“Naging tao ang Diyos at magiging Diyos ang tao” yan ang pinakamahalagang pangaral ni Brother Lin. Sa simula, tao ang nilikha ng Diyos kaya nilikha ang tao ay para gawin silang Diyos. Nung una, dahil wala silang katangian ng Diyos nilinlang sila ni Satanas para magkasala. Niligtas Niya ang tao para maibigay Niya ang disposisyon Niya para sa atin. Kapag ba nakuha natin ang disposisyon Niya, ’di pa ba tayo magiging Diyos? Paanong magkakaroon ng mali?

Enero 24, 2022

Sagot: Nabanggit nga ninyo “Naging tao ang Diyos at ang tao ay magiging Diyos.” Sa pagsabi nyo noon ibig sabihin nagkatawang tao ang Diyos para ang tao ay maging Diyos. Batay nga sa ideya at kaisipang ito, kaya Niya nilalang ang tao ay para gawin silang Diyos Ang ideya bang ito ay naaayon sa kalooban Niya? Suriin natin ito batay sa mga salita ng Diyos. Sa paglikha sa mundo, sabi ng Diyos “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng Kapangyarihan sa mga isda at ibon sa himpapawid, at sa bawa’t umuusad, sa ibabaw ng lupa. At nilalang ang tao ayon sa kaniyang larawan at nilalang sila na lalake at babae(Genesis 1:26–27). Ngayon, sinasabi rin ng Makapangyarihang Diyos: “Sa simula, nilikha Ko ang sangkatauhan; ibig sabihin, nilikha Ko ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Pinagkalooban siya ng anyo at larawan, na puno ng lakas, puno ng sigla, at, bukod pa riyan, kapiling ng Aking kaluwalhatian. Iyan ang maluwalhating araw nang likhain Ko ang tao. Pagkatapos niyan, ginawa si Eba mula sa katawan ni Adan, at siya man ay ninuno ng tao, kaya nga ang mga taong nilikha Ko ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng ‘Adan’ ay isang nilalang na Aking nilikha, pinuspos ng Aking mahalagang lakas, pinuspos ng Aking kaluwalhatian, may anyo at larawan, may espiritu at hininga. Siya lamang ang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahang kumatawan sa Akin, taglayin ang Aking larawan, at tanggapin ang Aking hininga. Sa simula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng ‘Eba’ ay isang nilalang na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla at bukod pa riyan ay pinagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagkat siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng ‘Eba’ ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, nagmula sa una at buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos dito na, sa simula’y nilikha ng Diyos ang tao, buhay na may espiritu, katauhang nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang tao para sila ang magkaroon ng dominyon sa mundo, luwalhatiin at ihayag ang Diyos. Bukod pa rito, pagtuunan natin ng pansin ang salita ng Diyos. Nang nilikha ang tao, sabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa’ting larawan, at ayon din sa ating wangis(Genesis 1:26). Hindi sinabi ng Diyos na gumawa Siya ng Diyos, mas lalong hindi Niya nilalang ang tao para gawing Diyos. Kung binasa ito bilang “lumilikha ng Diyos” at hindi “lumillikha ng tao”, ano ang mali rito? Hindi ba’t mali ang paliwanag niya sa salita ng Diyos at iniba ang katotohanan? O baka sinabi niya yon dahil meron siyang lihim na motibo? Alam nating ang Diyos ang lumikha ng lahat at nilikha ng Diyos ang tao. Ang tao at ang Diyos ay magkaiba nga ang katangian. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos. “Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ang salita Niya ang katotohanan. Siya ang katotohanan. Ang ating Diyos ay laging tapat. Hindi nagsisinungaling at nanlilinlang. Kaya ang salita Niya ay tiyak at walang kamalian ang katotohanang walang hanggan. Nilikha Niya tayo sa Kanyang wangis, tao ang nilikha Niya. Kaya ba’t sinasabing ginawa Niya ang Diyos? Tulad ito ng tinig ng arkanghel dahil gusto nilang mapantayan ang Diyos at bukod dito’y maging Diyos mismo. Nililinlang ni Satanas ang tao kaya mali ang intindi nila sa salita ng Diyos at nagagawa nating sumunod du’n. Maling pakahulugan ito sa sinabi Niyang, “Lalangin Natin ang tao sa Ating larawan, ayon sa Ating wangis” pinakahulugan na Diyos na lumikha ng Diyos Isa itong paglaban at paglapastangan sa Diyos Malaki ring kalasanan ito sa Kanya. Sa hindi maingat na pagpapakahulugan sa salita ng Diyos, nag-iiba ang katotohanan, malaking problema ito. Hindi lang ito simpleng maling pagpapakahulugan sa salita ng Diyos. Kung talagang mula ito kay Satanas lumilikha ito ng problema. Kaya kung sasabihin ninyong “Nagkatawang tao ang Diyos at ang tao ay magiging Diyos,” imposible ’yon. Kathang isip lang ito at imahinasyon ng tao na nagmula kay Satanas. Dapat nating malinaw na makita ito. Kung tayo ay hindi magsisisi at paninindigan ang kaisipang ito, magiging malubha ang ating kaparusahan.

Ano nga ba ang dapat nating paniwalaang lahat? Kailangan nating maunawaan ang kalooban ng Diyos. Anong inaasahan Niya at gusto Niyang makamit sa pamamagitan ng pagliligtas sa sangkatauhan? Ano bang klase ng tao ang gagawin ng Diyos sa bandang huli? Ito ang pananaw ng tao sa paniniwala. At ang katotohanan ng gawain Niya. Sa pagpili natin ng landas ay dapat na maging gabay natin ang salita ng Diyos. Hindi tayo dapat madaya o pumunta sa landas na salungat sa Diyos. Dahil sa ang tao’y ginawang tiwali lahat ni Satanas, nawala ang kaluwalhatian ng Diyos at ang mga patotoo sa Kanya. Ang isinasabuhay nila ay puro kasamaan ni Satanas. Hindi siya katulad ng tao. Naging masama ang tao, sumusuway, itinatatwa, lumalayo’t pinagtataksilan Siya. Ito ang totoo. Upang maligtas ng Diyos ang tao Siya’y nagkatawang tao sa Panahon ng Biyaya, upang maging alay sa kasalanan ng tao at sila’y tubusin. Ngayon sa huling mga araw ang Panahon ng Kaharian nagkatawang tao muli ang Diyos upang humatol, ipinahahayag Niya ang katotohanan para maglinis at magligtas ng sangkatauhan. Pinapangunahan Niya tayo na magkamit ng katotohanan, maiwaksi ang ating katiwalian, mamuhay ng makabuluhang buhay at ng wangis ng yaong mga nagmamahal sa Diyos, upang tayo ay makapasok sa kapahingahan. Ito ang makakamit ng Diyos sa Kanyang pagliligtas sa tao. Basahin natin ang Salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, at inakay Niya sila magmula noon. Sila ay iniligtas Niya pagkaraan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan. Sa katapusan, dapat pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, ganap na iligtas ang mga tao, at ibalik sila sa kanilang unang wangis. Ito ang gawaing sinangkutan Niya sa simula pa lamang—ang pagpapanumbalik sa sangkatauhan sa una nitong larawan at wangis(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Kapag nagwakas na ang tatlong yugto ng gawain, magkakaroon ng isang grupo ng mga nagpapatotoo sa Diyos, isang grupo ng mga nakakakilala sa Diyos. Makikilala ng lahat ng taong ito ang Diyos at maisasagawa nila ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman nilang lahat ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawaing matutupad sa huli, at ang mga taong ito ang nabuo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong mga maaaring magpatotoo sa Diyos ay makatatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging grupong mananatili sa pinakahuli, ang grupong nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos).

Kapag nakakaranas ang mga tao hanggang sa araw na ang kanilang pananaw sa buhay at ang kahulugan, ang batayan ng kanilang pag-iral ay lubusang nabago na, kapag nabago na sila hanggang sa kanilang pinaka-buto at naging ibang tao na, hindi ba ito magiging hindi kapani-paniwala? Ito ay malaking pagbabago, isang kamangha-manghang pagbabago. Tanging kapag ikaw ay naging di-interesado sa katanyagan at kayamanan, katayuan, salapi, kasiyahan, kapangyarihan at karangalan ng mundo, at madaling natatalikdan ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang yaong mga sa huli ay magagawang ganap ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao(“Kailangang Maunawaan ng Tao na Sila ay May mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Likas na Pagkatao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinakamahalagang gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay mapanunumbalik ang naunang paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at matutulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Mahalaga ang gawaing ito, at ito ang ubod ng gawain ng pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Ayon sa mga salita Niya matitiyak nating, ang layunin ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain ay gumawa ng pangkat na kinikilala siya, sinusunod at nagpapatotoo. Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang iligtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas, upang tayo’y gawing banal at mamuhay nang ayon sa kalooban Niya. Malinaw ang paliwanag ng salita ng Diyos. Madaling maunawaan. Ibig sabihin, hindi Niya gagawing Diyos din ang mga tao. Iyon ang totoo. Simula nang pamahalaan Niya ang tao hanggang sa mga huling araw, ang mga santong pinuri at binayayaan Niya’y mga tapat at sumusunod sa kalooban Niya, tulad nina Abraham, Job Peter at ang iba panasa kanila ang salita ng Diyos, ang papuri at biyaya. Ang mga taong ito ay puno ng papuri at tinutularan ng mga santo sa lahat ng panahon. Pwede nating sabihin Sila’y nasa kaharian ng langit. Pero sinabi bang magiging Diyos sila? Walang sinabing gano’n ang Diyos sa’tin. Ang sinabi Niya lang, si Abraham ang pinakatapat sa lahat, si Job naman ay taong may takot sa Diyos at tinalikuran ang masama at si Pedro ay kilala ang Diyos. Malinaw na ang layunin ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay mga taong tulad nila. Ibig sabihin, gagawin ng Diyos ang tao na tulad nina Abraham, Job at ang perpektong tao ang makakaintindi sa Diyos, tulad ni Pedro. Malinaw rin itong sinabi ng Diyos sa Biblia. Walang makatatanggi rito. Malinaw na ipinahayag ng Diyos sa’tin ang Kanyang kalooban. Sa Kanyang plano sa pamamahala, gagawin Niyang kumpleto ang mga pinupuri’t pinagpapala Niya; Sa bandang huli, ang mga taong ito ang kukunin Niya. Kaya nga, maniwala tayo batay sa mga kailangan Niya, tularan natin sina Abraham, Job at si Pedro, hanapin ang katotoohanan sumunod sa gawain Niya upang maperpekto tayo. Ito ang landas na dapat nating tahakin. Di nilikha ang tao para gawing Diyos. Iyan ang katotohanan ng ating Diyos. Sa Panahon ng Kautusan, ’Di sinabi ni Jehova na gagawing Diyos ang tao, at lalong lalo na ng Panginoong Jesus Nung panahon ng Biyaya. Sa Panahon ng Kaharian mas nilinaw ng Makapangyarihang Diyos ang mga ito. Di Niya sinabing gagawin Niyang Diyos ang tao. Samakatuwid, tiyak nating masasabi Na ang pahayag na “Naging tao ang Diyos at magiging Diyos ang tao” ay ’di galing sa Kanya, kundi sa isipan ng tao na nagmulakay Satanas. Hindi dapat masaktan ang disposisyon ng Diyos Gustong maging Diyos ni Satanas at maging kapantay niya ang Diyos. Ginalit ni Satanas ang Diyos kaya Siya’y hinampas Niya at tumilapon. Kaya Kung maghahangad pa rin ang tao na maging Diyos, hindi ba’t mula ito kay Satanas? Hindi ba’t ganito ang pananaw ng arkanghel? Hindi ba’t pagiging sakim ito at maambisyon?

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply