Ang Ikaapat na Bahagi: Nagtatakda ang Diyos ng mga Limitasyon sa Pagitan ng Iba’t Ibang Lahi
Ikaapat, ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng iba’t ibang lahi. Sa mundo ay mayroong taong puti, taong itim, taong kayumanggi, at taong dilaw. Ang mga ito ay iba’t ibang uri ng mga tao. Isinaayos din ng Diyos ang isang saklaw para sa buhay ng iba’t ibang uri ng taong ito, at dahil wala silang alam dito, ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng kanilang angkop na kapaligiran para patuloy na mabuhay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Walang sinuman ang maaaring humakbang palabas dito. Halimbawa, isaalang-alang natin ang mga taong puti, anong mga lugar ang karaniwan nilang tinitirhan? Sila ay karaniwang nakatira sa Europa at Amerika. Ang pangunahing tirahan ng mga itim na tao ay sa Africa. Ang mga taong kayumanggi ay pinakakaraniwang nakatira sa Timog Silangang Asya at Timog Asya, sa mga bansang gaya ng Thailand, India, Myanmar, Vietnam, at Laos. Ang mga taong dilaw ay pangunahing nakatira sa Asya, iyon ay sa mga bansang tulad ng China, Japan, at South Korea. Ipinamahagi ng Diyos nang wasto ang lahat ng iba’t ibang uri ng lahi upang ang iba’t ibang lahi na ito ay maipamahagi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa iba’t ibang mga panig na ito ng mundo, matagal nang inihanda ng Diyos ang isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na angkop sa bawat magkakaibang lahi ng tao. Sa loob ng ganitong mga uri ng kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay, inihanda ng Diyos para sa kanila ang mga lupa na may iba’t ibang kulay at mga sangkap. Sa ibang salita, ang mga sangkap sa mga katawan ng mga taong puti ay hindi katulad sa mga katawan ng mga taong itim, at iba rin ang mga ito sa sangkap ng mga katawan ng mga tao na may ibang mga lahi. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, nakapaghanda na Siya ng gayong kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng lahing iyon. Ang Kanyang layunin doon ay upang kapag ang gayong uri ng mga tao ay nagsimulang magparami, at dumami ang bilang, maaari na silang manatili sa loob ng saklaw na iyon. Bago nilikha ng Diyos ang mga tao ay naisip na Niya ang lahat ng ito—ilalaan Niya ang Europa at Amerika para sa mga taong puti upang tulutan silang umunlad at patuloy na mabuhay. Kaya nang nililikha ng Diyos ang mundo mayroon na Siyang plano, mayroon Siyang mithiin at layunin sa paglalagay ng mga inilagay Niya sa naturang piraso ng lupa, at sa pangangalaga ng mga pinangalagaan Niya sa piraso ng lupa na iyon. Halimbawa, matagal nang panahon na inihanda ng Diyos kung anong mga bundok, ilang kapatagan, ilang pinagmumulan ng tubig, anong mga uri ng mga ibon at mga hayop, anong isda, at anong mga halaman ang mapupunta sa lupang iyon. Sa paghahanda ng kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng isang uri ng tao, ng isang lahi, kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang maraming isyu mula sa iba’t ibang anggulo: ang heograpikal na kapaligiran, ang mga sangkap ng lupa, ang iba’t ibang uri ng mga ibon at mga hayop, ang laki ng iba’t ibang uri ng isda, ang mga bahaging bumubuo sa katawan ng isda, mga pagkakaiba-iba ng kalidad ng tubig, gayundin ang iba’t-ibang uri ng mga halaman…. Matagal na panahon nang inihanda ng Diyos ang lahat ng iyon. Ang uring iyon ng kapaligiran ay isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na nilikha ng Diyos at inihanda para sa mga taong puti at na likas nilang pag-aari. Nakita ba ninyo na nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, pinag-isipan Niya ito nang mabuti at ginawa ang mga bagay na may plano? (Oo, nakita namin na ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga tao ay labis na pinag-isipan. Sa kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng iba’t ibang uri ng mga tao, kung anong iba’t ibang uri ng ibon at hayop at isda, ilang kabundukan at ilang kapatagan ang ihahanda Niya, isinaalang-alang Niya ang mga ito nang buong ingat at ng buong katiyakan.) Gawing halimbawa ang mga taong puti. Anong pagkain ang pangunahing kinakain ng mga taong puti? Ang mga pagkain na kinakain ng mga taong puti ay ibang-iba kaysa roon sa mga pagkain na kinakain ng mga taong Asyano. Ang pangunahing kinakain ng mga taong puti ay karne, mga itlog, gatas, at mga manok. Ang mga butil kagaya ng tinapay at kanin ay kalimitang hindi pangunahing mga pagkain na inilalagay sa gilid ng plato. Kahit na kapag kumakain ng salad na gulay, naglalagay sila ng kaunting inihaw na karne ng baka o manok, at maging kapag kumakain sila ng mga pagkaing gawa sa trigo, nagdadagdag sila ng keso, mga itlog, o karne rito. Ibig sabihin, ang kanilang pangunahing pagkain ay hindi lamang binubuo ng mga pagkaing gawa sa trigo o bigas; kumakain sila ng napakaraming karne at keso. Madalas silang uminom ng nagyeyelong tubig sapagkat kumakain sila ng mga pagkain na may napakataas na kalori. Kaya, ang mga taong puti ay pambihira ang pagkamatipuno. Ito ang mga pinagkukunan ng kanilang mga ikinakabuhay at ang kanilang mga pinamumuhayang kapaligiran ay inihanda para sa kanila ng Diyos, na nagtutulot sa kanila na magkaroon ng ganitong uri ng paraan ng pamumuhay na iba sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao na iba ang lahi. Walang tama o mali sa ganitong paraan ng pamumuhay—ito ay likas at itinalaga ng Diyos, at dahil ito sa mga dikta ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos. Kaya ang lahing ito ay may ganitong paraan ng pamumuhay at ganitong mga pinagkukunan para sa kanilang ikabubuhay ay dahil sa kanilang lahi, at dahil din sa kapaligiran para sa kanilang patuloy na pamumuhay na inihanda para sa kanila ng Diyos. Maaari ninyong sabihin na ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na inihanda ng Diyos para sa mga taong puti, at ang pang-araw-araw na panustos na nakukuha nila mula sa kapaligirang iyon, ay mayaman at sagana.
Inihanda rin ng Diyos ang kinakailangang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng iba pang mga lahi. Mayroon ding mga taong itim—saan matatagpuan ang mga taong itim? Sila ay pangunahing matatagpuan sa gitna at timog ng Africa. Ano ang inihanda ng Diyos para sa kanila sa gayong uri ng pinamumuhayang kapaligiran? Ang mga tropikal na kagubatan, lahat ng uri ng ibon at hayop, gayundin ng mga disyerto, at lahat ng uri ng halaman na namumuhay sa paligid ng mga tao. Mayroon silang mga pinagkukunan ng tubig, ang kanilang mga kabuhayan, at pagkain. Ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kanila. Anuman ang kanilang nagawa kailanman, ang kanilang paraan para mabuhay ay hindi naging isyu kailanman. Sinasakop din nila ang isang partikular na lugar at isang partikular na sukat sa isang panig ng mundo.
Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa mga taong dilaw. Ang mga taong dilaw ay pangunahing matatagpuan sa Silangan ng mundo. Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kapaligiran at heograpikal na kalagayan ng Silangan at ng Kanluran? Sa Silangan, ang karamihan ng lupa ay mataba, at mayaman sa mga deposito ng materyales at mineral. Iyon ay, ang lahat ng uri ng yaman sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng lupa ay sagana. At para sa grupo ng mga taong ito, para sa lahing ito, inihanda rin ng Diyos ang kaukulang lupa, klima, at ang iba’t ibang heograpikal na kapaligiran na angkop para sa kanila. Bagamat may malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng gayong heograpikal na kapaligiran at ang kapaligiran sa Kanluran, ang kinakailangang pagkain ng mga tao, ang mga kabuhayan, at ang mga pinagkukunan para sa patuloy na pamumuhay ay inihanda rin ng Diyos. Ito lamang ay isang naiibang pinamumuhayang kapaligiran kaysa sa kung ano ang mayroon ang mga puti sa Kanluran. Ngunit anong isang bagay ang kailangan Kong sabihin sa inyo? Ang bilang ng mga tao sa lahing Silangan ay masyadong malaki, kaya nagdagdag ang Diyos ng maraming elemento sa bahaging iyon ng mundo na naiiba sa Kanluran. Nagdagdag Siya roon ng maraming iba’t ibang anyo ng lupa at ng lahat ng uri ng saganang mga materyales. Ang likas na yaman doon ay masyadong masagana; ang mga kalupaan ay iba’t iba rin at sari-sari, sapat para sa pag-aalaga ng napakakapal na bilang ng lahing Silangan. Ang kaibahan ng Silangan sa Kanluran ay—mula sa timog hanggang sa hilaga, mula sa silangan hanggang sa kanluran—sa Silangan, ang klima ay mas mainam kaysa sa Kanluran. Ang apat na panahon ay malinaw ang pagkakaiba, ang mga temperatura ay angkop, ang mga likas na yaman ay masagana, at ang likas na tanawin at ang mga uri ng kalupaan ay higit na mainam kaysa sa Kanluran. Bakit ginawa ito ng Diyos? Ang Diyos ay lumikha ng totoong makatwirang balanse sa pagitan ng mga taong puti at mga taong dilaw. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na sa lahat ng aspeto ng pagkain ng mga taong puti, ang mga bagay na kanilang ginagamit, ang mga bagay na inilaan para sa kanilang katuwaan ay higit na mas mainam kaysa sa tinatamasa ng taong dilaw. Gayunman, ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kaninumang lahi. Ibinigay ng Diyos sa mga taong dilaw ang isang mas maganda at mas mainam na kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay. Ito ang balanse.
Itinalaga na ng Diyos kung anong uri ng mga tao ang dapat tumira sa kung aling bahagi ng mundo; maaari bang lumampas ang mga tao sa mga hangganang ito? (Hindi, hindi maaari.) Ito ay isang kahanga-hangang bagay! Kahit na may mga digmaan o mga paglusob sa iba’t ibang kapanahunan o sa di-pangkaraniwang mga pagkakataon, walang pasubaling hindi kayang wasakin ng mga digmaan at paglusob na ito ang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na itinalaga ng Diyos para sa bawat lahi. Ibig sabihin, ipinirmi ng Diyos ang isang partikular na uri ng mga tao sa isang partikular na bahagi ng mundo at hindi sila makalalabas sa mga hangganang iyon. Kahit na ang mga tao ay may ilang uri ng ambisyon na baguhin o palawakin ang kanilang teritoryo, kung walang pahintulot ng Diyos, napakahirap itong makamtan. Magiging napakahirap para sa kanila na magtagumpay. Halimbawa, gusto ng mga taong puti na palawigin ang kanilang teritoryo at sinakop nila ang ilan pang ibang mga bansa. Sinalakay ng mga Aleman ang ilang bansa, at minsang sinakop ng Inglatera ang India. Ano ang kinalabasan? Sa huli, sila ay nabigo. Ano ang ating nakikita mula sa kanilang kabiguan? Kung ano ang itinalaga ng Diyos ay hindi pinahihintulutang masira. Kaya, gaano man katindi ang bilis na maaaring nakita mo sa pagpapalawak ng Inglatera, sa huli, kinailangan pa rin nilang umatras at lisanin ang lupang iyon na pagmamay-ari pa rin ng India. Ang mga nakatira sa lupang iyon ay mga Indiyano pa rin, hindi mga Briton, dahil hindi ito pahihintulutan ng Diyos. Ang ilan sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan o pulitika ay naglaan ng mga sanaysay ukol rito. Nagbigay sila ng mga kadahilanan kung bakit nabigo ang Inglatera, sinasabi na marahil ang isang tiyak na lahi ay hindi maaaring malupig, o maaaring dahil sa ilang pantaong kadahilanan…. Ang mga ito ay hindi ang tunay na mga kadahilanan. Ang tunay na dahilan ay ang Diyos—hindi Niya ito pahihintulutan! Hinahayaan ng Diyos na manirahan ang isang lahi sa isang partikular na lugar at pinamamalagi sila roon, at kapag hindi sila pinahintulutan ng Diyos na lumipat mula sa lupaing iyon, hindi sila kailanman makalilipat. Kapag ang Diyos ay nagtatakda ng isang tiyak na sukat ng lupa para sa kanila, sila ay maninirahan sa loob ng sukat ng lupang iyon. Ang sangkatauhan ay hindi makahuhulagpos o makatatakas sa mga tiyak na sukat ng lupang ito. Ito ay sigurado. Gaano man kalakas ang mga puwersa na lumulusob, o gaano man kahina ang mga nilulusob, sa katapusan, ang tagumpay ng lumulusob ay nasa Diyos. Itinalaga na Niya ito at walang sinumang makakapagbago rito.
Ang nasa itaas ang kung paano ipinamahagi ng Diyos ang iba’t ibang lahi. Anong gawain ang ginawa ng Diyos upang ipamahagi ang mga lahi? Una, Siya ay naghanda ng malaking heograpikal na kapaligiran, naglalaan ng iba’t ibang lokasyon para sa mga tao, at pagkatapos ay patuloy na namuhay sa mga lugar na iyon ang maraming salinlahi. Maayos na ito—maayos na ang tiyak na sukat ng lugar para sa patuloy na pamumuhay nila. At ang kanilang mga buhay, kung ano ang kakainin, kung ano ang iinumin, kanilang mga kabuhayan—matagal nang isinaayos ng Diyos ang lahat ng iyon. At noong nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, gumawa Siya ng iba’t ibang paghahanda para sa iba’t ibang uri ng mga tao: May iba’t ibang kayarian ng lupa, iba’t ibang klima, iba’t ibang halaman, at iba’t ibang heograpikal na kapaligiran. Ang iba’t ibang lugar ay mayroon pang iba’t ibang ibon at hayop, ang iba’t ibang tubig ay may sari-saring uri ng isda at mga pantubig na mga produkto, at maging ang mga uri ng mga insekto ay Diyos ang nagpasiya. Halimbawa, ang mga bagay na tumutubo sa kontinente ng Amerika ay masyadong malaki lahat, masyadong mataas at masyadong matibay. Ang mga ugat ng mga puno sa kagubatan sa kabundukan ay masyadong mababaw, ngunit lumalaki ang mga ito nang masyadong mataas. Kaya pa nga ng mga ito na umabot sa isang daang metro o higit pa, subalit ang karamihan ng mga puno sa mga kagubatan sa Asya ay hindi ganoon kataas. Tingnan ang mga halamang sabila bilang halimbawa. Sa Japan, ang mga ito ay masyadong makitid at masyadong manipis, ngunit ang mga halamang sabila sa US ay talagang malalaki. Mayroong pagkakaiba rito. Ito ay magkaparehong uri ng halaman na may magkaparehong pangalan, ngunit sa kontinente ng Amerika ito ay tumutubo nang mas malaki. Ang mga pagkakaiba sa iba’t ibang aspetong ito ay maaaring hindi makita o mahalata ng mga tao, ngunit nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, Kanyang inilarawan ang mga ito at naghanda ng iba’t ibang heograpikal na kapaligiran, iba’t ibang kalupaan, at iba’t ibang nabubuhay na bagay para sa iba’t ibang lahi. Iyan ay sapagkat nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng tao at nalalaman Niya ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila at kung ano ang kanilang mga uri ng pamumuhay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.