Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 306

Hulyo 10, 2020

Nakapagpahayag Ako ng napakaraming salita, at nakapagpahayag din ng Aking kalooban at disposisyon, ngunit magkagayunman, ang mga tao ay wala pa ring kakayahang makilala Ako at paniwalaan Ako. O, maaaring sabihin, wala pa rin silang kakayahang sumunod sa Akin. Silang mga nabubuhay sa Biblia, silang mga nabubuhay sa gitna ng batas, silang mga nabubuhay sa krus, silang mga nabubuhay ayon sa doktrina, silang mga nabubuhay sa gitna ng Aking mga gawa ngayon—sino sa kanila ang kaayon sa Akin? Iniisip lamang ninyo ang tumanggap ng mga biyaya at gantimpala, at hindi kailanman nag-isip ng kahit kaunti kung papaano magiging kaayon sa Akin, o kung papaano mapipigilan ang inyong sarili sa pakikipag-alitan sa Akin. Ako ay lubos na nabigo sa inyo, dahil napakarami Kong naibigay sa inyo, ngunit napakaliit ng natamo Ko mula sa inyo. Ang inyong pandaraya, ang inyong kayabangan, ang inyong kasakiman, ang inyong labis na pagnanais, ang inyong pagtataksil, ang inyong hindi pagsunod—alin dito ang makatatakas sa Aking pansin? Pinaglalaruan ninyo Ako, Ako’y inyong nililinlang, Ako’y inyong iniinsulto, Ako’y inyong dinaraya, Ako’y inyong kinikikilan para sa mga sakripisyo—paano makatatakas ang ganoong kasamaan sa Aking kaparusahan? Ang inyong masamang gawain ay isang patunay ng inyong pakikipag-alitan sa Akin, at patunay ng inyong hindi pagiging kaayon sa Akin. Bawat isa sa inyo ay naniniwala na kayo ay kaayon sa Akin, ngunit kung iyon ang kalagayan, kanino nauukol ang mga hindi mapabulaanang patunay na iyon? Naniniwala kayong nagtataglay kayo nang sukdulang katapatan at malasakit para sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin at naglaan nang sobra para sa Akin. Sapat na sa tingin ninyo ang inyong mga nagawa para sa Akin. Ngunit naihambing na ba ninyo ang mga paniniwalang ito laban sa inyong sariling pag-uugali? Sasabihin Kong kayo ay napakayabang, napakasakim, lubhang walang interes; ang mga panlilinlang na ginamit ninyo sa Akin ay talagang tuso, at marami kayong napakasasamang balak at napakasasamang paraan. Ang inyong katapatan ay masyadong kakaunti, ang inyong pagkamasigasig ay walang saysay, at ang inyong konsensya ay higit pang mas kulang. Napakaraming masamang hangarin sa inyong mga puso, at walang hindi saklaw nito, maging Ako. Ako ay pinagsarhan ninyo para sa kapakanan ng inyong mga anak, o ng inyong mga asawa, o ng inyong pangangalaga sa inyong sarili. Sa halip na Ako ay inyong intindihin, iniintindi ninyo ang inyong pamilya, ang inyong mga anak, ang inyong katayuan, ang inyong kinabukasan, at ang inyong sariling kasiyahan. Kailan ninyo Ako inalala man lamang habang kayo’y nagsasalita o kumikilos? Kapag malamig ang panahon, bumabaling ang inyong saloobin sa inyong mga anak, mga asawa, o mga magulang. Kapag mainit ang panahon, ni hindi man lang Ako sumagi sa inyong mga isipan. Kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin, iniisip mo ang iyong mga sariling interes, ang iyong sariling kaligtasan, ang iyong pamilya. Ano na ba ang iyong mga nagawa na para naman sa Akin? Kailan mo ba Ako naalala man lamang? Kailan mo ba inialay man lang ang iyong sarili, anuman ang kapalit, para sa Akin at sa Aking gawain? Nasaan ang patunay ng iyong pagiging kaayon sa Akin? Nasaan ang realidad ng iyong katapatan sa Akin? Nasaan ang katotohanan ng iyong pagsunod sa Akin? Kailan hindi naging tungkol sa pagtanggap ng biyaya mula sa Akin ang iyong mga layunin? Dinadaya at nililinlang ninyo Ako, pinaglalaruan ninyo ang katotohanan at itinatago ang pag-iral ng katotohanan, at ipinagkakanulo ang diwa ng katotohanan. Inilalagay ninyo ang inyong sarili sa gayong pakikipag-alitan sa Akin, kaya ano ang naghihintay sa inyo sa hinaharap? Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng sa masama? Sa oras na iyon, inyong mapagtatanto na walang sinumang hindi kaayon kay Cristo ang makatatakas sa araw nang matinding galit, at inyong matutuklasan kung anong uri ng parusa ang nararapat sa mga nakikipag-alitan kay Cristo. Kapag dumating ang araw na iyon, ang inyong mga pangarap na pagpapalain dahil sa inyong paniniwala sa Diyos, at ang pagpasok sa langit, ay mangadudurog lahat. Gayunman, ito ay hindi para sa mga kaayon kay Cristo. Bagaman nawalan sila nang napakarami, kahit na nagdusa sila ng maraming paghihirap, matatanggap nila ang lahat ng pamana na Aking iiwan sa sangkatauhan. Sa huli, inyong maiintindihan na Ako ang matuwid na Diyos, at Ako lang ang may kakayahang dalhin ang sangkatauhan sa maganda nitong hantungan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin