Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hiwaga Tungkol sa Biblia | Sipi 279

Oktubre 27, 2020

Ang Biblia ay naging bahagi na ng kasaysayan ng tao sa loob ng ilang libong taon. Bukod pa rito, itinuturing ito ng mga tao na parang Diyos, hanggang sa punto na sa mga huling araw, napalitan na nito ang Diyos, na nakasusuklam sa Diyos. Sa gayon, nang magkaroon ng pagkakataon, nadama ng Diyos na dapat Niyang linawin ang kuwento sa loob at mga pinagmulan ng Biblia; kung hindi Niya ito gagawin, patuloy na papalitan ng Biblia ang Diyos sa puso ng mga tao, at gagamitin ng mga tao ang mga salita sa Biblia upang sukatin at tuligsain ang mga gawa ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa diwa, kayarian, at mga kapintasan ng Biblia, hindi ikinaila ng Diyos sa anumang paraan ang pag-iral ng Biblia, ni hindi Niya ito tinuligsa; sa halip, nagbigay Siya ng angkop at akmang paglalarawan na nagpanumbalik sa orihinal na imahe ng Biblia, tinukoy Niya ang mga maling pagkaunawa ng mga tao sa Biblia, at nagbigay Siya sa kanila ng tamang pananaw tungkol sa Biblia, kaya hindi na nila sinamba ang Biblia, at hindi na sila naligaw; na ibig sabihin, upang hindi na nila mapagkamalang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ang kanilang bulag na pananampalataya sa Biblia, na takot pa ngang harapin ang tunay na pinagmulan at mga kamalian nito. Kapag nagkaroon ng dalisay na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa Biblia, nagagawa nilang isantabi ito nang walang pagsisisi at buong tapang na tinatanggap ang mga bagong salita ng Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa ilang kabanatang ito. Ang katotohanang nais sabihin ng Diyos sa mga tao rito ay na walang teorya o katunayang makakapalit sa gawain at mga salita ng Diyos ngayon, at na walang makakahalili sa Diyos. Kung hindi matakasan ng mga tao ang bitag ng Biblia, hindi nila magagawang humarap sa Diyos kailanman. Kung nais nilang humarap sa Diyos, kailangan muna nilang alisin sa kanilang puso ang anumang maaaring pumalit sa Kanya; sa gayon ay magiging kasiya-siya sila sa Diyos. Bagama’t ipinaliliwanag lamang ng Diyos ang Biblia rito, huwag mong kalimutan na marami pang ibang maling bagay na tunay na sinasamba ng mga tao bukod pa sa Biblia; ang tanging mga bagay na hindi nila sinasamba ay yaong mga tunay na nagmumula sa Diyos. Ginagamit lamang ng Diyos ang Biblia bilang halimbawa upang ipaalala sa mga tao na huwag silang tumahak sa maling landas, at huwag magmalabis na muli at maging biktima ng pagkalito habang nananalig sila sa Diyos at tumatanggap ng Kanyang mga salita.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Salita ni Cristo Nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia, Panimula

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin