Tagalog Christian Song With Lyrics | "Walang Tunay na Serbisyo Kung Walang Tunay na Panalangin"
Setyembre 28, 2021
Ⅰ
Ang panalangin ay 'di seremonyal, marami itong kahulugan.
Maaari 'tong makita sa panalangin ng mga tao,
Diyos ang kanilang direktang pinaglilingkuran.
Kung seremonya ang tingin mo sa panalangin,
kung gayon hindi mo mapaglilingkuran nang mahusay ang Diyos.
Kung walang panalangin, hindi ka makakapagtrabaho.
Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.
Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,
ngunit kailanma'y 'di ka naging seryoso,
walang debosyon 'pag nagdarasal,
mabibigo kang paglingkuran Siya sa ganitong paraan.
Ⅱ
Maa'ring sabihin na kung panalangin mo'y hindi taimtim o tunay,
'di ka ibibilang ng Diyos, hindi papansinin.
Banal na Espiritu'y hindi kikilos sa iyo.
Kung walang panalangin, hindi ka makakapagtrabaho.
Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.
Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,
ngunit kailanma'y 'di ka naging seryoso,
walang debosyon 'pag nagdarasal,
mabibigo kang paglingkuran Siya sa ganitong paraan.
Ⅲ
Kung madalas kang lumapit sa Diyos at manalangin,
pinatutunayan nitong ang Diyos ay Diyos para sa iyo.
Kung mag-isa kang magtrabaho't 'di nananalangin,
at ginagawa ito at iyon sa likod Niya,
ginagawa ang sarili mong gusto,
hindi ka naglilingkod sa Diyos,
ginagawa mo ang sarili mong gawain.
Sa tingin mo ba hindi ka hinatulan?
Ⅳ
Mukhang hindi mo nalapastangan ang Diyos,
hindi nanggulo, ngunit ang paggawa mo sa sariling gawain ay pag-abala.
Sa diwa ay nilalabanan mo ang Diyos.
Kung walang panalangin, hindi ka makakapagtrabaho.
Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.
Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,
ngunit kailanma'y 'di ka naging seryoso,
walang debosyon 'pag nagdarasal,
mabibigo kang paglingkuran Siya sa ganitong paraan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video