Christian Dance | "Napakasayang Mamuhay sa Harap ng Diyos" | Praise Song

Setyembre 27, 2024

I

Nagtitipon ang mga kapatid sa iglesia;

masaya tayong umaawit at sumasayaw ng papuri sa Diyos.

Purihin ang Diyos, na nagkatawang-tao at pumarito sa mundo

para ipahayag ang katotohanan at iligtas tayo.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos at nara-rapture tayo sa harap ng trono

para makadalo sa piging, para makadalo sa piging.

Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at namumuhay tayo sa harap Niya;

nang may masayang awitan at tawanan, ito ay walang katapusang kagalakan.

II

Kapag nagtatagpo ang mga kapatid, malapit ang damdamin natin sa isa't isa,

at hindi mailarawan ang ating kagalakan.

Nagbabahaginan tayo sa mga salita ng Diyos at nagbabahagi ng ating mga patotoo;

labis na nagagalak ang ating mga espiritu sa pagkaunawa sa katotohanan.

Walang mga ritwal, walang mga regulasyon—lahat ay malaya at napalaya!

Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at namumuhay tayo sa harap Niya;

nang may masayang awitan at tawanan, ito ay walang katapusang kagalakan.

III

Nararanasan ng mga kapatid ang gawain ng Diyos;

tumatanggap at nagpapasakop tayo sa paghatol at pagkastigo Niya.

Iwinawaksi natin ang ating panlilinlang at nagiging matapat tayo.

Minamahal natin ang isa't isa nang walang hadlang.

Nagpapasakop tayo sa katotohanan at hindi kumikilos batay sa mga damdamin.

Sa pamamagitan ng paghatol, nalilinis ang ating katiwalian.

Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at namumuhay tayo sa harap Niya;

nang may masayang awitan at tawanan, ito ay walang katapusang kagalakan.

IV

Mga kapatid, tumindig;

magkaisa tayo sa isip sa pagtupad ng ating mga tungkulin.

Ipalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian at magpatotoo tayo sa Diyos,

upang maisakatuparan ang Kanyang mga layunin.

Masayang umaawit ang mga kapatid nang magkakasama,

napakalakas at napakalinaw ng mga tinig ng papuri.

Tinatamasa natin ang mga salita ng Diyos at namumuhay tayo sa harap Niya;

nang may masayang awitan at tawanan, ito ay walang katapusang kagalakan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin