Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Bakit Ginagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa Mga Huling Araw?

Pebrero 2, 2022

Patindi nang patindi ang mga sakuna at ang lahat ng mga mananampalataya ay sabik na inaasam ang pagparito ng Panginoong Jesus, ang pagtataas sa alapaap para salubungin ang Panginoon, at pagtakas sa pagdurusa dahil sa mga sakunang ito sa lalong madaling panahon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang Panginoong Jesus na bumababa sa mga ulap, na dahilan kaya nagdismaya ang marami. Gayunman, ikinagulat ng mga tao na sa halip na salubungin ang pagdating ng Panginoong Jesus na sakay ng mga ulap, nakikita nila ang Kidlat ng Silanganan na paulit-ulit na nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon bilang ang Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol. Nagniningning ang "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos tulad ng tunay na ilaw mula sa silangan patungong kanluran, tinatanglawan ang buong mundo, at ang mga nagmamahal sa katotohanan at nasasabik na maibunyag ang pagpapakita ng Diyos, marinig ang tinig ng Diyos, at dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Ginulat ng mga katotohanang ito ang lahat: Ang Kidlat ng Silanganan nga ba talaga ang pagpapamalas at gawain ng Diyos? Maaari nga kayang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Lumikha na nagsasalita sa sangkatauhan? Bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, at binigyang-katwiran na tayo ng Diyos, kaya bakit natin kailangang maranasan ang paghatol at pagkastigo? Sa episode ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, maaari nating saliksikin ito nang sama-sama at mas matutunan ang tungkol sa kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin