Pag-ulat sa Isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka

Enero 18, 2022

Ni Gan Xiao, Tsina

Noong Agosto nang nakaraang taon, inilipat ako sa ibang iglesia ng isang lider matapos akong matanggal. Napansin ko na si Brother Liang Hui ay dumating na huli ng isang oras sa unang pagtitipon ko roon. Ang lider ng iglesia na si Sister Tan Min ay naroon din. Inisip ko, “Narinig kong sinabi ng mga kapatid na si Liang Hui ay pabaya at ginagawa ang anumang gusto niya sa kanyang tungkulin, at palagi siyang dumarating nang huli sa mga pagtitipon nang walang dahilan. Napakahuli talaga niya sa pagtitipon ngayong araw, kaya dapat siyang bahagian ni Tan Min tungkol sa problemang ito.” Pero napakakaswal ni Tan Min tungkol doon at wala siyang sinabing anuman. Sa pagtitipon, isa pang kapatid ang nagsalita tungkol sa pakiramdam niyang lagi siyang nalilimitahan ng pera, na hindi niya maituon ang isip niya sa kanyang tungkulin, at mukhang napakalungkot niya. Ang ilan sa amin ay nakahanap ng ilang salita ng Diyos para magbahagi at matulungan siya, pero bilang lider ng iglesia, hindi nagbigay si Tan Min ng kahit anong pagbabahagi. Nakita kong hindi niya inaako ang anumang pananagutan sa pagtitipon, at walang sigla niyang ginagawa ang tungkulin nang hindi tinutulungan ang sinuman sa kanilang mga problema. Nais ko siyang kausapin tungkol sa problemang ito. Pero naisip ko na dahil ito ang una kong pagtitipon doon, maaaring hindi ko nakikita ang buong sitwasyon, kaya dapat muna akong maghintay at magmasid bago ako magsalita. Nagulat akong makita na ganoong-ganoon pa rin siya sa sumunod na ilang pagtitipon. May mga pagkakataon na mabilisan talaga niyang tinatapos ang pagtitipon pagkatapos naming magbasa ng ilang salita ng Diyos nang hindi masyadong nagbabahagi ng tungkol sa mga ito, at hindi niya binigyang-pansin ang pagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Naisip ko, “Ang pangunahing bahagi ng tungkulin ng isang lider ay gabayan ang mga kapatid sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng katotohanan, nang sa gayon ay maunawaan nila ang katotohanan at makapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Pero si Tan Min ay hindi nangunguna sa pagbabahagi ng mga salita ng Diyos, at hindi niya nilulutas ang mga problema ng mga tao. Hindi ba iyon pagpapabaya sa tungkulin? Hindi ba’t ito’y pagpapatangay lang sa agos? Paano matatapos ang anumang bagay sa ganitong paraan? Maaantala nito ang pagpasok sa buhay ng lahat kung magpapatuloy ito. Gusto kong magsalita, pero natakot ako na hindi niya ito tatanggapin, na sasabihin niyang mapagmataas ako at dapat ay nagninilay ako sa aking sarili matapos matanggal sa halip na nakikialam sa iba.” Nang maisip ko ito, nagdesisyon ako na hindi na ito ituloy at kalimutan na lang ito, at pagtuunan ang aking sarili.

Makalipas ang isang buwan, inilagay ako sa iba pang tungkulin at itinalaga sa dalawang iba pang pagtitipon ng grupo. Ang mga kapatid sa mga pagtitipong iyon ay hindi tumutuon sa pagbabahagi ng mga salita ng Diyos o maging sa pagsasalita tungkol sa kanilang mga karanasan at kaalaman. Minsan, kaswal lang silang nagkukuwentuhan. Pakiramdam ko’y ang tagumpay ng buhay-iglesia ay direktang nauugnay sa kung sino ang namumuno sa iglesiang iyon, at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid ay makokompromiso kung magpapatuloy ito, kaya binanggit ko ito kay Tan Min. Laking gulat ko na lubos niyang nilabanan ito, at iginiit pa na ang kawalan ng tagumpay sa buhay-iglesia ay problema ng mga kapatid. Inisip ko: “Hindi siya nagninilay sa kanyang sarili at ipinapasa ang lahat ng pananagutan sa mga kapatid. Bilang isang lider ng iglesia, hindi siya talaga tumatanggap ng katotohanan o nakikinig sa mungkahi ng mga kapatid, at hindi niya dinadala ang pasanin ng buhay-iglesia. Paano niya kaya mapamumunuan ang iba na maunawaan ang katotohanan, o pumasok sa realidad ng salita ng Diyos? Makapipinsala lang iyon sa mga kapatid. Dapat ko siyang kausapin muli tungkol dito.” Pero nang magsasalita na sana ako, nagsimula akong mag-alala. Naisip ko, “Ngayon lang ay hindi niya tinanggap ang rekomendasyon ko, at hindi maganda ang saloobin niya tungkol dito. Anong buti ang magagawa ng pag-ulit sa nasabi ko na? Siya ay lider ng iglesia, kaya kung kakausapin ko siyang muli, baka sabihin niyang lumalabis ako at magtanim siya ng sama ng loob sa akin. Dapat ay itikom ko na lang ang aking bibig.” Hindi ako naging komportable roon, pero sa huli, nagdesisyon akong huwag magsabi ng anuman. Makalipas ang ilang araw, sinabi sa akin ni Tan Min na iwinasto niya ang mga kapatid sa isang pagtitipon, at pagkatapos ay napakalinaw na inilarawan kung paano niya sila iwinasto. Nabigla ako nang marinig ko ito. Naisip ko: “Paanong napakakulang ng kamalayan mo sa iyong sarili? Ang buhay-iglesia ay walang disiplina dahil iresponsable at pabaya ka bilang lider ng iglesia. Paano mo nagagawang pagalitan ang iba para doon? Ang basta lang kagalitan ang mga tao nang walang anumang pagbabahagi sa katotohanan ay hindi makalulutas ng anuman.” Gusto ko talagang muling banggitin ang mga isyu niya, pero nang makita ko ang matibay niyang paniniwala sa sarili, naisip kong hindi niya ito matatanggap nang mabuti. Naisip ko, “Katatanggal pa lang sa akin, kaya anong karapatan ko na banggitin ang mga isyu niya? Dagdag pa roon, palagi kaming nagkikita, kaya magiging mahirap ang mga bagay para sa akin sa iglesia kung sasama ang loob niya. Tapos, kung tumanggi siyang bigyan ako ng tungkulin, mawawala ang aking pagkakataong maligtas. O sige, hindi na ako magsasalita ng anuman, at pananatilihin ko na lang na nakababa ang aking ulo, ipapamuhay ang buhay ng iglesia, at gagawin ang sarili kong tungkulin.”

Narinig kong sinabi ng ilang kapatid na si Tan Min ang namamahala sa gawain ng pag-eebanghelyo, pero ni hindi siya nakipagtipon sa kanila nang maiksing panahon. Sinabi pa nilang hindi nila malutas ang mga problema ng mga baguhan, at ang ilang baguhan ay nagambala ng mga pastor at elder ng relihiyon at huminto na sa pagdalo sa mga pagtitipon. Naisip ko, “Napakahalaga ng gawain ng pag-eebanghelyo, pero walang anumang ginagawa si Tan Min para malutas ang kanilang mga problema. Napaka-iresponsable noon! Si Tan Min ay hindi gumagawa ng anumang praktikal na gawain at may direktang kinalaman sa pagsuko ng mga baguhan dahil hindi sila nakakakuha ng anumang pagdidilig o pagtustos!” Pakiramdam ko’y napakaseryosong problema noon, at kailangang-kailangan ko siyang kausapin nang harapan tungkol dito. Nakita ko si Tan Min makaraan ang dalawang araw at binanggit ko sa kanya ang mga isyu na sinabi ng mga kapatid na iyon, pero isinisi niya ang lahat sa mga kapatid. Tila wala siyang anumang pananagutan. Sinabi ko rin na sa hindi paggawa ng anuman para lutasin ang mga praktikal na problema bilang isang lider ng iglesia, nagiging iresponsable siya at napapabayaan niya ang kanyang tungkulin, at ito’y nakakaantala sa gawain ng iglesia at magdudulot ng pinsala sa mga kapatid. Pero sumimangot lang siya at tumangging magsalita. Naisip ko, “Hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain, hindi siya nagdadala ng pasanin para sa kanyang tungkulin, at hindi niya kailanman tinanggap ang katotohanan. Nangangahulugan ito na isa siyang huwad na lider na kailangang ilantad, at dapat kong iulat ang mga problema sa kanya sa isang mas nakatataas na lider para mapaalis siya sa lalong madaling panahon.” Pero nag-atubili ako. Naisip ko, “Kapag iniulat ko siya at nalaman niya ito, sasabihin kaya niya na pinagdidiskitahan ko siya at sinasadya kong kontrahin siya? Hindi masyadong masama kung mapapaalis siya, pero kung hindi, hindi ba’t mapasasama ko lang ang loob niya? Magiging napakahirap talaga sa akin na manatili sa iglesiang ito. Kapag pinatalsik niya ako at nawalan ako ng tungkulin, mawawalan ba ako ng pagkakataong maligtas? O sige, hindi ko na iuulat ang mga problema sa kanya, at iingatan ko na lang ang tungkuling mayroon ako.” Pero nang mag-isip ako sa ganoong paraan, nakonsensya talaga ako. Nakita ko na may huwad na lider sa iglesia, pero sinarili ko ito. Pagtataguyod ba iyon sa gawain ng iglesia? Naguluhan talaga ako, kaya lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin, “O Diyos, nakita ko ang mga problema ni Tan Min at gusto ko siyang iulat, pero mayroon akong ilang alalahanin. Pakiusap, gabayan Mo po ako para mapagtagumpayan ko ang mga puwersang ito ng kadiliman at maprotektahan ang gawain ng iglesia.”

Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Ano ang saloobing dapat taglayin ng mga tao pagdating sa kung paano tratuhin ang isang pinuno o manggagawa? Kung tama at alinsunod sa katotohanan ang ginagawa ng isang pinuno o manggagawa, maaari mo siyang sundin; kung mali at hindi alinsunod sa katotohanan ang ginagawa niya, hindi mo siya dapat sundin at maaari mo siyang ibunyag, at labanan siya at magbigay ng ibang opinyon. Kung hindi siya nakakagawa ng praktikal na gawain o gumagawa siya ng masasamang gawa na nagsasanhi ng kaguluhan sa gawain ng iglesia, at nabunyag na isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa o isang anticristo, maaari mo siyang kilatisin, ilantad at iulat. Gayunman, hindi nauunawaan ng ilang taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at lalo nang napakaduwag. Natatakot silang masupil at maparusahan ng mga huwad na lider at anticristo, kaya hindi sila nangangahas na itaguyod ang mga prinsipyo. Sinasabi nila, ‘Kung patatalsikin ako ng lider, tapos na ako; kung hihikayatin niyang ibunyag o talikuran ako ng lahat, hindi ko na magagawang maniwala sa Diyos. Kung patatalsikin ako sa iglesia, hindi ako gugustuhin at hindi ako ililigtas ng Diyos. At hindi ba’t mawawalan ng saysay ang aking pananampalataya?’ Hindi ba katawa-tawa ang gayong pag-iisip? May tunay bang pananampalataya sa Diyos ang gayong mga tao? Kakatawanin ba ng isang huwad na lider o anticristo ang Diyos kapag itiniwalag ka niya? Kapag ikaw ay pinarusahan at pinatalsik ng isang huwad na lider o anticristo, kagagawan ito ni Satanas, at walang kinalaman sa Diyos; kapag inaalis at pinatatalsik ang mga tao mula sa iglesia, nakaayon lamang ito sa kalooban ng Diyos kapag may magkasanib na desisyon sa pagitan ng iglesia at ng lahat ng taong hinirang ng Diyos, at kapag ang pag-aalis o pagpapatalsik ay lubos na nakaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Paanong ang mapatalsik ng isang huwad na lider o anticristo ay mangangahulugan na hindi ka maliligtas? Pag-uusig ito ni Satanas at ng mga anticristo, at hindi nangangahulugan na hindi ka maililigtas ng Diyos. Maliligtas ka man o hindi ay depende na sa Diyos. Walang taong kwalipikadong magdesisyon kung maaari ka bang iligtas ng Diyos. Dapat malinaw ito sa iyo. At para tratuhin ang pagpapatalsik sa iyo ng mga huwad na lider at anticristo bilang pagpapatalsik ng Diyos—hindi ba ito maling pag-unawa sa Diyos? Maling pag-unawa ito. At hindi lamang ito maling pag-unawa sa Diyos, kundi pagsuway rin sa Diyos. Medyo paglapastangan din ito sa Diyos. At hindi ba kamangmangan at kahangalan ang maling pag-unawa sa Diyos sa ganitong paraan? Kapag pinatalsik ka ng isang huwad na lider o anticristo, bakit hindi mo hanapin ang katotohanan? Bakit hindi ka maghanap ng isang taong nakauunawa sa katotohanan upang magkamit ka ng kaunting pagkakilala? At bakit hindi mo ipinaalam ito sa mga nakatataas? Pinatutunayan nito na hindi ka naniniwalang naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos, ipinapakita nito na wala kang tunay na pananampalataya sa Diyos, na hindi ka isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Kung nagtitiwala ka sa walang hanggang kapangyarihan ng Diyos, bakit ka natatakot sa paghihiganti ng isang huwad na lider o anticristo? Mapagpapasyahan ba niya ang iyong kapalaran? Kung may kakayahan kang makakilala, at natukoy mong salungat ang kanilang mga ikinikilos sa katotohanan, bakit hindi ka makipagbahaginan sa mga hinirang ng Diyos na nakauunawa sa katotohanan? May bibig ka naman, kaya bakit hindi ka naglalakas-loob na magsalita? Bakit takot na takot ka sa isang huwad na lider o anticristo? Pinatutunayan nitong duwag ka, walang silbi, isang kampon ni Satanas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahanap ng Katotohanan). Ang pagbabasa nito ay talagang nagpasaya sa aking puso. Kapag may natagpuan tayong huwad na lider sa iglesia, hindi tayo dapat yumukod at magpapigil sa kanya sa bawat pagkakataon. Dapat tayong manindigan, ilantad sila, at iulat sila sa mas matataas na lider. Iyan ang kalooban ng Diyos. Alam kong hindi gumagawa ng praktikal na gawain si Tan Min, at siya’y isang huwad na lider, pero hindi ako nangahas na magsalita tungkol sa mga problema sa kanya dahil tinitingnan ko ito mula sa maling perspektibo. Inisip ko na ang lider ang may awtoridad, at siya ang magdedesisyon kung maaari akong gumawa ng tungkulin o hindi, at kapag napasama ko ang loob niya, maaaring mawalan ako ng tungkulin at pagkatapos ay hindi ako maliligtas. Nakita ko na sa buong panahon ng pananampalataya ko, wala pa rin akong pagkaunawa sa Diyos. Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan at ang Diyos Mismo ang nasusunod. Kung ako man ay magkakaroon ng tungkulin o kung ako’y maliligtas ay nakasalalay sa Diyos, at hindi nasa sa sinumang lider. Kahit na may awtoridad ang huwad na lider talagang nasupil ako, pansamantala lang iyon. Nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay at ang Banal na Espiritu ay ihahayag ang lahat, kaya ang mga huwad na lider at anticristo ay ilalantad at aalisin sa malao’t madali. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, na natakot akong mapasama ang loob ng ibang tao, pero hindi ang mapasama ang loob ng Diyos. Ang Diyos ay walang lugar sa puso ko. Anong uri ng mananampalataya ako? Iniisip ko na dahil hindi ako isang lider, wala ako sa posisyon na punahin si Tan Min at nangamba ako na sasabihin ng mga tao na hindi ako dapat makialam; na ang paraan ng pagtingin ko sa mga bagay-bagay ay talagang kakatwa. Bilang miyembro ng sambahayan ng Diyos, hindi mahalaga kung ako’y mapaalis o kung anong tungkulin ang ginagawa ko—kapag may natuklasan akong huwad na lider sa iglesia, pananagutan ko ito, at obligasyon ko na iulat siya. Iyon ay pagprotekta sa gawain ng iglesia at isang positibong bagay. Ito ay pag-ako rin ng responsibilidad para sa buhay ng mga kapatid, at hindi ito kailanman paglampas sa aking hangganan o pakikialam, at lalong hindi ito pagmamataas at pagtuntong sa isang pedestal. Ito ay paggawa ng tungkulin ng isa sa mga hinirang na tao ng Diyos. Ang mapagtanto ito’y nagpanilay sa akin sa kung bakit ako takot na takot na maglantad ng isang huwad na lider. Ano ang tunay na ugat ng problema?

Nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos sa aking paghahanap: “Ang konsiyensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa ang pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensiya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at salbahe.) Ang mga taong makasarili at salbahe ay basta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang dinadalang pasanin sa pagganap sa kanilang mga tungkulin o sa pagpapatotoo sa Diyos, at hindi sila responsable. … May ilang tao na hindi umaako ng anumang responsabilidad kahit ano pa ang tungkuling ginagampanan nila. Hindi rin nila iniuulat kaagad sa mga nakatataas sa kanila ang mga problemang nadidiskubre nila. Kapag may nakikita silang mga taong nanggagambala at nanggugulo, nagbubulag-bulagan sila. Kapag nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang mga masasamang tao, hindi nila sinusubukang pigilan sila. Hindi nila pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o isinasaalang-alang kung ano ang kanilang tungkulin at responsabilidad. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain ang mga taong kagaya nito; sila ay mga taong mahilig magpalugod ng iba at sakim sa kaginhawahan; nagsasalita at kumikilos sila para lamang sa sarili nilang banidad, reputasyon, katayuan, at mga interes, at handa lamang silang ilaan ang kanilang panahon at pagsisikap sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila. Malinaw sa lahat ang mga kilos at layunin ng isang taong katulad niyon: Lumalabas siya tuwing may pagkakataong maipakita ang kanyang mukha o magtamasa ng kaunting pagpapala. Ngunit, kapag walang pagkakataong maipakita ang kanyang mukha, o sa sandaling nagkaroon ng panahon ng pagdurusa, naglalaho sila sa paningin tulad ng isang pagong na nag-atras ng ulo nito. May konsiyensiya at katwiran ba ang ganitong klaseng tao? (Wala.) Nakadarama ba ng paninisi sa sarili ang isang taong walang konsiyensiya at katwiran na ganito kung kumilos? Ang gayong mga tao ay walang pakiramdam ng paninisi sa sarili; walang silbi ang konsiyensiya ng ganitong klaseng tao. Hindi sila kailanman nakadama ng paninisi ng kanilang konsiyensiya, kaya’t mararamdaman ba nila ang paninisi o disiplina ng Banal na Espiritu? Hindi, hindi nila ito mararamdaman(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Ang mga salita ng Diyos ay tumulong sa aking maunawaan na ang pagiging takot na maglantad at mag-ulat ng isang huwad na lider ay nanggaling sa pagsalig sa mga satanikong pilosopiya gaya ng “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali,” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Ang mga satanikong pilosopiyang ito ay naging bahagi ng aking mga pinaniniwalaang kasabihan at kinontrol nito ang paraan ng pag-iisip ko, kaya lagi kong sinusubukang protektahan ang aking mga pansariling interes nang walang anumang pag-iisip para sa gawain ng iglesia. Lalu’t lalo akong naging kasuklam-suklam, makasarili at tuso. Malinaw kong nakita na si Tan Min ay hindi gumagawa ng praktikal na gawain at hindi tumatanggap ng katotohanan na siya ay isang huwad na lider. Ang kanyang pag-uugali ay nakaapekto na sa gawain ng iglesia at nakaantala sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid, kaya dapat kong ilantad ang bagay na ito at iulat siya. Pero natakot ako na makondena o masupil niya kapag sumama ang loob niya, at natakot akong mawala ang aking pagkakataon na gumawa ng tungkulin, kaya hindi ako nangahas na iulat siya. Gusto kong protektahan ang aking reputasyon, katayuan, at ang aking destinasyon sa hinaharap, kaya pinanood ko lang na nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid na may saloobing talagang hindi nakikialam, at nagbubulag-bulagan sa isang huwad na lider. Ako’y nakatayo sa panig ni Satanas, kinukunsinti ang isang huwag na lider na gumagambala sa gawain ng iglesia. Namumuhay ako ayon sa mga lason ni Satanas at naging alipin nito, inaalagaan lang ang aking sarili, lubos na walang debosyon sa Diyos, at walang konsiyensya at katwiran. Hindi talaga ako namumuhay nang may wangis ng tao. Nakita kong nasa ilalim pa rin ako ng kapangyarihan ni Satanas at ako ay kay Satanas. Kailangan kong hangarin ang katotohanan, talikdan si Satanas, at maging isang taong sumusunod sa Diyos. Nang maging maliwanag ang lahat ng ito sa akin, pakiramdam ko napakalaki ng pagkakautang ko sa Diyos at kinamuhian ko kung gaano ako nagiging makasarili at hindi katanggap-tanggap. Kailangan kong iulat kaagad ang huwad na lider at ang pananakit sa puso ng Diyos. Kaya, sinabi ko sa nakatataas na lider ang lahat ng tungkol sa isyu ni Tan Min gaya ng hindi paggawa ng tunay na gawain at hindi pagtanggap sa katotohanan. Pero ilang araw ang nagdaan, at wala akong narinig na anuman mula sa mas nakatataas na lider patungkol sa kung paano niya inasikaso ang isyu kay Tan Min. Medyo nabalisa ako. Kung ang huwad na lider na ito’y hindi mapapaalis agad, maaaring patuloy nitong maaantala ang gawain ng iglesia, kaya naisip kong sumulat muli para makita kung ano ang nangyayari. Pero naisip ko, “Kung babanggitin ko itong muli, baka isipin ng mas nakatataas na lider na masyado akong nakikialam sa maraming bagay. Dahil nasabi ko na ang gusto ko, siguro’y natupad ko na ang pananagutan ko at hindi na dapat alalahanin pa ang tungkol sa iba pa.” Pero ang isiping ito ay nagpabalisa sa akin, at hindi ako nakatulog ng gabing iyon.

Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos isang umaga: “Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang maaaring tumayong saksi para sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong ‘paglilibing sa kamatayan’; ito ang ibig sabihin ng pagtataboy kay Satanas. Kung may ilang lokal na maton sa isang iglesia, at sinusundan sila ng ‘maliliit na langaw’ na lubos na hindi makaintindi, at kung ang mga nagtitipon, kahit nakita na nila ang katotohanan, ay wala pa ring kakayahang tanggihan ang mga gapos at manipulasyon ng mga maton na ito, lahat ng hangal na iyon ay aalisin sa huli. Maaaring walang nagawang kakila-kilabot ang maliliit na langaw na ito, ngunit mas mapanlinlang pa sila, mas tuso at mahusay umiwas, at lahat ng kagaya nito ay aalisin. Wala ni isang matitira! Yaong mga nabibilang kay Satanas ay ibabalik kay Satanas, samantalang yaong nabibilang sa Diyos ay tiyak na hahanapin ang katotohanan; ipinapasya ito ng kanilang mga likas na pagkatao. Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas! Walang habag na ipapakita sa gayong mga tao. Hayaan yaong mga naghahanap sa katotohanan na matustusan, at nawa ay masiyahan sila sa salita ng Diyos hangga’t nais nila. Ang Diyos ay matuwid; hindi Siya magpapakita ng paboritismo kaninuman. Kung ikaw ay isang diyablo, wala kang kakayahang magsagawa ng katotohanan; kung ikaw ay isang taong naghahanap sa katotohanan, tiyak na hindi ka mabibihag ni Satanas. Walang kaduda-duda iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Nakikita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang Kanyang disposisyon ay banal at matuwid, at hindi nito pahihintulutan ang anumang paglabag. Napopoot Siya na ang mga huwad na lider at anticristo ay ginagambala ang gawain ng iglesia at naaantala ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kinasusuklaman ng Diyos ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan o pumoprotekta sa mga interes ng iglesia kapag lumilitaw ang mga huwad na lider at anticristo. Nauunawaan ng ganitong uri ng tao ang katotohanan pero hindi pa rin ito isinasagawa, sa halip ay iniisip lang ang kanyang mga pansariling interes. Siya’y isang tusong tao, at siya’y aalisin kung tatanggi siyang magsisi. Alam kong si Tan Min ay isang huwad na lider, at ngayon na ang lider na mas mataas sa kanya ay hindi mabilisang tumutugon, kinakailangan kong patuloy na magsalita at panindigan ito hanggang sa matapos. Pero ginusto ko lang protektahan ang sarili ko at binalewala ang anumang hindi personal na nakakaapekto sa akin. Hinahayaan ko siyang manggulo at manggambala sa gawain ng iglesia. Hindi ko isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos at hindi ako pumapanig sa katotohanan, bagkus ay pumapanig ako kay Satanas. Pakikibahagi iyon sa kasamaan ng isang huwad na lider. Bagama’t parang wala naman akong ginawang napakasama, kung hindi ko isinagawa ang katotohanan o pinrotektahan ang gawain ng iglesia sa harap ng mga problema, aalisin lang ako sa huli. Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi maaaring ang sariling mga interes ko lang ang alalahanin ko at hindi ko na mahahayaan na magpatuloy pa ang isang huwad na lider sa pagpinsala sa gawain ng iglesia. Inantala ng nakatataas na lider ang pag-aasikaso sa isyu ni Tan Min, kaya kahit na hindi ko alam ang dahilan sa likod nito, isa itong pagsubok para sa akin ng Diyos upang makita kung maisasantabi ko ang aking mga personal na interes at maitataguyod ang mga katotohanang prinsipyo. Kailangan kong magpatuloy na iulat ang huwad na lider na ito upang maprotektahan ang mga interes ng iglesia. Kaya, muli kong iniulat ang sitwasyon sa mas nakatataas na lider at binigyang-diin ang mga panganib at kahihinatnan ng kabiguang paalisin ang isang huwad na lider. Tumugon siya at sinabi na sa nakalipas na ilang araw, may mga bagay na kinailangan niyang agarang asikasuhin, at hindi umano’y agad niyang paaalisin si Tan Min, alinsunod sa mga prinsipyo. Napakalaking kaluwagan sa akin ang makita ang ganoong pagtugon at natutuhan ko na ang tanging paraan upang malaman ang kapayapaan ay ang pagsasagawa sa katotohanan.

Hindi nagtagal, si Tan Min ay inalis sa kanyang tungkulin at nahalal ang isa pang lider para gawin ang gawain ng iglesia. Pagkaraan ng ilang panahon, ang buhay-iglesia ay nagkaroon ng maraming magagandang resulta, at lahat ng aming gawain ay nagsimulang maging mas epektibo. Tuwang-tuwa akong makita na ganito ang kinalabasan ng mga bagay-bagay, pero kasabay nito, bahagya akong nakonsiyensya at nanghinayang. Matapos mapansin ang isang huwad na lider, hindi ko siya iniulat kaagad. Inisip ko lang ang aking mga personal na interes, at ipinakita ang aking satanikong disposisyon, na nagdulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia. Nakita ko na ang pamumuhay ayon sa satanikong disposisyon at ang hindi pagsasagawa ng katotohanan ay talagang paggawa ng kasamaan, at ang lahat ng ito’y kinokondena at kinamumuhian ng Diyos. Nakita ko rin kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at ang makita ang huwad na lider na ito sa iglesia ay nakatulong sa aking magkaroon ng pagkakilala. Naranasan ko rin ang malaking kapahamakang magagawa ng isang huwad na lider sa iglesia sa hinirang na mga tao ng Diyos, at nalaman ko rin ang tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakita ko na sa sambahayan ng Diyos, si Cristo at ang katotohanan ang may kapangyarihan at walang indibidwal ang maaaring maging tagapanguna. Kahit gaano pa kataas ang posisyon ng isang tao, kung hindi sila nagsasagawa ng katotohanan at gumagawa ng mga hinihingi ng Diyos, hindi sila kailanman magkakaroon ng matatag na posisyon sa sambahayan ng Diyos. Aalisin sila sa huli. Tanging ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at ang paggawa sa mga bagay-bagay ayon sa prinsipo ang alinsunod sa Kanyang kalooban.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pag-Iwan sa Pag-aaral Ko

Ni Lin Ran, Tsina Simula noong bata ako, sinabi sa akin ng mga magulang ko na dahil wala silang anak na lalaki, kami lang dalawa ng kapatid...