Tagalog Testimony Video | "Hindi na Ako Takot sa Responsibilidad"

Agosto 8, 2021

Siya ay isang Kristiyano at pinili bilang team leader sa isang halalan. Bilang team leader, kailangang maging responsable siya sa gawain, kaya nag-alala siya na kung hindi niya maisagawa ang katotohanan at sa gayon ay maantala ang gawain ng iglesia, papalitan siya o tatanggalin. Alalang-alala siya na gusto pa niyang maalpasan ang tungkuling ito. Sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na ang takot niyang mapalitan at matanggal ay nagmumula sa kanyang maling pagkaunawa sa Diyos, na ang kanyang inilalantad ay isang mapanlinlang na satanikong disposisyon. At nauunawaan din niya na kung maliligtas ang isang tao ay nakatadhana sa kung hinahanap niya ang katotohanan at na wala itong kinalaman sa tungkuling kanyang ginagawa. Kalaunan, itinatama niya ang kanyang mga maling pananaw tungkol sa paghahangad at nagsisimulang maging matapat, na ibinibigay ang kanyang puso sa Diyos at buong tapang na hinaharap ang kanyang responsibilidad. Nagtutuon siya sa paghahanap sa katotohanan at pagganap sa kanyang tungkulin nang maayos. Sa paggawa nito, nadarama niya na siya ay nakalaya at tumatag.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin