Christian Dance | "Ang Pinakadakilang Pagpapala ng Pananampalataya sa Diyos" | Praise Song

Agosto 16, 2024

I

Ang pinakadakilang pagpapala ng pananampalataya ay ang pagsalubong sa Panginoon.

Sa pagtanggap ng pagtutustos at pagdidilig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,

masaya tayong lumalago sa loob ng buhay iglesia.

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, nauunawaan natin ang katotohanan

at isinasabuhay natin ang wangis ng tao.

Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos ang direksyong dapat tahakin ng ating buhay.

Natamasa ko ang pagmamahal ng Diyos.

Pahahalagahan ko ang kahanga-hangang oras na ito

at hahangaring makamit ang katotohanan,

tutuparin ang tungkulin ko para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

II

Ang pinakadakilang pagpapala ng pananampalataya

ay ang maunawaan ang maraming katotohanan.

Namamasdan natin ang katuwiran ng Diyos

sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol ng Kanyang mga salita.

Sumasailalim tayo sa pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos

kapag mapaghimagsik tayo.

Sa pagkamit ng pagbabago sa disposisyon,

nararanasan natin ang dakilang pagmamahal ng Diyos.

Nadadalisay ang ating katiwalian, at mayroon tayong may-takot-sa-Diyos na puso.

Natamasa ko ang pagmamahal ng Diyos.

Determinado akong isagawa ang katotohanan,

isabuhay ang wangis ng isang matapat na tao,

at maging may kakayahang magpasakop at magpatotoo sa Diyos.

III

Ang pinakadakilang pagpapala ng pananampalataya

ay ang ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pagdanas sa pang-uusig at paghihirap,

nakikita natin ang kapangitan ni Satanas,

ganap tayong naghihimagsik laban sa malaking pulang dragon,

at nagpapatotoo sa Diyos.

Magiging tapat tayo hanggang kamatayan,

at magpapatotoo sa kabanalan at katuwiran ng Diyos.

Isang karangalan sa akin na magpatotoo sa Diyos.

Natamasa ko ang pagmamahal ng Diyos,

kaya dapat akong maging tapat at ipalaganap ang kaharian ng Diyos saanman,

tinutupad ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger