Naabot ko na ang edad ng pag-aasawa. Ang aking mga kaibigan ay pumipili ng mga kapareha na “maputi ang balat, mayaman at maganda” o “matangkad, mayaman at gwapo,” ngunit ang kanilang buhay ay hindi masaya dahil sa kawalan ng tunay na pag-ibig sa pagitan nila ng kanilang mga asawa, at sa halip ay marami silang naidudulot na pinsala sa isa’t isa. Gusto kong maunawaan, bilang mga Kristiyano, kung paano natin dapat harapin ang pag-ibig at pag-aasawa.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pag-aasawa ay isang mahalagang sugpungan sa buhay ng isang tao. Bunga ito ng kapalaran ng isang tao at isang mahalagang kawing sa kapalaran niya; hindi ito itinatatag sa pagkukusa o mga kagustuhan ng sinumang tao, at hindi naiimpluwensiyahan ng anumang panlabas na mga kadahilanan, ngunit ganap na tinutukoy ng mga kapalaran ng dalawang panig, sa pamamagitan ng mga pagsasaayos at pagtatadhana ng Lumikha sa mga kapalaran ng magkapareha. Tila ba ang layunin ng pag-aasawa ay ang ipagpatuloy ang sangkatauhan, ngunit ang totoo, ang pag-aasawa ay walang iba kundi isang ritwal na pinagdadaanan ng isang tao sa proseso ng pagtupad sa sarili niyang misyon. Ang mga papel na ginagampanan ng mga tao sa pag-aasawa ay hindi lamang sa pag-aaruga sa susunod na henerasyon; inaako nila ang iba’t ibang papel na may kinalaman sa pagpapanatili ng kasal at sa mga misyon na dapat kumpletuhin sa pamamagitan ng mga papel na iyon. Yamang nakakaimpluwensiya ang sariling kapanganakan sa mga pagbabagong pinagdadaanan ng mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid nito, ang pag-aasawa ng isang tao ay hindi rin maiiwasang makaapekto sa mga tao, pangyayari, at bagay, at higit pa riyan, babaguhin silang lahat nito sa iba’t ibang paraan.
Kapag nagsimulang magsarili ang isang tao, sinisimulan niya ang kanyang sariling paglalakbay sa buhay, na umaakay sa kanya sa bawat hakbang patungo sa mga tao, pangyayari, at bagay na kaugnay ng kanyang pag-aasawa. Kasabay nito, ang kaparehang bubuo sa pag-aasawang ito ay papalapit, sa bawat hakbang, tungo sa parehong mga tao, pangyayari at bagay. Sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, ang dalawang di-magkaanu-ano na nagsasalo sa magkaugnay na kalaparan ay unti-unting pumapasok sa pag-aasawa at himalang nagiging isang pamilya: “dalawang balang na kumakapit sa parehong tali.” Kaya kapag pumasok ang isang tao sa pag-aasawa, ang paglalakbay niya sa buhay ay makakaimpluwensya at makakaantig sa kanyang kabiyak, at makakaimpluwensiya at makakaantig din ang paglalakbay sa buhay ng kapareha niya sa kanyang kapalaran sa buhay. Sa madaling salita, magkakaugnay ang kapalaran ng mga tao, at walang sinuman ang makakatupad ng misyon ng isang tao sa buhay o makakaganap sa kanyang papel nang walang kaugnayan sa iba. Malaki ang epekto ng kapanganakan ng isang tao sa maraming ugnayan; sangkot din sa paglago ang isang masalimuot na tanikala ng mga ugnayan; at gayon din, ang pag-aasawa ay di-mapipigilang umiral at napapanatili sa isang malawak at masalimuot na mga koneksyon ng tao, sinasangkot ang bawat taong nasa mga ugnayang ito at nakakaimpluwensiya sa kapalaran ng bawat isang bahagi nito. Ang pag-aasawa ay hindi bunga ng mga pamilya ng kapwa miyembro, ng mga kalagayan na kinalakhan nila, ng kanilang mga hitsura, ng kanilang mga edad, ng kanilang mga katangian, ng kanilang mga talento, o ng anumang iba pang mga kadahilanan; sa halip, ito ay nagmumula sa isang pinagsasaluhang misyon at isang magkaugnay na kapalaran. Ito ang pinagmumulan ng pag-aasawa, isang bunga ng kapalaran ng tao na isinaayos at inihanda ng Lumikha.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Ang pag-aasawa ay isang napakahalagang pangyayari sa buhay ninuman; ito ay panahon na nagsisimulang tunay na akuin ng isang tao ang iba’t ibang uri ng mga responsibilidad, unti-unting nagsisimula na ganapin ang iba’t ibang uri ng misyon. Maraming ilusyon ang mga tao tungkol sa pag-aasawa bago nila ito maranasan, at lahat ng ilusyong ito ay talagang magaganda. Inaakala ng mga kababaihan na ang kanilang kabiyak ay magiging si Prince Charming, at inaakala ng mga kalalakihan na sila’y magpapakasal kay Snow White. Ipinapakita ng mga pantasyang ito na ang bawat tao ay may partikular na mga kinakailangan para sa pag-aasawa, mga sarili nilang hinihingi at pamantayan. Bagaman sa masamang kapanahunang ito, palagiang binobomba ang mga tao ng baluktot na mga mensahe tungkol sa pag-aasawa, na lumilikha ng mas marami pang karagdagang kinakailangan at nagbibigay sa mga tao ng lahat ng uri ng pasanin at kakaibang mga saloobin, alam ng sinumang nakaranas na ng pag-aasawa na anuman ang pagkakaunawa ng isang tao rito, anuman ang saloobin niya tungkol dito, ang pag-aasawa ay hindi isang bagay na pinipili ng isang indibidwal.
Maraming tao ang nakakatagpo ng isang tao sa kanyang buhay, subalit walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang mapapangasawa niya. Bagaman ang lahat ay may kani-kanilang sariling mga palagay at personal na pananaw tungkol sa paksa ng pag-aasawa, walang sinuman ang maaaring makahula kung sino sa bandang huli ang magiging kanilang tunay na kabiyak, at ang mga ideya ng isang tao ay hindi masyadong mahalaga. Matapos makatagpo ang isang taong gusto mo, maaari kang magpursige sa taong iyon; subalit interesado man o hindi ang taong iyon sa iyo, maaari mo man siyang maging kapareha o hindi—hindi ikaw ang magpapasya. Hindi nangangahulugan na ang iyong sinisinta ang taong makakabahagi mo sa iyong buhay; samantala, may isa na kailanman’y hindi mo inasahan na maaaring dumating nang tahimik sa iyong buhay at maging iyong kapareha, ang pinakamahalagang elemento sa iyong kapalaran, ang iyong kabiyak, kung kanino nakabigkis nang mahigpit ang iyong kapalaran. Kung kaya, bagaman milyun-milyon ang nag-aasawa sa mundo, bawat isa ay iba: Napakaraming mag-aasawa ang hindi nasisiyahan, napakarami ang maligaya; napakarami ang saklaw ang Silangan at Kanluran, napakaraming Hilaga at Timog; napakarami ang perpektong mga tambalan, napakarami ang pantay ang katayuan sa lipunan; napakarami ang maligaya at nagkakasundo, napakarami ang nasasaktan at nagdadalamhati; napakarami ang kinaiinggitan ng iba, napakarami ang hindi naiintindihang mabuti at hindi sinasang-ayunan; napakarami ang puno ng kaligayahan, napakarami ang lumuluha at sanhi ng kawalang-pag-asa…. Sa hindi mabibilang na uri ng pag-aasawa, ibinubunyag ng mga tao ang katapatan at panghabambuhay na pangako sa pag-aasawa, inihahayag nila ang pagmamahal, pagkagiliw, at pagkadi-mapaghihiwalay, o pagbitiw at kawalan ng pag-unawa. Ang ilan ay pinagtataksilan ang kanilang kasal, at nakararamdam maging ng pagkamuhi rito. Nagdadala man ang mismong pag-aasawa ng kaligayahan o sakit, ang misyon ng bawat isa sa pag-aasawa ay itinadhana ng Lumikha at hindi magbabago; ang misyong ito ay dapat tuparin ng bawat isa. Ang indibidwal na kapalaran na nasa likod ng bawat pag-aasawa ay hindi nagbabago at matagal nang itinadhana ng Lumikha.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Ang mga pinakamahalagang usapin sa buhay ay hindi lamang kasal, trabaho, mga inaasam mo sa hinaharap, paglagay sa tahimik at pamumuhay nang mapayapa, at pakikipagtunggali upang makahanap ng dapat mong kalagyan sa lipunan. Hindi ang mga ito ang pinakamahalagang mga bagay. Ano ang pinakamahalagang mga bagay? Naniniwala na kayo ngayon sa Diyos at ginagampanan ang inyong tungkulin, kaya’t patungo sa tamang direksyon ang inyong mga buhay. Ang susunod na mahalagang bagay ay ang makahanap ng matatag na pagkakatayo sa landas ng paghahanap sa katotohanan, ang tiyakin ang layunin at direksyon ng inyong buhay, ang hayaan ang katotohanan na magtatag ng mga pundasyon sa inyong puso—sa ganitong paraan, ikaw ay magiging isang tao na totoong hinirang at itinalaga ng Diyos. Hindi pa matatag ang inyong mga pundasyon ngayon. Huwag alalahanin ang bagyo—kaya kayong yanigin ng hangin sa anumang sandali. Ipinapakita nitong hindi pa kayo nakapagtatatag ng mga pundasyon, at ito ay lubhang ngang mapanganib! Patibayin ang inyong layunin sa buhay at ang direksyong inyong hinahangad, at itaguyod ang landas na inyong tatahakin sa buhay na ito. Sa sandaling napatibay ninyo ang inyong layunin at kung ano ang pinakamahalaga sa inyong buhay, lumagay sa tahimik sa loob ng maraming taon alang-alang sa layunin at mahalagang bagay na iyon. Magsumikap, gugulin ang inyong sarili, magpunyagi, at danasin ang kahihinatnan ng inyong pagkilos para sa kanila. Huwag mag-isip ng anupaman sa ngayon. Kung patuloy mong iisipin ang tungkol sa ibang mga bagay na iyon, maaantala ang kasalukuyang prayoridad. Maiisip mo ang paghahanap ng trabaho, pagkita ng maraming salapi, pagyaman, pagkakaroon ng matatag na katayuan sa lipunan, at paghahanap ng katayuan para sa iyong sarili; maiisip mo ring mag-asawa, at makakuha ng mga kasanayan at mga kakayahan sa hinaharap, at kung paano maging isang natatanging tao; at gugustuhin mong magtaguyod at bumuo ng isang pamilya at bigyan ng magandang buhay ang iyong mga magulang. Hindi ba nakakapagod ang lahat ng iyon? Gaano ka kabait at mapagmahal? Gaanong lakas mayroon ang isang tao sa isang habambuhay? Ang pinakamasaya at pinakapayak na panahon sa buhay ng isang tao—ang pinakamagandang panahon sa buhay ng isang tao—ay nagsisimula sa dalawampu at nagtatapos, sa pinakamatagal, sa edad na apatnapu. Sa panahong ito, dapat ninyong panghawakan ang mga katotohanan na dapat maunawaan upang maniwala sa Diyos, pagkatapos ay pumasok sa katotohanang realidad, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at tanggapin ang Kanyang mga pagsubok at pagpipino, upang hindi ninyo itatatwa ang Diyos anuman ang mangyari. Ito ang pinakasaligan; maliban dito, sinuman ang magtatangkang tuksuhin o akitin ka ng pag-aasawa o romantikong pag-ibig, gaanong katanyagan o katayuan man ang ibigay nila sa iyo, o kung gaano ka man maaaring makinabang sa kanila, hindi mo susukuan ang iyong mga tungkulin, ni hindi susukuan ang mga bagay na dapat gawin ng isang nilikha. Kung, sa isang punto sa hinaharap, hindi ka nais ng Diyos, magagawa mo pa ring hanapin ang katotohanan at tahakin ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dapat mo itong pagsumikapan; kung gagawin mo, ang mga taong ito ng paggugol ng iyong sarili para sa Diyos ay hindi mawawalan ng kabuluhan.
mula sa Pagbabahagi ng Diyos
Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung ang pinangungunahan mo ay isang mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal. Walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.