Ang Mga Gapos ng Katiwalian

Enero 11, 2022

Ni Wushi, Tsina

Marso 2020 nagpunta ako para magsagawa ng halalan sa isang iglesia na pinamamahalaan ko, at si Sister Chen ay nahalal bilang pinuno ng iglesia. Pakiramdam ko maganda ang kakayanan ni Sister Chen, subalit dahil nagsisimula pa lang siya na gampanan ang tungkulin ng isang pinuno ng iglesia, hindi pa siya gaanong pamilyar sa gawain ng iglesia, kaya’t nagdesisyon ako na manatili dun sandali at sanayin siya. Para matulungan ang kapatid na maging pamilyar at masanay sa gawain ng iglesia sa lalong madaling panahon, sinamahan ko siya sa lahat ng pagpupulong ng mga grupo, at sinabi sa kanya ang ilang prinsipyo sa gawain ng iglesia. Hindi nagtagal naging pamilyar na siya sa gawain, at tumuon siya sa paghahanap sa katotohanan sa tuwing makakaharap siya ng problema, at ang kanyang pagbabahagi sa mga Salita ng Diyos ay nakapagbibigay ng tanglaw. Ilang kapatid na dumadalo sa mga pagpupulong ang nagtatanong, at minsan, bago ko pa ito mapag-isipan nang lubos, mabilis na nakakakilos si Sister Chen, agad na nakakahanap ng mga salita ng Diyos para makapagbigay ng solusyon. Kapag tinatalakay ang gawain, nagagawa rin niyang makapagsama ng problema at makahanap ng nauugnay na mga prinsipyo para solusyunan ito. Nang makita ko na may kakayahan si Sister Chen na gawin ang trabaho at mabilis siyang umuunlad, bigla akong nakaramdam ng bigat: ako ang responsable sa trabaho niya kaya kailangan kong maging mas magaling sa pagbabahagi ng mga solusyon sa problema kaysa sa kanya. Subalit may ilang bagay na hindi ko napag-isipan nang lubos gaya niya, kaya iisipin kaya ng iba na ang pinuno na kahahalal pa lang ay mas may kakayahan kaysa sa akin? Nun ko na naisip, “Hindi, dapat kong patunayan ang aking kakayahan sa trabaho. Hindi ko pwedeng hayaan ang mga kapatid na maliitin ako.” Mula noon, kapag nagpupunta ako sa mga susunod na pagtitipon kasama ang kapatid, partikular kong pinagtutuunan ng pansin kung paano nagbabahagi ang mga kapatid, sinisikap alamin kung ano talaga ang mga problema sa kanilang mga kalagayan, at ang sanhi ng mga ito, nahumaling ako sa pagmamadaling maunahan si Sister Chen na malutas ang mga problemang iyon. Subalit habang minamadali ko solusyonan ang mga ito, lalo akong di mapakali at lalong naging mahirap isaayos ang aking mga iniisip. Kaya’t hindi ko malinaw na makita ang kalagayan ng mga kapatid. Kalaunan, ang pagbabahagi ni Sister Chen ang nakalutas sa mga problema. Nang marinig kong pinuri ng mga kapatid si Sister Chen dahil sa malinaw at mahusay niyang pakikipag-usap, at sa kanya sila bumaling para magpatulong sa mga problema, lalo akong hindi naging komportable. Namuhi ako sa sarili ko at nagtaka kung paano ako naging napakahangal. Bakit hindi ako naging kasinggaling ni Sister Chen? Nakaramdam ako ng bahagyang pagkanegatibo. Kung magpapatuloy ang takbo ng mga bagay-bagay, mapag-iiwanan ako.

Naalala ko isang araw may pagpupulong ako kasama si Sister Chen at ilan pang bagong halal na dyakono, dun ko natuklasan na hindi pa nila lubos na nauunawaan ang mga prinsipyo sa paghalal ng mga indibidwal. Nauwi ito sa pagkahalal ng ilang hindi naaangkop na tao para maglingkod bilang pinuno ng mga grupo sa iglesia. Tiningnan ko ang mga bagay na ito at medyo nabahala. Naisip ko na dahil mas matagal na akong pinuno kaysa kay Sister Chen at naiintindihan ko nang mas mabuti ang mga prinsipyo sa paghalal ng mga tao, akala ko maipapaliwanag ko ito sa kanila nang mas mahusay, at maaring maging pagkakataon ito na makita ng mga kapatid na naiintindihan ko ang katotohanan at may malinaw akong pagkaunawa sa mga bagay-bagay at na mas magaling pa rin ako kay Sister Chen. Kaya, naghanap ako ng mga akmang prinsipyo at sama-sama naming tinalakay ang mga ito. Isinama ni Sister Chen ang mga prinsipyong ito at tinalakay kung anong uri ng tao ang dapat piliin para maglingkod bilang pinuno ng grupo. Nakinig ako habang nagbabahagi si Sister Chen nang hindi gumagamit ng mga tunay na halimbawa, at palihim kong nagustuhan ito. Sandali pa lang namumuno si Sister Chen at wala pang gaanong karanasan. Gagamit ako ng mga tunay na halimbawa sa susunod, at maririnig ng mga kapatid na kaya kong magbigay ng maraming halimbawa at detalye, at tiyak na mararamdaman nilang karapat-dapat akong mamahala sa gawain, at na ang pagbabahagi ko ay metikuloso at komprehensibo. Nang maisip ko ito, natuwa ako sa sarili ko. Naghanda ako, ngumiti, at nagsalita tungkol sa iba’t ibang problema at pagkakamali na naranasan ng ibang mga iglesia sa mga halalan. Ilang sandali akong nagsalita, at matapos ko magsalita, naghintay ako ng papuri mula sa mga kapatid. Biglang sinabi ni Sister Chen na sa kasalukuyan, ang pangunahing problema ng iglesia ay ang hindi pagkaunawa ng mga kapatid sa mga prinsipyo ng paghalal ng mga pinuno ng mga grupo, at kailangan naming magbahagi nang malinaw sa mga katotohanan hinggil dito. Sinabi niyang karamihan sa mga halimbawa na ibinigay ko ay hindi gaanong naaayon sa mga aktwal na isyu. Matapos magsalita ni Sister Chen, agad na nagpahayag ng pagsang-ayon ang isa pang dyakono. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa oras na iyon. Naging negatibo ang dating sa akin ng mga sinabi nilang dalawa at ako ay lubos na nalito. Lahat ng mga dyakono ay nakatingin sa akin at pakiramdam ko napahiya ako. Inisip ko noong una na maisasalba ko ang aking reputasyon, subalit lumala ang mga bagay at hindi lamang ako nabigong isalba ang aking reputasyon, lalo pa akong napahiya. Iisipin kaya ng iba na kahit na matagal na akong pinuno ay hindi pa rin ako katapat ng isang bagong halal pa lamang, at hindi ako magaling? Nang maisip ko ito, hindi ako makatingin sa mata ng lahat, at naupo na lamang na naaasiwa roon. Di nagtagal, isang dyakono ang nagtanong kay Sister Chen, at nagbigay siya ng napakalinaw na pagbabahagi bilang tugon. Pakiramdam ko ay ganap niya akong nadaig, at ang lahat ng enerhiya na dala ng nerbiyos ay nagpaluhod sa akin. Tila lubos akong talunan, ni hindi ko man lamang maiangat ang aking ulo. Naisip ko minsan pa ang galing ni Sister Chen at ang mabilis niyang pag-unlad. Mas magaling siya sa akin sa maraming bagay. Lalong sumasama ang pakiramdam ko habang lalo kong iniisip ito at parang inagaw niya ang atensyon mula sa akin. Nagsimula akong magkaroon ng pagkiling laban sa kanya at ni ayaw kong magpatuloy na makapareha siya sa aking tungkulin. Matapos ang pagtitipon, iminungkahi ni Sister Chen na magkasama kaming dumalo sa pagtitipon ng isang grupo sa makalawa. Nang wala man lang paglingon, matigas kong sinabi, “Pinaghandaan na namin ni Sister Zhou na bumisita ng ibang grupo sa araw na iyon.” Namula ang kanyang mukha at mistulang hindi siya mapalagay. Nang makitang hindi ko siya pinapansin, umalis siya.

Habang pauwi, naisip ko ang pagtitipon na pupuntahang mag-isa ni Sister Chen. Hindi niya gaanong kilala ang grupo ng mga taong iyon. Paano kung may mangyari na mangangailangan ng palitang pagtalakay para masolusyunan? Kung hindi ako pupunta at maharap siya sa isang bagay na hindi niya alam tugunan, maaantala ba noon ang aming gawain? Gusto kong bumalik at hanapin siya, subalit nang maisip ko kung paano ako napahiya sa pagtitipong yun, nainis talaga ako at sinimulan kong itapat ang sarili ko laban sa kanya: “Dahil napakagaling mo at mahusay ka sa lahat ng bagay, kaya mong gawin yan mag-isa.” Kaya’t natalo ng aking tiwaling disposisyon ang kurot ng konsensya. Nang walang pag-aalinlangan, sumakay ako sa aking bisikleta at diretsong umuwi. Nang gabing iyon nagpabaling-baling ako sa kama, ganap na hindi makatulog. Hindi ko mapigilang isipin kung gaano kabilis ang naging pag-unlad si Sister Chen, kung paano siya hinangaan ng mga kapatid. Kung mananatili ako sa iglesiang iyon, hindi ba’t magiging parang tukod lang ako sa kanya? Naisip kong mas mabuti pang iwan ang iglesiang ito. Pero hindi ako mapalagay sa kaisipang ito. Naging mahusay talaga si Sister Chen, subalit siya at ang ilang dyakono ay pawang bago. Maraming prinsipyo ang hindi pa nila lubos na naiintindihan, kaya madali sa kanila na magkamali. Magiging masama ito para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Alam kong dapat pa akong manatili dun at saglit pa silang tulungan, na iresponsable ang bigla na lamang pag-alis. Napagtanto ko na hindi maayos ang aking kalagayan, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, hiniling ko sa Kanya na gabayan ako na maunawaan ang Kanyang kalooban at makilala ang aking sarili.

Kinabukasan nakita ko ang talatang ito ng Kanyang mga salita sa “Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao,” talata lima: “Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, o bantog at marangal, o namumukod sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Laging iniisip na namumukod ang sarili—ito ay isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na maging mas mataas sa kanya, o maging mas mahusay sa kanya—dulot ito ng mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na maging mas mataas o mas malakas kaysa sa sarili niya—dahil ito sa mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na magtaglay ng mas mabubuting kaisipan, mungkahi, at pananaw kaysa sa kanya tungkol sa isang bagay, at kapag nagkaroon sila, nagiging negatibo, ayaw magsalita, nakararamdam ng pagkabagabag at pananamlay, at nagiging balisa—ang lahat ng ito ay dulot ng isang mapagmataas na disposisyon. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay magagawa kang itangi ang iyong reputasyon, hindi magawang tanggapin ang patnubay ng iba, hindi magawang harapin ang sarili mong mga pagkukulang, at hindi magawang tanggapin ang iyong mga sariling kabiguan at pagkakamali. Higit pa riyan, kapag may sinumang mas mahusay sa iyo, maaari itong maging sanhi upang umusbong ang pagkamuhi at inggit sa iyong puso, at makararamdam ka na napipigil ka, kung kaya’t hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin at nagiging padaskol ka sa pagtupad nito. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay maaaring magbunga ng pag-usbong ng ganitong mga asal at gawi sa iyo(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Kapag nabubuhay sa kayabangan ang mga tao, gusto nila na palaging manguna sa lahat ng bagay, na maging mas magaling sa iba. Ang ganyang uri ng tao ay inuuna ang reputasyon at katayuan niya higit sa anupaman. Kapag hindi niya mahigitan ang iba o makuha ang pagsang-ayon ng iba, nagiging negatibo siya at nawawalan ng pag-asa, at ni ayaw nang gawin ang kanyang tungkulin. Nakita ko na ako ang uri ng taong ibinubuyag ng Diyos. Mayroon akong napakayabang na disposisyon at nag-aasam ng pangalan at katayuan. Nung una ko pa lang nakikilala si Sister Chen, inakala ko na higit akong may kakayahan sa trabaho at mas magaling sa pagbabahagi sa katotohanan para masolusyunan ang mga problema, at masaya ako na magsikap na tumulong at makipagbahagian sa kanya. Subalit kalaunan nang makita ko ang galing niya at kung gaano kabilis siya matuto, at na mataas ang pagtingin sa kanya ng iba, pakiramdam ko may banta sa aking posisyon. Palihim akong nagsimula na ihambing ang sarili ko sa kanya at makipagtagisan sa kanya, ginawa ko ang lahat para magmukhang mas magaling. Gusto kong patunayan ang aking kakayahan. Lalo na sa suliranin ng pagpili ng pinuno ng grupo, gusto kong gamitin ang aking pagbabahagi sa mga prinsipyo para magpasikat at hangaan, at ang resulta, ilan sa mga ito ang hindi umakma, kaya ako sinabihan ni Sister Chen. Hindi ako nagbulay sa aking sarili, at hindi lang yan, naghinanakit pa ako sa kanya at ayaw ko na siyang makatrabaho. Ginusto ko pa ngang talikuran ang atas sa akin at iwan ang iglesia. Nakita ko sa pagbubulay na lubos na natuon ang aking pansin sa reputasyon at katayuan, at hindi talaga sa maayos na pagganap sa aking tungkulin. Napagtanto ko na lubos akong nagpabaya sa aking tungkulin. Ang malantad sa ganung paraan ay paghatol at pagkastigo ng Diyos sa akin upang makapagnilay ako at maitama ang mga mali kong motibo at pananaw. Nagkaroon ako ng higit na kapayapaan matapos maunawaan ang kalooban ng Diyos.

Matapos nun nagbasa ako ng mas maraming salita ng Diyos kung saan Niya ibinubunyag ang anticristong disposisyon. “Kapag tinutupad ng mga anticristo ang kanilang mga tungkulin sa isang grupo, ang unang nasa isip nila ay hindi ang hanapin ang mga prinsipyong nakapaloob sa sarili nilang mga tungkulin, kung ano ang hinihingi ng Diyos, o kung ano ang mga tuntunin ng sambahayan ng Diyos. Bagkus, tinatanong nila kung sa pagtupad ba nila ng kanilang tungkulin ay darami ang mga taong hahanga sa kanila, kung malalaman ba ito ng Itaas, kung sino ang pinakamahusay sa grupo pagdating sa kanilang trabaho at kung sino ang superbisor. Sa sandaling pasukin nila ang mga kapaligiran kung saan ay tutuparin nila ang kanilang mga tungkulin, ang iniisip nila, ang gusto nilang malaman at maunawaan, ay walang kinalaman sa katotohanan, ni walang kaugnayan sa paglutas sa isyu kung paano nila tutuparin ang kanilang mga tungkulin, ni kung paano maiiwasang makapagdulot ng mga pagkagambala o kaguluhan, ni sa kung paano nila magagawang tuparin nang maayos ang kanilang mga tungkulin at mapalugod ang kalooban ng Diyos. Bagkus, ang unang nasa isip nila ay kung paano sila aangat sa loob ng grupo, magkaroon ng posisyon, pahangain ang iba, at mamukod-tangi sa grupo. Iniisip nila kung paano nila malalampasan ang ibang mga tao at kung paano sila magiging lider ng grupo. Sa paggawa nito, natutupad ba nila ang kanilang tungkulin? (Hindi nila natutupad.) Ano ang pakay nilang gawin? (Ang humawak ng posisyon.) Sinasabi nila, ‘Para sa akin, gusto kong mahigitan ang lahat ng tao sa sekular na mundo. Saanmang grupo ako naroroon, lagi akong magiging boss, hindi ako kailanman papayag na pumangalawa lamang. Dapat ay walang sinumang magtangkang gawin akong tagasunod. Saanmang grupo ako mapunta, ako ang magiging pinuno, at gusto kong ako ang may huling salita. Kung hindi sila makikinig sa akin, hahanap ako ng paraan upang kumbinsihin silang lahat na piliin ako. At kapag pinili na nila ako, kung ano ang sasabihin ko, iyon ang masusunod, at gagawin ko ang anumang maibigan ko.’ Sa anumang grupo, kapag tinutupad ng isang anticristo ang kanyang tungkulin, hindi sila nakukuntento na maging isang walang halagang tagasunod. Ano ang pinakananais nilang mangyari? Ang mag-utos at pasunurin ang iba sa gusto nila. Hindi sila masigasig tungkol sa pagtupad ng sarili nilang mga tungkulin, sa pagsusumikap, pagbabayad ng mas malaking halaga, paggugol ng mas maraming panahon at lakas, o pagtupad sa bahaging itinakda sa kanila. Bagkus, pinag-aaralan nila kung paano magiging mga taong namumuno sa iba sa pagpili at paglalagay ng kawani at sa kanilang mga propesyon. Hindi sila pumapayag na sila’y pamunuan ng iba. Hindi sila pumapayag na maging mga tagasunod o manahimik na lamang habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin nang walang nakukuhang atensyon. Anuman ang kanilang tungkulin, kung hindi sila maaaring maging bida at sentro, kung hindi sila maaaring maging lider, walang saysay para sa kanila na tuparin ang kanilang mga tungkulin. Kung hindi masusunod ang kanilang gusto, lalong wala silang interes sa mga ito, at lalong wala silang pagnanais na tuparin ang kanilang mga tungkulin. Ngunit kung maaari silang maging bida habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin at sila ang may huling salita, gagawin nila ang kanilang bahagi nang mas masigla kaysa kaninuman. Sa mga puso nila, ang pagkaunawa nila sa kanilang tungkulin ay para maging mas mataas kaysa sa iba, mabigyang-kasiyahan ang pangangailangan nilang mahigitan ang iba, at tuparin ang kanilang mga hangarin at ambisyon(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikapitong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Hinihimay ng mga salita ng Diyos kung bakit ayaw ng mga tao na pumangalawa kaninuman, kung bakit sila naghahabol ng reputasyon at katayuan. Itinutulak sila ng pagnanasang sambahin at hangaan, at ito ang landas ng isang anticristo. Ang katayuan ang pinakamahalaga sa lahat para sa mga anticristo. Hindi nila kailanman ginagawa ang kanilang tungkulin para maintindihan ang katotohanan o para gamitin ang mga prinsipyo, at wala talaga silang pakialam sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Nagbabalak lamang sila ng mga paraan para mapagmataasan ang iba at magawang hangaan at sundin sila ng mga tao para makamit nila ang kanilang masidhing ambisyon na agawin ang mga tao mula sa Diyos. Noong ikinumpara sa mga salita ng Diyos tungkol sa mga anticristo, nakita kong hindi pa naman ako ganun kalala, subalit nagpapakita ako ng mga senyales ng isang anticristong disposisyon. Nang makita kong malaki ang nagiging pag-unlad ni Sister Chen at pinupuri siya ng mga kapatid, nagsimula ko siyang kainisan at hindi isali. Pakiramdam ko pinigilan niya akong kuminang, na inagaw niya ang karangalan ko. Namumuhay ako ayon sa “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno” at “Isa lang ang lalaking maaaring manguna,” mga ganitong uri ng mga satanikong lason. Lagi akong nakikipaglaban para sa katayuan, para maging una. Pakiramdam ko ang sinumang nasa itaas ang may kapangyarihan at may huling salita, at ang kapangyarihan at katayuang iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Itinuring ko pa nga ang iglesia ng Diyos bilang personal kong arena para makipaglaban para sa katayuan, para bigyang-kasiyahan ang mga baliw kong pagnanasa. Nasa landas ako ng isang anticristo, lumalaban sa Diyos, at malubhang lumalabag sa disposisyon ng Diyos. Nakita ko kung gaano kamapanganib ang landas na tinatahak ko at kung gaano ito kinumuhian ng Diyos. Nariyan din ang katotohanan na bago lang sa kanyang tungkulin si Sister Chen, kaya’t kung siya ay nasikil, napigilan sa kanyang gawain, at nakasama ito sa kanyang tungkulin, paggawa ko iyon ng kasamaan. Nabagabag talaga ako at nakitang namumuhay ako ayon sa aking masamang disposisyon, nagpupunyagi lang para sa posisyon. Hindi lang ito nakasama at nakahadlang sa iba, pwede pa akong mapaalis dahil sa paggawa ng masama at paggambala sa gawain ng iglesia. Nakita ko talagang ang paghahabol sa personal na katayuan ay hindi magandang landas na tahakin. Tunay akong natakot at ayoko nang mamuhay sa gayong tiwaling disposisyon. Gusto kong magsisi sa Diyos.

Matapos nun, binasa ko ang mga salita ng Diyos para humanap ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kung ginawa kang hangal ng Diyos, kung gayon ay may katuturan sa iyong kahangalan; kung ginawa ka Niyang matalino, kung gayon ay may katuturan sa iyong katalinuhan. Anumang kadalubhasaan ang ibinibigay ng Diyos sa iyo, anuman ang iyong mga kalakasan, gaano man kataas ang iyong IQ, lahat ng ito’y may layunin para sa Diyos. Ang lahat ng bagay na ito ay nauna nang itinakda. Ang papel na ginagampanan mo, ang tungkuling tinutupad mo—tinukoy na rin ng Diyos ang mga ito matagal nang panahon ang nakakaraan. Ang ilang tao ay hindi kumbinsido. Gusto nilang baguhin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng ibayong pag-aaral, ibayong pagtuklas, at pagiging mas masikap. Ngunit hindi nila marating ang mataas na antas. Sa paglipas ng panahon, matututuhan nila ito mula sa karanasan. Gaano ka man lumaban, hindi mo malalabanan ang tadhana. Itinakda ng Diyos kung magiging ano ka at walang saysay ang paglaban mo rito. Saan ka man magaling, doon mo kailangang magsumikap. Huwag mong subukang puwersahin ang iyong sarili sa mga larangang hindi saklaw ng iyong mga kasanayan at huwag mainggit sa iba. May kanya-kanyang tungkulin ang bawat tao. Huwag mong isiping magagawa mo ang lahat nang mag-isa, na perpekto ka, na mas mahusay ka kaysa sa iba, na laging gustong gawin ang trabaho ng ibang mga tao, ibinibida ang sarili at hindi ang iba. Isa itong tiwaling disposisyon. Halimbawa, marahil ay talagang mahusay kang sumabay sa tugtog kapag sumasayaw ka—dito ka dapat maging isang tagahatol, tumuklas ng mga bagong bagay, magpakadalubhasa sa mga prinsipyo, at maayos na gumanap ng iyong tungkulin. Mahilig ang ilang tao na magdisenyo ng mga damit at may kahusayan sila rito. Kung gayon, sa bagay na ito ka dapat magsumikap at pag-ibayuhin ang iyong pag-aaral tungkol dito. May mga nag-iisip na hindi sila mahusay sa anumang bagay. Kung ganoon ang kaso, kailangan mo lamang maging isang taong nakikinig nang mabuti sa mga panuto ng iba. Gawin mo ang makakaya mo at gawin ito nang maayos, nang buong lakas mo. Sapat na iyon. Malulugod na ang Diyos(“Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pagbasa ng mga salita ng Diyos, nakita ko na itinadhana lahat ng Diyos kung gaano kagaling ang isang tao o kung anong uri ng mga kaloob mayroon siya, at taglay lahat nito ang karunungan ng Diyos. Hindi kailangan ng Diyos na maunawaan natin ang lahat, magawa ang lahat, at maging mas magaling kaysa lahat. Ang nais Niya’y gampanan natin nang mabuti ang ating mga tungkulin. Kung magagamit natin ang sarili nating lakas, ang sarili nating papel sa pinakamabuting paraan, Siya ay masaya. Kung tayo ay mapagmataas at labis ang tiwala sa sarili, laging gustong ipaglaban ang sarili, pagmumukhain lang nating hangal ang ating mga sarili at magiging miserable ang buhay natin. Nakahanap din ako ng landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos, yun ay ang maging sapat na matapang para aminin ang aking mga pagkukulang. Wala ako ng kakayahan at kasanayan sa gawain ni Sister Chen. Ang mga iyon ay katotohanang itinakda ng Diyos. Kailangan kong maging makatwiran at magpasakop sa paghahari at mga pagsasaayos ng Diyos, maging disenteng tao, ilagay ang puso ko sa aking tungkulin, at mas pag-isipan pa kung paano makikipagtulungan kay Sister Chen para bilang isang pangkat naming haharapin ang gawain ng iglesia. Iyon talaga ang kalooban ng Diyos. Sinabi rin ng mga salita ng Diyos na ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi maaaring gampanan ng iisang tao lamang. Dapat magtulungan ang lahat. Iba-iba ang pananaw natin sa mga bagay-bagay, kaya kapag pinupunan natin ang pagkukulang ng bawat isa, magagawa nating tingnan ang mga bagay-bagay sa mas malawak na pananaw. Kapag lang lubos tayong nagkakaisa saka tayo ginagabayan ng Banal na Espiritu, at magiging epektibo tayo sa ating tungkulin. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, hinanap ko si Sister Chen at inilahad sa kanya ang aking naging kalagayan sa panahong iyon at humingi ako ng paumanhin sa kanya. Mula nun, sa mga pagtitipon na magkasama kami, hindi ko na sinusubukang maging mas magaling sa pagbabahagi kaysa sa kanya, sa halip nakikinig ako nang mabuti habang siya’y nagsasalita at taos-puso itong pinag-iisipan. Kapag may hindi siya nabanggit, sinisikap kong tumulong sa aking pagbabahagi. Nagbahagi ako ayon sa aking pagkaunawa, walang labis. Sa ganitong pagtutulungan, humusay nang humusay ang aming pagbabahagi, at naging mas malapit kami ni Sister Chen.

Napromote si Sister Chen makalipas ang dalawang buwan, at kami ay magkasamang nagtrabaho. Magkasama naming pinamahalaan ang gawain ng ilang iglesia. Isang araw, nakatanggap kami ng mensahe mula sa isang pinuno na nagsasabing isang bahagi ng aming gawain ang labis na naging matagumpay. Medyo nalungkot ako sanhi nito, dahil kung alam ng pinuno na si Sister Chen ang nag-ayos nito, mas mataas kaya ang pagtingin nito sa kanya? Nang gabing iyon, tinanong ako ni Sister Chen kung paano niya gagawin ang trabahong iyon upang maging mas mahusay ito. Naisip ko, “Mayroon nang resulta ang trabahong ito. Kung pag-uusapan namin ito, lalo lang itong bubuti nang bubuti. Di ba’t lalo siyang magmumukhang mas magaling kaysa sa akin?” Sa pag-iisip nito, ayaw ko nang makipagtalakayan sa kanya. Subalit napagtanto ko na nahuhulog na naman ako sa kalagayan ng pakikipagtunggali para sa pangalan at pakinabang, kaya’t sinikap kong manalangin sa Diyos at talikdan ang aking laman. Ang mga salita ng Diyos na ito ay sumaisip ko: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung ikaw ba’y naging hindi dalisay sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sinasabi ng Diyos na hindi lamang pansariling interes ang dapat nating isipin, kundi dapat mauna ang interes at gawain ng sambahayan ng Diyos. Kailangan nating gumawa ng mga bagay na makikinabang ang pagpasok sa buhay ng iba. Ito lang ang paraan para maipakita na tapat tayo sa ating tungkulin. Alam kong dapat kong gawin ang hinihingi ng Diyos, kaya kinausap ko si Sister Chen kung paano namin pwedeng gawin ang trabahong iyon, ang mga pangkasalukuyang isyu, at kung paano namin matutugunan ang mga iyon. Sa isang pagtitipon sa sumunod na araw, nagbahagi ako tungkol sa aking naging kalagayan kamakailan at kung ano ang naunawaan ko mula roon. Habang lalo akong nagbabahagi, higit kong nararamdaman na ang paghahabol sa pangalan at katayuan ay hindi mabuting landas. Nakaramdam ako ng labis na pagkamuhi at pagkasuklam sa aking sarili. Ayaw ko nang magapos ng aking mala-demonyong disposisyon. Masaya akong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at gawin ang aking tungkulin nang nakatuntong sa lupa. Mula noon, sa tuwing nahaharap ako sa suliranin, nananalangin ako sa Diyos at iniisip mabuti kung saan makikinabang ang sambahayan ng Diyos. Natuto akong alamin ang mga kalakasan ni Sister Chen para mapunan namin ang mga pagkukulang ng bawat isa. Sa paggawa nito nakaramdam ako ng gaan at kapayapaan, at higit kaming naging mahusay sa aming tungkulin. Ang maliit na pagbabagong ito na nakamit ko ay lubos na dahil sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Lunas sa Pagmamataas

Zhang Yitao Lalawigan ng Henan “O Diyos, ang paghatol Mo ay totoo, matuwid at banal. Ang mga salita Mo’y liwanag upang ilantad ang...

Ang Kwento ni Angel

Ni Angel, MyanmarNakilala ko si Sister Tina sa Facebook noong Agosto 2020. Sinabi niya sa akin na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na...