Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 388
Abril 25, 2021
Ang hinangad ni Pedro ay makilala ang kanyang sarili at makita kung ano ang naihayag sa kanya sa pamamagitan ng pagpipino ng mga salita ng Diyos at sa loob ng iba’t ibang pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos. Nang totoong mangyari na makilala niya ang sarili, natanto ni Pedro kung gaano kalalim ang pagkatiwali ng mga tao, kung gaanong walang halaga at hindi karapat-dapat sila sa paglilingkod sa Diyos, at hindi sila nararapat na mabuhay sa Kanyang harap. Nang magkagayon ay nagpatirapa si Pedro sa harap ng Diyos. Sa huli, naisip niya, “Ang makilala ang Diyos ang pinakamahalagang bagay! Kung mamamatay ako bago ko Siya makilala, magiging kalunos-lunos ito; nararamdaman ko na ang makilala ang Diyos ang pinakamahalaga, pinakamakahulugang bagay na mayroon. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos, wala siyang karapatang mabuhay at walang buhay.” Nang umabot na sa ganitong punto ang karanasan ni Pedro, naging halos sapat na ang kanyang kaalaman sa likas niyang katangian at nakapagtamo na ng mabuti-buting pag-unawa nito. Bagama’t marahil ay hindi niya magagawang ipaliwanag ito nang lubusan sa mga katagang aayon sa mga inilalarawan sa isip ng mga tao ngayon, sadyang naabot na ni Pedro ang kalagayang ito. Samakatwid, ang landas ng pagtataguyod sa buhay at pagtatamo ng pagpeperpekto ng Diyos ay kinapapalooban ng pagtatamo ng higit na malalim na pagkaunawa sa likas na katangian ng isang tao mula sa loob ng mga sinasalita ng Diyos, gayundin ng pag-unawa sa mga aspekto ng likas na katangian ng isang tao at wastong paglalarawan nito sa mga salita. Ang lubos na pag-unawa sa dating buhay ng isang tao—ang buhay niyong lumang malasatanas na kalikasan—ay nangangahulugan ng pagkakamit na ng mga resultang hinihingi ng Diyos. Kung ang iyong kaalaman ay hindi pa umabot sa puntong ito, subalit sinasabi mo na naunawaan mo ang iyong sarili at sinasabing nagtamo ka ng buhay, hindi ba’t nagyayabang ka lamang? Hindi mo kilala ang iyong sarili, o hindi mo alam kung ano ka sa harap ng Diyos, kung totoo mang naabot mo ang mga pamantayan ng pagiging tao, o gaano karami ang mga malasatanas na elementong taglay pa rin ng iyong loob. Hindi pa rin malinaw sa iyo ang tungkol sa kung kanino ka nabibilang, at wala ka man lamang ng anumang pagkakilala sa sarili—kaya’t paano ka magtataglay ng katwiran sa harap ng Diyos? Nang naghahanap si Pedro ng buhay, nakatutok siya sa pag-unawa sa kanyang sarili at pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon sa gitna ng mga pagsubok sa kanya, at nagsikap siya na makilala ang Diyos, at sa huli, naisip niya, “Dapat maghanap ang mga tao ng pagkaunawa sa Diyos sa buhay; ang makilala Siya ang pinakakritikal na bagay. Kung hindi ko kilala ang Diyos, kung gayon ay hindi ako makapagpapahinga nang payapa kapag namatay ako. Sa sandaling makilala ko Siya, at nilayon ng Diyos na mamatay na ako, makadarama pa rin ako ng labis na pasasalamat na gawin iyon; hindi ako magrereklamo nang bahagya man, at mapupuspos ang buong buhay ko.” Hindi nagawa ni Pedro na matamo ang antas na ito ng pag-unawa o kagyat na marating ang dakong ito pagkaraang masimulan niya na maniwala sa Diyos; kinailangan muna niyang sumailalim sa napakaraming pagsubok. Kinailangan munang umabot ang kanyang karanasan sa isang tiyak na mohon, at kinailangan niyang ganap na maunawaan ang sarili, bago niya madama ang halaga na makilala ang Diyos. Samakatwid, ang landas na tinahak ni Pedro ay yaong makapagtatamo ng buhay at makagagawang perpekto; ito ang aspekto na pangunahing pinagtuunan ng kanyang tiyak na gawain.
Anong landas ang tinatahak ninyong lahat ngayon? Kung wala ito sa katulad na antas na tinahak ni Pedro ukol sa paghahangad sa buhay, pag-unawa sa sarili, at pagkilala sa Diyos, kung gayon ay hindi mo tinatahak ang landas ni Pedro. Nasa ganitong uri ng kalagayan ang karamihan ng mga tao ngayon: “Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong gugulin ang aking sarili para sa Diyos at magdusa para sa Kanya. Upang makamit ang mga pagpapala, dapat kong talikdan ang lahat para sa Diyos; dapat kong tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa akin, at tuparing mabuti ang aking tungkulin.” Pinangingibabawan ito ng layuning magtamo ng mga pagpapala, na isang halimbawa ng paggugol sa sarili sa kabuuan para sa layunin ng pagkakamit ng mga gantimpala mula sa Diyos at pagkakamit ng isang korona. Hindi nagtataglay ng katotohanan ang mga puso ng ganoong mga tao, at tiyak na binubuo lamang ang kanilang pagkaunawa ng ilang salita ng doktrina na ipinangangalandakan nila saan man sila mapadako. Ang landas nila ay ang landas ni Pablo. Ang pananampalataya ng ganoong mga tao ay isang kilos ng palagiang mabigat na gawain, at nararamdaman nila sa kaibuturan na kung higit silang gumagawa, higit na mapatutunayan ang kanilang katapatan sa Diyos, na kung higit na marami silang ginagawa, higit na tiyak na malulugod ang Diyos, at kung higit na marami silang ginagawa, higit silang magiging karapat-dapat na pagkalooban ng isang korona sa harap ng Diyos, at tiyak na tatanggap ng pinakadakilang mga pagpapala sa tahanan Niya. Iniisip nila na kung makakaya nilang tiisin ang pagdurusa, mangangaral, at mamamatay para kay Cristo, kung makakaya nilang ihandog ang mga sarili nilang buhay, at kung makakaya nilang makumpleto ang lahat ng mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, kung gayon ay mabibilang sila sa mga taong higit na pinagpala ng Diyos—yaong mga nagtatamo ng pinakadakilang mga pagpapala—at sa gayon ay tiyak na pagkakalooban ng mga korona. Ito ang tiyakang nailarawan ni Pablo sa isip at kanyang hinangad; ito ang mismong landas na nilakaran ni Pablo, at sa ilalim ng paggabay ng ganoong mga saloobin isinagawa ni Pablo ang paglilingkod sa Diyos. Hindi ba nagmula ang gayong mga saloobin at mga layunin sa isang makasatanas na kalikasan? Katulad lamang ito ng mga makamundong tao, na naniniwalang dapat nilang itaguyod ang karunungan habang nasa lupa, at pagkatapos lamang makamtan ito ay saka lamang sila mamumukod sa madla, magiging mga opisyal, at magkakaroon ng katayuan; iniisip nila na kapag mayroon na silang katayuan, matutupad na rin nila ang kanilang mga ambisyon at maiaangat ang kanilang mga tahanan at negosyo sa mga tiyak na antas. Hindi ba’t lahat ng hindi mananampalataya ay tumahak na sa landas na ito? Yaong mga pinangingibabawan ng ganitong malasatanas na kalikasan ay maaari lamang maging katulad ni Pablo sa kanilang pananampalataya: “Dapat kong itakwil ang lahat upang gugulin ang sarili ko para sa Diyos; dapat akong maging tapat sa harap Niya, at di maglalaon, tatanggapin ko ang pinakamaringal na korona at ang mga pinakadakilang pagpapala.” Ito rin ang katulad na pag-uugali ng mga makamundong tao na naghahangad ng mga makamundong bagay; wala talaga silang anumang ipinagkaiba, at sumasailalim din sa katulad na kalikasan. Kapag may ganitong uri ng malasatanas na kalikasan ang mga tao, naroroon sa mundo, maghahangad silang magtamo ng karunungan, katayuan, pagkatuto, at upang mamukod sa madla; sa tahanan ng Diyos, hahangarin nilang gugulin ang kanilang mga sarili para sa Diyos, maging tapat, at pagkaraan ay magkamit ng korona at mga dakilang pagpapala. Kung, pagkaraang maging mga mananampalataya sa Diyos, hindi pa rin nag-aangkin ang mga tao ng katotohanan at hindi dumaan sa isang pagbabago ng kanilang disposisyon, kung gayon ay tiyak na mapupunta sila sa landas na ito. Ito ay isang realidad na hindi maitatatwa ng sinuman, at ito ay isang landas na tuwirang kasalungat sa landas ni Pedro. Aling landas ang tinatahak ninyong lahat ngayon? Bagamat maaaring hindi mo naiplano na tahakin ang landas ni Pablo, ang iyong kalikasan ang nag-aatas na lakarin mo itong daan, at ikaw ay tutungo sa gayong direksiyon kahit hindi mo ito ibig o inaasahan. Bagama’t gusto mong tumahak sa landas ni Pedro, kung hindi malinaw sa iyo kung paano gawin iyan, kung gayon ay tatahakin mo ang landas ni Pablo nang hindi kinukusa: ito ang realidad ng sitwasyon.
Paano ang dapat na eksaktong pagtahak sa landas ni Pedro sa panahong ito? Kung hindi mo magawang makita ang kaibhan sa pagitan ng landas ni Pedro at landas ni Pablo, o hindi ka man lamang pamilyar sa mga ito, kung gayon, gaano mo man ipahayag na tinatahak mo ang landas ni Pedro, ang mga iyon ay mga salitang walang laman lamang. Dapat ka munang magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang landas ni Pedro at kung ano ang landas ni Pablo. Kung totoong nauunawaan mo na ang landas ni Pedro ay ang landas ng buhay, at ang tanging landas sa pagiging perpekto, saka mo lamang magagawang malaman at matarok ang mga katotohanan at ang mga tiyak na mga paraan sa pagtahak sa kanyang landas. Kung hindi mo nauunawaan ang landas ni Pedro, kung gayon, ang landas na tiyak mong tatahakin ay yaong kay Pablo, sapagkat wala nang iba pang magiging landas para sa iyo; wala kang mapagpipilian. Ang mga taong hindi nag-aangkin ng katotohanan at walang paninindigan ay mahihirapang tahakin ang landas ni Pedro. Masasabi na inihayag na ng Diyos sa inyo ngayon ang landas tungo sa kaligtasan at pagiging perpekto. Ito ang biyaya at pagpapataas ng Diyos, at Siya ang gumagabay sa inyo tungo sa landas ni Pedro. Kung wala ang gabay at kaliwanagan ng Diyos, walang sinuman ang magagawang tumahak sa landas ni Pedro; ang tanging pagpipilian ay ang bumaba sa landas ni Pablo, sumunod sa mga yapak ni Pablo tungo sa pagkawasak. Sa panahong iyon, hindi naramdaman ni Pablo na maling tahakin ang landas na iyon; ganap siyang naniwala na tama iyon. Hindi niya taglay ang katotohanan, at bukod-tanging hindi siya sumailalim ng isang pagbabago sa disposisyon. Labis siyang naniwala sa kanyang sarili, at naramdaman na walang bahagya mang usapin sa pagtunton sa ganoong paraan. Nagpatuloy siya, puno ng pagtitiwala at ng lubos na tiwala sa sarili. Sa dakong huli, hindi siya kailanman natauhan; inisip pa rin niya na para sa kanya ang mabuhay ay si Cristo. Sa gayon, nagpatuloy si Pablo sa pagtahak sa landas na iyon hanggang sa wakas, at nang oras na maparusahan siya sa wakas, tapos na ang lahat para sa kanya. Hindi kabilang sa landas ni Pablo ang mangyaring makilala niya ang sarili, o maghangad ng isang pagbabago sa disposisyon. Hindi niya kailanman sinuri ang kanyang sariling kalikasan, o hindi siya nakapagtamo ng anumang kaalaman sa kung ano siya; alam lamang niya na siya ang pangunahing pasimuno sa pag-uusig kay Jesus. Hindi siya nagkaroon ng bahagya mang pagkaunawa sa kanyang sariling kalikasan, at pagkaraang tapusin ang kanyang gawain, tunay na naramdaman ni Pablo na siya si Cristo at dapat na gantimpalaan. Ang gawaing ginawa ni Pablo ay pagsasagawa lamang ng paglilingkod para sa Diyos. Para sa kanyang sarili, bagamat nakatanggap siya ng ilang pagbubunyag mula sa Banal na Espiritu, wala siyang kahit anumang katotohanan o buhay. Hindi siya iniligtas ng Diyos; pinarusahan siya ng Diyos. Bakit sinabi na ang landas ni Pedro ay ang landas sa pagiging ginawang perpekto? Ito ay dahil, sa pagsasagawa ni Pedro, naglatag siya ng natatanging diin sa buhay, sa paghahangad na makilala ang Diyos, at makilala ang sarili. Sa pamamagitan ng kanyang pagdanas sa gawain ng Diyos, nagawa niyang makilala ang sarili, makapagtamo ng pagkaunawa sa mga tiwaling kalagayan ng tao, mabatid ang kanyang mga sariling pagkukulang, at matuklasan ang pinakamahalagang bagay na dapat itaguyod ng tao. Nagawa niyang mahalin nang tapat ang Diyos, natutuhan kung paano suklian ang Diyos, nakapagtamo ng ilang katotohanan, at nagtaglay ng realidad na hinihingi ng Diyos. Mula sa lahat ng mga bagay na sinabi ni Pedro sa panahon ng mga pagsubok sa kanya, makikita na tunay ngang siya ang may lubos na pagkaunawa sa Diyos. Sapagkat nagawa niyang maunawaan ang napakaraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos, lumiwanag nang lumiwanag ang kanyang landas, at lalo at lalong umaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi tinaglay ni Pedro ang katotohanang ito, kung gayon, ang landas na kanyang tinahak ay hindi magiging ganoon kawasto.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video