Tagalog Testimony Video | "Napalaya sa Pamamagitan ng Pagsasagawa ng Katotohanan"
Oktubre 6, 2021
Nang nakita ng bida si Zhang Lin, isang lider ng iglesia, na ‘di-makatwirang pinipigilan ang ilang mga kapatid sa pamamagitan ng pagtanggi nitong ibigay sa kanila ang mga pinakabagong pangaral ng Diyos, nagsulat siya ng liham upang iulat si Zhang Lin, nagpadala ng mga pinakabagong pangaral ng Diyos at nakipagtipon sa pagbabahagi kasama ang mga kapatid. Nang malaman ito ni Zhang Lin, pinagbawalan siya nito sa kanyang mga tungkulin at gumawa ng mga maling paratang laban sa kanya. Lubha itong nakababalisa para sa kanya at dahil takot siyang mapigilang muli, tumigil siya sa pagtulong sa ibang mga kapatid na pinipigilan din. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos at napagtanto niya na naging napakamakasarili at napakatuso niya. Nakaramdam talaga siya ng pagsisisi at nakonsiyensiya kaya naman ipinadala niya ang mga pinakabagong pangaral ng Diyos sa mga kapatid at nagsimulang makipagtipong muli sa kanila. Nang sandaling magsimula siyang isagawa ang katotohanan, mas naging matahimik at mapagpakumbaba siya. Hindi nagtagal ay tinanggal si Zhang Lin sa kanyang posisyon at sa huli ay itiniwalag. Nasaksihan niyang talaga kung paanong pinaghaharian ng katotohanan ang sambahayan ng Diyos at pinuri niya ang pagiging matuwid ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video