Tanging sa Pag-unawa ng Katotohanan Mo Tunay na Makikilala ang Iyong Sarili

Mayo 17, 2018

Wenwen Lungsod ng Changchun, Lalawigan ng Jilin

Sa palagay ko, lagi kong iniisip na hangga’t angkop ang panlabas na pagsasagawa kung saan hindi nakikita ng mga tao ang anumang katiwalian, kung gayon iyon ay itinuturing na pagbabago. Samakatuwid, binigyan ko ng espesyal na pansin ang mga panlabas na pagsasagawa sa lahat ng ginawa ko. Ang iniintindi ko lang ay kung ang aking mga pagsasagawa ay tama o mali, at hangga’t makatuwiran ang aking panlabas na pag-uugali at pagsasagawa, ako ay mabuti. Kapag nahaharap sa pagpupungos, ang iniintindi ko lamang ay kung mayroong mali sa aking pagsasagawa. Makukumbinsi lamang ako kung pinabulaanan ako sa aking mga pagsasagawa. Hindi ko tatanggapin ang mga karagdagang komunikasyon tungkol sa pagkilala sa aking tiwaling kalikasan. Nang maglaon, sinabi sa akin ng mga kapatid na maaari lamang magbago ang isang tao sa kanyang disposisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang kalikasan, at hindi ko pa nakilala ang aking kalikasan. Matapos pakinggan ang mga salita ng mga kapatid, nagsimula kong matutunan ang aking kalikasan. Nang sinabi ng isang tao, “Ang pagpapakitang ito ng pagpapasikat ay napapangibabawan ng iyong likas na pagmamataas,” at sinabi ko pagkatapos, “O, mapagmataas ako, mapagmataas ang aking kalikasan!” Sinabi ng isa pa, “Ang di karaniwan at walang pigil na pag-uugaling ito ay napapangibabawan ng iyong masamang likas na pagkatao.” Pagkatapos ay ipinagpatuloy ko, “O, ang aking masamang kalikasan.” Hindi ko iniisip na mahirap malaman ang aking kalikasan hangga’t inulit ko kung anong uri ng kalikasan ang nangingibabaw sa mga pag-uugaling ito ayon sa pagkakabanggit. Kung may nagtanong sa akin, “Sa anong kalikasan napapangibabawan ang pag-uugaling ito?” Sinabi ko pagkatapos, “Ang pagmamataas, kasamaan, kalupitan, katusuhan….” Ang ganitong uri ng pagtanong at pagsagot ay tulad ng pagpunan sa mga blangko, na tila napakadali. Ngunit sinabi sa akin ng mga kapatid na alam ko ang aking kalikasan sa isang mababaw na antas. Samakatuwid, sa pagtalakay tungkol sa pagkilala sa aking sarili maya-maya, sinabi ko, “Masyado akong mapagmataas, at walang limitasyon. Masyado akong masama, at masyadong malupit.” Akala ko na ang pagdaragdag ng “masyado” sa aking mga nakaraang pagkilala ay magpapalalim sa aking pag-unawa. Hindi malinaw ang kahulugan ng mga kahilingan ng Diyos sa mga taong kinikilala ang kanilang mga kalikasan, kaya, nang ibinunyag ko ang katiwalian o nang makita ko ang mga ipinahayag na salita ng Diyos tungkol sa kalikasan ng tao, naunawaan ko lamang ito mula sa pananaw ng pagsunod sa mga alituntunin; tulad ako ng isang loro, inuulit ang mga salita tungkol sa pagkilala sa aking sarili sa halip na talagang unawain at alamin mula sa aking puso. Hindi ko kinamuhian ang aking sarili, ni hindi ko naramdaman kung gaano ito kapanganib. Kahit na sa pakikinig ng mga masasakit na salita mula sa Diyos, hindi ako nagulat. Sa halip, hindi ito naka-abala sa akin, na nagbunga ng kaunting pagbabago sa aking disposisyon. Kahit na ako ay mangmang, manhid, at mahina ang kalidad, hindi ako iniiwan ng Diyos, ngunit sa halip, lagi Niya akong ginagabayan at nililiwanagan, pinapatnubayan akong makilala ang aking kalikasan at diwa at makahanap ng paraan na baguhin ang aking disposisyon.

Ilang araw ang nakaraan, lumipat ako sa isang kapatid sa isang bagong pamilyang kukupkop sa akin. Nang mag-usap kami pagkatapos lumipat doon, binanggit ng matandang kapatid na babae ng kumupkop na pamilya kung paano ibinunyag ang katiwalian ng mga kapatirang dati niyang kinupkop; binanggit din niya ang kanyang mga pananaw sa kanila. Matapos makinig, hindi ako tumugon at di ito isinapuso, at hindi ko binanggit ang katotohanan sa matandang kapatid na babae. Ganito lumipas ang oras. Pagkalipas ng ilang araw, dalawa pang kapatid na lalaki na nagsagawa ng mga tungkulin kasama namin ang nagpunta sa amin upang makituloy nang ilang araw. Matapos silang umalis, sinabi sa amin ng matandang kapatid na babae ang kanyang mga opinyon sa dalawang kapatid na ito, at sa sandaling iyon, napa-isip ako: Ang karamihan sa iyong sinabi ay hindi angkop sa mga patunay; hinala mo lang ang lahat ng ito. Hinihiling ng Diyos na magmahalan at magtulungan ang mga magkakapatid. Dapat kong isagawa ang katotohanan at ipahayag ang katotohanan ng pagiging tapat sa iyo. Dalawang araw matapos ang aming usapan, lumapit sa akin ang matandang kapatid na babae at sinabi sa akin kung aling mga pangungusap ang nagpigil sa kanya, at aling mga bagay na ginawa ko ang nagpigil sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng kanyang mga saloobin at umiyak. Nang makita ko ito, naisip ko: Halos may paghihinala ka sa lahat. Sa oras na ito, ikaw ay naghihinala sa akin. Hindi ito mabuti. Kailangan kong makipag-usap sa iyo nang malinaw upang di ka magkaroon ng masamang palagay laban sa akin. Samakatuwid, nagkaroon ako ng tuwirang pakikipag-usap sa kanya, at itinuro ang kalikasang ipinakita niya pati na rin ang kanyang pag-uugali na paghihinala at paghatol. Tila tinanggap ito ng matandang kapatid na babae, ngunit hindi siya kumbinsido sa loob. Sa mga sumunod na araw, sinabi niyang mayroon siyang ganitong uri at ganoong uri ng karamdaman. Nang makita ko ito, naisip ko: Hindi ka kumbinsido sa loob, ngunit nagpanggap na tanggapin ito; hindi ba ito pagkukunwari at panlilinlang? May mga aral na matututunan kapag may sakit. Dapat kang gumawa ng ilang pagsisiyasat ng sarili, sapagkat patuloy kang nagkakasakit. Sa pag-iisip nito, tumanggap ako ng isa pang “pasanin” na humantong sa pakikipag-usap kong muli sa matandang kapatid na babae. Sinabi ko sa kanya na ang sakit ay dahil sa paghihimagsik at katiwalian, at hiniling ko sa kanyang gumawa ng pagsisiyasat ng sarili at kilalanin ang sarili. Gayunpaman, sa komunikasyong ito, hindi naging mabuti ang hitsura ng matandang kapatid na babae. Hindi rin siya nagpanggap na tinanggap ito. Ako ay nabagabag, at napa-isip: sobrang nagmalasakit ako sa pagtulong sa iyo at kinausap ka nang paulit-ulit, ngunit hindi mo ito tinatanggap at naghihinala pa sa akin. Sadya kang hindi tapat na tao! Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan, sino pa ang maaaring makatulong sa iyo? Kalimutan mo na, wala na akong magagawa pa, bahala ka na. Ibinunton ko ang sisi at pananagutan sa matandang kapatid na babae at iniisip na masyado siyang tuso; naniniwala akong isa akong mabuting kapatid na isinasagawa ang katotohanan, na handang tulungan ang aking mga kapatid at inaalala ang kalooban ng Diyos. Gaya nito, puno ako ng opinyon tungkol sa matandang kapatid na babae, at hindi na siya nakikinig pa sa akin.

Sa pagharap sa problemang ito, kailangan kong gumawa ng ilang pagsisiyasat sa sarili: Mali ba ako? Hindi ako mali sa pagtulong sa matandang kapatid na babae nang may awa kapag nakikita ko ang kanyang mga pagkukulang. Dahil ba hindi ako umasa sa Diyos? Hindi naman, nanalangin ako tuwing bago makipag-usap sa matandang kapatid na babae. Wala akong nagawang mali sa aking mga pagsasagawa, at hindi ako napunta sa mga seryosong sitwasyon tulad nito habang tinutulungan ang iba noong nakaraan. Nasa matandang kapatid na babae ang problema at iyon ay dahil hindi siya inosente. Gayunpaman, sa pag-iisip nang ganito, nabagabag ako. Mas lalo kong nadama ang pagkakasala kapag nakikita ko ang matandang kapatid na babaeng nagdurusa sa kanyang karamdaman. Nais ko siyang tulungan mula sa kaibuturan ng aking puso, gayunpaman, hindi ko alam kung paano makipagtulungan sa kanya. Dahil wala akong pagpipilian, lumapit ako sa Diyos at humingi ng Kanyang tulong. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos, “Mas mabait kaysa sa mga kalapati ang mga labi mo, ngunit ang puso mo ay mas masama kaysa sa ahas noong unang panahon. Kasing ganda maging ng mga kababaihan ng Lebanon ang mga labi mo, gayon pa man hindi mas mabuti ang puso mo kaysa sa kanila, at tiyak na hindi ito maihahambing sa kagandahan ng mga taga-Canaan. Masyadong taksil ang puso mo!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Hamak ang Pagkatao Ninyong Lahat!). Agad naantig ang aking puso ng mga salita ng Diyos. Hindi ko mapigilang siyasatin ang nagawa ko sa mga araw na iyon at ang mga kaisipang nasa likod nito. Nang marinig ko ang matandang kapatid na babae tungkol sa kanyang mga paghatol sa iba pang mga kapatid, hindi ako sumagot dahil iniisip kong wala akong kinalaman dito at hindi hadlang sa akin; nang marinig ko ang matandang kapatid na babaeng nagsalita ng kanyang mga pagtatanggi sa kakilala kong dalawang kapatid na lalaki, hindi ako makapaghintay kausapin siya sakaling hindi niya sila naunawaan; nang marinig ko ang matandang kapatid na babae ay may mga opinyon tungkol sa kung ano ang sinabi at ginawa ko, nagbigay ako ng higit na pansin sa pakikipag-usap sa kanya sakaling mayroon siyang ibang mga opinyon tungkol sa akin. Sinabi kong tinutulungan ko ang aking mga kapatid dahil sa awa ko sa kanila. Ang katunayan ay nais kong kumbinsihin at talunin ang iba sa katotohanan, isara ang kanilang mga bibig, at pigilan ang iba sa paghatol sa akin at paglabag sa aking mga interes. Sa pag-iisip sa aking pag-uugali, napagtanto ko na hindi ito mapagkalinga. Paano magkakaroon ng anumang diwa ng pag-ibig? Sa pagbalik-tanaw, hindi ako nagpakita ng anumang awa sa matandang kapatid na babae mula pa sa simula, ni hindi rin ako nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang. Tunay ngang malisyoso ang aking kalikasan! Ang matandang kapatid na babae ay nagsimulang magpatuloy sa kanyang bahay nang siya ay dumating sa pamilya ng Diyos. Hindi siya bumigkas kahit isang salita ng reklamo. Dahil madalas siyang di nakakadalo sa mga pulong at pagsasamahan, hindi niya napalalim ang kanyang karanasan sa buhay. Gayunpaman, handa niyang hangarin at basahin ang mga salita ng Diyos hangga’t siya ay libre. Dahil hindi sinlinaw ng kristal sa kanya ang katotohanan, isinasaalang-alang niya ang paghatol sa mga kapatid kapag sila’y nakatalikod at nagsasalita tungkol sa kanilang mga kakulangan bilang mga pasanin para sa kanila; pinagkamalan lamang niyang lantarang pagsasalita ang kanyang hinala sa mga kapatid. Wala siyang ideya kung alin sa mga ito ang hinala at alin ang pagmamalabis, at hindi ako nagpakita ng anumang pagsasaalang-alang sa kanya. Anuman ang kanyang katayuan, walang alinlangang akong nakipaglaban hangga’t sangkot dito ang aking mga interes, at pinilit ko siyang kilalanin ang kanyang sarili. Kulang nga ako sa pagkamakatwiran! Sa anong dahilan na hindi ko hahayaang hatulan ako ng iba? Kahit na hindi magsalita ang iba, hindi ba kagaya nang kay Satanas ang paraan ng aking pamumuhay? Dahil lahat ng ginawa ko ay para sa aking sarili lamang, at upang ipagtanggol ang aking sarili. Hangga’t hindi nilalabag ang aking mga interes, wala akong pakialam sa iba. Hindi ako nagpakita ng pagsasaalang-alang sa kahinaan ng iba, ni hindi ko isinasaalang-alang kung matatagalan ba ng iba ang aking pakikipag-usap o kung nagdala ng anumang negatibong epekto ang aking mga komunikasyon. Puno ako ng pagkamalupit ni Satanas sa loob. Ang kalikasan ni Satanas ang nanguna sa akin sa loob. Ang paraang ipinamuhay ko ay naimpluwensyahan ng malupit at tiwaling disposisyon ni Satanas. Pinsala at pag-atake ang dinala ko sa mga tao. Paano ito matatagalan ng iba? Hindi natuwa ang Diyos sa mga sinabi at ginawa ko, at hindi gumana ang Banal na Espiritu sa akin. Paanong magiging epektibo ang aking komunikasyon?

Sinabi ng Diyos, “Ang sinuman ay maaaring gumamit ng kanilang sariling mga salita at mga pagkilos upang katawanin ang kanilang tunay na mukha. Ang totoong mukhang ito ay, siyempre, ang kanilang kalikasan. Kung ikaw ay isang taong nagsasalita sa isang paikut-ikot na paraan, ikaw ay may isang baluktot na kalikasan. Kung ang iyong kalikasan ay tuso, kumikilos ka sa mapanlinlang na paraan, at ginagawa mong napakadali para sa iba na malansi mo. Kung ang iyong kalikasan ay nakakatakot, maaaring maging kaaya-ayang pakinggan ang iyong mga salita, ngunit hindi maitatago ng iyong mga pagkilos ang iyong mga nakakatakot na pandaraya. Kung ang iyong kalikasan ay tamad, ang lahat ng bagay na iyong sinasabi ay naglalayong umiwas sa responsibilidad para sa iyong kawalang-interes at katamaran, at ang iyong mga pagkilos ay magiging mabagal at basta-basta, at napakagaling sa pagtatakip ng katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay madamayin, magiging makatwiran ang iyong mga salita, at ang mga kilos mo rin ay aayon nang maigi sa katotohanan. Kung ang iyong kalikasan ay tapat, ang iyong mga salita ay tiyak na taos-puso at ang paraan ng iyong pagkilos ay praktikal, walang anumang magsasanhi para sa iyong amo na mabalisa. Kung ang iyong kalikasan ay mapagnasa o sakim sa pera, ang iyong puso ay kadalasang mapupuno ng mga bagay na ito, at ikaw ay hindi sinasadyang gagawa ng mga lihis at imoral na bagay na magiging mahirap para sa mga tao na makalimutan at na magpapasulasok sa kanila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 1). Sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang paraan ng pagbubunyag ng mga tao sa kanilang sarili at pamumuhay ay napapangibabawan ng kanilang mga kalikasan. Ang uri ng kalikasan sa loob ay tiyak na matutukoy kung anong disposisyon ang ibubunyag sa labas. Kung may masamang bagay sa loob, kung gayon ang pag-uugali ay pangungunahan ng masamang kalikasan, at hindi kailanman magpapakita ng kabaitan. Noong mali ang aking motibasyon sa pakikipag-usap sa matandang kapatid na babae, ang nanguna sa loob ko ay hindi ang Diyos, katotohanan o mga positibong bagay, sa halip ay si Satanas. Ang paraang ipinamuhay ko ay ang imahe ni Satanas. Kaya, walang pakinabang sa iba ang aking pakikipag-usap. Kung nakatagpo ako ng ganitong uri ng bagay sa nakaraan, nagtuon sana ako sa mga panlabas na pagsasagawa; naisip kong hindi ko ginabayan ang iglesia, na hindi ako magaling makipag-usap sa iba, at naghanap ng katakut-takot na mga dahilan upang ipawalang-sala ang aking sarili. Ngayon ko lamang napagtanto na walang parte ang mga panlabas na pagsasagawa sa mahalagang tungkulin, bagkus ay kung tama o mali ang puso. Mahalagag makita ang diwa sa loob. Halimbawa, kung talagang mahal ng isang tao ang isa pa, pagmamasdan niya at bibigyang-pansin ang gusto niya gamit ang kanyang puso, at sa huli ay ipahahayag ang kanyang pagmamahal sa kanya at ipadarama ito sa kanya. Kung mahal ko ang aking mga kapatid sa loob, higit kong binigyang-pansin at pinakitaan ng higit na empatiya ang kanilang mga kahirapan at isinaalang-alang ang kanilang mga damdamin, at gumawa pagkatapos ng angkop na pagkilos at gumamit ng wastong wika at tono upang makipag-usap sa kanila. Kahit na hindi ko malutas ang problema ng iba, hindi sana ako nagdala ng pinsala sa kanila. Sapagkat walang pagmamahal sa loob ko, ang aking ibinubunyag ay kasamaan kahit na ang aking mga panlabas na pagsasagawa ay mabuti at tama. Dahil minamahal ng Diyos ang sangkatauhan, anuman ang Kanyang gawin, isa iyong paghahayag at pagpapakita ng pag-ibig. Sinabi ng Diyos, “Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga bagay na ito ay upang baguhin at iligtas ang mga tao. Sa pagsasalita lamang sa ganitong paraan nagagawa Niyang kamtin ang pinakamahahalagang resulta. Dapat mong makita na ang mabubuting intensyon ng Diyos ay lubusang idinisenyo upang iligtas ang mga tao at isinasakatawan ng lahat ng ito ang pag-ibig ng Diyos. Kung ito man ay tinitingnan mo mula sa pananaw ng karunungan ng gawain ng Diyos, mula sa pananaw ng mga hakbang at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos, o mula sa pananaw ng tagal ng gawain o ng eksaktong pagsasaayos at mga plano—lahat ng mga ito ay kinapapalooban ng pag-ibig Niya. Halimbawa, lahat ng mga tao ay may pagmamahal sa kanilang mga anak na lalaki at babae; upang makalakad ang kanilang mga anak sa tamang landas, silang lahat ay naglalaan ng matinding pagsisikap. Kapag nadiskubre nila ang mga kahinaan ng mga anak nila, nag-aalala ang mga magulang na kung sila ay magsasalita nang marahan, hindi makikinig ang mga anak nila at hindi mababago, at nag-aalala sila na kapag nagsalita sila nang sobrang mabagsik, masasaktan nila ang pagpapahalaga ng kanilang mga anak sa kanilang sarili, at hindi ito makakayanan ng mga anak nila. Ang lahat ng ito ay ginagawa dahil sa pag-ibig at malaking pagsisikap ang iginugugol. Kayo na mga anak na lalaki at babae ay maaaring nakaranas ng pag-ibig ng inyong mga magulang. Hindi lamang kaamuan at konsiderasyon ang nakapaloob sa pag-ibig; lalong higit, nakapaloob dito ang mahigpit na pagtutuwid. Sa kaibabawan nito, lahat ng ginagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay dahil sa pag-ibig. Siya ay gumagawa sa ilalim ng patiunang kundisyon ng pag-ibig, na siyang dahilan kung bakit ginagawa Niya ang Kanyang sukdulang kakayahan para dalhin ang kaligtasan sa tiwaling sangkatauhan. Hindi Siya nakikitungo sa mga tao nang paimbabaw; gumagawa Siya ng mga tiyak na plano, at isinasakatuparan ang mga ito nang isa-isang hakbang. Pagdating sa kung kailan, saan, kung anong tono ng boses, paraan ng pagsasalita, at kung gaanong pagsisikap ang Kanyang ibinubuhos…, masasabi na ang lahat ng ito ay naghahayag ng Kanyang pag-ibig, at lahat ito ay lubos na nagpapaliwanag na ang pag-ibig Niya para sa sangkatauhan ay walang limitasyon at hindi nasusukat. At maraming tao ang nagsasabi ng mapaghimagsik na mga salita kapag sila ay nasa gitna ng mga pagsubok at naglalabas sila ng mga hinaing. Ngunit hindi nakikipagtalo ang Diyos tungkol sa mga bagay na ito, at tiyak na hindi Niya pinaparusahan ang mga tao dahil dito. Dahil mahal Niya ang mga tao, pinapatawad Niya ang lahat. Kung ang mayroon lang Siya ay pagkamuhi sa halip na pag-ibig, kinondena na sana Niya ang mga tao noon pa man. Dahil ang Diyos ay pag-ibig, hindi Siya nakikipag-away, kundi nagpaparaya Siya, at naoobserbahan Niya ang mga paghihirap ng mga tao. Ito ay lubos na paggawa ng lahat ng bagay sa ilalim ng impluwensya ng pag-ibig(“Nauunawaan Mo ba ang Pag-ibig ng Diyos sa Sangkatauhan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang diwa ng Diyos ay pag-ibig, kaya ang pagpapakita ng Diyos ay pag-ibig din. Ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao ay hindi nakikita sa salita, ngunit kinatawan halos ng Kanyang gawain, sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, at sa mga paraan ng Kanyang gawain. Kung paano at kailan kumikilos ang Diyos sa bawat tao, kung anong mga tao, bagay o pangyayari ang Kanyang inaayos para sa kanya at gaano katagal niya Siyang pipinuhin, ay sumasalamin lahat sa tiyak na pagpaplano at pagsusumikap ng Diyos. Ipinapalaganap ng praktikal na gawain ng Diyos ang Kanyang dalisay na pag-ibig para sa mga tao nang walang pagbubukod. Mahal ng Diyos ang mga tao sa puntong ginugugol Niya ang lahat ng Kanyang matiyagang pagsisikap na iligtas tayo, tiisin ang ating maling pang-unawa at paglaban sa Kanya, at nagpaparaya at nagpapatawad ng ating kahangalan at kamangmangan. Ang lahat ng ito ay nagpapakita sa akin ng kadakilaan at kagitingan ng Diyos. Sa paghahambing, ang aking isinabuhay ay malasatanas na disposisyon na pangit at kasuklam-suklam. Sa pagkilala sa lahat ng ito, lantaran kong ibinahagi ang mga masasamang bagay sa aking puso sa matandang kapatid na babae. Ang kalayuan ng loob sa pagitan namin ay di sinasadyang nawala. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Ang kaluwalhatian ay sa Diyos.

Dati, ang pagkakilala ko sa aking sarili ay hindi hihigit sa mga salita. Isang pagkilala na natutuhan ko nang hindi iniisip, at hindi ko kilala ang sariling kalikasan ayon sa paglalantad ng mga salita ng Diyos. Nauunawaan ko ito ngayon dahil sa aking karanasan. Sa sandaling ginawang tiwali ni Satanas ang isang tao, ang kanyang kalikasan ay nagiging kalikasan ni Satanas. Anuman ang pagnanalita, pagkilos, o saloobin, lahat ng mga ito ay napapangibabawan ng kalikasan ng tao. Maaaring pakitunguhan ng isang tao ang kanyang tiwaling disposisyon at unti-unti itong baguhin, kung kikilalanin lamang niya ang kanyang kalikasan. Kung ang isang tao ay hindi alam ang kanyang kalikasan, mahihirapan lamang siya sa di sinasadyang pangingibabaw ng kalikasan ni Satanas at magrerebelde at lalabanan ang Diyos—bukod pa rito ang kawalang kakayahang baguhin ang kanyang disposisyon. Mula ngayon, babaguhin ko na ang mga maling paraang ginamit ko na masyadong pagbibigay-pansin sa mga panlabas na pagsasagawa noong nakaraan. Susubukan kong huwag mag-alala tungkol sa mga panlabas na pagsasagawa, at hindi ibabase ang pagkilala sa aking kalikasan sa pagsunod sa mga tuntunin. Tapat at taimtim kong kukunin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, aalamin ko ang aking kalikasan, at tunay na kikilalanin ang aking kalikasan sa pamamagitan ng mga paghahayag ng mga salita ng Diyos upang baguhin ang aking disposisyon nang maaga hangga’t maaari, at mailigtas ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply