Christian Dance | "Tayo ay Mga Saksi Kay Cristo ng mga Huling Araw" | Praise Song

Oktubre 4, 2024

I

Sa pagkarinig sa tinig ng Diyos, itinataas tayo sa harap Niya.

Nakikita natin na ang bawat salita ng Diyos ay katotohanan

at nalupig na ang ating mga puso.

Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo, ang ating katiwalian ay nalinis.

Matatag tayong nananalig na ang Diyos ang katotohanan

at malapit nating sinusundan ang Kanyang mga yapak.

Nagdurusa tayo sa lahat ng uri ng pang-uusig at paghihirap,

pero ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos.

Lubos nating nararanasan ang pagmamahal ng Diyos,

sumusunod tayo sa Diyos nang buo ang loob.

Sumasailalim tayo sa mga pagsubok, paghihirap, at pagpipino,

at nagdadala tayo ng matatagumpay na patotoo para luwalhatiin ang Diyos.

Nakikita natin na nagpakita na ang Araw ng katuwiran;

tayong lahat ay mga saksi sa Diyos.

II

Nagkatawang-tao ang Diyos upang iligtas ang tao,

at nagdaranas Siya ng malaking kahihiyan.

Dinaranas Niya ang pagtanggi at tinitiis ang mga di-pagkakaunawaan

nang walang reklamo o pagsisisi.

Tulad tayo ng abo, pero itinataas tayo ng Diyos,

at nakakamit natin ang katotohanan at buhay;

tunay na ito ang dakilang pagmamahal ng Diyos.

Isinasagawa natin ang pagiging matatapat na tao

at isinasabuhay ang wangis ng tao.

Ginagawa natin nang maayos ang mga tungkulin natin

para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Para ipalaganap at patotohanan ang kaharian ng ebanghelyo,

inaalay natin ang katapatan natin para palugurin ang Diyos.

Anuman ang mga paghihirap, hindi tayo magrereklamo;

hinahangad lang natin na mahalin ang Diyos nang buong puso at isip natin.

Sumasailalim tayo sa mga pagsubok, paghihirap, at pagpipino,

at nagdadala tayo ng matatagumpay na patotoo para luwalhatiin ang Diyos.

Nakikita natin na nagpakita na ang Araw ng katuwiran;

tayong lahat ay mga saksi sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin