ba ang sinasabi sa panalangin ng Panginoon? ‘Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). Malinaw na sinabi sa’tin ng Panginoong Jesus, Ang kaharian ng Diyos ay bababa sa lupa sa mga huling araw. Hindi ‘to mangyayari sa langit. Isasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa gaya ng sa langit. Sinasabi rin sa Pahayag na: ‘At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang babaeng kasintahan na nagagayakang talaga sa kanyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila(Pahayag 21:2–3). ‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman(Pahayag 11:15). Binabanggit ng mga propesiyang ito na ‘ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,’ ‘ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo,’ at ‘ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos.’ Pinapatunayan nitong bubuuin ng Diyos ang kaharian Niya sa lupa sa mga huling araw, mabubuhay siya kasama ang mga tao at ang lahat ng bansa ng mundo ay tunay na magiging kaharian ni Cristo. At kung mapapanatili natin ito, nasa langit ang kaharian ng Diyos at pag bumalik Siya’y dadalhin Niya tayo sa langit, hindi ba’t walang kabuluhan ang mga iyon?”

Dahil dun, naisip kong sa pagiging: “Kristiyano ko, parati kong dinarasal ang panalangin ng Panginoon, na dumating nawa’ng kaharian ng Diyos, at na magawa ang kalooban Niya sa lupa gaya ng sa langit. Sinasabi ng Pahayag, ‘Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,’ ‘Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo,’ at ‘Ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos.’ Ipinapaliwanag ito ng lahat ng mga iyon. Paanong hindi ko ito napagtanto? Ba’t di sinasabi ng pastor ang tungkol sa mga kabanatang ito? Nagbibigay-liwanag ang mga sermon ng mga taga Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw at simple nilang ipinaliwanag ang lahat, at lalo akong nagiging interesado.” Pero may mga tanong pa rin ako, kaya tinanong ko si Brother Wang: “Ang pagtalakay mo sa pagbuo ng Diyos ng kaharian Niya sa lupa ay sariwa at bago, at sang-ayon sa Biblia. Pero pinangako rin ng Panginoong Jesus na: ‘Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Nung muling nabuhay at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, naghanda Siya ng lugar para sa’tin, kaya dapat, nasa langit ang lugar na iyon. Pa’no pa ba mauunawaan ang siping ito?”

Sumagot si Brother Wang gamit ang pagbabahaging ito: “May misteryo sa mga salita ng Panginoon. ‘Di natin pwedeng limitahan ang gawain ng Diyos batay sa pagkaunawa’t imahinasyon natin, dahil ang gawain Niya ay hindi matatarok. Kapag natapos lang ng Diyos ang lahat ng gawain Niya at ipinakita iyon sa’tin, doon natin makikita ito. Nung tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nakita ang mga bunga ng gawain ng Diyos, napagtanto ko ang paghahanda ng Panginoon ng lugar para sa’tin. Na nagiging tao ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang gawain Niya at itinatalaga na isisilang tayo sa mga huling araw para tanggapin ang Kanyang gawain. Tinutupad nito’ng sinabi ng Panginoong Jesus: ‘upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:3). Kaya ang lugar na inihanda ng Panginoong Jesus para sa’tin ay nasa lupa, at wala sa langit.” Nang marinig ko ito, napagtanto ko kung ga’no ako ka-ignorante. Dumating ang Panginoon para magpahayag at gumawa, pero nakamasid pa rin ako sa mga ulap naghihintay na dalhin Niya ako sa hangin. Talagang mali ang pagkaunawa ko! Pa’nong posible kong nasalubong ang Panginoon at nadala?

Pagkatapos ay nagbasa si Brother Wang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag pumasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan nang magkasama, nangangahulugan itong nailigtas na ang sangkatauhan at nawasak na si Satanas, at ganap nang natapos ang gawain ng Diyos sa tao. Hindi na magpapatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain sa mga tao, at sila ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng pamamahala ni Satanas. Samakatuwid, hindi na magiging abala ang Diyos, at ang mga tao ay hindi na palaging aligaga. Ang Diyos at ang sangkatauhan ay magkasabay na papasok sa pahinga. Babalik ang Diyos sa Kanyang orihinal na lugar, at babalik ang bawat tao sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga hantungan kung saan maninirahan ang Diyos at ang mga tao sa sandaling matapos ang buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may patutunguhang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may patutunguhang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. Hindi na mamumuhay ang Diyos kasama ng sangkatauhan, at hindi rin magagawang mamuhay ng mga tao kasama ng Diyos sa Kanyang patutunguhan. Hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong lugar ang Diyos at ang mga tao. Sa halip, kapwa sila may kanya-kanyang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, at ang lahat ng sangkatauhan ay ang pagkikristal, o pagkakaroon ng tiyak na anyo ng pamamahala ng Diyos. Ang inaakay ay ang mga tao, at ang kanilang diwa ay hindi natutulad sa diwa ng Diyos. Ang ‘magpahinga’ ay nangangahulugan ng pagbalik sa orihinal na lugar ng isang tao. Samakatuwid, kapag pumasok sa pahinga ang Diyos, nangangahulugan itong bumalik na Siya sa Kanyang orihinal na lugar. Hindi na Siya mamumuhay sa mundo o makakasama ng sangkatauhan upang makibahagi sa kanilang kagalakan at pagdurusa. Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga bagay ng sangnilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na magiging masuwayin sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba. Ito ang magiging kani-kanilang buhay at hantungan ng Diyos at ng mga tao pagkatapos nilang pumasok sa pahinga. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan ng digmaan sa pagitan nito at ng Diyos. Tulad nito, ang pagpasok ng Diyos sa pahinga pagkatapos ng Kanyang gawaing pamamahala at ang ganap na kaligtasan at pagpasok sa pahinga ng sangkatauhan ay mga hindi na rin maiiwasang kahihinatnan. Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Bagama’t sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at bagama’t inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga, pamumunuan Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Pagkatapos nun ay sinabi ni Brother Wang: “Sa lupang iyon nang sa simula’y unang ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok, at nung ginawang tiwali ni Satanas ang tao, sa lupa ginabayan at tinubos ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng gawain Niya. Ang Diyos ay muling nagkatawang-tao ngayon sa mga huling araw, ipinapahayag ang katotohanan para humatol, maglinis at malutas ang pagiging makasalanan ng tao at gumawa ng pangkat ng mga mananagumpay. Nakikinig sila sa salita ng Diyos, nagpapasakop at sumusunod sa daan Niya. Maisasagawa ang kalooban ng Diyos at maisasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa, at magdadakila sa Diyos. Kapag kumpleto na ang gawaing pamamahala Niya para sa pagliligtas, matatalo Niya na si Satanas. Hindi na magagambala ng mga puwersa nito ang mundo, ang mga matitira ay ang mga naligtas ng Diyos, hindi na maghihimagsik ang tao sa Diyos. Mabubuhay ang sangkatauhan sa kapayapaan, wala nang digmaan, at pwede nang magpahinga ang Diyos at tao nang magkasama. Ang lugar ng pahinga ng Diyos ay nasa langit, at ang lugar ng pahinga ng tao ay nasa lupa. Gagabayan ng Diyos ang sangkatauhan mula sa lugar Niya sa langit, at sasambahin ng tao ang Diyos sa lupa, habang tinatamasa ang buhay. Ito ang kamangha-manghang buhay na inihanda ng Diyos sa sangkatauhan. Ito nga ang makakamit ng Diyos sa bandang huli.”

May napakapraktikal na bagay tungkol sa sinasabi ni Brother Wang. Kapag nasira na si Satanas, makakalaya na ang mundo sa masasamang puwersa, at ang buhay na plano ng Diyos para sa’tin ay magiging pinaka-kamangha-manghang buhay! Hay. Ang pagkaunawa ko sa pagdala ay naging sobrang labo. Ginawa ng Diyos na mabuhay ang tao sa lupa, pa’no siya makakaakyat nang gano’n kadali? Kung tunay na dinala ng Diyos ang tao paakyat sa langit, pa’no sila mabubuhay nang walang pagkain at saka tirahan? Ang ideya ng pakikipagtagpo sa Panginoon sa himpapawid ay imahinasyon ng tao. Parang bata ang ganoong pag-iisip. Lagi kong naririnig sa pastor na nasa langit daw ang kaharian ng Diyos at pinaniwalaan ko iyon at nanabik akong madala sa langit. Mukhang hindi rin nauunawaan ng pastor at mga tagapangaral ang Biblia! Mali ang pakahulugan nila sa salita ng Diyos ayon sa pagkaunawa nila. Nililinlang nila ang tao!

Ipinagpatuloy ni Brother Wang ang pagbabahagi niya: “Tungkol naman sa tunay na kahulugan ng pagdala, tingnan natin ang sinasabi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang “matipon” ay nangangahulugan na madadala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao; malaking pagkakamali iyan. Ang “matipon” ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakaukol ito sa lahat ng Aking itinalaga at pinili. Lahat ng tinipon ay ang mga taong nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, o ang bayan ng Diyos. Lubha itong hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao. Sila na magkakaroon ng bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng natipon sa Aking harapan. Ito ay walang pasubaling totoo, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga ay matitipon sa harap Ko’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 104). Nagbahagi si Brother Wang: “Ang pagdala ay hindi gaya ng iniisip natin. Hindi ito pagdala mula sa lupa patungo sa mga ulap, o kaya’y pagdala paakyat sa langit. Galing ito sa mga pagkaintindi ng tao at literal na interpretasyon ng mga bersong ito. Sa katunayan, ito’y pagsalubong sa Panginoon at pagdala sa’tin sa harap ng Diyos. Ito’y pagkarinig sa Diyos, pagtanggap at pagpapasakop sa bagong gawain Niya at pagsunod sa mga yapak ng Kordero pag nandito na’ng Diyos para magpahayag at gumawa. Dumating ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao para magpahayag ng katotohanan, maghatol at magdalisay. Ang lahat ng nakakarinig sa Diyos at sumusunod sa bagong gawain Niya ay dinadala sa harap ng trono ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga matalinong birhen, sila ang ‘ginto, pilak at mga hiyas’ na dinadala ng Panginoon. Sila’y mahuhusay, at nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan at nauunawaan ang tinig ng Diyos. Tunay silang dinadala. Tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nagtatamo sila ng tunay na pagkaunawa Niya at dinadalisay ang tiwali nilang disposisyon. Sila’y mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang sakuna at aakayin sila ng Diyos sa pangwakas nilang hantungan. Ito ang tunay na kahulugan ng pagdala patungo sa langit. Ang mga kumakapit sa pagkaunawa nila, at naghihintay para dalhin sila ng Panginoon, na tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos ay mga hangal na birhen. Isinasantabi sila ng Panginoon at babagsak sila sa mga sakuna, nang tumatangis at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: ‘Ang mga nagagawang tumayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ang siyang makakapasok sa pangwakas na pahinga sa tabi ng Diyos. Samakatuwid, nakatakas na sa impluwensya ni Satanas ang lahat ng mga pumasok sa pahinga at nakuha na sila ng Diyos pagkatapos sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito, na sa wakas ay natamo na ng Diyos, ay papasok sa huling pahinga. Ang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay sa diwa’y upang dalisayin ang sangkatauhan, alang-alang sa huling pahinga. Kung walang ganitong paglilinis, wala sa sangkatauhan ang maaaring maiuri sa magkakaibang mga kategorya ayon sa uri, o pumasok sa pahinga. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa pahinga. Tanging ang paglilinis ng Diyos ang magtatanggal ng kawalan ng katuwiran ng mga tao, at tanging ang gawain Niya ng pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag sa mga masuwaying bahagi ng sangkatauhan, naghihiwalay sa mga maaaring maligtas mula sa mga hindi maaari, at ang mga mananatili mula sa mga hindi. Kapag natapos ang gawaing ito, ang lahat ng mga taong pinayagang manatili ay lilinisin at papasok sa isang mas mataas na kalagayan ng sangkatauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kamangha-manghang ikalawang buhay sa lupa; sa madaling salita, uumpisahan nila ang kanilang araw ng pahinga, at mabuhay kasama ang Diyos. Matapos makastigo at mahatulan ang mga hindi pinapayagang manatili, ang kanilang tunay na mga kulay ay ganap na maihahayag, pagkatapos nito ay wawasakin silang lahat at, kagaya ni Satanas, hindi na pahihintulutang mabuhay sa lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na magsasama ng alinman sa ganitong uri ng mga tao. Hindi angkop na pumasok sa lupain ng huling pahinga ang ganitong mga tao, at hindi sila angkop na sumali sa araw ng pahingang pagsasaluhan ng Diyos at ng sangkatauhan, dahil sila ang puntirya ng kaparusahan at mga makasalanan, hindi matuwid na mga tao’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). At sinabi ni Brother Wang: “Lahat ng tunay na naniniwala sa Diyos at nananabik na magpakita Siya ay tinanggap ang Makapangyarihang Diyos pag mabasa ang mga salita Niya at marinig ang tinig Niya at dinala sa harap ng trono ng Diyos. Tinatanggap nila ang probisyon ng mga salita ng Diyos at hindi na nauuhaw ang kanilang mga espiritu. Hindi na sila mahina’t negatibo, at hindi nabubuhay sa mga gapos ng kasalanan. Nabubuhay na sila sa liwanag ng Diyos. Dahil tinanggap ang paghatol ng mga salita Niya, unti-unting bumubuti ang mga tiwaling disposisyon nila, at itinatakwil nila ang mga gapos ng kasalanan at nananahan sa lupain ng may kalayaan. Hindi ba’t ito nga ang buhay ng isang dinala?”

Nakatulong ang pagbabahagi ni Brother Wang para malinawan ako. Ang pagiging dinala ay pagkarinig sa Diyos at pagbabalik sa harap ng trono Niya. Naunawaan ko na ang tunay na kahulugan nito. Naunawaan ko lang ang literal na kahulugan ng Mga Kasulatan. Batay sa pagkaunawa ko, naniwala akong darating ang Panginoon upang dalhin tayo. ‘Di ako nagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, muntik lumampas ang pagkakataon kong madala. Napakaignorante ko! Ngayon ko lang napagtanto na ang mga dinala lang sa harap ng trono ng Diyos, tumatanggap sa paghatol ng salita Niya, dinalisay at binago ay angkop na pumasok sa kaharian ng Diyos at tanggapin ang mga pangako Niya. Tunay nga na matalino’t makabuluhan ang gawain ng Diyos. Matapos maghanap, magsiyasat, at magbasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, natiyak kong Siya nga ang nagbalik na Panginoong Jesus at tinanggap ang gawain Niya sa mga huling araw! Dinala ako sa harap ng trono ng Diyos at dumalo ako sa piging ng Kordero. Salamat sa Kanyang pagliligtas!

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Kontakin Kami Gamit ang Messenger