Tagalog Christian Song | "Maging Isang Tao na Nagpapalugod sa Diyos at Nagpapanatag ng Kanyang Isipan"

Oktubre 15, 2026

I

Alam Ko na pansamantala lang ang katapatan ninyo, gayundin ang sinseridad ninyo. Hindi ba’t totoo na ang inyong determinasyon at ang halagang ibinabayad ninyo ay umiiral lamang ngayon pero wala na sa hinaharap? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagsisikap para matiyak ang isang magandang hantungan. Ang tanging pakay ay makipagpalitan, hindi ang maiwasan ang pagkakautang sa katotohanan, lalong hindi upang suklian Ako sa halagang pinagbayaran Ko. Sa madaling salita, handa lamang kayong gumamit ng mga tusong pakana upang makamit ang inyong gusto, pero hindi ang hayagang makipaglaban para dito. Hindi ba’t ang mga ito ang mga kaloob-loobang kaisipan ninyo? Hindi kayo dapat magbalatkayo, lalong hindi ninyo dapat pigain ang utak ninyo tungkol sa inyong hantungan hanggang sa puntong wala na kayong ganang kumain o uminom sa araw, at hindi na makatulog nang payapa sa gabi. Hindi ba’t totoo na ang kalalabasan ninyo ay naitakda na sa huli?

II

Dapat ninyong tuparin ang inyong sariling tungkulin nang may bukas at matapat na puso, at maging handang magbayad ng anumang halagang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi tatratuhin nang masama ng Diyos ang sinuman na nagdusa o nagbayad ng halaga para sa Kanya. Ang ganitong matibay na paniniwala ay karapat-dapat na panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan lamang mapapanatag ang isipan Ko ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi nagpapanatag ng Aking isipan at kayo’y magpakailanmang magiging mga pinag-uukulan ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensiya, at maibibigay ang inyong lahat para sa Akin, na ibinubuhos ang buong pagsisikap para sa Aking gawain, at nag-uukol ng buong buhay na lakas sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t madalas na lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba?

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin