Ano ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa gawain ng tao? At ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginagamit Niya?

Agosto 27, 2018

Sagot: Talagang napakahalaga ng tanong. Para lubusan nating makilala ang dakilang Diyos, napakahalagang maunawaan natin ang Kanyang gawain. Kung hindi natin susuriin ang pagkakaiba ng Kanyang gawain sa gawain ng tao, at ’di mauunawaan ang kaibahan ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginamit Niya, madalas nating akalain na ang mga taong hinahangaan natin ay mga taong Kanyang ginamit, akala natin ay sumusunod tayo sa Diyos pag sumusunod tayo sa tao, pag sinusunod natin ang tao, akala natin sinusunod natin ang Diyos, pero napapalayo na pala tayo sa tunay na landas, sinisira nito ang disposisyon ng Diyos! Mahigit 2000 taon na ngayon wala pa ring nakatuklas sa pagkakaiba ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa mga taong ginamit ng Diyos. Sa mga huling araw Siya’y dumating upang alisin ang mga misteryo dito. Basahin natin ang Kanyang sinabi tungkol sa pagkakaiba ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng mga tao.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan, na ibig sabihin ay na ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa bawat galaw at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang dumarating ang gawain ng mga apostol matapos ang sariling gawain ng Diyos at kasunod nito, at hindi ito ang namumuno sa kapanahunan, ni kumakatawan sa mga kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawaing kailangang gawin ng tao, na walang anumang kinalaman sa gawaing pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Sinisimulan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang bagong panahon, at ang mga tao na ginagamit Niya ang nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain na ginawa ng tao, at wala itong kakayahang lumampas sa ganitong saklaw. Kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, hindi magagawa ng tao na dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi magagawang maghatid ng isang bagong panahon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may malaking kaibhan sa mga taong kinakasangkapan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga taong kinakasangkapan ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, personal na nangungusap ang Espiritu ng Diyos at naglulunsad ng bagong kapanahunan upang dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag tapos na Siyang magsalita, nagpapahiwatig ito na tapos na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos. Pagkatapos noon, lahat ng tao ay sumusunod sa pangunguna ng mga yaon na kinakasangkapan ng Diyos upang pumasok sa karanasan nila sa buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos).

Lahat ng ipinapahayag ng Diyos ay kung ano Siya Mismo, at hindi ito kayang abutin ng tao—ibig sabihin, hindi ito kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Ipinapahayag Niya ang Kanyang gawaing pamunuan ang buong sangkatauhan, at wala itong kaugnayan sa mga detalye ng karanasan ng tao, kundi sa halip ay may kinalaman ito sa Kanyang sariling pamamahala. Ang ipinapahayag ng tao ay ang kanyang karanasan, samantalang ang ipinapahayag ng Diyos ay ang Kanyang pagkatao, na Kanyang likas na disposisyon, na hindi kayang abutin ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang kabatiran at kaalamang nakamtan batay sa pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang katauhan. Ang ganitong kabatiran at kaalaman ay tinatawag na pagkatao ng tao, at ang batayan ng pagpapahayag ng mga iyon ay ang likas na disposisyon at kakayahan ng tao—kaya nga tinatawag din ang mga iyon na pagkatao ng tao. … Ang mga salitang sinambit ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ay ang tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawaing nagawa ng Espiritu, na hindi pa naranasan o nakita ng katawang-tao, subalit ipinapahayag pa rin Niya ang Kanyang pagkatao, sapagkat ang diwa ng katawang-tao ay ang Espiritu, at ipinapahayag Niya ang gawain ng Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Ang gawain ng mga taong kinakasangkapan ay ang gawain din ng Banal na Espiritu. Subalit ang gawain ng Diyos ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, na talagang totoo, samantalang ang gawain ng mga taong kinakasangkapan ay may kahalong maraming bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang Kanyang ganap na pagpapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Ang gawain ng tao ay nagpapahiwatig ng kanyang karanasan at kanyang pagkatao. Ang ibinibigay at ang gawain ng tao ay hindi kumakatawan sa kanya. Ang kabatiran, pangangatwiran, lohika, at mayamang imahinasyon ng tao ay kasamang lahat sa kanyang gawain. Ang karanasan ng tao ay mas naipapahiwatig ang kanyang gawain, at ang mga karanasan ng isang tao ay nagiging mga bahagi ng kanyang gawain. Ang gawain ng tao ay maaaring magpahayag ng kanyang karanasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang katawang-tao; ang gawaing ginagawa ng tao ay kumakatawan sa kanyang karanasan. Pinag-uusapan ng lahat ang kanilang personal na karanasan. Maipapahayag ng Diyos nang tuwiran ang katotohanan, samantalang maipapahayag lamang ng tao ang karanasang tumutugma sa kanyang pagdanas sa katotohanan. Ang gawain ng Diyos ay walang mga panuntunan at hindi sakop ng panahon o mga limitasyon ng heograpiya. Maipapahayag Niya kung ano Siya kahit kailan, kahit saan. Gumagawa Siya ayon sa gusto Niya. Ang gawain ng tao ay may mga kundisyon at konteksto; kung wala ang mga ito, hindi siya makakagawa at hindi niya maipapahayag ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos o ang kanyang karanasan sa katotohanan. Para masabi kung ang isang bagay ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao, kailangan mo lamang ikumpara ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao).

Nakikita natin mula sa Kanyang mga salita ang pareho Niyang gawain at ng mga taong Kanyang ginamit ay tila gawain at mga salita ng tao sa tingin, pero ito’y talaga ngang mayroong malaking pagkakaiba. Nagpapakita bilang normal na tao sa ibabaw ang nagkatawang-taong Diyos, pero Siya ang katawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang kanyang sangkap ay pagka-diyos. Kaya. Kaya Niyang direktang ipahayag ang totoo, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at anong mayroon ang Diyos. Kaya Niyang ilantad ang mga misteryo ng plano sa pamamahala ng Diyos, sinisimulan ang bagong panahon at tinatapos ang luma. Ang sangkatauhan ay talagang sumusulong sa gawain ng ating Diyos. Habang winawakasan ng gawain ang panahon, at nagsisimula ng bago, ang buong sangkatauhan ay sumusulong sa isang bagong panahon. Pinatutunayan nito na ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos, ay pinamumunuan ang buong panahon para umunlad. Gayunpaman hindi pwedeng magpatuloy sa bagong panahon ang gawain ng tao Ang isa pang mahalagang pagkakaiba ay ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos ay ang direktang paghahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hindi ito nadungisan ng pag-iisip, imahinasyon, lohika, o pangangatuwiran. Puno ito ng orihinal na layunin ng Kanyang Espiritu na walang kalooban ng tao, Bawat isa sa mga salita ng nagkatawang-taong Diyos, ay katotohanan, puno ng awtoridad at makapangyarihan, para maging buhay ito ng mga tao, mababago nito ang disposisyon, Ang tao ay madadalisay, maliligtas at mapeperpekto. Sa wakas, gagabayan nila ang tao sa magandang destinasyon. Ang mga ginagamit ng Diyos ay tao. Hindi sila ang nagkatawang-taong Diyos, kaya ’di nila masimulan ang bago o mawakasan ang luma, ni hindi nila maipakita ang direksyon sa bagong panahon. Hindi kasama sa gawain nila ang pamamahala ng Diyos. Nakikipagtulungan lang sila ayon sa batayan ng gawain ng Diyos, nagbabahagi ng karanasan nila rito. Ang mga karanasan at kaalamang ito’y kumakatawan sa kung ano ang mayroon ang tao, puno ng imahinasyon, lohika, katuwiran, karanasan, at leksyon. Naaayon man ito sa katotohanan at nakakapagbigay ng espirituwal na pagkain, at tulong, hindi ’to katotohanan at ’di sapat para maging buhay. Pag nakipagtulungan lang ang gawain ng tao sa gawain ng Diyos saka lang makakamit ang pagdalisay, pagligtas at pagperpekto sa tao. Ito ang pagkakaiba sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginamit Niya.

Mas mauunawaan natin ’to kung susuriin natin ang gawain ng Diyos at gawain ng tao. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, dinala Niya ang daang “Magsisi: dahil malapit na ang kaharian.” Ginawa Niya ang gawain ng pagtubos sa yugtong ’yon, tinatapos ang Panahon ng Kautusan at sinisimulan ang Panahon ng Biyaya. Sa gayon, nagsimula ang bagong panahon ng sangkatauhan sa Panahon ng Biyaya. Inihayag Niya ang Kanyang disposiyon ng awa’t pag-ibig, at inihandog ang sarili para sa kasalanan ng tao. Hindi na hahatulan ang tao sa paglabag niya sa kautusan, sila’y naging karapat-dapat sa harap Niya, nananalangin, at sumisigaw, para tamasahin ang biyaya at katotohanan sa Kanya. Nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain Niya at umakyat sa langit, ang mga apostol Niya ang tumustos at naglingkod sa pundasyon ng gawain at Kanyang mga salita. Nagbahagi sila ng karanasan at kaalaman para pamunuan ang mga piling tao ng Diyos at sundin ang utos Niya, upang sumaksi sa pagliligtas Niya, magtatag ng mga iglesia at maglingkod sa mga mananampalataya. Nakipagtulungan sila sa gawain Niya’t ginawang pundasyon ang mga salita ng Panginoong Jesus. Tinutupad nila ang tungkulin ng tao. Ang isinulat nilang kalatas, at mga sinabi, ay personal nilang karanasan at kaalaman sa salita’t gawain ng Panginoong Jesus. Lahat ito’y nakaayon sa katotohanan, pero hindi ito maaaring itumbas sa gawain at mga salita Niya. Ang Cristo ng mga huling araw—Ang Makapangyarihang Diyos ay dumating na; para simulan ang Panahon ng Kaharian at wakasan ang Panahon ng Biyaya. Nagsimula ang Panahon ng Kaharian sa Kanyang gawain. Naghatol ang Makapangyarihang Diyos simula sa tahanan ng Diyos, isiniwalat ang misteryo ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala Niya, inihayag ang katotohanan na magpapadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, at ibinunyag ang banal at matuwid na sangkap ng Diyos sa’tin, kasama ang Kanyang disposisyon na nagbabawal sa mga taong magkasala, upang ilayo sila sa masamang disposisyon nila, makalaya sa impluwensya ni Satanas, at madala sila sa kanilang magandang huling hantungan. Kinukumpleto ng gawain Niya ang plano sa pamamahala ng Diyos, at magwawakas sa lumang panahon. Lahat ng Kanyang sinabi ay matutupad. At sa huli ay kikilalanin nga Siya ng sangkatauhan bilang tunay na Diyos, at masasaksihan nila ang katuparan ng Kanyang mga salita at pagwawakas ng panahon. Matapos Niyang hubugin ang isang grupo ng mga mananagumpay, bubuhos ang lahat ng uri ng sakuna, mahuhulog at madadalisay rito ang sangkatauhan. Sa gayon lang bababa sakay ng mga ulap ang Diyos para magpakilala sa mga bansa. Pinatutunayan nito na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay winawakasan ang panahon at sinisimulan ang bago. Ang gawain ng tao na ginamit ng Diyos ay ibahagi ang karanasan niya sa salita ng Diyos batay sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at pastulan ang piniling tao Niya, ginagabayan sila sa paghahanap sa katotohanan para makapasok sa mga salita ng Diyos, at pamunuan sila sa pagpapatotoo sa buong mundo at sangkatauhan, tungkol sa ebanghelyong pagdating ng kaharian. Ang ginagamit Niya’y nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos at tinutupad ang tungkulin ng mga tao. Ito ang kaibhan ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa gawain ng taong ginamit Niya, isang pagkakaiba na tinutukoy ng mga natatanging sangkap ng Diyos at tao.

Binahagi namin sa inyo ang kaibhan ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ng Kanyang ginamit. Palagay ko, malinaw na ’yon. Kaya pag-aralan naman natin ngayon ang ebidensya ng kaibhan sa pagitan ng dalawang gawaing ito. Tingnan natin kung anong sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa Katotohanang ’to.

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha, nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos).

Higit sa lahat ng mga tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng mga nilikhang katauhan. Ang pagka-Diyos Niya ang awtoridad na ito, ibig sabihin ay ang disposisyon at katauhan ng Diyos Mismo, na tumutukoy sa Kanyang pagkakakilanlan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Dahil ang Diyos ay banal at dalisay, at tunay at aktuwal, ang Kanyang katawang-tao ay nagmumula sa Espiritu. Ito ay tiyak at walang alinlangan. Hindi lamang nakakayang magpatotoo para sa Diyos Mismo, kundi nakakaya ring ganap na ilaan ang Kanyang Sarili sa paggawa ng kalooban ng Diyos: kumakatawan ang mga ito sa isang panig ng kakanyahan ng Diyos. Ang kahulugan ng nagmumula ang katawang-tao sa Espiritu na may larawan ay na ang katawang-tao na isinusuot ng Espiritu sa Kanyang Sarili ay malaki ang pagkakaiba sa laman ng mga tao, at ang pagkakaibang ito una sa lahat ay nasa kanilang espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 9).

Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. …

… Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Nilinaw ng Makapangyarihang Diyos na ang nagkatawang-taong Diyos ay ang Espiritu Niya sa katawang tao. Kahit na may normal Siyang pagkatao, ang Kanya ngang sangkap ay Diyos. Ang mga taong ginagamit Niya’y may sangkap ng tao. Pwede lang silang maging tao at walang sangkap. “May sangkap ng pagka-Diyos si Cristo”, ibig sabihin taglay ng Espiritu Niya ang likas Niyang disposisyon, Ang sangkap ng katuwiran at kabanalan Niya, anong mayroon ang Diyos, ang lakas at dunong Niya, at awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay natanto sa katawang-tao. Ang katawang ito’y ang katawang may banal na sangkap, ang tunay na Diyos na dumating para gumawa’t magligtas ng sangkatauhan. Dahil si Cristo ay may banal na sangkap, Ang Kanyang emosyonal na kalagayan, saloobin, pananaw, at opinyon sa mga tao, mga pangyayari’t mga bagay, lahat ng Kanyang pag-iisip ay katotohanan, lahat ito’y pagpapahayag ng banal na sangkap at buhay ng disposisyon ng ating Diyos. Kayang katawanin ni Cristo ang Diyos, inihahayag ang tinig Niya, ang disposisyon at anong mayroon ang Diyos sa tulong ng pagkakakilanlan Niya. Kaya Niyang ibigay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ito’y higit pa sa kakayanan ng sinumang nilikhang tao. Dahil Siya’y nagtataglay ng ganap na pagka-Diyos, kaya naipapahayag Niya ang salita ng Diyos anumang oras at lugar, sa halip na mga propeta na nagsasabi lang ng ilang mga salita. Katotohanan ang inihahayag Niya, at iyon ang gawain ng Diyos sa bagong panahon. Hindi Siya nagsasabi ng karanasan sa mga salita. At dahil sa ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, naipapahayag Niya ang katotohanan kahit kailan para magtustos, magtubig, at magpastol, at gumabay sa sangkatauhan. At dahil ganap ang pagka-Diyos ni Cristo, Kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya Niyang patnubayan at tubusin tayo, lupigin at iligtas ang sangkatauhan, tapusin ang buong lumang panahon. Pero ang mga ginagamit ng Diyos ay may sangkap ng tao. Wala silang taglay na pagka-Diyos, tao lang sila. Kaya lang nilang ipatupad ang gawain at tuparin ang tungkulin. Kahit na nagtataglay sila ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, nakikipagtulungan sila sa gawain at ihayag ang kaalaman at karanasan nila. Pwedeng umayon sa katotohanan ang mga salita nila at mapakinabangan ng iba, pero ’di sila ang katotohanan, at hindi rin katumbas ng mga salita Niya. Ang nagkatawang-taong Diyos ay gumagawa ng pagsisimula ng panahon at pagtatapos ng panahon. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gabayan ang tao. Pero ang mga ginagamit ng Diyos o ang may gawain ng Banal na Espiritu ay nakikipagtulungan sa gawain habang tinutupad ang tungkulin ng tao. Ipinapahayag lang nila ang karanasan sa salita ng Diyos, at ang sinasabi nila’y ayon sa katotohanan. Matagal man silang gumawa para sa Diyos at marami mang sabihin, binabahagi lang nila ang kaalaman at karanasan nila sa salita Niya, pinupuri lang nila at pinatototohanan ang Diyos. Ito ang kaibhan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga ginagamit Niya o ang mga taong mayroong gawain ng Banal na Espiritu.

Ang nagkatawang-taong Diyos ay may sangkap ng pagka-Diyos, kaya ang salita’t gawain Niya’y walang dungis ng mga kaisipan, imahinasyon, at lohika ng tao, Siya ay nagpapahayag ng kabanalan na mayroon at ang kahulugan ng Espiritu ng Diyos. Tulad sa Panahon ng Biyaya, hinayag ng Panginoong Jesus ang mga misteryo, nagbigay daan sa pagsisisi, at inihayag ang disposisyon ng kagandahang-loob at awa. Ito’y pahayag ng Espiritu ng Diyos, at pagbubunyag ng disposisyon Niya at lahat ng mayroon Siya. Ito ay hindi maaabot ng pag-iisip ng tao. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan na magdadalisay, at magliligtas sa sangkatauhan, maging ang matuwid na disposisyon ng Diyos na nagbabawal sa kasalanan, at ibinubunyag ang misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala, tulad ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng tao, ang layunin ng plano ng pamamahala, ang katotohanan sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang ugat ng katiwalian at kung pa’no makakalaya sa kasalanan ang tao, ang kapalaran ng sangkatauhan, at iba pa. Lahat ng ginagawa Niya ay ang pagpapahayag lahat ng pagka-Diyos, ang kahulugan ng Espiritu ng Diyos, na tunay ngang hindi maaabot ng pag-iisip ng lahat ng tao. Ang salita’t gawain ng nagkatawang-taong Diyos at ang disposisyon Niya’y nagpapatunay na ang nagkatawang-taong Diyos ay may sangkap nga ng pagka-Diyos, at Siya’y walang iba kundi ang Diyos Mismo, ang Iisa at ang tangi. Pero ang mga ginagamit Niya’y ’di pwedeng pumalit sa Kanya sa pagtupad ng gawain, at direktang magpahayag ng kalooban ng Espiritu Niya. Pwede lang nilang gawin ang pakikipagtulungan ng tao sa pundasyon ng gawain Niya, ibahagi ang karanasan at kaalaman, pamunuan ang mga pinili Niya para sa katotohanan, magpatotoo at maglingkod. Ito ang katuparan ng tungkulin. Ginagawa nila ang gawain na naaayon sa kakayanan ng isip ng tao, na pwede niyang maranasan at para sa kung sino at anong mayroon siya. Dahil magkaiba ang sangkap ng nagkatawang-taong Diyos at mga ginagamit Niya, ganap na magkaiba ang kalikasan ng kanilang gawain. Iba ang nagkatawang-taong Diyos sa mga ginagamit Niya tulad ng kaibahan ng Diyos sa tao. Ang isa’y may sangkap ng Diyos, at ang isa’y tao ang sangkap. Ang may sangkap ng pagka-Diyos ay nakagagawa ng gawain Niya. At ang may sangkap ng tao’y gawain lang ng tao ang kaya. Ang bawat naniniwala sa Diyos ay dapat ’tong maunawaan.

Nalaman na natin ang kaibahan ng gawain ng Diyos at tao, at ang kaibahan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginagamit Niya. Gayunpaman, aalamin pa rin natin ang kaibahan ng gawain ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga relihiyosong lider at personalidad. Napakahalaga rin nito. Kung hindi natin makikilatis ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito, o ang kaibahan ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, masasadlak tayo sa pagsamba at pagsunod at malilihis sa tunay na landas! Gaya ng pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa, at ang mga pinili ng Diyos ay sumunod sa mapagkunwaring mga Fariseo, tinalikuran Siya ng mga ito. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol. Sa relihiyosong mundo, ang mga pastor at elder at mga modernong Fariseo ay nanlilinlang, namimigil, at nagkukulong, tinuturuan silang talikuran si Cristo. Ito ay dapat nating matutunan. Sa pagsunod sa Diyos, dapat nating malaman ang kakanyahan ng mga relihiyosong pinuno. Iyon ang mga Fariseo. Sila ay gumagamit ng kanilang regalo at talento, binibigyang kahulugan ang Biblia batay sa paniwala, at imahinasyon. Nangangaral sila ng mga teorya ng teolohiya at pag-aaral ng Biblia. Binibigyang-pansin lang nila ang pangangaral sa mga salita, sa halip na magbunyi at magpatototo sa mga salita ng Diyos. Ginagamit nila ’to para palitan ang mga salita Niya, ginawa ang Diyos na pigura. Talagang salungat ang gawaing ito sa kalooban ng ating Diyos. Ang pagsalungat ng Fariseo sa Diyos ay tunay na narito. Talagang nahuhulog at sumusunod ang tao sa pamumuno ng mga Fariseo. Naniniwala sila pero ’di sila nakatanggap ng katotohanan. Umaasa lang silang makakakuha ng kaalaman sa Biblia. Sila’y naging mas mapagmataas, makasarili at mapanlait sa disposisyon, at wala na ring paggalang sa Diyos. Nawawala ng Diyos ang pwesto Niya sa puso ng tao, at tinatahak na pala nila ang landas ng mga Fariseo salungat sa Diyos. Maraming relihiyosong lider ang nagbibigay ng maling konteksto at pakahulugan sa Biblia, ikinakalat ang maling ideya ayon sa imahinasyon paniwala at bumubusog sa kanilang ambisyon para sila’y linlangin, ikulong at manipulahin. Tinuring ng marami ang maling ideyang ito na parang salita ng Diyos at ang katotohanan. Sila ay dinadala sa maling landas. Silang mga lider at sikat na tao ay walang dudang anticristo na inilantad ng Diyos sa tulong ng gawain Niya ng paghatol. Sapat na ito bilang patunay na ang gawain ng mga relihiyosong lider ay hindi nga galing sa gawain ng Banal na Espiritu. Nalilinlang lang tayo at sinasaktan ng mga Fariseo at anticristo. Lahat sila’y salungat sa Diyos at ipinagkakanulo Siya. Sila ang muling nagpako sa Kanya, at isinumpa silang lahat ng Diyos!

Marami ang kulang sa pag-unawa. Tinuring nila ang mga relihiyosong lider na parang sila ang mga taong ginagamit ng ating Diyos, at tinatanggap ang huwad nilang salita para maging pagliliwanag ng Banal na Espiritu, hanggang sa napagkakamalan itong salita ng Diyos. Naniniwala lang sila sa Diyos sa pangalan pero sumasamba sila at sumusunod sa mga tao. Walang lugar ang Diyos sa puso nilang lahat. Lumayo sila at ipinagkakanulo nga Siya. Talagang nakakaawa silang lahat! Ito ang dahilan kung bakit aalisin ng gawain ng Diyos at tatalikuran ang relihiyosong mundo. Kung ’di natin makikilatis ang gawain ng Diyos sa gawain ng tao, o ang kaibahan ng gawain ng mga ginagamit ng Diyos at ng mga mapagkunwaring Fariseo, di natin matatakasan ang panlilinlang at manipulasyon ng mga anticristo. Kung patuloy tayong maniniwala nang ganito, magsikap man tayo sa gawain, ay balewala lang, at hindi natin makukuha ang papuri ng ating Diyos. Basahin natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na maniwala sa Diyos. Huwag ninyong sabihing naniniwala kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw ko nang marinig iyong muli, dahil ang pinaniniwalaan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo. Lahat ng umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingisi kapag nakakarinig sila tungkol sa kamatayan, ay mga supling ni Satanas, at sila yaong aalisin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan).

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.