Christian Dance | "Ang Pinakamalaking Pagpapala sa Buhay" | Praise Song

Setyembre 24, 2024

I

Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan

at nagpapakita Siya upang gumawa.

Naririnig natin ang tinig Niya at dumadalo tayo sa piging.

Kinakain, iniinom, at tinatamasa natin ang Kanyang salita,

at nauunawaan natin ang mga misteryo ng buhay.

Labis tayong pinagpala na nasusundan natin si Cristo ng mga huling araw.

O minamahal naming Makapangyarihang Diyos,

ang paunang itinakda Mo at ang pinili Mo

ang naghihiwalay sa amin mula sa mundong ito

at nagpapalaya sa amin mula sa impluwensiya ni Satanas.

Nang may pagdidilig at pagtutustos ng salita ng Diyos,

namumuhay tayo sa harap ng Diyos,

namumuhay tayo sa iglesia, at tinatahak natin ang tamang landas sa buhay.

Umaawit at sumasayaw tayo ng papuri sa Makapangyarihang Diyos.

Ipinagkakaloob sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at buhay.

Minamahal natin ang Diyos sa ating puso

at sinasamba natin ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpapatotoo tayo nang matunog para luwalhatiin ang Diyos.

II

Habang kinakain at iniinom natin ang salita ng Diyos,

nauunawaan natin ang katotohanan

at napupuno tayo ng pananampalataya.

Tinatalikuran natin ang lahat para gugulin ang ating sarili para sa Diyos

at tuparin ang ating mga tungkulin.

Ipinapalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian

nang walang takot sa panganib o paghihirap.

Tinutupad natin ang mga tungkulin natin nang may katapatan

at isinasakatuparan natin ang mga layunin ng Diyos.

O minamahal naming Makapangyarihang Diyos, namumuhay Ka kasama namin.

Napakarami Mong ipinapahayag na katotohanan at nilulupig mo ang aming puso.

Hinahatulan at kinakastigo Mo kami, pinipino kami sa pamamagitan ng pagdurusa,

at nililinis at binabago kami.

Karapatdapat sa pagmamahal ng tao ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos.

Nalalaman natin ang pagiging nakakatakot, mabait, at kaibig-ibig ng Diyos,

at nagpapasakop tayo sa harap ng Diyos nang walang hanggan.

Ganap nating inilalagay ang ating sarili sa mga kamay ng Diyos,

at nagpapasakop tayo sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos.

Matupad nawa ang kalooban ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin