Christian Dance | "Iyong mga Nagmamahal sa Katotohanan ay Pinagpapala" | Praise Song

Disyembre 22, 2024

I

Ang Diyos ay naging katawang-tao at tinubos ang sangkatauhan,

at ngayon sa mga huling araw, pumarito Siyang muli

para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol.

Nagpakumbaba Siya para mamuhay kasama ang mga tao,

nagtitiis ng napakalaking kahihiyan at pagdurusa.

Ipinahahayag niya ang mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan,

pinahihintulutan ang mga tao na mamuhay sa Kanyang presensiya.

Ang liwanag ng katotohanan ay tumatanglaw sa sangkatauhan,

ibinubunyag ang katiwalian at kapangitan ng lahat ng uri ng tao.

Iyong lahat ng nananampalataya sa Diyos subalit lumalaban sa Kanya

ay inilalantad sa Kanyang liwanag.

Tanging iyong mga nagmamahal sa katotohanan

ang nakibahagi sa piging ng kaharian ng langit.

II

Ang salita na nagpapakita sa katawang-tao

ay nagniningnig tulad ng isang malaking liwanag,

nagliliwanag sa iyong mga nangangapa sa kadiliman.

Sa pagtanggap sa pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos,

nauunawaan natin ang katotohanan at namumuhay tayo sa harap ng Diyos.

Habang dumaranas tayo ng mga paghihirap,

mayroon tayong mga salita ng Diyos na gumagabay sa atin,

at hindi na tayo nakararamdam ng pagkanegatibo, pagkalito, o kawalan ng magagawa.

Ang paglalantad at paghatol ng mga salita ng Diyos

ang umaakay sa atin na makilala ang ating sarili at magkamit ng tunay na pagsisisi.

Dahil nakita na natin ang pagiging matuwid at banal ng Diyos,

higit pa tayong namuhi sa malaking pulang dragon.

Dahil tinanggap na natin ang atas ng Diyos,

nagpapakita tayo ng katapatan sa Diyos

at nagsisilkap na sundin ang Kanyang kalooban.

III

Ang ating pagiging naligtas ay ganap na biyaya ng Diyos,

dahil ang mga tao'y hindi naman talaga mahalaga at karapat-dapat

na ipagmalaki ang sarili nila.

Sa pagkakatiwala ng lahat sa Diyos,

pinahihintulutan natin Siya na pamatnugutan at isaayos

ang lahat nang walang reklamo.

Ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang tapat

sa isang praktikal na paraan,

inihahandog ang ating pagiging taos-puso para mapalugod ang puso ng Diyos.

Ipinalalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian at nagpapatotoo tayo sa Diyos,

ginagawa ang ating makakaya para matupad ang Kanyang atas.

Umaawit tayo ng mga bagong kanta at sumasayaw ng mga bagong indak,

at pinupuri natin ang Diyos para sa dakilang gawain

na naisakatuparan Niya.

Mamahalin at magpapatotoo tayo sa Diyos magpakailanman,

at susundan at paglilingkuran natin Siya habang tayo ay nabubuhay.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin