Christian Dance | "Tanging ang Diyos ang Pinakamahusay" | Praise Song

Mayo 13, 2025

I

Lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan,

ang lahat ng Kanyang sinasabi at ginagawa ay matuwid.

Sa pagdanas ng paghatol ng Kanyang mga salita,

dapat nating hanapin ang katotohanan.

Yamang kinikilala natin na mayroon tayong mga tiwaling disposisyon,

dapat tayong lalo pang magpasakop sa paghatol ng Diyos.

Kapag nalinis na ang ating mga tiwaling disposisyon

ay saka lang natin matutugunan ang Kanyang mga layunin.

Isinusuko natin ang ating mga kuru-kuro at haka-haka,

umaasa sa Diyos at nagsasagawa ng katotohanan.

Pinalalakas natin ang ating kapasyahang tularan si Pedro,

maalingawngaw na nagpapatotoo.

Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo:

Ang Diyos lamang ang pinakamahusay!

Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

II

Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos,

nakita ko kung gaano ako kalalim na nagawang tiwali ni Satanas.

Ako ay mayabang, palalo, baluktot, at mapanlinlang;

talagang wala akong wangis ng tao.

Matapos tanggapin ang paghatol at makilala ang aking sarili,

tunay na akong nagsisi.

Dahil nararanasan ko na hindi nalalabag ang disposisyon ng Diyos,

natatakot ako sa Kanya sa aking puso.

Ang Kanyang malaking pag-ibig ay nakatago

sa likod ng Kanyang paghatol at pagkastigo.

Sa paghihimagsik laban sa laman at pagsasagawa sa katotohanan,

pakiramdam ko ay mas malapit ako sa Diyos.

Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo:

Ang Diyos lamang ang pinakamahusay!

Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

III

Kapag sumapit ang pag-uusig, paghihirap, at mga pagsubok,

dapat tayong manindigan sa ating patotoo para luwalhatiin ang Diyos.

Sa buhay o sa kamatayan,

ang mga nilikha ay dapat magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan.

Sa pagdurusa ng matinding paghihirap at sakit,

nagagawa nating kamuhian si Satanas nang lubusan,

at mas nadarama ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Nilalagay sa panganib ang ating buhay upang ipahiya si Satanas,

matagumpay tayong nagpapatotoo.

Ang magaan na pagdurusa, na panandalian lang,

ang ipinapalit natin para sa katotohanan at buhay.

Lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay pag-ibig;

dito, malakas ang ating pananampalataya at malaya mula sa pag-aalinlangan.

Lakasan natin ang ating mga tinig at kumanta tayo:

Ang Diyos lamang ang pinakamahusay!

Pupurihin natin ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos magpakailanman!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin