Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos

Abril 16, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos"

Maraming tao'ng naniniwala,

ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,

paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.

Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"

ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.

Kaya pananalig nila'y bulag.

Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.

Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.

Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,

angkop ka bang gamitin N'ya?

Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.

Napakasimple at relihiyoso n'yan,

iba sa tunay na pananalig sa Kanya.

Tunay na pananalig sa Diyos ay pagdanas sa mga gawa't salita Niya

batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.

Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon

at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya'y makilala.

'Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.

Maraming nag-aakalang paniniwala'y simple't mababaw.

Ganyang paniniwala'y walang saysay. Pa'nong malulugod ang Diyos?

Sila'y nasa maling landas.

Silang naniniwala sa mga sulat, hungkag na aral ay di pa rin alam

pananalig nila'y di tunay, di kalulugdan ng D'yos.

Samo pa rin nila'y biyaya't kapayapaan.

Pananalig ba'y paghingi lang ng biyaya't kapayapaan?

Matutupad ba'ng nais Niya,

kung Siya'y nilalabanan mo pa rin, at di kinikilala?

Di sapat ang paniniwalang umiiral ang Diyos.

Napakasimple at relihiyoso n'yan,

iba sa tunay na pananalig sa Kanya.

Tunay na pananalig sa Diyos ay pagdanas sa mga gawa't salita Niya

batay sa pananalig na nangingibabaw Siya sa lahat.

Para makakalaya sila sa tiwaling disposisyon

at matupad mga hangarin ng Diyos at Siya'y makilala.

'Yan ang daan tungo sa tunay na pananalig sa Diyos.

'Yan ang landas sa tunay na pananalig sa Kanya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger