Christian Dance | "Tunay na Pagmamahal sa Tao" | Praise Song

Disyembre 25, 2024

I

Ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan;

ipinagkakaloob Niya sa tao ang daan ng buhay na walang hanggan.

Tinitiis Niya ang sakit na matanggihan; nakikibahagi Siya sa mga kapighatian ng tao.

Naglalakad siya sa gitna ng mga iglesia;

pinapastol Niya ang Kanyang hinirang na mga tao.

Namumuhay Siya kasama ng tao; nagdurusa Siya kasama ng tao.

Sakit at paghihirap sa loob ng maraming araw, taon, at dekada—

ibinubuhos Niya ang lahat ng Kanyang pagmamahal

para makuha Niya ang puso ng tao.

Bawat araw ay nagsasabi Siya ng mga bagong salita

para pagkalooban ang tao ng katotohanan.

Ang mabalasik Niyang mga salita ay puno ng tunay na pagmamahal.

Ang paghatol at mga pagsubok Niya ay para gawing perpekto ang tao.

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalilinis ang katiwalian.

Nararanasan ko ang pagmamahal ng Diyos;

nagbabalik ang puso ko sa Kanya.

II

Napakaraming taon na akong nananampalataya sa Diyos,

pero hindi ko pa Siya nakikilala.

Puno ako ng mga kuru-kuro, at habol ko lang ang Kanyang biyaya.

Tinanggap ko ang gawain ng Diyos, pero hindi ko Siya kailanman minahal.

Tunay na wala akong konsensiya, at hindi ako karapat-dapat na tawaging tao.

Ang Diyos ay mahabagin at mapagparaya,

ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang makakaya para iligtas ako.

Ang paghatol at pagpipino Niya ay parehong pagmamahal.

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nakikilala ko ang Kanyang pagiging matuwid.

Isinasabuhay ko ang isang bagong wangis ng tao,

at mas dalisay ang aking mapagmahal-sa-Diyos na puso.

Nakikita ko ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ang puso ko ay sa Kanya.

Nagpapasailalim ako sa pamamatnugot ng Diyos,

at wala akong panghihinayang o daing.

Mahal ko ang Diyos at nagpapatotoo ako sa Kanya.

Magiging tapat ako sa Kanya buong buhay ko.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin