Christian Movie 2020 | "Pananampalataya sa Diyos 3 – Bangon, Kayong Hindi Magiging mga Alipin"

Abril 21, 2020

Si Meng Changlin, isang kasamahan sa Three-Self Church, ay nag-akala noong una na ang pananampalataya niya sa Panginoon sa Three-Self Church ay magliligtas sa kanya mula sa pang-uusig ng CCP. Gayunpaman, pagkatapos malagay sa kapangyarihan si Xi Jinping, lalo pang pinatitindi ng CCP ang pang-uusig nito sa pananampalataya sa relihiyon, at maging ang Three-Self Church na pinatatakbo ng pamahalaan ay nagsisimulang dumanas ng pagsawata at pang-uusig; marami sa kanilang mga krus ang winawasak at mga iglesia ang ginigiba, at nagsisimula na rin ang CCP na pwersahin ang mga iglesia na magtaas ng pambansang bandila, kantahin ang pambansang awit, at magsabit ng larawan ni Chairman Xi…. Sa nararanasang pang-uusig na ito ng CCP, hindi inaakay ng kanyang pastor ang mga mananampalataya sa pagdarasal para alamin ang kalooban ng Diyos, ngunit sa halip ay sinusunod ang CCP sa lahat ng bagay. Naniniwala si Meng Changlin na ito ay lubos na paglisan mula sa daan ng Panginoon, at na sila ay nagupo na para maging mga alipin ni Satanas, ang hari ng mga diyablo. Hinihikayat niya ang kanyang pastor na iwan ang Three-Self Church at magpulong na lang nang pribado sa mga bahay ng mga miyembro, ngunit pinagsasabihan siya ng kanyang pastor at pinipigilan siya. Sa panahong ito niya makikilala si Xiang Zhiheng, isang Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng paghahanap at pagbabahagi, nakikita nang mas malinaw ni Meng Changlin kaysa noon na ang patakaran ng Three-Self ay estratehiya lamang ng CCP para makapaghanda sa plano nito na lubusang alisin ang pananampalataya sa relihiyon; nakikita niya na kapag inaakay ng mga pastor at elder ang mga mananampalataya na sumunod sa CCP, kinakalaban at ipinagkakanulo nila ang Diyos, at na lahat sila ay mga huwad na pastol na naglilingkod kay Satanas. Kasabay nito, nauunawaan ni Meng Changlin ang kabuluhan ng pagdanas ng pang-uusig at paghihirap bilang bahagi ng pananampalataya sa Panginoon, at malinaw na nakikita na kinakailangang isuong sa panganib ang sariling buhay sa pananampalataya sa Diyos sa ilalim ng mala-satanas na rehimen ng CCP para masunod ang Diyos. Nauunawaan niya na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangailangan ng pakikinig sa mga salita ng Diyos at pagsunod sa Diyos, at hindi maaaring ang isang tao ay makinig at sumunod sa mga tao bilang kahalili ng Diyos. Si Meng Changlin at ang iba pa, sa pamamagitan ng paghahanap at pagsisiyasat, ay nakikita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pawang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus! Hindi nila mapigilan ang mga sarili nila sa kagalakan, at sa wakas ay umaalpas sa pagkaalipin at mga pagpipigil ng mala-satanas na rehimen ng CCP at ng mga huwad na pastol at anticristo sa daigdig ng relihiyon. Sila ay nagbabalik sa harap ng trono ng Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin