Tagalog Christian Dance | "Purihin ang Bagong Buhay" | Praise Song
Pebrero 23, 2025
Aleluya! Makapangyarihang Diyos! Nagpapasalamat at nagpupuri kami sa Iyo!
Aleluya! Makapangyarihang Diyos! Nagpapasalamat at nagpupuri kami sa Iyo!
I
Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohana't gumagawa't
nagsasalita sa mga tao.
Araw-araw, kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos,
at napupuno ng ligaya at galak ang ating mga puso.
Kahanga-hangang maunawaan ang katotohanan,
wala nang pasakit at kalituhan.
Naiwawaksi ang ating mga kuru-kuro't maling pagkaunawa,
nagbabago ang rebeldeng mga disposisyon.
Napakahalaga ng katotohanan ng mga salita ng Diyos
at nililinis nito ang katiwalian natin.
Dulot ng pagwaksi sa katiwalian ay tunay na kalayaan,
at umaawit tayo habang pinapalaya'ng ating espiritu.
Ang paghatol, pagkastigo at mga pagsubok
ay masaganang piging ng Diyos.
Unti-unting lumalago ang buhay natin,
at nagpapasalamat at nagpupuri tayo sa Makapangyarihang Diyos.
II
Napakaganda ng buhay-iglesia;
personal tayong ginagabayan at pinapastol ng Diyos.
Tayo'y nagtutulungan sa ating mga tungkulin,
nang walang hadlang o distansya sa pagitan natin.
Nang simple, matapat, at bukas,
nagkakaisa tayo nang may iisang puso't isipan para magpatotoo sa Diyos.
Kumikilos tayo ayon sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay,
tumutupad ng tungkulin natin nang Siya'y mapalugod.
Praktikal tayong sumusunod sa Diyos,
at hinahandog ang tunay nating puso sa Kanya.
Pinapasalamatan natin ang Makapangyarihang Diyos
para sa pagliligtas,
at sa pagbago sa'tin para tayo'y magiging bagong tao.
Sino ang 'di nagpapahayag ng nasa puso niya't 'di nagpapahayag ng kanyang pag-ibig?
Halina at magpuri sa Diyos at sumayaw, habang ako ay pumapalakpak.
Ating pinatid na ang mga gapos ng mundo, pamilya't laman;
at puno tayo ng galak habang buong puso nating minamahal ang Diyos.
Nakikinig tayo sa mga salita ng Diyos at nagpapasakop sa Kanya,
at napupuno ng kapayapaa't galak ang puso natin.
Sa pagsasagawa sa katotohanan, malaya tayo,
at nagpapatotoo nang mabuti para luwalhatiin ang Diyos.
Nabubuhay sa liwanag ang mga nagmamahal sa Diyos,
pinupuri magpakailanman ang Makapangyarihang Diyos!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video