Tagalog Testimony Video | "Natagpuan Ko Na ang Landas Tungo sa Kaharian ng Langit"

Hulyo 29, 2020

Sinunod ng pangunahing tauhan ang kanyang mga magulang sa kanilang Kristiyanong pananampalataya mula nang bata siya, at magkasama sila ng asawa niyang gumawa sa iglesia matapos silang ikasal. Sa mga nakaraang taon, natuklasan niyang palagi siyang nagdarasal para mangumpisal sa Panginoon, pero hindi niya mapigil ang sarili niya sa pagkakasala, at hindi siya makapanatili sa mga salita ng Panginoon. Wala rin siyang pagpaparaya o pasensya sa kanyang asawa. Naisip niya ito mula sa mga salita ng Diyos: "Kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:44). Banal ang Diyos, at sinumang hindi banal ay hindi makakakita sa Panginoon, kaya naisip niya: Ang isang gaya niya kaya na nabubuhay sa kasalanan ay makapapasok sa kaharian ng langit? Masakit ito para sa kanya, at nagdasal siya sa Panginoon sa lahat ng oras. Sa huli, papa'no siya pinalaya sa kalituhang ito, at papa'no niya nakita ang landas para malinis at makapasok sa kaharian ng langit? Sabay nating pakinggan ang kanyang istorya.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger