Christian Dance | "Magpakailanmang Umaawit ng mga Awit ng Papuri sa Diyos" | Praise Song

Pebrero 27, 2025

I

Ang Anak ng tao ng mga huling araw ay nagpakita sa Tsina,

at nagpapahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos, at itinataas tayo sa harap ng Kanyang trono.

Maging sa mga panaginip natin ay hindi natin inakala

na makikita natin nang harapan ang Diyos.

Natupad na sa wakas ang ilang taon ng pangungulila,

at nakikita natin ang pagpapakita ng Manunubos.

Ipinapakita ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos

ang Kanyang pagiging makapangyarihan,

at nalupig na ng mga ito ang di-mabilang na puso.

Nagtitipon ang hinirang na mga tao ng Diyos sa harap ng Kanyang trono;

sila ay pinapastulan at dinidiligan ng Kanyang mga salita.

Ang bawat salita ng Diyos ay ang katotohanan,

dinadala sa sangkatauhan ang daan ng buhay na walang hanggan.

Nakakamit natin ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw,

at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

II

Araw-araw ay kumakain, umiinom, at nagbabahaginan tayo ng mga salita ng Diyos,

at tinatanggap natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos.

Nabigyang-liwanag ng Diyos, nakikilala natin ang ating sarili

at nakikilatis natin ang ating satanikong kalikasan.

Napupuno tayo ng kayabangan, pagmamagaling, at panlilinlang.

Sa ating pagsisisi at pagkakasala, nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos.

Isinasagawa natin ang katotohanan at nagkakamit tayo ng tunay na pagsisisi,

unti-unting nagbabago ang ating buhay disposisyon.

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nauunawaan natin ang katotohanan

at nakikita ang kabanalan at katuwiran ng Diyos.

Nauunawaan natin ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos,

at mas nararamdaman natin ang Kanyang kabaitan at pagiging kaibig-ibig.

Nalilinis ang ating mga tiwaling disposisyon,

at nagiging mga tao tayo na nagpapalugod sa Diyos.

Tinatamasa natin ang lahat ng pag-ibig ng Diyos,

at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

III

Nagsimula na ang paghatol sa loob ng sambahayan ng Diyos,

at ang katiwalian ng Kanyang mga tao ay nalilinis.

Tinutupad natin ang ating mga tungkulin sa gitna ng mga pagsubok at kapighatian,

nagbibigay ng matunog na patotoo sa Diyos.

Nakagawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,

at si Satanas ay ganap na napahiya at nagapi.

Ginagapi ng Diyos si Satanas at nagkakamit Siya ng kaluwalhatian,

nagbubunyag ng Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan.

Nagpakita ang kaharian sa hindi pa nasasaksihang karilagan.

Ang dakilang gawain ng Diyos ay ganap nang nagawa.

Ang katuwiran ng Diyos ay karapat-dapat sa papuri

at ang banal Niyang pangalan ay ipinoprokloma sa lupa.

Nagpapakita sa lupa ang kaharian ng Diyos,

at sumasayaw at umaawit ng mga bagong awitin ang Kanyang mga tao.

Pinupuri ang Diyos ng lahat ng bansa at bayan,

at magpakailanman tayong umaawit ng mga awit ng papuri sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin