Tagalog Testimony Video | "Ang mga Kahihinatnan ng Mahilig Magpalugod ng Tao"
Enero 31, 2022
Ang pangunahing tauhan ay isang lider sa iglesia na namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya gaya ng "Ang pagkakasundo ay yaman, ang pagtitimpi ay isang kabanalan," at "Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan." Bilang resulta, kapag nakikita niya na si Brother Liu, diyakono ng pagdidilig, ay pabaya sa kanyang pamamaraan sa kanyang tungkulin, hindi siya nagtatangkang magbahagi tungkol sa katotohanan para ilantad at himayin ang kanyang problema; nang makita niya ang dalawang kapatid na kasabay niyang nagtatrabaho na palaging nag-aaway, hinahadlangan ang pag-usad ng kanilang gawain, hindi siya nagsalita sa takot na sumama ang loob nila at masira ang imahe niya sa ibang mga kapatid. Nagkaroon ito ng epekto sa gawain ng iglesia pati na sa kanilang buhay-iglesia. Nang naharap sa mga katotohanan, malinaw na nakita ng pangunahaing tauhan na ang hilig na magpalugod ng tao ay nakakagambala at nakakapagpahina sa gawain ng Diyos, na siya'y kumikilos bilang tauhan ni Satanas. Puno ng pagsisisi at pagkamuhi sa kanyang sarili, nagdasal siya sa Diyos at nagsisi, isinagawa ang katotohanan, at nagawang magbago.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video