Ang Susi sa Pananampalataya ay Pagtanggap sa mga Salita ng Diyos Bilang Realidad ng Buhay

Mayo 3, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Susi sa Pananampalataya ay Pagtanggap sa mga Salita ng Diyos Bilang Realidad ng Buhay"

Paniniwala sa Diyos

ay hindi para makakita ng mga himala,

ni alang-alang sa sariling laman,

kundi upang Diyos 'yong maunawaan

at sundin Siya hangga't kaya mo.

Tulad ni Pedro, sundin Siya hanggang kamatayan.

Subukan mo at nang iyong makamtan.

Kainin at inumin ang Kanyang salita

para Siya'y tunay na makilala

at para Siya ay mapasaya.

Kainin at inumin ang Kanyang salita

upang Siya ay higit na makilala.

Doon mo lang Siya maaaring sundin at mahalin.

Ito dapat ang layon ng paniniwala sa Kanya.

Paniniwala sa Diyos ay paghahangad

na magawang perpekto ng Diyos,

at lubos na pagsunod sa Kanya.

Kung masusunod mo ang Diyos nang walang daing,

at iisipin ang Kanyang mga hangarin,

nang may katayuan at estilo ni Pedro,

tagumpay ka sa pananampalataya mo, Diyos ika'y natatamo.

Kung susubuka't makikita mo lang mga himala at tanda,

mali ang pananaw ng 'yong pananampalataya.

Paniniwala sa Diyos ay pagtanggap

na Kanyang salita bilang realidad ng buhay.

Sundin ang Kanyang salita,

gawin ito sa 'yong buhay.

'Yan ang tutupad sa Kanyang layon.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin