Paano Harapin ang mga Paghihirap sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Oktubre 13, 2022

Ni Kelvin, Peru

Nakatira ako sa isang maliit na bayan sa Peru. Ang buong pamilya ko ay Katoliko, at gayundin ang karamihan sa iba pang mga taganayon doon. Pero dahil walang paring namumuno sa simbahang Katoliko sa aming nayon, matagal na panahon nang walang nag-aaral ng Bibliya sa simbahan. Tapos, noong Mayo 22, 2020, nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos online. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakatiyak ako na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, na Siya ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundang mabuti ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang ‘sumunod sa Cordero saan man Siya pumaroon.’ Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng tunay na daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Alam ko na bilang mga mananampalataya, dapat nating malaman ang gawain ng Diyos at sundan ang mga yapak Niya. Napakaraming mananampalataya sa nayon, at wala sa kanila ang nakarinig sa tinig ng Diyos o nasalubong ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya gusto ko talagang ibahagi sa kanila ang napakagandang balita ng pagbabalik ng Panginoon. Pero medyo natakot ako. Pakiramdam ko’y bata pa ako at hindi alam kung paano ibahagi ang ebanghelyo, kaya siguradong hindi sila makikinig sa’kin. Bukod pa rito, matagal na silang mananampalataya, kaya makikinig ba sila sa aking patotoo ng pagbabalik ng Panginoong Jesus? Paano ako makakapagbahagi para malutas ang anumang mga kuru-kuro o kalituhan na maaaring meron sila? Ano ang gagawin ko kung tutol sila sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos at pagbabahagi ng ebanghelyo? Paano nila ako tatratuhin? Nag-alala ako na mamaliitin nila ako at sasabihing, “Napakabata mo pa. Bakit ka nag-aabalang mangaral, sa halip na pumasok sa paaralan o maghanap ng trabaho?” Pinag-isipan ko ito nang husto, pero alam ko na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay kalooban ng Diyos. Kailangan kong ibahagi ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos.

Kaya’t nagdasal ako sa Diyos, at pinalakas ang pagtitiwala ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nabasa ko ito sa Kanyang mga salita: “Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong tungkulin, at ang iyong responsibilidad? Nasaan ang iyong diwa ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matinding diwa ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga taong ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasiya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Natutunan ko na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay tungkulin natin. Maraming tao ang hindi pa nakarinig sa tinig ng Diyos at ‘di nila alam na nagbalik na ang Panginoon, at ginagawa ang gawain ng paghatol para dalisayin ang mga tao. Nabubuhay pa rin sila sa pagdurusa ng katiwalian ni Satanas. Umaasa ang Diyos na lahat tayo ay kayang isaalang-alang ang Kanyang kalooban, tumayo, at makipagtulungan sa Diyos. Anuman ang mga problema o paghihirap na ating kinakaharap, dapat tayong mas magdasal at sumandal pa sa Diyos, at gawin ang lahat ng ating makakaya para maipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian. Pero hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos—pakiramdam ko na dahil napakabata ko, hindi ko maibabahagi ang ebanghelyo. Natakot ako na hindi makikinig sa akin ang mga taganayon at mamaliitin ako, kaya naipit ako sa mga paghihirap ng sarili kong mga imahinasyon, pasan ang mga alalahanin. Inisip ko lang ang sarili kong mga paghihirap nang hindi isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at hindi ko naisip na magdasal at sumandal sa Diyos sa gitna ng mga paghihirap na ito, na gawin ang tungkulin ko at tanggapin ang responsibilidad. Nang maisip ko kung gaano karaming tao ang nananabik sa pagbabalik ng Panginoon at mailigtas mula sa kadiliman, nakaramdam ako ng pagmamadali. Nagpasya akong gawin ang lahat ng makakaya ko para maipalaganap at mapatotohanan ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, na ibuhos ang lahat ng oras at lakas ko sa gawain ng ebanghelyo.

Pagkatapos nun, nagsimula akong magplano na ibahagi ang ebanghelyo sa kanila. Una, pumunta ako sa copy shop upang mag-print ng ilang imbitasyon para sa sampung pamilya na makinig ng sermon sa bahay ko. Medyo nagulat silang lahat, at may magagandang bagay na nasasabi tungkol sa ginagawa ko. Masayang-masaya ako. Pagkatapos nun, naisip ko na kung maraming tao ang darating nang gabing ‘yon, gamit lamang ang maliit kong cellphone, magiging mahirap para sa lahat na basahin ang mga salita ng Diyos habang nakikinig sa sermon. Kaya, pumunta ako sa isang kaibigan para manghiram ng laptop niya. Nung gabing iyon, 13 tao ang dumating para makinig sa sermon, at nagustuhan ng lahat ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa pagtitipon. Ang sinumang gustong magbasa ay tumatayo at nagboboluntaryo, at nagustuhan nila ito. Tuwang-tuwa ang lahat pagkatapos ng pagtitipon. Sabi nila kahanga-hanga ang mga salita ng Diyos at nakakapagtustos sa kanila, at napakagandang magtipon at magbasa ng mga salita ng Diyos. Nais din nilang dalhin ang mga kapamilya nila sa susunod na araw. Nang makita ko kung gaano nananabik ang lahat sa mga salita ng Diyos, talagang natuwa ako. Pero hindi pwedeng palagi na lang akong manghihiram ng laptop sa kaibigan ko, kaya gusto kong bumili ng sarili kong laptop. Pero nang tipunin ko ang lahat ng pera ko, hindi pa rin ito sapat para makabili ng laptop. Nalagay ako sa alanganin. Pagkatapos magtanong-tanong, nalaman ko na mas mura ang mga projector kaysa sa mga computer, kaya nagpasya akong umutang para makabili ng projector upang mabasa ng ibang mga taganayon ang mga salita ng Diyos sa ganoong paraan. Pumunta ako sa kabisera ng bayan para umutang, at bumili ako ng projector. Inayos ko na ang lahat bago simulan ang susunod na pagtitipon. Hindi nagtagal, nagsimulang dumating ang mga taganayon. Labinsiyam na tao ang dumalo, na pumuno sa buong silid. Sa sandaling ‘yon, nakita ko na isinaayos ng Diyos ang lahat, at tuwang-tuwa ako. Nagmadali akong humanap ng speaker para marinig ng lahat ang mga salita ng Diyos. Ibinahagi ko ang katotohanan ng kung paano natupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kung paano Siya sasalubungin, kung paano makatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at na ang Diyos ay pumarito para ilantad ang bawat uri ng tao. Masigasig na nakikisali sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos ang lahat ng taong dumalo at ang ilan sa mga bata ay nasasabik ding basahin ang mga salita ng Diyos. Nang makita kung gaano sila nauuhaw sa mga salita ng Diyos, alam ko na lahat ito ay gawain ng Diyos. Ang ilang tao ay nanatili pagkatapos ng pagtitipon, at sinabing talagang nasiyahan sila rito. Labis na naantig ang pinuno ng nayon at ang iba pa, at gusto ng pinuno na himukin ang lahat ng tagaroon na dumalo para makinig sa mga salita ng Diyos. Isa itong magandang sorpresa. Ang kinalabasang ito’y lubusang tumapos sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon—napahiya ako. Talagang nasaksihan ko ang gawain at patnubay ng Diyos, at nagkaroon ako ng higit na pananampalataya na ibahagi ang ebanghelyo. Inanyayahan ko ang mga taganayon na makinig sa mga sermon araw-araw pagkatapos nun, at parami nang parami ang mga taong nagsimulang dumalo. Tuwang-tuwa silang lahat, at sinabing, “Hindi pa ako nakabasa nang ganito dati. Nagkatawang-tao at nagbalik ang Diyos at maaari natin Siyang makaharap. Napakaswerte natin na masasalubong natin ang Panginoon.” Nagplano rin sila ng isang kaganapan para imbitahan ang mas maraming tao mula sa mga kalapit na bayan sa isang pagtitipon. Sinabi nila sa akin, “Napakabata mo pa, pero ginagawa mo ito para sa mga taganayon, tinutulungan kaming marinig ang mga salita ng Diyos at maging masigasig tungkol dito. Wala pang nakagawa nang ganito para sa amin dati. Hindi talaga namin akalain na gagawin ito ng isang nakababatang katulad mo—kahanga-hanga ito.” Alam kong lahat ito’y gawa ng Diyos, na nagpasigla sa’kin at nagpalakas ng pananalig ko.

Pero naranasan ko ang lahat ng uri ng mga paghihirap noong dinidiligan ko ang mga bagong mananampalatayang ito. Minsan hindi malakas ang internet connection ko, at kailangan kong pumunta sa bahay-bahay para makipagtipon. Ang malala pa’y madalas umuulan sa amin, at kapag umuulan, nagiging maputik ang mga kalsada, at mahirap maglakad dito. Kapag lumalabas ako para diligan sila, patakbo akong pumupunta sa mga bahay-bahay. Kung minsan nagmamadali akong pumunta sa bahay ng bagong mananampalataya bago umulan at kailangan kong maghintay dahil hindi pa siya nakakauwi. Kapag tapos na akong magbahagi sa kanya, hindi na maayos ang daan pauwi. Nagiging negatibo at mahina ako kapag napapagod, kaya’t nagdarasal ako at nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Tapos, nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). “Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. … Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang magkaroon kapwa ng kahandaang dumanas ng paghihirap at ng tunay na pananampalataya, at kailangan ka ring magkaroon ng kahandaang talikdan ang laman. Dapat ay handa kang magtiis ng personal na mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Kailangan mo ring magkaroon ng kakayahang taos na magsisi tungkol sa iyong sarili: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, maaari kang magsisi sa iyong sarili. Hindi ka dapat magkulang sa anuman sa mga bagay na ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo matutugunan ang mga kinakailangang ito, hindi ka magagawang perpekto(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Pinalakas ng mga salita ng Diyos ang loob ko at inalo ako na huwag masiraan ng loob o manghina, na gagabayan at tutulungan ako ng Diyos. Medyo nagdusa ang katawan ko at nagbayad ako ng kaunting halaga para maibahagi ang ebanghelyo, pero makabuluhan at mahalaga ito. Ito ang pinakamatuwid na bagay na dapat gawin, at ang pinakamagkakamit ng pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Naisip ko sina Pedro, Mateo, at iba pang apostol ng Panginoong Jesus na nagdusa nang husto para ipalaganap ang ebanghelyo, at ang ilan ay namatay pa sa kanilang pagsisikap na maibahagi ang ebanghelyo. Pero nanatili silang matatag sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Diyos at hindi kailanman umatras. Kung ikukumpara sa kanila, walang-wala ang kaunting pagdurusa ko. Ang pagkakaroon ng magandang kapalaran na matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at magawa ang tungkulin ko na ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ay pagtataas at biyaya ng Diyos. Hindi ko pwedeng patuloy na isaalang-alang ang sarili kong laman, matakot sa kaunting paghihirap. Kailangan kong maging handang magdusa. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob sa ilalim ng anumang paghihirap. Kahit na magdusa ang katawan ko, kailangan ko pa ring ibahagi ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos, gawin ang tungkulin ko para palugurin ang Diyos.

Kalaunan sa isang punto ay nagkasakit ako, at nagkasipon nang ilang araw. Sa gabi nilalagnat ako at masakit ang ulo at tiyan. Ni hindi ako makapagsalita. Nakita ng isang sister na masama ang lagay ko at sinabi sa akin na, “Hindi ka dapat pumunta sa pagtitipon ngayong gabi.” Pumayag ako nung oras na ‘yon. Pero pagkatapos, hindi ako mapakali sa isipin na hayaang magtipon nang sila-sila lang ang mga bagong mananampalataya. Iniisip ko na ang masamang pakiramdam ay isang pagsubok sa akin, at kailangan ko pa ring gawin nang maayos ang tungkulin ko. Naalala ko na minsan akong nagkasakit dati at napilayan ang binti, pero naglaro pa rin ako ng soccer. Kaya ngayon bakit hindi ko magawa ang tungkulin ko? Nang maisip ito, sumakay ako sa aking motorsiklo at pumunta sa pagtitipon. Hindi inaasahang pagdating ko roon ay hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko. Tuwang-tuwa ako. Gumaling ako sa loob lang ng ilang araw.

Kalaunan, pagkatapos ng mahigit isang buwan ng pagsusumikap, karamihan sa mga taganayon, maliban sa mga nagtatrabaho sa labas ng bayan, ay natanggap na ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kalaunan naisip ko, bagamat naibahagi ko ang ebanghelyo sa lahat ng taganayon, hindi iyon sapat para matugunan ang kalooban ng Diyos. Gusto kong mas maraming tao ang makarinig sa tinig ng Diyos, dahil marami pa ring tao ang hindi nakakaalam na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na nagpapahayag Siya ng napakaraming katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya nagpasya akong magbahagi ng ebanghelyo sa ibang mga nayon. Nanalangin ako sa puso ko, “Makapangyarihang Diyos, pakiusap gabayan Mo po ako para hindi ako mawalan ng pananalig at patuloy na makausad. May tiwala ako na tutulungan Mo akong lutasin ang anumang mga paghihirap na kakaharapin ko.” Pagkatapos nun, pumunta ako sa kalapit na nayon para magbahagi ng ebanghelyo. Naglakad ako pababa sa maputik na kalsada sa loob ng 30 minuto para ipangaral ang ebanghelyo sa kanila, pero sinabi ng unang tatlong kabahayan na wala silang oras, at magalang na tinanggihan ako. Nadismaya talaga ako at medyo pinanghinaan ng loob. Gabing-gabi na ako nakauwi nun. Tinawagan ako ni Sister Annie para kumustahin ang pagbabahagi ko ng ebanghelyo, at nakipagbahaginan din siya sa’kin sa mga salita ng Diyos, pinalalakas ang loob ko at tinutulungan ako. May nabasa ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nakasalalay sa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka magpapatotoo sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang iyong buong katapatan sa iyong tungkulin o basta ka na lang susuko? Mas nanaisin mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak), o tumakas sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay magpatotoo sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Higit pa rito, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral na parang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo bang tiyak kung ano ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Malawak na ang gawaing nagampanan Ko; paano Ko iyon mawawasak? Sa katunayan, naparito Ako upang wakasan ang kapanahunang ito. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na magsisimula Ako ng isang bagong kapanahunan, upang magsimula ng bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay para lamang simulan ang isang kapanahunan, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa panahong darating at sa pagwawakas sa kapanahunan sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi kasing pangkaraniwan tulad ng iniisip mo, hindi rin ito kasing walang halaga o walang kahulugan gaya ng pinaniniwalaan mo. Samakatuwid, dapat Ko pa ring sabihin sa iyo: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Matagal Ko nang hinahangad na magpatotoo ka sa Akin, at higit Kong hinahangad na palaganapin mo ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Nabigyan ako ng kaunting lakas nang mabasa ito sa mga salita ng Diyos. Pakiramdam ko’y sinasabi ng Diyos sa akin na dapat akong manalig sa Kanya, at kahit ano pang mga paghihirap ang kakaharapin ko, hindi ako pwedeng maging mahina o negatibo, hindi ako pwedeng panghinaan ng loob o malungkot, dahil ginagabayan tayo ng Diyos. Hangga’t isinasaalang-alang ko ang kalooban ng Diyos at lumalabas ako para ipalaganap ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian, magbubukas Siya ng landas para sa akin. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang landas ng pagbabahagi ng ebanghelyo ay hindi madali, bagkus nangangailangan ito ng pagdurusa at pagbabayad ng halaga. Ipinangaral ni Noe ang ebanghelyo sa loob ng 120 taon at kinutya siya, siniraan, at hinamak ng mga tao. Nagdusa siya nang husto, at bagamat wala siyang napagbalik-loob, hindi pa rin siya sumuko o nanghina—patuloy niyang ibinahagi ang ebanghelyo. Nanatiling matatag si Noe sa kanyang debosyon at pagpapasakop sa Diyos. Ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha at nagkamit ng pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Nang ipadala ng Diyos ang baha upang wasakin ang mundo, ang walong-miyembrong pamilya ni Noe ay iniligtas ng Diyos. Nakaligtas sila. Tapos naisip ko ang sarili ko, ibinahagi ko lang ang ebanghelyo sa tatlong pamilya at pinanghinaan na ako ng loob nang hindi nila ito tinanggap. Wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos. Ang totoo, pinahintulutan ng Diyos ang sitwasyong ito, ang paghihirap na ito na dumating sa akin para gawing perpekto ang pananalig at debosyon ko sa Diyos. Kaya tanggapin man nila o hindi ang ebanghelyo, kailangan kong ipangaral ang ebanghelyo. Tungkulin ko ‘yon.

Binigyan ako ng lakas ng mga salita ng Diyos. Pumunta ako sa ibang nayon kinabukasan para simulang magbahagi ng ebanghelyo. Nagdasal din ako, hinihiling sa Makapangyarihang Diyos na bigyang-liwanag ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo para maunawaan ang Kanyang mga salita. Nung gabing iyon, nakakita ako ng isang taong interesadong marinig ang ebanghelyo, at higit pa rito, pagkatapos nun ay patuloy akong nakakita ng iba pang mababahaginan ng ebanghelyo, at napagbalik-loob ang anim na tao nung gabing iyon. Nagulat talaga ako dahil ang ilang tumatanggap ng ebanghelyo ay mga Katoliko at may maraming kuru-kuro, pero nakaunawa sila pagkatapos kong magbahagi ng mga salita ng Diyos sa kanila, at tinanggap nila ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagpunta ako sa ibang lugar pagkatapos nun, at sa tuwing lalabas ako para ibahagi ang ebanghelyo, nananalangin ako, hinihiling sa Diyos na bigyang-liwanag at gabayan ako para malaman ko kung paano mangaral at magpatotoo sa mga salita ng Diyos. Habang parami nang parami ang tumatanggap sa ebanghelyo ng Diyos, lumago ang pananalig ko. Bagamat minsan kapag pumupunta ako sa ibang mga nayon para mangaral sa mga estranghero, medyo nahihiya at natatakot ako, ang patnubay ng mga salita ng Diyos ay binibigyan ako ng tiwala at tapang na harapin ito. Alam kong kailangan ko talagang magbahagi sa kanila, na tungkulin ko ‘yon, at kung hindi ko ibabahagi ang ebanghelyo sa kanila, ‘di ako makakakuha ng mas maraming pagkakataon para magsagawa, at hindi ako matututo at makakakamit ng mas marami pang katotohanan. Pagkatapos nun, sa patuloy na pagsasagawa ng pagbabahagi ng ebanghelyo, hindi na ako kinakabahan at natatakot at naunawaan ko ang katotohanan ng mga pangitain nang mas malinaw. Talagang naging mahinahon at malaya ang pakiramdam ko.

Talagang napakarami kong nakamit sa karanasang ito ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Kung hindi ko naranasan ang lahat ng ito, imposibleng maunawaan ko ang makapangyarihang paghahari ng Diyos, at hindi ko sana natutunan ang kahalagahan ng paggawa ng aking tungkulin o kung paano hanapin ang Diyos sa gitna ng paghihirap.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Hindi na Ako Naduduwag

Ni Mu Yu, Tsina Nabalitaan ko ang pagkaaresto ng isang sister noong Setyembre 2. Papunta ako sa bahay ng isang lider noong araw na iyon,...