Tagalog Christian Dance | "Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko ay sa Iyo" | Praise Song
Mayo 12, 2025
I
Kaninong salita ang pinakamatamis,
at nagtustos sa aking espiritu?
Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,
at bumihag sa aking puso?
Kaninong gawain ang pinakakahanga-hanga,
nililinis ang katiwalian ng tao?
Sino ang nagbibigay ng malaking kaligtasan,
at nagdadala sa akin sa harap ng trono?
Sino'ng naghahayag ng katotohanan upang tao'y iligtas,
at ipakita sa akin muli ang liwanag?
Sino'ng pinakakaibig-ibig na persona na lagi kong iniisip?
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ika'y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, ang puso ko'y sa 'Yo.
II
Napamahalaan Mo ang tao nang anim na libong taon
at 'di kailanman huminto.
Ngayon Ikaw ay nagkatawang-tao muli,
upang makamit ang mga tao.
Ika'y napapabuntung-hininga sa mga ulap,
katiwalian ng sangkatauha'y napakalalim.
Nakaupo Ka sa langit, pinapanood ang kilos ng mga tao.
Naglalakad Ka sa gitna ng tao, kasalamuha sila,
nakakaranas ng mga paghihirap sa mundo.
Ika'y nagsasalita't gumagawa, ibinubuhos ang pawis at dugo
upang maperpekto ang nagmamahal sa 'Yo.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ikaw ay nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, ang puso ko'y sa 'Yo.
III
Ano'ng dapat makamit ng tao sa pananampalataya sa Diyos?
Pagkilala sa Diyos at pagkakamit ng katotohanan.
Anong paghihirap ang pinakasulit?
Yong nagpapabago sa disposisyon ng tao.
Anong landas sa buhay ang tungo sa tagumpay?
Ang landas ng pag-ibig sa Diyos ni Pedro.
Anong uri ng pag-ibig sa Diyos ang pinakatunay?
Isaalang-alang Siya nang buong puso at isipan.
Umaasa Kang ang mga tao ay magbabago
ang buhay disposisyon at makakamit Mo.
Gagawin ko ang lahat para mapalugod Ka,
at payapain ang Iyong puso.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, Ikaw ay nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking mahal, ang puso ko'y sa 'Yo.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video