Nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Imposible ’yan! Sinasabi sa Biblia, “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:29–30). Kung talagang nagbalik na ang Panginoon, dapat ay nagawa na Niya nang may malaking kaluwalhatian habang bumababa sakay ng ulap. Bukod diyan, nayanig sana ang langit at lupa, at hindi na nagliwanag ang araw at buwan. Sa ngayon hindi pa nakikita ang gayong tanawin, kaya paano nila nasabi na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari?

Agosto 29, 2018

Sagot: Sa paghihintay na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, lahat tayo’y nagkamali. Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na “gaya ng magnanakaw,” ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ’Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? Pag-isipan mo ’yan. Kapag bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, may mga tanda. ’Di na magliliwanag ang araw at buwan, mahuhulog ang mga bituin sa langit, at mayayanig at langit at lupa. Nakakayanig talaga ang tagpong ’yon, at makikita at malalaman ’yon ng lahat. Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at tatayo sa labas at kakatok sa pinto? Pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, makikita ’yon ng lahat. Kailangan bang may magpatotoo na: “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”? Sinabi rin ng Panginoon: “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang propesiyang ’yon? Bukod pa riyan, Marami ding propesiya sa Biblia na pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, tatapusin Niya ang ilang gawain. Halimbawa, ang gawain ng paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos. Bubuksan Niya ang scroll at kakalagin ang pitong tatak, at mayroon ding pag-aani at pagtatahip, at ang pagbubukod ng mga tao ayon sa kanilang uri, tulad ng pagbubukod ng mga tupa sa mga kambing, ng trigo sa mga damong ligaw, ng mabubuting lingkod sa masasama. Kung dumating ang Panginoon na may dakilang kaluwalhatian, na bumababa sakay ng ulap at nakikita ng lahat, iyon nga ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus nag nagpapakita sa buong sangkatauhan, kaya ’di ba magpapatirapa ang lahat at susundin at susundan Siya? Sino’ng kakalaban sa Kanya? Sa gayon, paano makikilala ang mga tupa sa mga kambing, at ang mabubuting lingkod sa masasama? Paano gagawin ang pag-aani at pagtatahip? Maraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung iwawaksi natin ang iba pang mga propesiya, pero ililimita lang ang paraan ng pagbalik ng Panginoon batay sa isa o dalawang bahagi ng Biblia Na bababa Siya sakay ng puting ulap, hindi makatwiran ’yon, ’di ba? Sa gayong paraan malamang na lumagpas ang pagkakataon nating sumalubong sa Kanyang pagbalik, at hindi Niya tayo tanggapin.

Hesus

Ipinropesiya ng Biblia na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw,” “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:25). Naisakatuparan ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ang mga propesiyang ito. Sa tingin, mukha Siyang karaniwang tao. Nagsasalita Siya na parang normal na tao. Sino ang makakaisip na Siya ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Tinutupad nga nito ang propesiya na babalik ang Panginoon na “gaya ng magnanakaw.” “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw(Pahayag 3:3). Ang propesiyang ito ay tumutukoy sa biglang pagkalat ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa bawat sekta at denominasyon, na parang magnanakaw—imposibleng may makaalam nito. Pinatototohanan ng Kanyang mga mangangaral ang Kanyang mga salita sa lahat ng naghahangad sa pagpapakita ng Diyos, at matiyaga nilang ipinapaliwanag ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang Panginoon na kumakatok sa pinto. Simula nang magpakita at gumawa ang Makapangyarihang Diyos, patuloy na Siyang malupit na tinugis at pinahirapan ng gobyernong Chinese, at dumanas Siya ng baliw na pagkalaban, pagtuligsa, at pagtanggi ng iba’t ibang relihiyon. Marami pa ngang masasamang espiritu at demonyo na hayagang umatake, tumuligsa, at lumapastangan sa Makapangyarihang Diyos online. Lubos nitong tinutupad ang propesiyang binanggit ng Panginoon: “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.” Kung hayagan nang bumaba ang Panginoon sakay ng ulap tulad ng palagay ng mga tao, tiyak na luluhod sa pagsamba ang mga trigo, kambing, masasamang lingkod, at anticristo para tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Paano naman sila ilalantad? Palagay ko kahit mga demonyo ng CCP at lahat ng walang pananalig ay tatanggapin din ang Makapangyarihang Diyos. Magkakagulo niyan ang mundo, hindi ba? Paano isasagawa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Kaya kung nagkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para magpakita at gumawa, saka lang matutupad at matatapos ang mga propesiyang ito na binanggit ng Panginoong Jesus, pati na ang gawain ng Panginoon kapag nagbalik Siya sa mga huling araw. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos at nagpahayag ng lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakikinig ang Kanyang mga tupa sa Kanyang tinig, at pinakikinggan ng matatalinong dalaga mula sa bawat sekta at denominasyon ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at alam nila na iyon ang katotohanan, na iyon ang tinig ng Diyos, at bumaling na silang lahat sa Makapangyarihang Diyos. Ito ang pagdadala. Nadala sa langit ang mga taong ito sa harap ng luklukan ng Diyos, at nahatulan at nakastigo sa harapan ng hukuman ni Cristo. Sila ang unang dadalisayin, gagawing mga mananagumpay ng Diyos, at magiging mga unang bunga. Tinutupad nito ang propesiyang ito mula sa Pahayag: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero. At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis(Pahayag 14:4–5). Matapos bumaba nang lihim ang Diyos at gawing mga mananagumpay ang grupong ito, kumpleto na ang Kanyang dakilang gawain. Pagkatapos niyon, bababa Siya sakay ng ulap at hayagang magpapakita sa lahat ng bansa, sa lahat ng tao. Diyan na mangyayari ang mga dakilang kaganapan ng pagbalik ng Panginoon na sinasabi mo, at tutuparin niyan ang propesiya sa Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Ito ang magiging tagpo ng hayagang pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, at lahat ay makikita Siya. Makikita rin ng ilan sa mga kumalaban at tumuligsa sa Makapangyarihang Diyos ang Kanyang pagbaba sakay ng ulap, kaya nga “lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Halos lahat ng propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon ay natupad na ngayon. Ang natitira na lang ay ang mga propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap pagkaraan ng malaking kapahamakan.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

mula sa iskrip ng pelikulang Pananabik

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...