Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 599

Agosto 15, 2020

Yaong mga nagdadala sa kanilang lubos na di-sumasampalatayang mga anak at kamag-anak sa simbahan ay masyadong makasarili at ipinakikita ang kanilang kabaitan. Ang mga taong ito ay pinagdidiinan lang ang pag-ibig, na walang pagsasaalang-alang sa kung sila ay naniniwala o kung ito ay kalooban ng Diyos. Ang ilan ay dinadala ang kanilang mga asawa sa harap ng Diyos, o dinadala ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at hindi alintana kung ang Banal na Espiritu ay sumasang-ayon o gagampanan ang Kanyang gawain, sila ay pikit-matang “kumupkop ng talentadong tao” para sa Diyos. Anong pakinabang ang makakamit mula sa pagpapalawak ng kagandahang-loob na ito sa mga tao na hindi naniniwala? Kahit na ang mga di-mananampalataya na ito na walang presensya ng Banal na Espiritu ay nagpupumilit na sumunod sa Diyos, sila ay hindi pa rin maaaring mailigtas na tulad ng pinaniniwalaan ng isa. Yaong mga tumatanggap ng kaligtasan ay hindi talagang ganoon kadaling matamo. Yaong hindi napasailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu at hindi pa nagagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi kailanman maaaring gawing ganap. Samakatuwid, ang mga taong ito ay kulang sa presensiya ng Banal na Espiritu mula sa sandaling simulan nila ang naturingang pagsunod sa Diyos. Ayon sa kanilang mga kondisyon at aktuwal na kalalagayan, sila ay sadyang hindi maaaring gawing ganap. Kaya, ang Banal na Espiritu ay hindi nagpapasya na gumugol ng mas maraming enerhiya sa kanila, at hindi rin Siya nagbibigay ng anumang pagliliwanag o gagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lang Niya sila na sumunod at sa huli ay ibinubunyag ang kanilang mga kalalabasan—ito ay sapat. Ang sigasig at mga intensyon ng tao ay galing kay Satanas, at walang paraan upang magawa nilang gawing ganap ang gawain ng Banal na Espiritu. Anuman ang uri ng isang tao, siya ay dapat magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu—magagawa bang gawing ganap ng isang tao ang isang tao? Bakit iniibig ng isang lalaki ang kanyang asawa? At bakit iniibig ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? At bakit ang mga magulang ay nahuhumaling sa kanilang mga anak? Anong mga uri ng mga intensyon ang talagang tinataglay ng mga tao? Hindi ba ito upang masiyahan sa sariling mga plano at makasariling mga hangarin? Ito ba’y talagang para sa plano sa pamamahala ng Diyos? Ito ba’y para sa gawain ng Diyos? Ito ba’y upang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang? Yaong mga dating naniwala sa Diyos at hindi matamo ang presensya ng Banal na Espiritu ay hindi kailanman magtatamo ng gawain ng banal na Espiritu; napagpasyahan na ang mga taong ito’y wawasakin. Gaano man ang pag-ibig na mayroon ang isa para sa kanila, hindi nito maaaring palitan ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang sigasig at pag-ibig ng tao ay kumakatawan sa mga intensyon ng tao, ngunit hindi maaaring kumatawan sa mga intensyon ng Diyos at hindi maaaring pumalit sa gawain ng Diyos. Palawigin man ng isang tao ang katumbas ng pinakadakilang pag-ibig o awa na posible tungo sa mga tao na naturingang naniniwala sa Diyos at magpanggap na sumusunod sa Kanya ngunit hindi alam kung paano ang maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang simpatiya ng Diyos o matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na ang mga taong taos-pusong sumusunod sa Diyos ay mahina ang kakayahan at hindi maunawaan ang maraming mga katotohanan, maaari pa rin nilang paminsan-minsang matamo ang mga gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ang matataas ang kakayahan gayunma’y hindi taos-puso ang paniniwala ay hindi maaaring matamo ang presensya ng Banal na Espiritu. Talagang walang anumang posibilidad para sa kaligtasan ang mga taong ito. Kahit na binabasa nila o paminsan-minsang nakikinig sa mga mensahe o umaawit ng mga papuri sa Diyos, sa katapusan ay hindi nila magagawang manatili sa oras ng kapahingahan. Maging ang taos-pusong paghahanap ay hindi pinagpapasyahan kung paano sila hinahatulan ng iba o kung paano sila tinitingnan ng mga tao sa paligid nila, ngunit kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu sa kanila at kung mayroon silang presensya ng Banal na Espiritu, at ito lahat ay mas pinagpapasyahan kung ang kanilang disposisyon ay magbabago at kung mayroon silang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon; kung ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa isang tao, ang disposisyon ng taong ito ay unti-unting magbabago, at ang kanilang pananaw sa paniniwala sa Diyos ay unti-unting magiging mas dalisay. Hindi alintana kung gaano katagal nang sumusunod ang isang tao sa Diyos, basta’t sila’y nagbago, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa kanila. Kung hindi sila nagbago, ito’y nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay hindi kumikilos sa kanila. Kahit na ang mga taong ito ay magbigay ng paglilingkod, sila ay inuudyukan ng kanilang mga intensyon na magtamo ng magandang kapalaran. Ang paminsan-minsang paglilingkod ay hindi maaaring pumalit sa pagbabago ng kanilang disposisyon. Sa bandang huli ay wawasakin pa rin sila, sapagka’t hindi kinakailangan ang mga nag-uukol ng paglilingkod sa loob ng kaharian, at hindi rin kailangan para sa sinuman na hindi nagbago ang disposisyon na maglingkod sa mga tao na ginawang perpekto at silang mga tapat sa Diyos. Ang mga salitang iyon mula sa nakaraan, “Kapag ang sinuman ay naniniwala sa Panginoon, ang pagpapala ay dadaloy sa kanyang buong pamilya,” ay angkop para sa Kapanahunan ng Biyaya ngunit walang kaugnayan sa hantungan ng tao. Ang mga ito ay angkop lang para sa isang yugto noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang nilalayon na kahulugan ng mga salitang ito ay nakadirekta sa kapayapaan at materyal na mga pagpapala na tinatamasa ng mga tao; hindi nito ibig sabihin na ang buong pamilya ng isang taong naniniwala sa Panginoon ay maililigtas, at hindi rin nito ibig sabihin na kung ang isa ay nagtatamo ng magandang kapalaran, ang kanyang buong pamilya ay madadala rin sa kapahingahan. Kahit nakatatanggap ang sinuman ng mga pagpapala o dumaranas ng kasawian ito’y pinagpapasyahan ayon sa sariling kakanyahan, at hindi pinagpapasyahan ayon sa mga karaniwang kakanyahan na kapareho ng iba. Ang kaharian ay talagang walang ganitong uri ng kasabihan o ganitong uri ng patakaran. Kung magagawa ninuman na makaligtas sa huli, ito’y dahil nakaabot siya sa mga kinakailangan ng Diyos, at kung sa huli sinuman ay hindi magawang manatili sa oras ng kapahingahan, ito’y dahil ang taong ito ay suwail sa Diyos at hindi natugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Ang bawa’t isa ay may naaangkop na hantungan. Ang mga hantungang ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan ng bawat tao at ito ay ganap na walang-kaugnayan sa iba. Ang napakasamang pag-uugali ng isang bata ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga magulang, at ang pagkamatuwid ng isang bata ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga magulang. Ang napakasamang pag-uugali ng magulang ay hindi maaaring ilipat sa kanyang mga anak, at ang pagkamatuwid ng magulang ay hindi maaaring ibahagi sa kanyang mga anak. Ang bawa’t isa ay dinadala ang kanyang kaukulang mga kasalanan, at tinatamasa ng bawa’t isa ang kanyang kaukulang kapalaran. Walang sinuman ang maaaring pumalit para sa iba. Ito ang pagkamatuwid. Sa pananaw ng tao, kung ang mga magulang ay makakuha ng magandang kapalaran, ganyan din ang kanilang mga anak, at kung ang anak ay gumawa ng masama, ang kanilang mga magulang ay dapat magbayad-sala para sa kanilang mga kasalanan. Ito ang pananaw ng tao at paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay. Hindi ito pananaw ng Diyos. Ang kalalabasan ng bawat isa ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na nanggagaling mula sa kanilang pag-uugali, at ito ay palaging pinagpapasyahan nang naaangkop. Walang sinuman ang maaaring magdala sa mga kasalanan ng iba: at higit pa, walang sinuman ang maaaring tumanggap ng kaparusahan na kahalili ng iba. Ito ay tiyak. Ang haling na haling na pangangalaga ng magulang para sa kanyang mga anak ay hindi nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga anak, ni ang masunuring pagmamahal ng isang bata sa kanyang mga magulang ay nangangahulugan na maaari silang magsagawa ng matuwid na mga gawa na kahalili ng kanilang mga magulang. Ito ang tunay na kahulugan sa likod ng mga salita, “Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan: Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.” Walang sinuman ang maaaring dalhin ang kanilang mga anak na gumagawa ng kasamaan sa kapahingahan batay sa kanilang malalim na pag-ibig para sa kanilang mga anak, at ni maaaring dalhin ng sinuman ang kanyang asawang babae (o lalaki) sa kapahingahan batay sa kanilang sariling matuwid na pag-uugali. Ito ay isang administratibong patakaran; walang maaaring mga eksepsiyon para sa sinuman. Ang gumagawa ng pagkamatuwid ay gumagawa ng pagkamatuwid, at ang gumagawa ng kasamaan ay gumagawa ng kasamaan. Ang mga gumagawa ng pagkamatuwid ay makakayang makaligtas, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin. Ang banal ay banal; hindi sila marumi. Ang marumi ay marumi, at hindi sila nagtataglay ng kahit na anumang bahaging banal. Lahat ng masasamang tao ay wawasakin, at lahat ng mga taong matuwid ay makaliligtas, kahit na ang mga anak nang gumagawa ng masama ay gumawa ng matutuwid na gawa, at kahit na ang mga magulang ng isang matuwid na tao ay gumawa ng masasamang gawa. Walang relasyon sa pagitan ng isang nananampalatayang asawang lalaki at ng asawang babaeng di-sumasampalataya, at walang relasyon sa pagitan ng nananampalatayang mga anak at di-nananampalatayang magulang. Sila ay dalawang di-magkaayong uri. Bago pumasok sa kapahingahan, ang isa ay may pisikal na mga kamag-anak, ngunit sa sandaling ang sinuman ay pumasok na sa kapahingahan, siya ay wala nang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga ginagawa ang kanilang tungkulin at ang mga hindi ay magkaaway; ang mga umiibig sa Diyos at ang mga namumuhi sa Diyos ay magkasalungat sa isa’t isa. Ang mga pumasok sa kapahingahan at ang mga taong nawasak ay dalawang magkaibang uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tutupad sa kanilang tungkulin ay makakaligtas, at ang mga nilalang na hindi makatupad ng kanilang mga tungkulin ay wawasakin; higit pa rito, ito’y mananatili sa walang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong asawang lalaki upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Minamahal mo ba ang iyong asawang babae upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ikaw ba’y masunurin sa iyong di-sumasampalatayang mga magulang upang tuparin ang iyong tungkulin bilang nilalang? Ang pananaw ba ng tao sa paniniwala sa Diyos ay tama o hindi? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang iyong nais matamo? Paano mo mahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad sa kanilang tungkulin bilang mga nilalang at hindi makagawa ng buong pagsisikap ay wawasakin. Ang mga tao ngayon ay may pisikal na relasyon sa isa’t isa, pati na rin ang mga ugnayan sa pamamagitan ng dugo, ngunit sa maglaon lahat ng ito’y madudurog. Ang mga mananampalataya at hindi naniniwala ay hindi kaayon ngunit sa halip ay salungat sa isa’t isa. Yaong mga nasa kapahingahan ay naniniwala na mayroong Diyos at masunurin sa Diyos. Ang mga suwail sa Diyos ay wawasakin lahat. Ang mga pamilya ay hindi na iiral pa sa lupa; paano maaaring magkaroon ng mga magulang o mga anak o mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa? Ang mismong di-pagkaayon sa paniniwala at kawalan ng pananampalataya ang magpapatid sa mga pisikal na relasyong ito!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin