Christian Dance | "Purihin ang Diyos Nang May Mapagmahal-sa-Diyos na Puso" | Praise Song
Mayo 31, 2025
I
Magkakasama tayong nagtitipon-tipon sa sambahayan ng Diyos,
at tinatamasa natin ang tubig ng ilog ng buhay mula sa trono.
Binabasa natin ang mga salita ng Diyos at pinagbabahaginan ang katotohanan;
nagmumuni-muni, nagbubulay-bulay at naghahanap tayo mula sa Diyos.
Isinasagawa at dinaranas natin ang mga salita ng Diyos,
ang pagkaunawa sa katotohanan ay nagdadala ng tamis sa puso natin.
Nagbago ang ating buhay disposisyon,
at natitikman natin ang pagmamahal ng Diyos na labis na tunay.
Ang buhay iglesia ay masagana at iba't iba,
at napakaraming paraan para purihin ang Diyos.
Hindi natin mapigilang umawit at sumayaw sa pagpupuri sa Makapangyarihang Diyos.
Walang mga regulasyon at hindi tayo napipigilan;
pinasasaya tayo ng taos-pusong pagpupuri.
Nagdudulot ng totoong kasiyahan ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,
at pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.
II
Nagtitipon tayo para kainin at inumin ang mga salita ng Diyos;
tunay nating tinatamasa ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu.
Sa pagbabahagi ng mga patotoo at pagbabahaginan sa katotohanan;
umuusad araw-araw ang ating buhay.
Nagmamahalan tayo at nakikipagtulungan nang magkakasundo;
ginagawa natin ang ating tungkulin nang may iisang puso at isipan.
Isinasagawa natin ang katotohanan at hinahangad nating maging matatapat na tao.
Nakikita natin ang mga pagpapala at pamumuno ng Diyos.
Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalilinis tayo,
at nakikita nating napakamatuwid ng disposisyon ng Diyos.
Iwinawaksi natin ang ating katiwalian at nagiging bago tayo,
isinasabuhay natin ang tunay na wangis ng tao at niluluwalhati natin ang Diyos.
Sinasamba natin ang Diyos ng may puso at pagkamatapat;
napakasaya ng buhay ng kaharian.
Nakikita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.
III
Sinundan natin ang Diyos sa buong paglalakbay
at dumaan tayo sa napakaraming paghihirap.
Marahas tayong sinisiil at inuusig ng CCP,
lubusan kong kinamumuhian si Satanas, ang malaking pulang dragon.
Tinitiis ni Cristo ang lahat ng uri ng kahihiyan at pagdurusa,
at sinasamahan Niya tayo sa kapighatian.
Hindi natitinag ang ating mapagmahal-sa-Diyos na puso,
ito ay ganap na dahil sa paggagabay ng mga salita ng Diyos.
Talagang hindi masusukat ang dugo ng puso na ginugol ng Diyos para sa kaligtasan natin.
Namumuhay ang Diyos kasama natin,
ginabayan Niya tayo hanggang sa araw na ito.
Itong magandang panahon, itong magandang buhay,
ang mga ito'y hindi malilimutan.
Palagi tayong magmamahal sa Diyos at magpapasakop sa Kanya,
at pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video