Christian Dance | "Pinupuri Natin ang Diyos Hanggang sa Kasiyahan ng Ating Puso" | Praise Song

Setyembre 19, 2024

I

Sa bawat pag-ikot at pag-indak sumisigla ako,

pinagagaan ng pag-awit ang aking puso.

Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos araw-araw;

ang pag-unawa sa katotohanan ay nagbibigay-liwanag sa ating puso.

Nagdadala ng gayong kagalakan ang kalayaan ng ating espiritu;

sayawin natin ang bagong sayaw.

Basta't purihin ang Diyos, nang dalisay at payak, at ngingitian Niya tayo.

Oh!

Mga kapatid, sama-sama tayong magsaya at lumukso,

at magpasalamat at magpuri sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit at magpuri,

gamit ang mga awit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos

na umaabot sa kalangitan.

II

Kapag kinakanta ang isang bagong awit, nagbubunyi ang aking puso,

at sumasayaw ako sa ritmo nito.

Sobrang tunay ng pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos,

nagliliparan ang mga awit mula sa aking puso.

Ang Kanyang mga salita ay naghahatol at naglilinis sa mga tao;

ang Kanyang mga salita ay sumusubok, nagpipino, at nagpeperpekto sa mga tao.

Nagbabago ang ating disposisyon,

tayo ay inililigtas ng Diyos at nagiging mga bagong tao.

Oh!

Mga kapatid, sama-sama tayong magsaya at lumukso,

at magpasalamat at magpuri sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit at magpuri,

gamit ang mga awit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos

na umaabot sa kalangitan.

III

Malakas nating kinakanta ang mga awit ng papuri,

pinupuri ang Diyos sa pagkamit ng kaluwalhatian.

Na kayang mahalin ng aking puso ang Diyos ay tunay na nagpapasaya sa akin

ang pagtamasa sa mga salita ng Diyos ay napakatamis.

Oh Makapangyarihang Diyos, Ikaw ay napakakaibig-ibig;

hindi ako makapagsalita nang sapat tungkol sa Iyong biyaya.

Nang may papuri ipinahahayag ko ang aking puso;

ang isang buhay ng pagpuri ay tunay na maganda.

Oh!

Mga kapatid, sama-sama tayong magsaya at lumukso,

at magpasalamat at magpuri sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit at magpuri,

gamit ang mga awit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos

na umaabot sa kalangitan.

IV

Tumatalon pataas ang mga alon ng karagatan,

ang bawat alon ay mas mataas kaysa sa nauna.

Dapat tayong mamuhay ng isang buhay ng pagpupuri,

dahil kapag mas higit ang ating pagpupuri, mas malaki ang ating pananampalataya.

Lahat ng nagmamahal sa Diyos, halikayo't magpuri;

ang Makapangyarihang Diyos ay karapat-dapat sa kaluwalhatian.

Mabilis na tumitibok ang puso ng mga tao ng Diyos;

halikayo't samahan kami sa pagpupuri sa Diyos hanggang sa kasiyahan ng ating puso.

Oh!

Mga kapatid, sama-sama tayong magsaya at lumukso,

at magpasalamat at magpuri sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit at magpuri,

gamit ang mga awit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos

na umaabot sa kalangitan.

Mga kapatid, sama-sama tayong magsaya at lumukso,

at magpasalamat at magpuri sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa atin.

Mga kapatid, sama-sama tayong umawit at magpuri,

gamit ang mga awit ng papuri sa Makapangyarihang Diyos

na umaabot sa kalangitan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin