Tungkol sa mga salita ng Diyos sa Genesis. “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, at ayon sa ating wangis(Genesis 1:26). Di ko pa maintindihan. Kung nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis, Ibig bang sabihin, mayroon tayong imahe ng Diyos? Kung taglay natin ang imahe ng Diyos, tao ba tayo o isang Diyos?

Enero 24, 2022

Sagot: Ayon sa Genesis, ang sabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis(Genesis 1:26). Pero hindi Niya sinabi na nilalang Niya ang Diyos ayon sa Kanyang larawan Kahit nilalang Niya ang tao sa Kanyang larawan at wangis hindi ibig sabihin na gagawin Niyang Diyos ang tao. Sabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa’ting larawan, at ayon sa ating wangis.” Anong tinutukoy na “larawan” sa talatang ito sa Biblia? Tumutukoy ang “imahe” sa Disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon ang Diyos, at ang sangkap ng buhay ng Diyos, na tumutukoy din sa katotohanan. Kung isasabuhay natin ang katotohanang inihayag ng Niya, magkakaro’n ng imahe ng katotohanan ang imahe Niya. Pero alam nating lahat na ang disposisyon ng Diyos at ang buhay ng Diyos ay napakayaman. At limitado lang ang ipinapakita Niya sa Kanyang gawain. Nangangahas ba kayong sabihing ang Disposisyon ng Diyos at ang kanyang buhay ay mabubuo at mailalarawan sa mga salitang inihahayag Niya? Naranasan ng lahat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at masasabing ang katotohanan at kung anong mayroon Siya at inihayag Niya, ay ang isang sampung libo o isang trilyon ng kabuuan ng Kanyang disposisyon. Ang Diyos ang Manlilikha at ang pinagmulan ng buhay ng lahat. Kumpara sa totoong disposisyon ng buhay Niya ang Kanyang inihayag na pag-aari at katauhan ay patak lang ng tubig sa karagatan. Ang totoo mas maganda kung maisabuhay natin kahit isang patak ng katotohanan. Kahit hanapin natin ang katotohanan, ang katotohanang kaya nating isabuhay ay limitado. Hindi natin maisasabuhay ang katotohanang inihayag ng Diyos. Kinikilala ito ng mga nakaranas ng gawain Niya. Balang araw pag natapos ang gawin ng Diyos kung naisabuhay natin ang kahit kaunting imahe at katauhan Niya hindi pa rin masasabing maaari tayong maging Diyos. Dahil ang Diyos ang Manlilikha at ang sangkap ng buhay Niya’y hindi masukat ng tao. Siya ang lumikha at namahala sa sansinukob. Ang lahat ng bagay ay napunan ng buhay ng Diyos. Hindi mailalarawan ng salita ang Kanyang kadakilaan. Ang inihahayag ng Diyos sa Kanyang gawain ay maliit na bahagi lang ng kung ano ang mayroon ang Diyos. Kahit isabuhay nating lahat ang katotohanang inihayag ng Diyos sa Kanyang gawain, hindi ibig sabihing tunay tayong may imahe ng Diyos, at lalong hindi natin tunay na nakamit ang katotohanan. Kaya kahit maisabuhay natin ang kaunting imahe Niya, pa’no natin masasabing hindi tayo Diyos? Impossible itong mangyari. Kaya ang kaisipang, “May imahe ng Diyos ang tao upang maging Diyos” ay wala ngang pinagbatayan. Malaking kalokohan lang ’yon.

Kahit maisabuhay ang konting imahe ng Diyos sa karanasan natin, di pa rin tayo magiging Diyos. Ito ang halimbawa. Kahit wala itong kinalaman, mabibigyang liwanag nito ang problema natin. Tulad ng isang ama at ang anak ang anak ay kamukhang kamukha ng kanyang ama pero ang personalidad nila ay magkaiba. Malaki ang pagkakaiba. Kahit pareho ang dugong dumadaloy, hindi pa rin magkatulad ang kanilang pagkatao, ang landas din nila ay hindi rin magkapareho. Sa ilang pamilya ang ama ay mabuti ang anak naman ay masama. Magkamuka sila at iisa ang dugo pero magkaiba ng karakter. At sa ibang pamilya lumalayo ang ama sa Diyos, pero ang anak ay naniniwala at sumusunod. Sapat itong patunay na pareho man ang hitsura natin at iisa ang dugo, ay magkapareho ang karakter din natin. Kaya, kahit na maisabuhay natin ang kaunting imahe Niya, ay taglay na natin ang sangkap ng buhay ng Diyos. Hindi magiging Diyos ang tao. Sigurado iyan.

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman