Tagalog Dubbed Full Movie | "Ang Aking Nahuling Patotoo" Profoundly Moving Testimony of Repentance
Nobyembre 5, 2024
Inaresto si Zhou Xiangming ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nagdusa siya sa malupit at di-makataong pagpapahirap. Dahil hindi niya ito natiis, itinanggi niya na isa siyang mananampalataya sa Diyos. Kalaunan, pinalaya siya, at ikinagalak niya na hindi siya naging Hudas o hindi niya ipinagkanulo ang Diyos, iniisip niyang nanindigan siya sa kanyang patotoo para sa Diyos. Gayumpaman, nang hindi sinasadyang makarinig siya ng ilang liriko sa isang himno ng mga salita ng Diyos, bigla siyang natauhan, napagtanto niya na lubos siyang nabigong manindigan sa kanyang patotoo. Agad siyang nalugmok sa kalagayan ng pagsisisi at pagkakonsensiya. Sa mga sumunod na taon, nahihirapan ang kalooban niya at naramdaman niyang may utang siya sa Diyos sa tuwing naiisip niya ang karanasang iyon. Sa isang iglap, lumipas ang sampung taon, at muli siyang naaresto habang nangangaral ng ebanghelyo. Makakabawi ba siya sa mga pagkakautang at pagsisising pinapasan niya 10 taon na ang nakalipas?
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video