Christian Dance | "Tunay na Mabuti ang Buhay Iglesia" | Praise Song

Nobyembre 1, 2024

I

Makapangyarihang Diyos na nagkatawang tao,

malakas ang tinig naming nagpupuri sa Iyo.

Itinaas kami sa harap ng Iyong trono

para dumalo sa piging ng kaharian ng langit.

Kami ay dinidiligan ng Iyong mga salita at nagtatamasa ng Iyong labis na pagmamahal;

sa bawat araw na pamumuhay sa harap Mo,

masaya at matamis ang pakiramdam ng aming puso.

Inaakay tayo ng mga salita ng Diyos tungo sa isang bagong buhay.

Sa pagsasagawa at pagdanas ng Kanyang mga salita

natatanto natin kung gaano talaga kahalaga ang katotohanan.

Ngayon ay nauunawaan na natin ang katotohanan

at hindi na tayo napipigilan ng mga regulasyon,

kaya maisasagawa natin ang katotohanan, makapagpapasakop tayo sa Diyos,

at makapagkakamit ng kalayaan at paglaya.

La…la…la…la…

Tunay na maligaya ang buhay iglesia

at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.

II

Isang tunay na karangalan ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos,

nakikita natin kung gaano talaga tayo katiwali.

Bagamat dumanas tayo ng mga pagsubok at pagpipino,

nalilinis naman ang ating mga satanikong disposisyon.

Sa pagpasok sa katotohanang realidad, nakikita natin ang mga pagpapala ng Diyos.

Natatamo natin ang katotohanan at inililigtas tayo ng Diyos,

nagkakamit tayo ng bagong buhay.

Sa pagwaksi sa ating katiwalian at pagiging mga bagong tao,

nararanasan natin kung gaano kapraktikal ang pagmamahal ng Diyos.

Natatamo natin ang katotohanan at napapalaya tayo,

nag-uumapaw sa kagalakan ang puso natin.

Tunay na pinagpala tayo na makalaya sa impluwensiya ng kadiliman

at na makamit ng Diyos!

La…la…la…la…

Tunay na maligaya ang buhay iglesia

at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.

III

Matiwasay na nagtutulungan ang mga kapatid, namumuhay sa mga salita ng Diyos;

minamahal at sinusuportahan natin ang isa't isa,

nang walang distansya sa pagitan ng ating mga puso.

Isinasagawa natin ang katotohanan at tunay tayong nagtatapat

para maging mga matapat na tao, na nagpapasaya sa Diyos.

Minamahal natin ang Diyos nang simple,

walang panlilinlang, mga pakikipagtransaksiyon, o mga hinihingi.

Naghahawak kamay ang mga kapatid para magpatotoo nang maganda sa Diyos.

Para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos,

inihahandog namin ang buong pagkatao namin,

tinutupad namin ang tungkulin namin nang buong puso at isipan,

at tinutugunan namin ang mga layunin ng Diyos.

Matapat naming gugugulin ang sarili namin para sa Diyos hanggang sa pinakahuli,

at magmamahal at magpapatotoo ako sa Diyos magpakailanman!

La…la…la…la…

Tunay na maligaya ang buhay iglesia

at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.

IV

Ang paghatol ng Diyos ay kaligtasan, nililinis at pineperpekto tayo.

Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at ang naging buhay natin.

Sinasamba natin ang Diyos nang may puso at katapatan

at namumuhay tayo sa liwanag ng Kanyang presensiya.

Ang kaharian ni Cristo ay tunay na kamangha-mangha

at ang ating mapagmahal na tahanan.

Hindi mailalarawan ng mga salita kung gaano nagsasaya ang puso natin

sa pamumuhay sa buhay iglesia.

Isang napakalaking pagpapala

ang pagkakaroon ng presensiya at paggabay ng Diyos,

at ang pagmamahal sa Diyos at pagsunod sa kalooban ng Diyos

ang pinakamasayang paraan ng pamumuhay.

Tunay na maligaya ang buhay iglesia

at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.

La…la…la…la…

Tunay na maligaya ang buhay iglesia

at walang hanggan nating pinupuri ang Makapangyarihang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin