Tagalog Christian Song With Lyrics | "Kasama Ka Hanggang Wakas"

Hulyo 28, 2019

I

Nagpapaanod ako't nilalakbay ang mundo,

pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.

Ginising ng Iyong mga malalambing na salita,

nakikita ko ang pagbanaag ng liwanag.

Tinatanggap ko ang paghatol ng Iyong mga salita.

Nakikita kong ako ay lubhang masama.

Sa paglilimi ng aking sariling mga gawi,

lahat ito'y pagpapahayag ng aking masamang disposisyon.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, 'di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan.

II

Lumulupaypay ako sa matinding pagsisisi,

nagpapasalamat na ako ay iniligtas.

Ang dakilang awa na Iyong ipinamalas,

magpahintulot sa aking maglakbay.

Kapag nalalayo, tinatawag ako ng Iyong mga salita.

Iniingatan Mo ako sa pasakit, ako'y ligtas.

Naghihimagsik ako, at Ikaw ay nagtatago.

Sa gayon bumabagsak ako sa matinding sakit.

Kapag bumabalik ako, ipinakikita Mo ay kabaitan,

ngumingiti Ka, niyayakap ako.  

Kapag si Satanas ay nananakit at nanunugat,

ang init Mo'y nagpapagaling, umaaliw sa akin.

Kapag nahulog ako sa kamay ng diyablo,

nakikihati Ka sa aking paghihirap at sakit.

Naniniwala akong malapit na ang bukang-liwayway,

magiging asul muli ang langit.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan.

III

Ang mga salita Mo ang aking buhay, aking Panginoon.

Ninanamnam ko ang mga salita Mo araw-araw.

Kapag nililigiran ako ni Satanas.

Ang mga salita Mo'y nagbibigay sa akin

ng karunungan at lakas.

Kapag ako'y nagdurusa o kapag ako'y nabibigo,

ang mga salita Mo'y umaakay

sa aking tumawid sa mahihirap na kapanahunan.

Kapag ako'y nalulumbay o nanghihina,

ang mga salita Mo'y nagbibigay-buhay

at mga panustos na kailangan.

IV

Kapag ako'y dumaraan sa mga pagsubok,

ang mga salita Mo'y gumagabay sa aking maging saksi.

Nabubuhay ako't kinakausap Ka,

walang anumang puwang sa ating pagitan.

Pag kasama Ka, walang takot sa pasakit ni Satanas,

o ng kalungkutang dala ng gabi.

Pag kasama Ka, 'di ako takot humarap sa panganib,

o mga hirap sa paglalakbay.

Pagkaraan ng mabatong mga landas ng kaguluhan,

malugod kong tinatanggap ang maayang kinabukasan,

ang maayang kinabukasan.

Pag kasama Ka.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin