Tagalog Testimony Video | "Ang Hiwaga ng Mga Pangalan ng Diyos"
Hulyo 27, 2020
Ang pangunahing tauhan ay isang matapat na Kristiyano na matibay na naniniwala sa talata ng Biblia na ito: "At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas" (Mga Gawa 4:12). Iniisip niya na hangga't itinataguyod niya ang pangalan ng Panginoong Jesus, makakapasok siya sa kaharian ng langit kapag dumating ang Panginoon. Isang araw, bigla na lang sinabi sa kanya ng asawa niya na iba na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw, at dahil doon ay nalito siya. Hindi nagtagal, natuklasan niyang sa Kasulatan ay "Jehova" ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan samantalang "Jesus" naman ang pangalan Niya sa Bagong Tipan. Talagang maaaring magbago ang pangalan ng Diyos! Sinimulan niyang iwaksi ang kanyang mga pagkaunawa para hanapin ang katotohanan, at sa huli, naunawaan niya ang hiwaga ng mga pangalan ng Diyos. Tinanggap niya ang bagong pangalan ng Diyos, kaya't sa gayong paraan ay nakadalo siya sa piging ng kasal ng Kordero. Ano nga ba ang hiwaga sa likod ng mga pangalan ng Diyos? Matutuklasan mo mula sa karanasan ng taong ito.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video