Ang mga bagay-bagay ay pumanglaw nang pumanglaw sa aming simbahan sa nakaraang ilang taon. Ang mga kapatid ay nawawalan ng kanilang pananampalataya at ng kanilang pag-ibig, sila ay nagiging mas negatibo at mahina, at ang mga mangangaral ay naging tuyot sa espiritu; wala silang maipangaral. Nararamdaman naming lahat na nawala sa amin ang gawain ng Banal na Espiritu. Hinanap namin sa lahat ng dako ang isang simbahan na mayroong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang bawat isa na nahahanap namin ay mapanglaw din kagaya ng kasunod. Bakit ang bawat denominasyon ay sinasalot ng naturang taggutom?

Abril 19, 2018

Sagot:

Sa kasalukuyan, ang relihiyosong mundo ay naging mapanglaw, at wala rito ang gawain ng Banal na Espiritu, at ang pananampalataya at pag-ibig ng maraming tao ay humihina. Kinikilalang katotohanan ang mga ito. Ano ang pangunahing dahilan ng kapanglawang ito? Alam nating lahat na nasa huling yugto na tayo ng mga huling araw. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig(Mateo 24:12). Ngayon, ang mga kaso ng kasamaan sa komunidad na panrelihiyon ay lalo pang nagiging laganap. Sa mga iglesia, wala nang ginawa ang mga pastor at elder kundi palawakin ang kanilang kaalaman sa Biblia at sa teoryang tungkol sa teolohiya upang ipagmagaling ang kanilang mga sarili, patatagin ang kanilang mga sarili at makuha ang paggalang ng iba. Hindi nila kailanman sinunod ang mga kautusan ng Panginoong Jesus, ni hindi sila nagtataglay ng anumang patotoo sa naranasan nilang pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon. Hindi sila makapangaral tungkol sa pagpasok sa buhay, ni hindi nila naakay ang mga tao sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Panginoon. Marami ring mga pastor at mga elder ang sumusunod sa mga kalakaran sa mundong nasa labas, at naghahangad sila ng pera at nakikipaglaban para sa kapangyarihan at para sa kanilang pansariling interes—nalihis sila nang lubusan mula sa daan ng Panginoon. Pagkaraan ng ilang taong paniniwala sa Diyos sa gitna ng relihiyon, ang nauunawaan lamang nila ay teoryang tungkol sa teolohiya at kaalamang tungkol sa Biblia; wala silang naiintindihan tungkol sa katotohanan, hindi nila nakikilala ang Panginoon kahit bahagya man lang, at wala silang pamimitagan at pagsunod. Lahat sila’y naging mga taong naniniwala sa Panginoon, subalit hindi naman nakikilala ang Panginoon at sinasalungat ang Panginoon. Ipinapakita nito na ang mga lider ng relihiyosong mundo ay nalihis na nang husto mula sa daan ng Panginoon, na nagdulot na mawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at ang mga pagpapala ng Diyos sa kanila—ito ang pangunahing dahilan kaya naging mapanglaw ang relihiyosong mundo. Ang isa pang dahilan ay gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at nagbago na ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagbalik na ang Panginoong Jesus, Siya ang pagkakatawang-tao ng Makapangyarihang Diyos. Isinasakatuparan Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos batay sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, na nagpapasimula sa Kapanahunan ng Kaharian at tumatapos sa Kapanahunan ng Biyaya. Tanging ang mga tumatanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, at sila lamang ang nagtatamasa ng probisyon ng bukal ng buhay na umaagos mula sa luklukan. Ang mga hindi makasabay sa takbo ng kasalukuyang gawain ng Diyos at tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay tatalikuran at aalisin ng Diyos at ihahagis sa kadiliman. Partikular na ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay hindi lamang hindi naghahangad o nag-iimbestiga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, kundi panatikong sinasalungat at sinusumpa nila ito, nagkakalat sila ng samot-saring mga kasinungalingan at kabulaanan upang linlangin ang mga tao at pigilan silang hanapin at imbestigahan ang tunay na daan, at sinusubukan nilang agawin ang tupa ng Diyos upang maangkin nila ang mga ito. Matagal na nilang ginagalit ang disposisyon ng Diyos at kinamumuhian at isinusumpa sila ng Diyos. Paano nga bang hindi sila tatalikuran at aalisin ng Diyos? Sa kasalukuyan, halos ang buong relihiyosong mundo ay kontrolado ng mga lider ng mga relihiyon na napopoot sa katotohanan at galit na galit sa Diyos. Paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu? At paano ngang hindi ito magiging lupang tiwangwang? Ito ang pinakapangunahing dahilan sa likod ng kapanglawan ng relihiyosong mundo. Ganap ding natutupad ng kapanglawang ito ang propesiya ng Biblia na: “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong si Jehova, na Ako’y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova(Amos 8:11). “At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pag-aani na; at Aking pinaulan sa isang bayan, at hindi Ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa Akin, sabi ni Jehova(Amos 4:7–8). Ang “Isang bahagi ay inulanan” sa pahayag na ito ay tumutukoy sa mga iglesia na tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; dahil tinatanggap nila ang Kanyang mga kasalukuyang pagbigkas, tinatamasa nila ang probisyon at pagdidilig ng bukal ng buhay na umaagos mula sa luklukan. “Ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo” ay tumutukoy naman sa mga pastor at lider ng relihiyosong mundo na hindi nagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, sa mga hindi tumutupad sa mga kautusan ng Panginoon, at sa mga sumasalungat at kumokondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, na nagdudulot na kasuklaman, tanggihan, at sumpain ng Diyos ang relihiyosong mundo. Lubos na salat ito sa gawain ng Banal na Espiritu, wala itong kakayahan na tanggapin ang probisyon ng mga kasalukuyang pagbigkas ng Diyos, at nalubog na ito sa kapanglawan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang templo na puno noon ng kaluwalhatian ni Jehova ay naging mapanglaw, hindi sinunod ng mga mananampalataya ang mga kautusan, naghandog ang mga saserdote ng mabababang-uri na haing-handog, at ang templo ay naging yungib ng mga magnanakaw, dahil kumapit lamang ang mga Judiong lider sa mga kaugalian ng tao at tinalikuran ang mga kautusan ng Diyos; lumihis sila nang husto mula sa daan ng Diyos, at, bunga nito, sila ay isinumpa ng Diyos. Bukod pa rito, ito ay dahil sa pinasimulan ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan sa labas ng templo sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagbago ang gawain ng Diyos, at natamo ng lahat ng tumanggap sa gawain ng Panginoong Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang mga tumanggi at lumaban sa Panginoong Jesus ay inalis sa pamamagitan ng gawain ng Diyos at inihagis sa kadiliman at kapanglawan.

Pinahihintulutan ng Diyos ang komunidad ng mga relihiyon na dumanas ng taggutom, at kalooban ng Diyos ang nasa likod nito. Tingnan natin ang dalawang siping mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Gagawin ng Diyos ang katotohanang ito: Gagawin Niyang pumunta sa harapan Niya ang lahat ng mga tao sa buong sansinukob at sambahin ang Diyos sa lupa, at titigil ang gawain Niya sa ibang mga lugar, at mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magiging katulad ito ni Jose: Lumapit ang lahat sa kanya para sa pagkain, at yumukod pababa sa kanya, sapagkat mayroon siyang mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, mapipilitan ang mga tao na hangarin ang tunay na daan. Magdurusa ng matinding taggutom ang buong relihiyosong pamayanan, at tanging ang Diyos ng ngayon ang bukal ng buhay na tubig, na nagtataglay ng walang-hanggang umaagos na bukal na inilaan para sa pagtatamasa ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian). “Nagawa ng Diyos na nag-iisang tuon ng Kanyang gawain ang grupong ito ng mga tao sa buong sansinukob. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo sa Kanyang puso para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang mga taong Kanyang hinirang, sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatuwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?).

Malinaw na ipinapakita sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi kailanman tinalikuran ng Diyos ang mga tunay na naniniwala sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Pinayagan ng Diyos na maging mapanglaw ang komunidad ng mga relihiyon upang puwersahin ang mga tao na nasa relihiyon na nagmamahal sa katotohanan na iwanan ang relihiyon, upang takasan ang mga tanikala at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao nito, nang sa gayon ay maitaas sila sa harapan ng luklukan ng Diyos upang mahatulan, malinis, at maperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawain ng paghatol, at ipinapahayag ang lahat ng katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan, upang bumuo ng grupo ng mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna, na mga pangunahing bunga. Natutupad nito ang propesiya ng Aklat ng Pahayag: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero(Pahayag 14:4). Kapag nakumpleto na ng Diyos ang mga mananagumay na ito, ibabagsak ng Diyos ang matitinding sakuna upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Tayo ay mapeperpekto ng Diyos bilang mga mananagumpay, at makakaiwas sa mga pagsubok ng Diyos kapag sinubok ang mundo sa pamamagitan lamang ng pag-iwan natin sa relihiyon, pagsunod sa daang nilakaran ng Cordero, pagtanggap at pagsunod sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at pagdanas ng paghatol at paglilinis sa harapan ng luklukan ni Cristo. Tanging ang mga mananagumpay na ito—ang mga pangunahing bunga na ito—na kinukumpleto ng Diyos ang may karapatang tumanggap ng pangako at mga pagpapala ng Diyos. Samantala, ang mga hindi tumanggap kailanman sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay kasusuklaman, tatanggihan at aalisin ng Diyos. Tiyak na ihahagis sila sa sakuna at parurusahan, at mawawala ang kanilang pagkakataon sa kaligtasan magpakailanman. Wala nang pagdududa pa tungkol sa bagay na ito!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman