Tagalog Dubbed Movie Trailer | "Sa Loob at Labas ng Tahanan" | A Difficult Choice Between Family and the Truth

Setyembre 5, 2022

Ang buong pamilya ni Li Mingyi ay nananalig sa Diyos, at siya at ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Li Lan ay masigasig na gumugol para sa Diyos. Ginampanan ni Li Mingyi ang kanyang mga tungkulin sa ibang lungsod sa loob ng dalawang taon, ngunit pagkatapos niyang bumalik sa kanyang bayan, nalaman niya na madalas magsalita ng doktrina ang kanyang kapatid na babae, at pinagagalitan ang iba mula sa posisyon kapag dinidiligan nito ang mga baguhan. Maraming beses na sinuportahan at tinulungan ni Li Mingyi si Li Lan, umasang hahanapin nito ang katotohanan at lulutasin ang sarili nitong mga problema. Ngunit hindi nagtagal, nalaman ni Li Mingyi at ng kanyang mga katrabaho na sinupil at ginantihan ni Li Lan ang mga kapatid na nagbigay rito ng payo, kaya tinukoy nila ang mga problema nito para matulungan ito, ngunit ayaw talaga nitong tumanggap. Nagkaroon ng pagkakilala ang mga kapatid kay Li Lan at sunud-sunod na iniulat ang mga problema nito, kaya tinanggal ito ni Li Mingyi at ng kanyang mga katrabaho sa mga tungkulin nito alinsunod sa mga prinsipyo. Ngunit hindi nasiyahan si Li Lan tungkol dito, inatake at hinusgahan nito ang mga lider at diyakono sa mga pagtitipon, sinasabing sinupil nila ito, niligaw nito ang mga kapatid, dinala ang mga tao sa panig nito, at ginulo ang mga kapatid habang binabasa nila ang salita ng Diyos sa mga pulong. Napagtanto ni Li Mingyi na ang kanyang kapatid na babae ay isang masamang tao at dapat na itiwalag, ngunit natakot siyang mawala nito ang pagkakataon sa kaligtasan, kaya't natagpuan niya ang sarili sa mahirap na kalagayan. Pinrotektahan ba niya ang kanyang kapatid na babae batay sa kanyang damdamin, o itiniwalag ba niya ito at pinanatili ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga prinsipyo ng katotohanan? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger