Ang mga Kinahihinatnan ng Isang Mapagmataas na Disposisyon

Oktubre 13, 2022

Ni Bernard, Philippines

Noong 2006, isa pa lang akong estudyante sa mataas na paaralan. Kapag mag-aaral kami ng Bibliya, madalas na hinihiling sa akin ng mga guro na magbigay ng panimulang pananalita at ipakilala ang pastor na mangangaral sa amin. Sinabi nila na mayroon akong maganda at mataas na timbre ng boses, marami sa mga kaklase ko ay tinitingan ako nang may paghanga at inakala ko na mas mahusay ako sa iba. Sa kolehiyo, natutuhan ko ang ilang pamamaraan ng komunikasyon kaya naging magaling na magaling ako sa pakikisalamuha sa iba. Madalas ay may pakiramdam ako na nakatataas ako, at may pagmamalaki ako sa aking mga kasanayan. Matapos sumampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sinimulan kong ipangaral ang ebanghelyo sa aking mga kaibigan. Ang unang taong pinangaralan ko ng ebanghelyo ay isang brother na taga-Honduras. Tinanggap niya ito. Talagang natuwa ako. Sumunod, ipinangaral ko ang ebanghelyo sa isa kong kasamahan na taga-India. Mabilis din niya itong tinanggap. Lalo pa akong natuwa, at pakiramdam ko ay may tunay akong kakayahan at talento sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kalaunan ay nagbitiw ako sa aking trabaho para buong-panahong ipalaganap ang ebanghelyo. Dahil magaling akong makipag-usap sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo at kaya kong tumulong sa iba, hindi nagtagal ay napili ako bilang lider ng grupo. Isinaayos din ng superbisor na tulungan ko sina Sister Aileen at Agatha, na nagsisimula pa lang magsagawa ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pakiramdam ko ay mas magaling ako kaysa sa ibang kapatid. Minsan, pumunta kami ni Sister Aileen sa isang pagtitipon kasama ang isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, at nalaman ko na hindi malinaw magbahagi si Sister Aileen at madalas siyang lumihis sa paksa. Pagkatapos ng pagtitipon, galit kong ipinaalam ang kanyang problema. Pagkatapos ay naging negatibo si Aileen at sinabi niya sa akin: “Brother, masyado kang mapagmataas at maraming kapatid ang ayaw makipagtrabaho sa iyo.” Pakiramdam ko ay pinupuna lang niya ako dahil sa sinabi ko sa kanya, kaya hindi ko inisip na mayroon akong anumang problema. Pagkatapos nun, pinangasiwaan ko sila ni Agatha sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin, at natuklasan ko na pareho silang may ilang problema. Hindi ako nagbahagi ng katotohanan para tulungan sila at ipinalagay ko lang na hindi sila nagkakaroon ng anumang pag-usad sa kanilang mga tungkulin, at sinabi ko sa superbisor na hindi sila nababagay sa gawain ng ebanghelyo. Ipinaalam sa akin ng superbisor ang aking mapagmataas na disposisyon at sinabi niyang wala akong kakayahang harapin nang tama ang mga pagkukulang ng iba. Pinadalhan din niya ako ng ilang sipi ng salita ng Diyos kung saan inihayag ng Diyos ang mga mapagmataas na disposisyon ng mga tao. Binalewala ko iyon, at pakiramdam ko ay hindi angkop sa akin ang mga salitang ito ng Diyos. Pagkatapos nito, nag-imbita ako ng mga tao para makinig sa isang sermon at nagpatotoo ako sa gawain ng Diyos sa mga huling araw nang hindi muna iyon tinatalakay sa iba. Nagustuhan ng ilan sa mga pinangaralan ko na makipagkwentuhan sa akin at pakinggan ang aking pagbabahagi, na lalo pang nagparamdam sa akin na may talento ako, at na hindi ko na kailangang makinig sa superbisor, hindi ko na kailangang makipagtulungan sa mga tao, na kaya kong ipangaral ang ebanghelyo nang mag-isa, at kaya kong gampanan nang mabuti ang aking tungkulin. Kalaunan ko lang natuklasan ang ilang tao na hindi umabot sa pamantayan ng pagbabahagi ng ebanghelyo, at bilang resulta, ang ilan sa gawain na aking nagawa ay nawalan ng saysay. Sinabi ng superbisor na masyado akong mapagmataas, na kumikilos ako nang walang-ingat, at hindi ako nakikipagtulungan sa mga tao, na humahantong sa hindi magagandang resulta ng gawain. Dahil sa aking pag-uugali ay natanggal ako bilang lider ng grupo at nagkataon na si Aileen ang pumalit sa akin. Talagang hindi ko ito matanggap, at inisip ko na dahil sa mga kalakasan ko ay hindi ako dapat tinanggal. Noong panahong iyon, hindi ko talaga matanggap ang pagsasaayos na ito, at iminungkahi ko na ititigil ko na ang paggawa sa tungkuling ito. Pero noong panahong iyon, masyado lang matigas ang ulo ko, at hindi ko alam kung paano pagninilayan ang sarili ko.

Kalaunan ay inilipat ako para magdilig ng mga baguhan. Hindi nagtagal, napili na naman ako bilang lider ng grupo at ipinareha kay Sister Therese. Nakita ko na sa mga pagtitipon, minsan ay hindi kumpleto ang pagbabahagi ni Therese, at na minsan ay hindi niya ganap na nilulutas ang mga problema ng mga baguhan, kung kaya’t bumaba ang tingin ko sa kanya. Iisipin ko, “Talaga bang nababagay siya sa tungkuling ito? Bilang lider ng grupo, dapat ay may kakayahan siyang lutasin ang mga problema ng mga baguhan, at kung titingnan siya ngayon, makabubuti kung magsasanay muna siya nang ilang panahon bilang isang miyembro ng grupo.” Ang lalo pang nakayamot sa akin ay na kapag nakahaharap siya ng mga problema ay palagi siyang humihingi ng tulong sa iba, pero madalang sa akin. Sa isip-isip ko, “Alam ko kung paano lutasin ang mga problemang ito, nagtatanong ba siya sa iba sa halip na sa akin dahil hindi niya ako nirerespeto?” Kalaunan, sa isang pulong sa gawain, ipinaalam ng superbisor ang ilang problema sa aming gawain. Nagbalik-tanaw ako sa pag-uugali ni Sister Therese at hindi ko talaga mapigilan ang pagkadismaya ko, at prangka kong sinabi sa harap ng lahat, “Kaya bang pasanin ni Sister Therese ang gawain ng isang lider ng grupo?” Tumugon si Therese nang may tonong nasaktan: “Wala akong pakinabang. Hindi ko kayang tulungan ang mga kapatid sa paglutas ng kanilang mga problema.” Labis akong nakonsensya nang marinig kong sabihin niya iyon. Noong nag-uusap na kami kalaunan, nadama ko na napipigilan siya dahil sa akin. Gayunpaman, hindi ko pa rin pinagnilayan ang aking sarili. Sa isa namang pagkakataon, natuklasan ko na isa sa mga bagong brother ay hindi nagkakaroon ng anumang resulta sa kanyang tungkulin, at pakiramdam ko ay hindi siya nababagay roon. Pero sa halip na sumangguni sa superbisor o makipag-usap sa kahit kanino tungkol doon, basta ko lang siyang tinanggal. Noong panahong iyon ay talagang mapagmataas ako. Kalaunan ko na lang natuklasan na may kinakaharap siyang mga paghihirap sa kanyang tungkulin. Basta-basta ko siyang tinanggal nang hindi man lang nagkakaroon ng malinaw na pag-unawa sa kanyang sitwasyon. Labis na naging negatibo ang brother matapos matanggal. Nang matuklasan iyon ng superbisor, tinanong niya ako, “Bakit mo siya tinanggal nang hindi iyon tinatalakay sa kahit kanino? Masyado kang naging mapagmataas at labis ang tiwala mo sa iyong sarili. Palagi mong minamaliit ang iba at pinipigilan mo sila. Dahil sa palagian mong masamang pag-uugali, hindi ka na nararapat na maging isang lider ng grupo.” Lubos akong nanlumo nang matanggal na naman ako. Tinanong ko ang aking sarili, “Bakit hindi ako nagtanong sa kahit kanino? Bakit ba patuloy ko lang ginagawa ang gusto ko? Kung naghanap lang sana ako nang kaunti pa at tinalakay ang bagay na iyon sa iba, hindi ako magkakaroon ng ganitong problema.” Sa mga sumunod na ilang araw, sumakit ang lalamunan ko, nagsuka ako, at nanghina ang buong katawan ko. Alam kong nagkasala ako sa Diyos at labis akong nalungkot.

Kalaunan ay kinausap ko ang isang sister tungkol sa kalagayan ko at pinadalhan niya ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos. “Huwag kang magmagaling; humugot sa mga kalakasan ng iba para mapunan ang sarili mong mga kakulangan, panoorin kung paano nabubuhay ang iba ayon sa mga salita ng Diyos; at tingnan kung nararapat tularan ang kanilang buhay, kilos, at pananalita. Kung itinuturing mong mas hamak ang iba kaysa sa iyo, ikaw ay mapagmagaling, palalo, at walang pakinabang sa iba(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22). “Huwag mong isipin na likas kang matalino, medyo mas mababa lamang kaysa sa kalangitan ngunit walang hanggan na mas mataas kaysa sa lupa. Hindi ka talaga mas matalino kaysa sa iba—at masasabi pa nga na talagang kahanga-hanga na mas hangal ka kaysa sinumang iba pang mga tao sa lupa na may katwiran, sapagkat napakataas ng tingin mo sa iyong sarili, at hindi ka nakaramdam kailanman na mas mababa ka sa iba; na tila nahihiwatigan mo ang pinakamaliit na detalye ng Aking mga kilos. Sa katunayan, isa kang tao na wala talagang katwiran, sapagkat wala kang ideya kung ano ang Aking gagawin, at lalong wala kang alam kung ano ang Aking ginagawa ngayon. Kaya sinasabi Ko na hindi ka man lamang kapantay ng isang matandang magsasaka na nagtatrabaho sa lupain, isang magsasaka na wala ni katiting na pagkaunawa sa buhay ng tao subalit lubos na umaasa sa mga pagpapala ng Langit habang nagbubungkal ng lupa. Hindi ka nag-uukol ng kahit isang segundo para pag-isipan ang iyong buhay, wala kang alam na dapat ipagbunyi, at lalo nang wala kang alam tungkol sa sarili mo. Masyado kang ‘mapagmataas’!(Ang Salita, Vol. I, Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos, Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?). Matapos basahin ang salita ng Diyos, labis na sumama ang loob ko. Pakiramdam ko ay inilalantad ako ng salita ng Diyos. Noon pa man, ang tingin ko na sa sarili ko ay may kaloob ako, mas matalino, at mas may talento kaysa sa iba. Noon pa man, pakiramdam ko na ay nakahihigit ako, mataas ang tingin ko sa sarili ko, at hindi importante ang tingin ko sa iba. Nakita ko na may mga pagkukulang ang pagbabahagi nina Aileen at Agatha sa mga pagtitipon, kung kaya bumaba ang tingin ko sa kanila, nilayuan ko sila, tinukoy na hindi sila nababagay sa gawain ng ebanghelyo, at ayaw ko silang makapareha. Lalo na kapag nagagawa kong ipalaganap ang ebanghelyo nang mag-isa, lalo kong nararamdaman na may talento ako, at na kaya kong tapusin ang gawain nang mag-isa dahil hindi ko kailangang makipagtulungan sa iba. Nang maipareha ako kay Sister Therese, pakiramdam ko ay mas may talento ako sa kanya, kung kaya’t mababa ang tingin ko sa kanya, iniisip na hindi niya kayang pasanin ang gawain ng isang lider ng grupo. Sinunod ko rin ang sarili kong paraan nang tanggalin ko ang brother na iyon. Basta-basta ko lang siyang tinanggal nang hindi iyon tinatalakay sa kahit kanino, na humantong sa pagkalugmok niya sa pagiging negatibo. Naging labis ang pagtingin ko sa aking sarili, palagi kong ginagawa ang mga bagay-bagay kung paano ko naisin, at kailanman ay hindi ko sinubukang pakinggan ang mga opinyon ng iba, dahil pakiramdam ko ay hindi mahalaga ang mga kapatid ko kumpara sa akin, at gusto kong sabihin sa kanila na “Mas magaling at mas may talento ako sa inyo.” Pero bilang resulta, ginawa ko ang aking tungkulin nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo, sarili ko lang ang sinunod ko, at nakagawa ako ng mga bagay na nakasakit sa aking mga kapatid. Labis akong nahiya dahil sa salita ng Diyos, lalo na nang mabasa ko ang: “Hindi ka nag-uukol ng kahit isang segundo para pag-isipan ang iyong buhay, wala kang alam na dapat ipagbunyi, at lalo nang wala kang alam tungkol sa sarili mo. Masyado kang ‘mapagmataas’!” Napukaw ng salita ng Diyos ang aking puso. Palaging mataas ang pagpapahalaga ko sa sarili ko, kailanman ay ni hindi ko isinasaalang-alang kung tama ang ginagawa ko. Naging labis ang pagtingin ko sa sarili ko. Alam ng mga magsasakang nagsasaka sa bukid na dapat silang umasa sa Diyos, pero kapag may mga nangyayari sa akin, hinding-hindi ko naiisip na dapat kong hanapin ang kalooban ng Diyos. Walang puwang ang Diyos sa aking puso. Talagang wala akong pag-unawa o pagkakilala sa aking sarili.

Kalaunan, pinadalhan ako ng sister ng mas maraming salita ng Diyos, pinahihintulutan akong mas makilala nang kaunti ang aking sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong tao ay hindi iginagalang ang Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Ikatlong Bahagi). “Sa paglikha sa tao, nagbibigay ang Diyos ng iba’t ibang kalakasan sa iba’t ibang uri ng mga tao. Ang ilang tao ay mahusay sa literatura, ang ilan sa medisina, ang ilan sa masusing pag-aaral ng isang kasanayan, ang ilan sa siyentipikong pananaliksik, at iba pa. Ang mga kalakasang ito ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Walang dapat ipagmayabang tungkol dito. Anumang mga kalakasan ang taglay ng isang tao, hindi iyon nangangahulugan na nauunawaan niya ang katotohanan, at lalo nang hindi niya taglay ang realidad ng katotohanan. Kung ang isang taong may ilang kalakasan ay nananalig sa Diyos, dapat niyang gamitin iyon sa pagganap sa kanyang tungkulin. Nakalulugod ito sa Diyos. Kung ipinagyayabang ng isang tao ang isa niyang kalakasan o inaasahang gamitin ito para makipagtawaran sa Diyos, walang-wala siya sa katwiran, at hindi nalulugod ang Diyos sa gayong tao. Ang ilang taong may kakayahan sa ilang espesyalidad ay pumupunta sa sambahayan ng Diyos at nadarama na angat sila sa iba. Nangangarap silang magtamasa ng espesyal na pagtrato at nadarama nila na sa kanilang kasanayan, handa na sila sa buhay. Tinatrato nila ang kanilang espesyalidad na para bang isang uri ito ng kapital. Napakayabang naman nila. Paano, kung gayon, dapat ituring ang gayong mga kaloob at kalakasan? Kung may silbi ang mga iyon sa sambahayan ng Diyos, mga kasangkapan ang mga iyon para magampanan nang maayos ang isang tungkulin, wala nang iba. Walang kinalaman ang mga iyon sa katotohanan. Ang mga kaloob at talento, gaano man kalaki, ay walang iba kundi mga kalakasan lamang ng tao, at walang kaugnayan ni katiting sa katotohanan. Ang iyong mga kaloob at kalakasan ay hindi nangangahulugan na nauunawaan mo ang katotohanan, lalong hindi iyon nangangahulugan na taglay mo ang realidad ng katotohanan. Kung gagamitin mo ang iyong mga kaloob at kalakasan sa iyong tungkulin at gagampanan mo nang maayos ang tungkuling iyon, ginagamit mo ang mga iyon kung saan nararapat ang mga iyon. Sinasang-ayunan ito ng Diyos. Kung gagamitin mo ang iyong mga kaloob at kalakasan sa pagmamalaki sa iyong sarili, sa pagpapatotoo sa iyong sarili, sa pagtatatag ng isang nagsasariling kaharian, malaki nga ang iyong kasalanan—ikaw ang magiging pangunahing maysala sa paglaban sa Diyos. Ang mga kaloob ay bigay ng Diyos. Kung hindi mo magagamit ang iyong mga kaloob sa isang tungkulin o sa pagpapatotoo sa Diyos, medyo wala kang konsensya at katwiran at malaki ang pagkakautang mo sa Diyos. Gumagawa ka ng karumal-dumal na pagsuway! Subalit, gaano kahusay mo man gamitin ang taglay mong mga kaloob at kalakasan, hindi iyon nangangahulugan na taglay mo ang realidad ng katotohanan. Sa pagsasagawa lamang ng katotohanan at pagkilos nang may mga prinsipyo maaaring taglayin ng isang tao ang realidad ng katotohanan. Ang mga kaloob at talento ay nananatiling mga kaloob at talento magpakailanman; walang kaugnayan ang mga ito sa katotohanan. Gaano man karaming kaloob at talento ang taglay mo, o gaano man katayog ang iyong reputasyon at katayuan, hinding-hindi ito nagpapahiwatig na taglay mo ang realidad ng katotohanan. Ang mga kaloob at talento ay hindi magiging katotohanan kailanman; walang kaugnayan ang mga iyon sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III, Paglalantad sa mga Anticristo, Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikatlong Bahagi)). Napakalinaw ng salita ng Diyos. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang mga kalakasan, kasanayan, at talento. Pero anumang mga kasanayan ang mayroon ang isang tao, ang mga ito ay hindi nangangahulugang nauunawaan niya ang katotohanan, lalong hindi na mas mahusay siya sa kahit kanino. Ang mga kalakasan at talento na ibinigay sa atin ng Diyos ay mga kasangkapan lamang para isagawa natin ang ating mga tungkulin. Walang kinalaman ang mga iyon sa katotohanan. Hindi ko dapat ipinagmalaki ang mga bagay na ito. Sa halip ay tinrato ko dapat nang tama ang mga ito. Pero nang maging dalubhasa na ako sa ilang kasanayan sa pagsasalita at kaya ko nang makipag-usap nang madali sa mga tao, pakiramdam ko ay nakatataas na ako, at pwede ko nang samantalahin ang mga bagay na ito. Inakala ko na mas magaling ako sa iba, kung kaya nagpatuloy ako hanggang sa tumindi nang tumindi ang pagiging mapagmataas at pagka-agresibo ko. Kapag ginagawa ko ang aking tungkulin at nakakukuha ako ng kaunting resulta, lalo ko pang ipinagmamalaki ang aking sarili, hindi nakikitang importante ang kahit na sino, at sarili ko lang ang aking pinaniniwalaan, hanggang sa puntong hindi ko na hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa aking tungkulin, ni hindi na ako nakikipagtulungan sa kahit kanino. Binalewala ko nung ipaalam ng superbisor ang aking mapagmataas na disposisyon, at inisip ko pa rin na tama at magaling ako. Kahit nang matanggal ako ay hindi ko man lang pinagnilayan ang aking sarili, at wala pa ring kahihiyang inisip na may kaloob ako, may talento, at na kaya kong gawin nang maayos ang aking tungkulin. Tutol at may hinanakit ako sa aking pagkakatanggal, at gusto ko pa ngang itigil ang paggawa sa aking tungkulin. Dahil sa mapagmataas na disposisyong ito ay hindi ko magawang kilalanin ang aking sarili, hindi ko magawang pakinggan ang payo ng iba, at wala akong pagkakilala sa aking sarili. Sa paningin ko ay wala akong kapantay, at sa aking puso ay walang Diyos! Ang aking pagmamataas ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagrebelde at lumaban sa Diyos sa bawat sitwasyong Kanyang isinaayos para sa akin. Walang puwang para sa Diyos sa aking puso, at hindi ko Siya sinunod ni kinatakutan. Sa panlabas, ginagawa ko ang aking tungkulin, pero sa tuwing may nangyayari sa akin, hindi ako nagdarasal o naghahanap sa Diyos, at sa aking tungkulin ay hindi ko hinahanap ang katotohanan o mga prinsipyo. Umaasa lang ako sa aking mapagmataas na disposisyon para gawin ang mga bagay-bagay, at kumikilos nang walang pakundangan at pabaya, na nagreresulta sa pagkagambala ng gawain ng iglesia. Paggawa talaga ito ng masama! Kung patuloy na hindi mababago ang aking mapagmataas na disposisyon, hindi magtatagal ay magiging isa akong anticristo na lumalaban sa Diyos, at sa huli ay mapalalayas at maparurusahan ako ng Diyos. Sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagtanglaw ng salita ng Diyos, nakita ko nang malinaw ang katunayan na ito. Kahit na mayroon nga akong kaunting kalakasan, palagi naman akong kumikilos ayon sa aking mapagmataas na disposisyon, hindi ko hinahanap ang katotohanan o mga prinsipyo, at hindi epektibo ang aking gawain. Malinaw na hindi ako mas magaling sa iba. Naisip ko si Sister Therese, na nagawang mapagpakumbabang tanggapin ang mga mungkahi ng iba para mapunan ang sarili niyang mga pagkukulang. Nagbubunga ang kanyang tungkulin ng paganda nang pagandang mga resulta. Hiyang-hiya ako. Hindi ko taglay ang mga kalakasan ng aking sister. Sa katunayan, hindi ako mahalaga, pero napakamapagmataas ko pa rin. Kung ipinagpatuloy ko ang pagsasamantala sa aking mga kalakasan at talento, hindi pakikinig sa salita ng Diyos, at hindi paghahanap sa katotohanan o mga prinsipyo sa aking tungkulin, hindi ako pagpapalain ng Diyos sa kabila ng aking mga kalakasan. Hindi ko lang hindi magagawa nang maayos ang anumang tungkulin, sa huli ay mawawala pa sa akin ang pagkakataon ko sa kaligtasan.

Kalaunan, nakabasa ako ng isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Palagay niyo ba may taong perpekto? Gaano man kalakas ang mga tao, o gaano man sila kahusay at katalino, hindi pa rin sila perpekto. Dapat itong tanggapin ng mga tao, totoo ito. Iyon din ang saloobin na dapat mayroon ang mga tao sa kanilang sariling mga kagalingan at kalakasan o mga kamalian; ito ang pangangatwirang dapat taglayin ng mga tao. Sa gayong pangangatwiran, maaari mong harapin nang wasto ang iyong sariling mga kalakasan at kahinaan pati na ang sa iba, at ito ang magbibigay sa iyo ng kakayahang makipagtulungan nang maayos sa kanila. Kung naunawaan mo ang aspetong ito ng katotohanan at makakapasok ka sa aspetong ito ng realidad ng katotohanan, makakaya mong makisama nang maayos sa iyong mga kapatid, na humuhugot ng lakas sa magagandang katangian ng isa’t isa upang mapunan ang anumang mga kahinaang mayroon ka. Sa ganitong paraan, anumang tungkulin ang iyong ginagampanan o anuman ang iyong ginagawa, lagi kang magiging mas mahusay roon at pagpapalain ka ng Diyos(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Ang Mabuting Pag-uugali ay Hindi Nangangahulugan na Nagbago na ang Disposisyon ng Isang Tao). Mula sa salita ng Diyos, nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa. Dapat kong makilala ang aking sarili sa loob ng salita ng Diyos at tratuhin nang tama ang aking mga kalakasan at kahinaan. Isa pa, walang sinuman ang perpekto, at pagdating sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, dapat kong matutuhang humingi ng tulong sa iba at gamitin ang kanilang mga pamamaraan at landas. Dati, pakiramdam ko palagi ay nakatataas ako sa lahat ng iba pa, at mababa ang tingin ko sa lahat. Pero ang totoo, ang lahat ay may kanya-kanyang mga kalakasan, at hindi ko pwedeng ipagpatuloy ang pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa aking sarili. Kailangan kong ibaba ang aking sarili, magsalita at gumawa ng mga bagay-bagay sa pantay na katayuan sa aking mga kapatid, mas alamin ang mga kalakasan at kagalingan ng iba, at maayos na makipagtulungan. Kung may sinumang nagbibigay ng mga mungkahi, dapat kong hanapin ang katotohanan at mga prinsipyo, at hindi palaging isipin na tama ako, dahil marami akong pagkukulang, kapintasan, maling ideya at pananaw, hindi tumpak ang aking pananaw sa mga bagay-bagay, at dahil din hindi palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kaibuturan ng iisang tao lang, maaaring gumagawa Siya sa kaibuturan ng ibang kapatid.

Kalaunan, kapag nagbibigay ang mga kapatid ng iba’t ibang mungkahi sa aming mga tungkulin, sinusubukan kong tanggapin ang mga iyon. Naaalala kong mayroong pagkakataon habang nagpapalaganap ako ng ebanghelyo, na mag-iimbita lang ako ng mga tao para makinig sa sermon, pero pagkatapos ay hindi ako magtatanong nang sarilinan tungkol sa mga paghihirap nila. Natuklasan ng aking superbisor ang tungkol sa problema ko at ipinaalam niya na hindi ako nagiging sapat na masipag sa aking tungkulin. Noong una, hindi ko matanggap ang kanyang pagpuna, at pakiramdam ko ay nagsisikap na akong gawin ang aking makakaya, na nauunawaan ko ang kanilang mga problema at paghihirap kapag nagtitipon kami, at hindi ko na kailangang magtanong sa kanila nang isa-isa. Isa pa, ganito ko gawin ang mga bagay-bagay noon at maganda-ganda naman ang naging mga resulta, kaya hindi ko na kailangang gawin ang sinabi ng superbisor. Pero nang maisip ko ito, napagtanto ko na nabubunyag na naman ang aking mapagmataas na disposisyon, kaya pinatahimik ko ang aking sarili, nagdasal ako sa Diyos, at nagawa kong kumalma nang kaunti. Ipinaaalam ng aking superbisor ang mga problema sa gawain ko at dapat kong tanggapin ang kanyang payo at tulong upang patuloy akong makakuha ng paganda nang pagandang mga resulta sa aking tungkulin. Matapos magnilay, nagsimula akong makipag-usap sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, magpakita ng malasakit sa kanila, magtanong kung nagkakaroon sila ng anumang paghihirap, at pagkatapos ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makahanap ng mga salita ng Diyos na ibabahagi sa kanila. Sa sandaling nagsagawa ako nang ganito, malaki ang ibinuti ng mga resulta ng aking gawain ng ebanghelyo, at naranasan ko rin ang kagalakan ng pagsasantabi sa aking sarili at pagsasagawa ng katotohanan. Pagkatapos nito, kahit na maliit na mungkahi ang ibinibigay ng mga kapatid, palagi kong sinusubukang tanggapin iyon. Sa tuwing nagsasagawa ako sa ganitong paraan ay palagi itong nagdadala sa akin ng kapayapaan ng kalooban at tumutulong sa akin na gawin nang mas mabuti ang aking tungkulin. Labis ang pasasalamat ko sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Hindi na Ako Naduduwag

Ni Mu Yu, Tsina Nabalitaan ko ang pagkaaresto ng isang sister noong Setyembre 2. Papunta ako sa bahay ng isang lider noong araw na iyon,...

Leave a Reply